Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1841 - Kabanata 1850

2479 Kabanata

Kabanata 1841

Noong narinig ni Adam ang mga sinabi ni Carter, hindi niya mapigilang mainsulto.“Bakit naman ako magkakaroon ng parehong layunin sa isang taong gaya mo?”“Sigurado ka ba?” Binalik ni Carter ang tanong kay Adam ng nakangiti. “Ayaw mo bang ayusin ang pilat sa mukha ng kapatid mo? Ayaw mo ba siyang makita na makatayo ulit balang araw?”Sandaling natulala si Adam nang marinig niya ang sinabi ni Carter.Yung totoo, hindi niya inasahan na dadalhin siya dito ni Carter dahil dito.Nagulat din si Cathy sa kanyang narinig, ngunit tila makatwiran ito para sa kanya.Noon pa man, naramdaman na ni Cathy na may nararamdaman si Carter para kay Shirley, ngunit nakatago ang mga emosyon niya.Subalit, hindi alam ni Shirley kung ano ang dahilan kung bakit dinala ni Carter sila Adam at Cathy sa Gray Manor. Nasa kwarto na niya si Shirley, nag-iisip siya kung bababa ba siya ulit noong pumasok sa kwarto niya si Ada.Noong nakita ni Ada ang nag-aalalang ekspresyon sa mukha ni Shirley, ngumiti si Ada,
Magbasa pa

Kabanata 1842

”Tama na ‘tong walang kwetang usapan na ‘to,” Biglang nagsalita si Shirley, “Layuan mo na lang ako. Huwag na huwag mong pagbabalakan ng masama ang batang nasa sinapupunan ko. Kung hindi, ipaparanas ko sayo kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng isang binti o ang masira ang mukha mo.”“Pinagbabantaan mo ba ako?” Nagalit si Ada; dumilim at pumangit ang ekspresyon niya. “Sa tingin mo ba magagawa mo na ang anumang gusto mo dahil pinagbubuntis mo ang anak ni Carter? Sinasabi ko sayo, Shirley. Kung gusto kong patayin yang bata sa sinapupunan mo, hindi ko na kakailanganin pang kumilos. Maghintay ka lang!”Galit na galit na binalaan ni Ada si Shirley. Aalis na sana si Ada, ngunit nakatayo si Camille sa tapat ng pintuan ng kwarto.“...” Agad na namutla ang mukha ni Ada. Hindi niya alam ang gagawin niya habang pinagmamasdan niya si Camille na papasok ng kwarto. “Mom.”Tumingin ng masama si Camille kay Ada. “Ano na? Dahil hindi mo kailangang kumilos, kaninong kamay ang gagamitin mo para patayi
Magbasa pa

Kabanata 1843

Nanay ng anak niya.Nanginig ang puso ni Shirley sa mga salitang ito.Naguguluhang tumingin si Shirley kay Carter at sinabing, “Huwag mo siyang pagbabalakan ng masama.”Binalaan ni Shirley si Carter; seryoso ang kanyang ekspresyon.“Iba siya satin. Huwag mo siyang saktan.”Noong narinig ni Carter ang mga sinabi ni Shirley, kumibot ang mga labi niya, nagkaroon ng ngiti sa kanyang mga labi.“Tayo? Kung ganun, iniisip mo pa rin na may relasyon tayo.”“...” Hindi makapagsalita si Shirley. Hindi niya inasahan na papansinin ni Carter ang ganun kaliit na detalye.Pagkatapos ay narinig niya na nagpatuloy sa pagsasalita si Carter."Dati, parang nagseselos ka at galit na galit ka kay Adam noong magkasama tayo. Pero ngayon, mukhang kinakabahan ka at nag-aalala ka para sa kapatid mo. Mahirap ka talagang maintindihan." Nang marinig ni Shirley ang mga pang-iinsulto ni Carter, tumingin si Shirley sa mga mata ni Carter at nagpanggap siya na wala siyang pakialam. "Sinabi ko na sayo noon. G
Magbasa pa

