Si Shirley, habang wala nang balak na magsalita pa, ay yumuko para damputin ang tsaa at panghimagas sa lamesa at inabot ito kay Cathy. “Subukan mo ang mga dessert. Gawa ito ng chef dito. Nakain ko na ito nang higit pa sa sampung taon. Masarap yan.” “...Hindi ako nagugutom.” Walang ganang kumain si Cathy. Masyadong mahinhin si Shirley at nailang dito si Cathy. Gayunpaman, maaaring magandang bagay ang pagbabagong ito ni Shirley. Pagkatapos maghintay ng mga dalawampung minuto, nakauwi na si Carter tulad ng inaasahan. Sa sandaling pumasok siya, nabaling ang tingin niya kay Shirley. Sa gitna ng kasal sa hotel, tinakpan ni Shirley ng maskara ang mukha niya, kaya hindi siya nagulat na makita itong nakamaskara ulit. Ngunit ilang araw na ang nakalipas. Nagtaka siya kung bakit hindi pa ito gumagaling sa trangkaso nito. Nang lumapit si Carter, napansin niyang hindi nakaupo sa sofa si Shirley ngunit nakaupo siya sa isang wheelchair. Hiniling ni Carter na nagkakamali siya, ngunit mu
Nanginig ang puso ni Carter nang marinig niya ito. Tumitig siya nang maigi kay Shirley na mukha pa ring walang pakialam. “Bakit ngayon mo lang ito sinasabi sa akin?” Tumawa si Shirley nang walang pakialam. “Nagpunta ako dito nang may pakay syempre. Gusto kong makipagkasunduan sa’yo. Kung hindi, baka di ko man lang ito ipaalam sa’yo.” “...” Tinikom ni Carter ang bibig niya nang marinig niya ang sagot nito. Hindi siya makaisip ng isasagot. Nagdilim ang mukha ni Camille. “Shirley, sinasabi mo ba na ginagamit mong pusta ang bata kapalit ng gusto mo?” “Tamang-tama ka Mrs. Gray. Talagang nandito ako para makuha ang gusto ko,” Umamin si Shirley nang harapan at walang-humpay. Nabigla si Carter at Camille habang si Ada ay nanggigigil sa galit ngunit hindi na siya masyadong natatakot dahil sa ugali ni Shirley. “Ano bang gusto mo?” Direktang nagtanong si Carter. Tumingin si Shirley kay Ada, tapos sumagot. “Gusto kitang makausap nang tayo lang. Atsaka, may ilang bagay na hindi dapa
Malinaw na siya ang maybahay ng pamilyang ito, ngunit mukhang isa lamang itong pangalan.Sa ikalawang palapag.Pumasok si Shirley sa study room ni Carter nang kumportable. Kahit umaga pa, sinara na ni Carter ang bintana. Sinara din niya ang pinto sa likod ni Shirley pagpasok nito. Lumingon siya at tumingin kay Shirley na nakaupo sa isang wheelchair. Pinikit niya ang kanyang mata at umasang guni-guni lamang niya ito. Kaso nang idilat niya ito, nanatiling nakaupo sa isang wheelchair si Shirley. Tapos bigla niyang napagtanto na laging nakaupo si Shirley tuwing nagkikita sila nitong nakaraan. Malinaw na dahil ito sa hindi na siya makalakad. Habang hindi niya maunawaan ang nangyayari, nainis si Carter at lalong lumaki ang galit sa loob niya. “Ano ba talagang nangyayari? Ang binti mo… paano ito nangyari?” Nagsalita si Carter sa likuran ni Shirley habang pinipigil ang galit sa kanyang boses. “Mukhang may pakialam ka sa binti ko Mr. Gray. Wala akong masyadong masasabi, bukod sa
