Niyakap ni Zetty si Rose sa sandaling siya ay bumangon ng kama. “Nasaan ka kagabi, Mommy? Namiss kita!”Hinawakan ni Rose ang ulo ni Zetty at kinausap siya nang mahinhin, “Nag-away ba kayo ng Daddy mo kagabi, at ‘di ka rin kumain ng hapunan? Gutom na gutom ka na siguro!”Tinapik ni Zetty ang kaniyang tiyan at malambing na sinabi, “Nilutuan ako ni Daddy ng noodle soup kagabi, Mommy. Hindi ako nagutom.”“Nilutuan ka niya ng noodle soup?” Nagulat si Rose.“Mm.” Tumango si Zetty.Mahinhin na pinisil ni Rose ang mga pisngi ni Zetty. “Sabi sa ‘yo mayroon siyang mabuting puso sa ilalim ng malamig niyang pag-uugali, eh. ‘Wag mo na siya awayin sa susunod, ha!”Masunuring tumango si Zetty. “Hindi na, Mommy.”Hinatid ni Rose ang tatlong mga bata sa kindergarten pagkatapos ng almusal, pagkatapos ay nagtungo sa opisina sa Bell Enterprise.Iyon ang una niyang araw sa trabaho sa Bell Enterprise.Upang makapagpresenta ng magandang impresyon sa kanyang mga kasamahan, siya ay naglagay ng kaunting makeup
Inangat ni Rose ang kaniyang braso at binigyan ng isang sampal ang pisngi ni Nancy.Slap—Ang lahat ng naroon ay nanigas sa malakas na tunog ng sampal.Hawak-hawak ang mahapding balat ng kaniyang pisngi, tumingin nang masama si Nancy kay Rose. “Ang lakas ng loob mong sampalin ako!”Si Sean Bell ay halatang nagulat.Sa kabila ng pagkamuhi na mayroon siya sa kaniyang kapatid, si Nancy Bell, sinusubukan pa rin ni Sean ang kaniyang makakaya na tanggapin ang babae na ito bilang kaniyang kapatid. Pinipikit ang kaniyang mga mata sa mga pagwawala ni Nancy para lamang panatilihin ang magiliw at eleganteng itsura na pinapakita niya sa harap ng mga nakatatandang Bell.Hindi kailanman pumasok sa kaniyang isipan na ipaghihiganti siya ni Rose Loyle nang ganoong desidido na hinayaan na niya lamang.Ang sarap sa pakiramdam!Gayunpaman, sa harap ng dalawang may espesyal na pagkakakilanlan, hindi mapigilan ni Sean na mag-alala sa mga problemang haharapin ni Rose sa susunod.“Nakita mo, ‘di ba, Sean? Sin
Malamang ay walang alam sa ganoong insidente, si Chairman Bell at nagulat sa mga salitang narinig niya at lumingon upang tumingin kay Nancy sa gulat.Siyempre, halata naman na imposibleng aaminin ni Nancy ang ganoong bagay sa harap ng kaniyang ama. Lalo’t ang ibig sabihin no’n ay pinagbabalakan niya sina Rose at Sean. Ang kaniyang Daddy ay lubos na magugulat, dahil nalaman nito na pinagbalakan niya ang kaniyang kapatid na lalaki.Itinanggi ito ni Nancy Bell, “Nagsisinungaling siya, Daddy.”Malamang, mas pinaniwalaan ni Chairman Bell ang kaniyang anak kaysa kay Rose, lalo na’t hindi naman ganoon kaganda ang reputasyon ni Rose. Mas ginalit lamang siya nito, “Rose Loyle! Ang lakas ng loob mong siraang-puri si Nancy!”Sinasadyang magpakita ng itsura ng pagkagulat, ang sumunod na mga salita ni Rose ay nagsanhi sa mga taong nasa paligid nila na mapanganga.“Iyon ang sinabi sa ‘kin ni Ginoong Ares, Chairman. Kung iyon ba ang katotohanan o hindi, naniniwala akong mas maganda kung kayo na mismo
Sa totoo lang, walang tiyak na ideya si Sean kung ano ang kahalagahan ni Rose kay Jay, kung may sapat bang nararamdaman si Jay kay Rose para gawing kalaban ang Bell Enterprise. Gayunpaman, si Jay lamang ang maaari niyang takbuhan sa ngayon.“Master Ares. Si Rose… Nakuha siya ng aking ama.” Sabi ni Sean nang may pinipigil na pagkabahala at kawalan ng palagay.“Ano’ng ibig mong sabihin?” Ang gwapong mga katangian ni Jay ay agad na nanigas, naglalabas ng tila nakakasakal na aura.“Nakipag-away siya sa kapatid ko…” Tila iniisip na hindi ito naintindihan ni Jay, ginawa ni Sean ang kaniyang makakaya upang pakalmahin ang nagwawala niyang puso para maipaliwanag niya nang mas maayos ang sitwasyon.Para lamang babaan siya ni Jay. Nalilito, tumitig si Sean sa kaniyang telepono sa kaniyang mga kamay, ‘Ano’ng ibig niyang sabihin?‘Pupunta ba siya rito upang iligtas si Rose o hindi?’Habang tumatayo mula sa itim niyang sofa, naglabas si Jay ng natural na aura ng isang lalaki na dapat ay nakatayo sa
