”Anong problema? Natatakot ka ba?” Itinaas ni Shirley ang kanyang kilay. “Hindi ko talaga inasahang ikaw yun.” “...Itigil mo ang kalokohang yan Shirley! Sinabi ko nang wala akong kinalaman sa pagkasira ng mukha mo at sa pagiging paralisado mo. Wag ka nang ulit magpapakita sa akin!” Sinigawan ni Ada si Shirley tapos itinaas ang kanyang gown at nababahalang tumakbo pabalik sa hall. Kalmadong tumingin si Shirley kay Ada nang tumakbo ito. Sadyang tinikom lang ni Shirley ang kamao niya. “Tama ka, may ibang nanakit sa akin.” Bumulong si Shirley sa kanyang sarili tapos tumawa nang may pait. “Hindi ko talaga inasahang siya yun…” “Ngayong alam mo nang nagkamali ka lang ng akala kay Eveline, ayaw mo pa rin bang ibunyag ang formula ng anti-toxoid test reagent?” Sinamantala ni Cathy ang pagkakataon para banggitin ito. Nanatiling nakangiti si Shirley. “Mukhang nag-aalala ka para kay Eveline, pero sa kasamaang palad, kahit na ibigay ko sa inyo ang formula ng anti-toxoid test reagent, di
Sigurado si Carter na ang aninong ito ay kay Shirley. Walang emosyon sa mga mata niya nang tumingin siya nang mukhang nanghahamak. “Nagpunta ka pa rin pala Shirley.” Dahan-dahang dumaan sa tainga ni Shirley ang mapanghamak niyang tono. Tinikom ni Shirley ang kanyang kamao at sinubukan ang kanyang makakaya para manatiling kalmado. Ngunit mabilis pa rin ang tibok ng puso niya, at nabubunyag ng bilis nito ang kaba niya sa sandaling ito. Nang makitang hindi nagsasalita si Shirley, lumapit si Carter kay Shirley. Kaagad na nagpanggap si Shirley na masama ang pakiramdam niya at yumuko at umubo. Sumimangot si Carter habang nagtataka sa maskarang suot ni Shirley, ngunit nang makita niya itong umuubo nang matindi, naisip niya na baka suot nito ang maskara dahil may trangkaso ito. Ito mismo ang gusto ni Shilrey na isipin ni Carter. Pagkatapos magpanggap na umuubo saglit, inayos ni Shirley ang kanyang sarili, tapos ngumiti nang elegante at itinaas ang kanyang tingin, habang nag
“Mr. Gray, bakit galit na galit ka? Isa lang akong hamak na piyesa para sa’yo. Dahil ginagamit lang natin ang isa’t isa, ayos lang sa akin ang ganitong relasyon, kaya bakit ka naman mababahala dito? Di kaya, sa labas, nagpapanggap ka lang na walang pakialam sa akin, ngunit sa loob mo, ako talaga ang laman ng puso mo?”May maliit na ngiti sa mata ni Shirley habang nakatitig sa mata ni Carter. Ngunit naguguluhan siya. Hinihintay niya ang sagot ni Carter, isang sagot na inaasam niya, ngunit sa huli, ang nakuha lang niya ay ang ngisi ni Carter. “Sa puso ko, ang asawa ko na lang ang nandoon,” Sagot ni Carter. Tinikom ni Shirley ang kanyang kamao sa galit habang nakatago sa kanyang manggas. Asawa. Ang dali niya itong sinabi. “Shirley.” Naningkit ang mata ni Carter habang isang delikadong aura ang lumalabas sa kanya. “Shirley, hindi ko hahayaang mabuhay ka nang ayon sa gusto mo.” Biglang nanginig ang puso ni Shirley, ngunit nanatili siyang nakangiti. “Hihintayin ko yan Carter
Sobrang tindi ng sakit at halos himatayin na si Shirley. Habang tulala, narinig niya ang isang taong paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niya.“Shirley, Shirley!” Nag-aalala ang boses, at pakiramdam ni Shirley nananaginip siya. Ang daming taon na ang nagdaan. Ang tanging sandaling nakita niyang nag-aalala ang magulang niya para sa kanya ay noong bata pa si Shirley. Hindi na niya ito naranasan mula noon. Hindi niya alam kung anong pakiramdam ng may taong nag-aalala para sa kanya. Kalaunan, nakilala niya si Carter at nanuluyan sa bahay niya at naramdaman niyang may nagmamahal sa kanya, ngunit sa taong umalis siya, hindi na niya ito naranasan ulit. Kasunod nito, pakiramdam niya isa lamang siyang gamit na walang emosyon. Noon pang namumuhay nang walang emosyon si Shirley para sa pagsasaliksik at sa mga datos, kasama na ang pagtulong kay Carter na magtagumpay sa buhay. Akala niya pagmamahal ito. Ngunit ngayon lang niya napagtanto na siya lang ang nagmamahal. “Buntis siy
