Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1801 - Kabanata 1810

2479 Kabanata

Kabanata 1801

Pamilyar si Fabian para kay Madeline dahil simula nang makarating siya rito, sina Fabian at Evan ang kanyang madalas na makita. Nakikita niya na sinadyang harangan ni Fabian ang pinto pero wala siyang balak na umatras. Sa sandaling humakbang siya paharap, hinila ni Jeremy ang kanyang braso na tumakbo mula sa kanyang likuran. "Maniwala ka sa'kin, Linnie. Hindi ako nagsisinungaling sa'yo. May sakit ka talaga. Kapag naturukan ka ng injection na to, malalaman mo na hindi ako nagsisinungaling sa'yo." Tapat itong diniin ni Jeremy sa pag-asang papaniwalaan siya ni Madeline. Ngunit, gusto lang ni Madeline na kumawala sa kanyang hawak. "Imposibleng magtiwala ako sa'yo ulit, Jeremy. Wala na akong nararamdaman para sa'yo!" "Linnie.""Lahat kayo, umalis kayo. Kahit na mamatay pa ako, hindi ako mamamatay sa mga kamay ninyo." Desperadong nagpumiglas si Madeline para luwagan ang hawak ni Jeremy, balak niyang itulak si Fabian at tumakbo palabas pagkatapos. Ngunit mas matigas ang loob
Magbasa pa

Kabanata 1802

Tinignan ni Evan ang likod ni Jeremy habang nagmamadaling umalis si Jeremy, at nalito si Evan. "Fab, ano yung tinurok ni Jeremy sa kanya kanina? Bakit parang mas epektibo pa yun kesa sa pampatulog?" Sinulyapan ni Fabian ang anyo ni Jeremy habang palayo nang palayo ito, pagkatapos ay kumunot ang kanyang noo. "Gumaling? Kung kagaya ito ng nakaraan, sa tingin ko hindi ganoon kadali na tuluyan siyang gumaling." "Kagaya ng nakaraan?" Naging interesado ulit si Evan. Ngunit hindi nagpatuloy si Fabian. Hindi na niya gustong banggitin ang masamang bagay na ginawa ni Lana noon. Sumugod si Jeremy sa gitna ng gabi nang hindi nag-aayos. Sa kasalukuyan, nagrenta siya ng isang kwarto sa isang malapit na hotel. Nang kukuha siya ng kwarto, inisip ng customer service lady na baka may masamang intensyon si Jeremy kay Madeline nang makita niya ang walang malay na si Madeline sa mga kamay ni Jeremy, hanggang sa pinakita ni Jeremy ang larawan ng kanilang marriage certificate. Pagkatapos ay pinagpa
Magbasa pa

Kabanata 1803

Lumingon si Cathy nang marinig niya ang ingay at nakita niya si Shirley na bumagsak sa lapag. Nakatumba ang wheelchair sa tabi ni Shirley at nakahandusay siya sa lapag nang hindi makatayo. Nang makita niya ang sitwasyon, mabilis na bumalik si Cathy at lumapit. Lumuhod si Cathy para tulungan si Shirley pero tinanggihan siya nito at hinawi ang kanyang kamay. "Hindi ko kailangan angawa mo!" Kinagat ni Shirley ang kanyang mga labi, ang kanyang mga mata ay may kinang ng pangmamaliit sa sarili. "Ang saya-saya siguro ni Adam na makita akong nagkakaganito, ano? Kaya niyang ayusin ang itsura ko, pero hindi niya ko gustong operahan! Ikaw rin." Tinitigan ni Shirley si Cathy nang nakasara ang kamao. "Hindi mo talaga ako balak na tulungan. Napipilitan ka lang na alagaan ang isang walang kwentang taong kagaya ko dahil kay Adam!" "Kung ganon, alam mo palang pinipilit mo lang ito sa iba?" Biglang pumasok si Adam mula sa pinto. Huminto sandali si Shirley bago tumawa nang malamig. "Hehe.
Magbasa pa

