”Di ba ako pwedeng manganak nang hindi ko siya nakakausap?” Tanong niya nang parang tinatamad at mukhang wala siyang pakialam. Sumimangot si Adam. “Pwede bang kausapin mo ako nang maayos?” “Hah,” Tumawa si Shirley, “Mukhang ikaw nga ang ayaw makipag-usap sa akin nang maayos, Adam.” “...” Walang masabi si Adam. Talagang pinahirapan niya si Shirley sa mga oras na yun. Ngunit dahil ito sa mga gawi at ugali niya, parehong kinadismaya niya. Naalala niya kung gaano kaganda, katapang at kalakas ang ate niya dati. Ngunit naging walang-puso at di makatao siya para manakit ng ibang tao. Sadyang hindi niya matanggap na nagkaganito siya. “Alam ko ang sasabihin mo Adam. Kung di ko mailuluwal ang batang ito, edi sige. Wala naman akong pakialam.” Mapanghamak ang tono ni Shirley. Parang wala siyang pakialam, para bang magtatapon lang siya ng basura. “Imposibleng makasama ko siya sa buhay na ito. Kahit na ipanganak ang batang ito nang walang problema, ayaw ko ang bata. Magiging
Huminto sa paglalakad si Cathy. Hindi niya alam na ganito kalakas ang pandinig ni Shirley. Natutukoy ni Shirley na ang taong palapit sa kanya ay si Cathy at hindi si Adam. Hindi na maramdaman ni Cathy ang kayabangan at panghahamak sa tono ni Shirley, sa halip ang tono niya ay may bakas ng pagiging tapat. Nagpatuloy si Cathy sa paglalakad palapit kay Shirley. “Anong gusto mong gawin ko para sa’yo?” Dahan-dahang idinilat ni Shirley ang kanyang mata. Ang mga mata niya kahit na nakangiti ay basa at namumula. “Simple lang. Kailangan mo lang akong dalhin sa isang lugar. Ang kondisyon ay di mo dapat ipaalam kay Adam.” Isang lugar na hindi dapat malaman ni Adam. Nabahala dito si Cathy. Bilang sagot sa pag-aalinlangan ni Cathy, sinabi ni Shirley, “Gusto mo bang iligtas si Madeline o hindi?” “Ano?” “Nasa coma siya, di na iba sa isang buhay na bangkay. Gusto mo bang maging ganito na lang siya sa buong buhay niya?” Habang nakikinig kay Shirley, kumunot ang noo ni Cathy habang
Si Shirley, habang humahanga sa galing ni Ada sa pag-arte, ay ngumiti. “Dahil sa’yo kaya nangyari iro, Viscountess.” “...” Nanigas ang mukha ni Ada, ngunit kaagad siyang nagpanggap na inosente. “Di ko maintindihan ang sinasabi mo Ms. Brown. Malamig sa labas. Pumasok ka muna at mag-usap tayo.” “Salamat pala Viscountess.” Inirapan ni Shirley si Ada at tumingin kay Cathy. “Tara na Cathy.” Ito ang unang pagkakataong tinawag ni Shirley si Cathy sa pangalan nito. Si Cathy, habang gulat pa rin, ay tinulak si Cathy papasok ng manor. Inimbitahan lang ni Ada si Shirley papasok ng bahay dahil alam niyang wala sa bahay ngayon si Carter at Camille. Kung hindi, hindi niya hahayaang pumasok ang “delikado” na taong ito. Nang may mataas na aura bilang ang maybahay ng manor, inutusan ni Ada ang mga katulong na magbigay ng tsaa at panghimagas kay Cathy at Shirley. “Kain lang kayo. Ang mga dessert na ito ay gawa ng aming pastry chef. Katumbas sila ng mga nasa five at six-star hotel.” Nak
Sa sandaling sabihin ni Shirley ang mga salitang ito, nanahimik ang buong sala, at ang lahat ay para bang nanigas. Inasahan na ni Shirley ang reaksyong ito mula kay Camille at Ada. “Ano… Anong sinabi mo?” Muling nagtanong si Camille nang may saya sa kanyang mukha. “Shirley, pwede mo bang ulitin ang sinabi mo?” Habang nakatingin sa gulat na mukha ni Camille, dahan-dahang inulit ni Shirley ang sinabi niya. “Sabi ko, buntis ako, at si Carter ang ama ng bata.” “...” Nagdilim ang mukha ni Ada nang marinig niya ang sinabi ni Shirley nang pangalawang beses. Sa kabilang banda, sobrang saya ni Camille. “Totoo ba ito Shirley? Ipinagbubuntis mo ba talaga ang anak ni Carter?” Hindi maitago ni Camille ang saya niya. Kalmadong tumango si Shirley. “Oo, isang buwan na akong buntis sa anak ni Carter.” “...” Tumingin si Ada sa kampanteng mata ni Shirley. Kumirot ang bibig ni Ada at ang mukha niya ay nanlumo nang tuluyan. “Shirley, itigil mo yang kalokohan na yan. Paano ka mabubuntis