Kabanata 1844

Tumingin si Shirley kay Ada. "Ipapaalam sayo ni Carter ang mga ginagawa niya?" Natawa si Ada. Hindi ba pwedeng nalaman ko kahit na ayaw niyang malaman ko? Kung hindi ka naniniwala sakin, huwag mo akong sundan. "Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod si Ada at naglakad siya sa hardin. Pagsilip niya sa likod niya, nakita niya si Shirley na sumusunod sa kanya. Napangiti si Ada, masaya siya na gumana ang plano niya. Napansin ni Shirley ang pagngisi ni Ada, ngunit hindi na nagpaabala si Shirley dito. Ito ang Gray Manor. Kahit na may tapang pa ng mga diyos si Ada, hindi siya mangangahas na saktan si Shirley.Subalit, nagulat si Shirley sa kung gaano kalaki ang villa. Kahit na ilang minuto na silang naglalakad, nasa hardin pa rin sila.Alam niya na pinaghirapan ni Carter na makuha ang Glendale.Nagsisimula nang maghanda si Carter noong inutusan siyang lumapit kay Jeremy.Noon pa man ay isa na siyang tao na tanging tagumpay lamang ang tinatanggap–hindi siya makakapayag na mabigo; h
Magbasa pa

Kabanata 1845

Noong narinig ni Shirley ang tanong ni Carter, na may bahid ng inis sa kanyang tono, dahan-dahan niyang nilapag ang anti-toxoid test reagent at pinaandar niya ang kanyang wheelchair papunta sa lababo.Ginagawa lang niya ang dapat niyang gawin, naghugas siya ng kamay, at pagkatapos ay sinuot niya ang maskara at isang pares ng gloves, at bumalik siya sa tapat ng mesa bago siya sumagot kay Carter.“Mr. Gray, gusto ko nang simulan ang trabaho ko ngayon. Please umalis ka na.”Sumama ang loob ni Carter sa sinabi ni Shirley. Subalit, nang maisip niya na hindi pwedeng maantala ang paggawa ng anti-toxoid test reagent, sumunod siya sa kagustuhan ni Shirley.Gaya ng inaasahan, hindi niya iniwan ng walang bantay si Shirley sa laboratoryo.Paglabas niya ng laboratoryo, binuksan niya ang monitoring software sa kanyang phone upang mabantayan niya ang bawat kilos ni Shirley sa laboratoryo.Subalit, walang ginawang kahina-hinala si Shirley. Ginawa niya ang mga dapat niyang gawin.Sumimangot si C
Magbasa pa

Kabanata 1846

”Yung lalaking nagngangalang Adam ba?”“Oo, siya yun. Hindi niya hahayaang manatiling ganito ang itsura ni Shirley. Pagagalingin niya siya sa laling madaling panahon upang bumalik ang dati niyang itsura." Sigurado si Carter dito. Napanatag ang kalooban ni Camille sa mga sinabi niya. "Kung ganun, aabangan ko ang pagsilang sa apo ko." Ngumiti siya at bumuntong hininga siya. "Sa katunayan, kung hindi siya umalis ng hindi man lang nagpapaalam noon, baka naikasal na kayo, at baka dalawa o tatlo na ang anak niyo ngayon. Hindi ko alam kung anong iniisip niya noon." Pinakinggan ni Carter ang mga sinasabi ni Camille; pareho ang mga katanungan sa isip nila at may bakas din ng sama ng loob sa kanyang puso. Subalit, hindi na siya nagsalita pa. Kung mapanghahawakan niya siya ngayon, makakabawi siya sa nasayang nilang oras. Pagkatapos pakinggan ni Ada ang usapan nila, galit siyang bumalik sa kanyang silid at tinawagan niya ang kanyang nanay. Nang marinig niya ang sinabi ni Ada, na
Magbasa pa

Kabanata 1847

Hindi napansin ni Shirley na may kakaiba kay Ada, nakatuon lamang ang kanyang isip sa paggawa ng anti-toxoid test reagent sa loob ng pinakamaikling panahon. Sa sandaling ito, nakatuon si Shirley sa kanyang mga eksperimento, tinitiyak niya na ligtas at epektibo ang kakalabasan nito.Ilang araw nang nanatili sina Adam at Cathy sa Grey Villa. Ang kanilang mga galaw ay limitado sa maliit na bahay na kanilang tinitirhan.Kahit na naibibigay sa kanila ang pang-araw-araw nilang pangangailangan, hindi pa rin sila naging komportable.Ang tanging nasa isip lang ni Adam ay ilayo si Shirley sa lugar na ito. Nag-aalala siya sa kalagayan ni Shirley. Higit pa rito, nakumpirma din niya na mapanganib si Carter.Sa sandaling ito, isang katulong ang naghatid ng kanilang almusal, at nalaman ni Adam mula sa katulong na nakatakdang lumabas si Carter mamaya.Mukhang magandang pagkakataon iyon para kay Adam, ngunit medyo nag-alinlangan si Cathy."Yung totoo, Adam, balak ng ate mo na manatili noon para g
Magbasa pa