Kabanata 1804

"Adam, halika rito at tulungan mo ko."Naintindihan ni Adam ang ibig sabihin ni Cathy, pero ang totoo, balak naman niya talagang tumulong. Subalit, alam ni Shirley na sinusubukan siyang tulungan nina Cathy at Adam sa sandaling ito, pero nagpanggap siyang nag-iisip nang malalim at tahimik na tinanggap ang mabuting intensyon nina Cathy at Adam. Nagsimulang lumubog ang araw. Pinarada ni Adam ang kotse niya sa pinto ng pinakamagarang hotel sa Glendale. Kahit na hindi pa nagsisimula ang wedding banquet, bumabaha na ang mga panauhing pumapasok sa pintuan. Nakaupo si Shirley sa likuran ng kotse, pinapanood niya ang mga panauhin na pumasok sa pangunahing pintuan. Ang totoo, pamilyar siya sa maraming tao rito. Engrande ang wedding ceremony ni Carter. Isang araw bago ang kasal, napuno ang internet ng balita ng kanyang kasal. Ang kagalang-galang na viscount ng St. Piaf ay ikakasal na at nakatawag ito ng pansin ng maraming tao. Dagdag pa roon, sa sandaling lumitaw sa internet ang
Magbasa pa

Kabanata 1805

Naalala ni Cathy na nakita niya ang pangalan ng bride sa wedding invitation card, pero hindi ito pamilyar sa kanya at naniniwala siya na hindi niya kilala ng bride. Umiling si Cathy. "Hindi ko alam." "Hmph. Syempre di mo alam." Ngumiti si Shirley at para bang kinakausap ang kanyang sarili. "Maituturing siyang childhood sweetheart ni Carter, pero matagal na niyang kinaayawan ang babaeng to, sobra niya siyang kinaaayawan na ginamit pa niya si Madeline para paalisin siya sa buhay niya." Tungkol sa engagement ni Carter kay Madeline, alam ni Cathy ang ilang parte tungkol dito, pero hindi niya alam ang katotohanan na ginagamit ni Carter si Madeline para itaboy ang isa pang babae. Ngunit sa gabing iyon, papakasalan niya ang babaeng gusto niyang itaboy. Nakakatawa ito para kay Cathy. Ngunit pagkatapos niyang maisip ang katayuan ni Carter, nakikita niya na mayroong lohikal na dahilan sa likod nito. "Malapit ka ba sa bride?" Simpleng tanong ni Cathy. "Hindi," sagot ni Shirley
Magbasa pa

Kabanata 1806

Sa totoo lang, hindi rin inasahan ni Carter na magpapakita siya kasama ni Ada sa harapan ng mga kaibigan at kamag-anak niya sa ganitong paraan. Ngunit matapos maisip kung paano siya makikinabang, tinanggap niya ang alok ni Camille. Gusto niyang maging tigapagmana ng St. Piaf, at para magawa ito, kakailanganin niya ang tulong mula sa pamilya ni Ada. Tulad rin niya, akala ni Ada wala na siyang tyansang maging viscountess at hindi niya rin inakalang lalapitan siya ni Camille. Nahanap na ni Ada ang halaga niya. Sa sandaling iyon, lumakas ang loob ni Ada habang naglalakad sa tabi ni Carter. Naniwala siya na walang ibang babaeng makakakontra sa posisyon niya bilang ang viscountess. Nagkaroon ng nasasabik at matagumpay na ngiti si Ada habang hawak ang isang bouquet, isa-isang humahakbang nang elegante siyang maglakad patungo sa banquet hall. Lumingon siya para tumingin kay Carter. Sa gabing ito, ang gwapo at elegante niyang tingnan, habang presko at matikas ang dating na nagpaki
Magbasa pa

Kabanata 1807

Umupo si Cathy at Shirley sa isang hindi kapansin-pansin na posisyon sa isang sulok at sa sandaling iyon nakita nila si Carter na mukhang palapit sa kanila. Tumingin si Cathy kay Shirley. Kahit na nakasuot ito ng maskara, nakikita pa rin ni Cathy ang kaba sa mata ni Shirley. Naguguluhan si Shirley dahil sa pagmamahal niya kay Carter. Kung hindi sahil sa pagmamahal niya, haharapin niya ito nang walang-bahala. Ngunit ang katotohanan, hindi niya mapakawalan ang nararamdaman niya. Mahal na mahal niya ito at dinala siya nito sa araw na ito. Natural na nakita ni Shirley si Carter na naglalakad palapit sa kanya. Talagang kinabahan siya nang sobra at nagsimulang pagpawisan ang kanyang palad. Ayaw niyang harapin si Carter ngunit ang titig niya ay naaakit dito. Mukhang napansin ito ni Carter at tumitig din siya kay Shirley. Nang magsimulang mabahala si Shirley at naisip na titingin na sa kanya si Carter, biglang huminto ito sa paglalakad at magalang nitong binati ang isang matand
Magbasa pa