Si Shirley, habang wala nang balak na magsalita pa, ay yumuko para damputin ang tsaa at panghimagas sa lamesa at inabot ito kay Cathy. “Subukan mo ang mga dessert. Gawa ito ng chef dito. Nakain ko na ito nang higit pa sa sampung taon. Masarap yan.” “...Hindi ako nagugutom.” Walang ganang kumain si Cathy. Masyadong mahinhin si Shirley at nailang dito si Cathy. Gayunpaman, maaaring magandang bagay ang pagbabagong ito ni Shirley. Pagkatapos maghintay ng mga dalawampung minuto, nakauwi na si Carter tulad ng inaasahan. Sa sandaling pumasok siya, nabaling ang tingin niya kay Shirley. Sa gitna ng kasal sa hotel, tinakpan ni Shirley ng maskara ang mukha niya, kaya hindi siya nagulat na makita itong nakamaskara ulit. Ngunit ilang araw na ang nakalipas. Nagtaka siya kung bakit hindi pa ito gumagaling sa trangkaso nito. Nang lumapit si Carter, napansin niyang hindi nakaupo sa sofa si Shirley ngunit nakaupo siya sa isang wheelchair. Hiniling ni Carter na nagkakamali siya, ngunit mu
Nanginig ang puso ni Carter nang marinig niya ito. Tumitig siya nang maigi kay Shirley na mukha pa ring walang pakialam. “Bakit ngayon mo lang ito sinasabi sa akin?” Tumawa si Shirley nang walang pakialam. “Nagpunta ako dito nang may pakay syempre. Gusto kong makipagkasunduan sa’yo. Kung hindi, baka di ko man lang ito ipaalam sa’yo.” “...” Tinikom ni Carter ang bibig niya nang marinig niya ang sagot nito. Hindi siya makaisip ng isasagot. Nagdilim ang mukha ni Camille. “Shirley, sinasabi mo ba na ginagamit mong pusta ang bata kapalit ng gusto mo?” “Tamang-tama ka Mrs. Gray. Talagang nandito ako para makuha ang gusto ko,” Umamin si Shirley nang harapan at walang-humpay. Nabigla si Carter at Camille habang si Ada ay nanggigigil sa galit ngunit hindi na siya masyadong natatakot dahil sa ugali ni Shirley. “Ano bang gusto mo?” Direktang nagtanong si Carter. Tumingin si Shirley kay Ada, tapos sumagot. “Gusto kitang makausap nang tayo lang. Atsaka, may ilang bagay na hindi dapa
Malinaw na siya ang maybahay ng pamilyang ito, ngunit mukhang isa lamang itong pangalan.Sa ikalawang palapag.Pumasok si Shirley sa study room ni Carter nang kumportable. Kahit umaga pa, sinara na ni Carter ang bintana. Sinara din niya ang pinto sa likod ni Shirley pagpasok nito. Lumingon siya at tumingin kay Shirley na nakaupo sa isang wheelchair. Pinikit niya ang kanyang mata at umasang guni-guni lamang niya ito. Kaso nang idilat niya ito, nanatiling nakaupo sa isang wheelchair si Shirley. Tapos bigla niyang napagtanto na laging nakaupo si Shirley tuwing nagkikita sila nitong nakaraan. Malinaw na dahil ito sa hindi na siya makalakad. Habang hindi niya maunawaan ang nangyayari, nainis si Carter at lalong lumaki ang galit sa loob niya. “Ano ba talagang nangyayari? Ang binti mo… paano ito nangyari?” Nagsalita si Carter sa likuran ni Shirley habang pinipigil ang galit sa kanyang boses. “Mukhang may pakialam ka sa binti ko Mr. Gray. Wala akong masyadong masasabi, bukod sa
Naningkit ang mata ni Carter at kusang niluwagan ang hawak sa batok ni Shirley. Nabigla siya sa pagiging walang pakialam nito. Hindi ito tama. Hindi ito gagawin ni Shirley noon. Ngayon, kung paano ito tumingin sa kanya, at kung paano ito magsalita, ay tulad ng mga kaaway–walang pakialam at mapagbanta. “Hah.” Tumawa nang mahina si Carter at binitawan ang leeg ni Shirley. “Gusto mo ang anti-toxoid test reagent formula para sa AXT69? Hindi ko ito ibibigay sa’yo,” Tumanggi si Carter habang walang-bahalang tumatawa. Akala niya matatakot at mababahala sa sagot na ito si Shirley. Hindi niya inakalang sa halip ay magiging sobrang kalmado ni Shirley. “Dahil hindi ka interesado sa kasunduang ito, kunwari na lang hindi ako nagpunta dito ngayon.” Pinaandar ni Shirley ang kanyang wheelchair sa sandaling matapos siya sa pagsasalita. Nang makita ito ni Carter, hinablot niya sa braso si Shirley. Si Shirley, na kasalukuyang umaabante ang wheelchair nang hilahin siya pabalik ni Carte