Ang Chairman ay bahagyang naginhawaan. “Tama ka. Si Master Ares ay isang negosyante na ang kumita lamang ang lubos na inaalala, imposible naman na kakalabanin niya nag Bell Enterprise para lamang sa isang babae.”Lumilingon upang tumingin kay Rose, napakunot ang mga kilay niya sa ‘di gumagalaw na katawan sa sahig. “Mga babae talaga. Mahina ang pagtitiis sa sakit. Itapon niyo nga siya sa labas.”Ang mga bodyguard ng chairman ay naglalakad na patungo sa katawan ni Rose nang bigla, ang mga pinto sa opisina ng Chairman ay sinipa pabukas.Ito ay isang malakas na tunog na inakit ang atensyon ng lahat, nagsasanhi sa mga ulo na mapalingon sa gulat.Sa pinto ay dalawang lalaki na mayroong itim na kasuotan at salamin. Nakasisindak na mga lalaki, nakatindig sa tabi ng pintuan.Sa likod nila ay isa pang anyo na nakatingala, pumapasok sa siid nang may hangin ng kayamanan at kataas-taasan.Nang makita ang mukha ng taong ito, agad na napatayo ang Chairman nang may ngiti.Ang malalambot na katangian n
Si Jay Ares ay dumating at umalis na parang isang bagyo, nag-iiwan ng mga bakas ng kahihiyan sa kaniyang dinaanan. Binabato ang Bell Enterprise sa bagong antas ng pagkagulo.Dahil sa binigay sa kaniyang kautusan, nanatili si Grayson upang imbestigahan ang mga pinsalang natamo ni Rose. Si Grayson ang pisikal na sagisag ng mapanakop na dangal ng Grand Asia.“Chairman Bell, nais malaman ng aking presidente kung sino ang mga tao sa likod ng pinsala ni Rose Loyle—” sabi ni Grayson, kung hindi niya nalinaw ang kaniyang sarili, “Para mas malinaw, ang lahat ng taong sangkot sa direkta o hindi direktang pagsasanhi kay Rose ng pinsala. Lubos akong magpapasalamat kung magpapakumbaba si Ginoong Chairman upang ibigay ang kanilang mga pangalan, bilang kautusan ng aking Presidente.”Si Chairman Bell ay walang masabi. Dahil lamang si Jay ay isang hindi natatalong negosyante, hindi ibig sabihin no’n na katatakutan niya ang malapit na tauhan ni Jay.“Ang Grand Asia at Bell Enterprise ay matagal nang mag
Siya ay lubos na natakot.Bigla niyang napagtanto na walang bagay sa mundong ito ang may kayang palitan si Angeline.Ibibigay niya ang kaniyang kayamanan kung magsisiguradong magbibigay ito ng masayang buhay sa kaniya.Ibibigay niya ang kaniyang buhay kung iyon ay nangangahulugan na makakalabas si Angeline dito nang buhay.Basta’t siya ay gising, ang bawat pag-aaway na magkakaroon sila mula sa sandaling iyon ay magiging sulit.Ang mga segundo ay parang mga minuto na parang mga oras sa paglipas ng oras na parang buhangin sa isang hourglass.Pakiramdam ni Jay ay isang siglo na ang nakalipas.Pagkatapos no’n ay saka lamang bumukas ang pinto sa Intensive Care Unit. Mabilis na humakbang papalapit si Jay upang harapin ang doktor. “Kumusta siya?” Tanong ni Jay, tila nananabik at natatakot sa pagsuri ng doktor.“Ang buhay ng pasyente ay malayo na sa panganib, Ginoong Presidente.”Nang marinig siya, ang natatakot na ekspresyon ni Jay ay naging isang ngiti.Gayunpaman, nagpatuloy mag-ulat ang do
Muling binisita ng antok si Rose pagkatapos ng maikling sandali ng pagkagising.Pinayuhan ng doktor si Jay na hayaang matulog ang pasyente, dahil siya ay nakaranas ng maliit na pinsala sa ulo at maaaring makaranas ng mild concussion. Ang ganoong mga pasyente ay espesyal na matamlay.Hindi pinaplano na istorbohin si Rose, tahimik na umupo si Rose habang pinapanood si Rose na matulog. Nang hindi ito napagtatanto, isang patak ng luha ang nahulog sa likod ng kaniyang mga kamay.Walang sinuman ang inasahan na ang malamig at walang pakiramdam na si Jay Ares na hindi pa dati umiyak, ay luluha para sa isang babae!Sa sandaling iyon, sa wakas ay naintindihan na ni Jay ang kasabihan na, ‘ang lalaki ay hindi umiiyak hanggang sa mawasak ang kaniyang puso!’Marahan na kinukumutan si Rose, marahan niyang hinalikan si Rose bago tumalikod upang umalis sa silid.Kumuha siya ng maliit na mangkok ng lugar mula sa isang tindahan sa baba at sumagot ng isang tawag bago siya bumalik sa silid ni Rose, para la