Kabanata 1808

Di niya magawang maisip ang eksenang may kasamang ibang babae si Carter, na para bang ang maisip lang ito ay sumasama na ang pakiramdam ng sikmura niya. Gusto niyang sumuka ngunit walang lumalabas. Para hindi magtaka si Cathy, kaagad na pinakalma ni Shirley ang kanyang sarili at inikot ang kanyang wheelchair palabas ng banyo. Nang makita ni Cathy ang maputlang mukha ni Shirley, nag-alok siya, “Bakit di na tayo umuwi?” “Masyado pang maaga. Gusto kong lumabas para lumanghap ng sariwang hangin.” Tumingin si Shirley sa balkonahe sa may pasilyo. “Kaya kong pumunta doon nang mag-isa.” Sa kaalamang hindi maganda ang timpla ni Shirley, hindi na ito pinilit ni Cathy. Naisip niyang pumunta doon parra tumingon kay Shirley nang makatanggap siya ng isang tawag. Mula ito kay Adam. Nahulaan ni Cathy na tumawag si Adam dahil nag-aalala ito para sa kanila. Kaya sumagot si Cathy nang walang-alinlangan. Pumunta si Shirley ng balkonahe nang mag-isa. Gabing-gabi na at ang langit ay puno n
Magbasa pa

Kabanata 1809

Sa inis, tinaboy ni Shirley si Ada na inaabot ang maskara ni Shirley. Mabilis ang galaw ni Shirley nang masalo niya ang kanang kamay ni Ada, ngunit kaagad na inalis ng kaliwa niyang kamay ang maskara ni Shirley. Kaagad na nakita ni Ada ang peklat sa mukha ni Shirley at kumislap ang mga mata ni Ada. Ngumiti siya nang masama at nilasap ang obra maestra niya. Alam niyang hindi pa rin alam ni Shirley na si Ada ang sumira sa mukha niya. “Hala anong nangyari sa mukha mo? Bakit may sugat sa mukha mo? Dahil ba sa andami mong ginalit na tao kaya may gumanti sa’yo Shirley?” Tanong ni Ada at kahit alam niya ang sagot, nagpanggap pa siyang nabigla. Nang marinig ang panghahamak ni Ada, biglang kumalma si Shirley. Tumitig siya kay Ada at ang inis na nararamdaman niya ay naglaho na. Inakala ni Ada na kaya hindi nagsasalita si Shirley ay dahil nagsisimula na siyang maliitin ang kanyang sarili at gumaan ang pakiramdam ni Ada dito. “Shirley, alam mo dapat na ang isang babaeng katulad m
Magbasa pa

Kabanata 1810

”Anong problema? Natatakot ka ba?” Itinaas ni Shirley ang kanyang kilay. “Hindi ko talaga inasahang ikaw yun.” “...Itigil mo ang kalokohang yan Shirley! Sinabi ko nang wala akong kinalaman sa pagkasira ng mukha mo at sa pagiging paralisado mo. Wag ka nang ulit magpapakita sa akin!” Sinigawan ni Ada si Shirley tapos itinaas ang kanyang gown at nababahalang tumakbo pabalik sa hall. Kalmadong tumingin si Shirley kay Ada nang tumakbo ito. Sadyang tinikom lang ni Shirley ang kamao niya. “Tama ka, may ibang nanakit sa akin.” Bumulong si Shirley sa kanyang sarili tapos tumawa nang may pait. “Hindi ko talaga inasahang siya yun…” “Ngayong alam mo nang nagkamali ka lang ng akala kay Eveline, ayaw mo pa rin bang ibunyag ang formula ng anti-toxoid test reagent?” Sinamantala ni Cathy ang pagkakataon para banggitin ito. Nanatiling nakangiti si Shirley. “Mukhang nag-aalala ka para kay Eveline, pero sa kasamaang palad, kahit na ibigay ko sa inyo ang formula ng anti-toxoid test reagent, di
Magbasa pa
PREV
1
...
179180181182183
...
248
DMCA.com Protection Status