Sa totoo lang, walang tiyak na ideya si Sean kung ano ang kahalagahan ni Rose kay Jay, kung may sapat bang nararamdaman si Jay kay Rose para gawing kalaban ang Bell Enterprise. Gayunpaman, si Jay lamang ang maaari niyang takbuhan sa ngayon.“Master Ares. Si Rose… Nakuha siya ng aking ama.” Sabi ni Sean nang may pinipigil na pagkabahala at kawalan ng palagay.“Ano’ng ibig mong sabihin?” Ang gwapong mga katangian ni Jay ay agad na nanigas, naglalabas ng tila nakakasakal na aura.“Nakipag-away siya sa kapatid ko…” Tila iniisip na hindi ito naintindihan ni Jay, ginawa ni Sean ang kaniyang makakaya upang pakalmahin ang nagwawala niyang puso para maipaliwanag niya nang mas maayos ang sitwasyon.Para lamang babaan siya ni Jay. Nalilito, tumitig si Sean sa kaniyang telepono sa kaniyang mga kamay, ‘Ano’ng ibig niyang sabihin?‘Pupunta ba siya rito upang iligtas si Rose o hindi?’Habang tumatayo mula sa itim niyang sofa, naglabas si Jay ng natural na aura ng isang lalaki na dapat ay nakatayo sa
Ang Chairman ay bahagyang naginhawaan. “Tama ka. Si Master Ares ay isang negosyante na ang kumita lamang ang lubos na inaalala, imposible naman na kakalabanin niya nag Bell Enterprise para lamang sa isang babae.”Lumilingon upang tumingin kay Rose, napakunot ang mga kilay niya sa ‘di gumagalaw na katawan sa sahig. “Mga babae talaga. Mahina ang pagtitiis sa sakit. Itapon niyo nga siya sa labas.”Ang mga bodyguard ng chairman ay naglalakad na patungo sa katawan ni Rose nang bigla, ang mga pinto sa opisina ng Chairman ay sinipa pabukas.Ito ay isang malakas na tunog na inakit ang atensyon ng lahat, nagsasanhi sa mga ulo na mapalingon sa gulat.Sa pinto ay dalawang lalaki na mayroong itim na kasuotan at salamin. Nakasisindak na mga lalaki, nakatindig sa tabi ng pintuan.Sa likod nila ay isa pang anyo na nakatingala, pumapasok sa siid nang may hangin ng kayamanan at kataas-taasan.Nang makita ang mukha ng taong ito, agad na napatayo ang Chairman nang may ngiti.Ang malalambot na katangian n
Si Jay Ares ay dumating at umalis na parang isang bagyo, nag-iiwan ng mga bakas ng kahihiyan sa kaniyang dinaanan. Binabato ang Bell Enterprise sa bagong antas ng pagkagulo.Dahil sa binigay sa kaniyang kautusan, nanatili si Grayson upang imbestigahan ang mga pinsalang natamo ni Rose. Si Grayson ang pisikal na sagisag ng mapanakop na dangal ng Grand Asia.“Chairman Bell, nais malaman ng aking presidente kung sino ang mga tao sa likod ng pinsala ni Rose Loyle—” sabi ni Grayson, kung hindi niya nalinaw ang kaniyang sarili, “Para mas malinaw, ang lahat ng taong sangkot sa direkta o hindi direktang pagsasanhi kay Rose ng pinsala. Lubos akong magpapasalamat kung magpapakumbaba si Ginoong Chairman upang ibigay ang kanilang mga pangalan, bilang kautusan ng aking Presidente.”Si Chairman Bell ay walang masabi. Dahil lamang si Jay ay isang hindi natatalong negosyante, hindi ibig sabihin no’n na katatakutan niya ang malapit na tauhan ni Jay.“Ang Grand Asia at Bell Enterprise ay matagal nang mag
Siya ay lubos na natakot.Bigla niyang napagtanto na walang bagay sa mundong ito ang may kayang palitan si Angeline.Ibibigay niya ang kaniyang kayamanan kung magsisiguradong magbibigay ito ng masayang buhay sa kaniya.Ibibigay niya ang kaniyang buhay kung iyon ay nangangahulugan na makakalabas si Angeline dito nang buhay.Basta’t siya ay gising, ang bawat pag-aaway na magkakaroon sila mula sa sandaling iyon ay magiging sulit.Ang mga segundo ay parang mga minuto na parang mga oras sa paglipas ng oras na parang buhangin sa isang hourglass.Pakiramdam ni Jay ay isang siglo na ang nakalipas.Pagkatapos no’n ay saka lamang bumukas ang pinto sa Intensive Care Unit. Mabilis na humakbang papalapit si Jay upang harapin ang doktor. “Kumusta siya?” Tanong ni Jay, tila nananabik at natatakot sa pagsuri ng doktor.“Ang buhay ng pasyente ay malayo na sa panganib, Ginoong Presidente.”Nang marinig siya, ang natatakot na ekspresyon ni Jay ay naging isang ngiti.Gayunpaman, nagpatuloy mag-ulat ang do