Kabanata 1848

Nagawa niya ang lahat ng iyon dahil pakiramdam niya ay mahal ni Carter si Shirley. Napagtanto niya na hadlang sa kanya si Shirley, kaya binayaran niya ang isang tao para dukutin si Shirley, na nakakulong noon sa lumang villa ni Jeremy.Gamit ang pangalan ni Madeline, sinira ni Ada ang mukha ni Shirley at sinugatan niya ang kanyang binti. Dahil dito, si Shirley ay nabangga ng isang kotse sa kanyang pagtatangka na makatakas, na humantong sa pagkalumpo ng kanyang mga binti.Nagsimula ang lahat dahil sa selos niya!"Maghintay ka, Adam. Pareho kayong nakakainis ng ate mong si Shirley!" Galit na galit na babala ni Ada, ang kahihiyan na naramdaman niya ay nagpapasiklab sa kanyang galit."Di magtatagal, ipapaalam ko rin sa iyo ang kabayaran sa pagkalaban mo sa akin!""Huwag mong subukang bigyan ng halaga ang presensya mo dito. Wala kaming oras na kalabanin ka. Ikaw yung patuloy na nanggugulo samin," malamig na sagot ni Adam, at hindi niya binigyan si Ada na makipagtalo.Noong una, pumunt
Magbasa pa

Kabanata 1849

Naghahanap lang ng dahilan si Ada para dalhin si Shirley sa kinaroroonan nina Adam at Cathy. Sa hindi inaasahang pagkakataon, si Shirley ang kusang nagpunta sa kanila.Lihim na natuwa si Ada ngunit nagkunwari siya na hindi niya gusto ang pinag-uutos ni Shirley."Shirley, nakita mo ang nangyari noong nakaraan. Dinala kita para makita ang kapatid mo, at nalaman ito ni Carter. Hindi ko na balak suwayin ulit ang utos ni Carter.""Pero hiniling din ni Carter na igalang mo ang lahat ng kahilingan ko habang inaalagaan mo ako. Gusto kong makita ang kapatid ko ngayon. Kaya mo ba akong tanggihan?"Bilang tugon sa mga salitang iyon, nagkunwaring hindi nasisiyahan si Ada, at nagkunwari siyang nakikipagkompromiso siya."Kung ganun dapat makunsensya ka, Shirley. Kapag umuwi si Carter at nalaman niya na dinala kita sa kapatid mo, dapat mong ipaliwanag sa kanya na pinilit mo akong ihatid ka."Si Shirley, na walang kamalay-malay na bahagi ito ng plano ni Ada upang makaiwas sa mga bintang, ay suma
Magbasa pa

Kabanata 1850

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Ada.“Carter, alam ko na madalas masama ang ugali ko, pero hindi ako ganun kasama. Dapat mong samahan si Ms. Brown. Siguradong hindi maganda ang nararamdaman niya ngayon…”Nang hindi na hinintay na matapos ni Ada ang kanyang pagsasalita, iniwan siya ni Carter at dire-diretsong naglakad papunta kay Shirley.Patagilid na sumulyap si Carter sa sunog na bahay na nasunog hanggang sa frame nito. Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang malanghap niya ang amoy nito.Lumapit siya kay Shirley, ibinaba ng bahagya ang katawan, at magsasalita na sana siya nang hindi inaasahang nagtaas ng kamay si Shirley at sinampal siya.Natulala si Carter. Nanatiling nakatagilid ang kanyang mukha, tila walang reaksyon, at hindi gumagalaw.Nasaksihan ni Ada at ng mga katulong sa malapit ang buong eksena, at lahat sila ay nagulat.Hawak ni Carter ang posisyon bilang kagalang-galang na Viscount ng St. Piaf; dala niya ang dugo ng maharlika.Mula pa noong bata siya, sino
Magbasa pa
PREV
1
...
183184185186187
...
248
DMCA.com Protection Status