”...” Sa sandaling narinig ni Shirley ang katotohanan, tumulo ang luha sa pisngi niya. Unti-unting lumuwag angh pagkakahawak niya sa kamay ni Adam nang tumulo ang mainit na luha sa likod ng kanyang kamay. “Dapat ihanda mo ang sarili mo sa operasyon habang maaga–mas maaga, mas maganda. Kung hindi, ang katawan mo ang masasaktan.” Natapos lang sa pagsasalita si Adam at tumingin kay Cathy. “Cathy, pakiusap alagaan mo siya.” “Wag kang mag-alala Adam. Babantayan ko siya,” Sumagot si Cathy nang tumingin siya kay Shirley. Mukhang tulalang-tulala si Shirley. Bilang isang ina ng dalawang bata, nauunawaan ni Cathy ang nararamdaman ni Shirley sa sandaling ito. Alam niyang wala siyang masasabi na makakapagpagaan ng pakiramdam ni Shirley, kaya nanahimik siya sa tabi nito. Makalipas ang ilang sandali, binulabog ni Shirley ang katahimikan. “Ikaw ba ang nagligtas sa akin kagabi, noong hinimatay ako sa sakit?”Tumango si Cathy. “Akala ko kumalma ka na, kaya binalak kong iuwi ka, t
Hindi ito mapaniwalaan ni Adam at tinitigan niya si Shirley nang iabot nito sa kanya ang isang sulat na naglalaman ng formula. Ang sulat-kamay dito ay elegante at malinis. “Bakit? Di ka ba naniniwala sa akin?” Tanong ni Shirley habang blangko ang tingin niya at kaagad na inilapag ang sulat sa lamesa. Dinampot ito ni Adam at tinignan ang laman nito. Ayon sa mga nakasulat dito, napansin ni Adam na ang nahanap niya ay tama bukod sa isang sangkap na hindi pa niya nakikita noon. “Ano ito?” Tinuro ni Adam ang isang pangalan sa sulat nang nagtataka. “Ito ang pangunahing sangkap ng anti-toxoid test reagent,” Sumagot kaagad si Shirley nang hindi tumitingin. “Saan ko ito mahahanap?”“Sa St. Piaf. Sa laboratoryo ni Carter.” “...” “Sinabi ko na sa’yo noong umpisa pa lang. Wala talagang anti-toxoid test reagent kasi si Carter ang tanging makakakuha ng sangkap na ito.” Kalmadong tumingin si Shirley kay Adam habang walang senyales ng pag-iwas ang mga mata niya. Hindi siya nagsisi
”Di ba ako pwedeng manganak nang hindi ko siya nakakausap?” Tanong niya nang parang tinatamad at mukhang wala siyang pakialam. Sumimangot si Adam. “Pwede bang kausapin mo ako nang maayos?” “Hah,” Tumawa si Shirley, “Mukhang ikaw nga ang ayaw makipag-usap sa akin nang maayos, Adam.” “...” Walang masabi si Adam. Talagang pinahirapan niya si Shirley sa mga oras na yun. Ngunit dahil ito sa mga gawi at ugali niya, parehong kinadismaya niya. Naalala niya kung gaano kaganda, katapang at kalakas ang ate niya dati. Ngunit naging walang-puso at di makatao siya para manakit ng ibang tao. Sadyang hindi niya matanggap na nagkaganito siya. “Alam ko ang sasabihin mo Adam. Kung di ko mailuluwal ang batang ito, edi sige. Wala naman akong pakialam.” Mapanghamak ang tono ni Shirley. Parang wala siyang pakialam, para bang magtatapon lang siya ng basura. “Imposibleng makasama ko siya sa buhay na ito. Kahit na ipanganak ang batang ito nang walang problema, ayaw ko ang bata. Magiging
Huminto sa paglalakad si Cathy. Hindi niya alam na ganito kalakas ang pandinig ni Shirley. Natutukoy ni Shirley na ang taong palapit sa kanya ay si Cathy at hindi si Adam. Hindi na maramdaman ni Cathy ang kayabangan at panghahamak sa tono ni Shirley, sa halip ang tono niya ay may bakas ng pagiging tapat. Nagpatuloy si Cathy sa paglalakad palapit kay Shirley. “Anong gusto mong gawin ko para sa’yo?” Dahan-dahang idinilat ni Shirley ang kanyang mata. Ang mga mata niya kahit na nakangiti ay basa at namumula. “Simple lang. Kailangan mo lang akong dalhin sa isang lugar. Ang kondisyon ay di mo dapat ipaalam kay Adam.” Isang lugar na hindi dapat malaman ni Adam. Nabahala dito si Cathy. Bilang sagot sa pag-aalinlangan ni Cathy, sinabi ni Shirley, “Gusto mo bang iligtas si Madeline o hindi?” “Ano?” “Nasa coma siya, di na iba sa isang buhay na bangkay. Gusto mo bang maging ganito na lang siya sa buong buhay niya?” Habang nakikinig kay Shirley, kumunot ang noo ni Cathy habang