Muling binisita ng antok si Rose pagkatapos ng maikling sandali ng pagkagising.Pinayuhan ng doktor si Jay na hayaang matulog ang pasyente, dahil siya ay nakaranas ng maliit na pinsala sa ulo at maaaring makaranas ng mild concussion. Ang ganoong mga pasyente ay espesyal na matamlay.Hindi pinaplano na istorbohin si Rose, tahimik na umupo si Rose habang pinapanood si Rose na matulog. Nang hindi ito napagtatanto, isang patak ng luha ang nahulog sa likod ng kaniyang mga kamay.Walang sinuman ang inasahan na ang malamig at walang pakiramdam na si Jay Ares na hindi pa dati umiyak, ay luluha para sa isang babae!Sa sandaling iyon, sa wakas ay naintindihan na ni Jay ang kasabihan na, ‘ang lalaki ay hindi umiiyak hanggang sa mawasak ang kaniyang puso!’Marahan na kinukumutan si Rose, marahan niyang hinalikan si Rose bago tumalikod upang umalis sa silid.Kumuha siya ng maliit na mangkok ng lugar mula sa isang tindahan sa baba at sumagot ng isang tawag bago siya bumalik sa silid ni Rose, para la
Habang binabasa ang love letter, nagsimula siyang i-delete ang bawat salita roon...Ang kaniyang mga mata ay basa ng luha noong siya ay magpaalam kay Jay, “Paalam, Jaybie. Aalis na talaga ako ngayon, hindi mo na ako makikita muli.”Hinihila ang saline syringe na nasa likod ng kaniyang kamay, umalis si Rose ng ospital nang walang nakakapansin.Agad-agad, sa pagbalik niya sa kaniyang kumpanya, nakatanggap si Jay ng isang emergency call mula sa Grand Asia Hospital. “Patawarin mo kami, Ginoong Presidente. Si Binibining Rose ay nawawala sa kaniyang higaan.”Nang marinig ang balita, naramdaman ni Jay ang pagtaas ng kaniyang balahibo. Dumaan ito sa buo niyang katawan. Pagkatapos no’n, nang maalala ang panahon noong iniwan siya nito noong nakaraang pitong taon, nagsimulang kumalat ang pagkabahala sa kaniyang dibdib. Ang nakaraang insidente na nagsanhi sa kaniya na walang mapala sa kabila ng paghahanap ng kaniyang mga tauhan sa buong siyudad.“Grayson. Gusto kong mapasara ang labasan sa siyudad
Pagkatapos paandarin ang kotse, nagtungo si Jay sa direksyon ng paliparan para lamang baguhin ang kaniyang patutunguhan pagkatapos makatanggap ng biglang tawag mula kay Grayson.“Ginoong Presidene, mayroong nag-ulat sa ‘kin na may nakakita kay Rose sa harap ng Eminent Honor. Gayunpaman, siya ay sandali lamang na naroon bago siya maglaho muli. Iyon ang huling kinaroroonan ni Rose Loyle na mayroon tayo. Sa ibang salita, isang oras na ang nakalipas simula noong mawala siya sa paningin natin.”“Sige, nakuha ko. Ipagpatuloy niyo lang ang paghahanap!” Binababa ang telepono, niliko ni Jay ang kotse pabalik at nagmaneho patungo sa direksyon ng Swallow City.Sa katunayan, walang kasiguraduhan na si Rose ay nasa Swallow City. Naisip lamang ni Jay na dahil hindi pa sinusukuan ni Rose ang Severe Enterprise, marahil ay pupunta siya roo upang bisitahin din ang kaniyang lolo—si Old Master Severe.Kahit na ang Swallow City ay 120 kilometro ang layo mula sa Imperial Capital, nakapunta roon si Jay sa il
Kaunting paghihinala ang lumitaw sa mga mata ni Mommy Severe.Nang nakasunod ang dalawang mga bata, tumakbo si Jay patungo sa interseksyon kung saan nakita niya si Rose na palakad-lakad habang hawak sa isang kamay si Zetty at ang kaniyang bagahe naman sa kabila.“Si Mommy!” Muntik nang mapahiyaw si Robbie sa pananabik.Tinakpan ni Jay ang kaniyang bibig at bumulong sa mga bata, “Magtago muna tayo sa ngayon, para hindi natin matakot si Mommy, okay?”Mabilis ding nilagay ni Robbie ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig, “Ano na ang gagawin natin ngayon, Daddy?”“Sundan natin patago si Mommy.”“Sige.”Pagdating sa isa sa mga ari-arian ng Severe Enterprises—ang À La Recherche Du Temps Perdu Hotel, nilabas ni Rose ang kaniyang identity card at nag-book ng isang silid para sa gabing iyon.Pagkatapos lamang masigurado na umakyat na si Rose sa kaniyang silid ay saka lamang dinala ni Jay sina Robbie at Jenson sa loob.Sumesenyales gamit ang kaniyang mga mata, inakit ni Robbie ang mga babae sa rec