Naningkit ang mata ni Carter at kusang niluwagan ang hawak sa batok ni Shirley. Nabigla siya sa pagiging walang pakialam nito. Hindi ito tama. Hindi ito gagawin ni Shirley noon. Ngayon, kung paano ito tumingin sa kanya, at kung paano ito magsalita, ay tulad ng mga kaaway–walang pakialam at mapagbanta. “Hah.” Tumawa nang mahina si Carter at binitawan ang leeg ni Shirley. “Gusto mo ang anti-toxoid test reagent formula para sa AXT69? Hindi ko ito ibibigay sa’yo,” Tumanggi si Carter habang walang-bahalang tumatawa. Akala niya matatakot at mababahala sa sagot na ito si Shirley. Hindi niya inakalang sa halip ay magiging sobrang kalmado ni Shirley. “Dahil hindi ka interesado sa kasunduang ito, kunwari na lang hindi ako nagpunta dito ngayon.” Pinaandar ni Shirley ang kanyang wheelchair sa sandaling matapos siya sa pagsasalita. Nang makita ito ni Carter, hinablot niya sa braso si Shirley. Si Shirley, na kasalukuyang umaabante ang wheelchair nang hilahin siya pabalik ni Carte
Nagsalubong ang kilay ni Carter. Tinitigan niya ang malamig na titig ni Shirley na nakatingin sa kanya na parang isang kaaway. Nang walang babala, sinubukan niyang hilahin ang maskara nito. “Shirley talagang gusto kong makita ang mukha mo kapag sinasabi mo ang mga bagay na ito,” Galit niyang sinabi. Kaagad na inilayo ni Shirley ang kanyang ulo at sinubukang itaas ang kanyang kamay para harangin ang kamay ni Carter. “Wag mong tatanggaling ang maskara ko. Wag mo akong sisihin kapag nahawa ka sa sakit ko.” “Hah!” Tumawa nang walang pakialam si Carter habang ang titig niya ay masyadong nanlilisik na parang babalutin siya nito. Sa isang mabilis na galaw, itinabi niya ang kamay ni Shirley at hinila agn maskara nito. Pakiramdam ni Shirley tumigil saglit ang tibok ng puso niya. Nagmadali siyang lumingon sa gilid at ipinakita ang bahagi ng mukha niyang walang sugat kay Carter. Nagalit si Carter nang iwasan ni Shirley ang titig niya. Nang abutin niya ito, hinawakan niya ang bab
Si Ada na nakikinig sa usapan nila sa likod ng pinto, ay natakot sa galit na pagtatanong ni Carter at namutla ang mukha niya. ‘Kapag sinabi ni Shirley ang totoo, paano ako magpapaliwanag?’ Naisip niya habang nababahala. Tapos bigla niyang napansin na tumahimik ang study room. Habang nababahala at nagtataka siya, lumapit si Ada sa pinto habang ang tainga niya ay nakadiin dito. Nakarinig siya ng mahinang “click”, at biglang bumukas ang pinto. Nakatayo si Carter sa harapan ni Ada at nanigas siya habang hindi alam ang gagawin. Makalipas ang ilang segundo, kumalma siya at nagpanggap na naiilang habang nagpapanggap din siyang nakangiti nang maamo. “Carter, nag… nag-aalala lang ako sa’yo. Hindi ako nakikinig sa usapan niyo.” Pinilit ni Ada na ngumiti nang subukan niyang magpaliwanag, ngunit napansin niya ang madilim na mukha ni Carter sa sandaling ito. Binalak niyang sumilip sa study room para makita kung anong nangyayari kay Shirley, ngunit nasalubong ang ttig niya ng malamig a
”Aalis ka na ba nang ganyan na lang?” Biglang napatigil sa paglalakad si Ada. Nabahala siya nang sobra, ngunit lumingon pa rin siya habang nagpapanggap na inosente at nalulungkot. Nakita niya si Shirley na nakaupo sa wheelchair at dahan-dahang lumapit sa pintuan. “Ms. Brown, panalo ka na. Ayaw ko nang magtagal pa at mapahiya.” “Panalo na ako?” Nagtaka si Shirley nang marinig niya ito. Binalak ni Carter sa hinaan ang boses niya habang kausap niya si Ada, lalo na noong sinabi niya ang ilang pangungusap na ito. Ayaw niyang marinig sila ni Shirley. Dahil dito, hindi niya alam kung gaano siya kalahaga kay Carter. Ngayon, nagtaka lang siya sa sinabi ni Ada. “Mrs. Gray, mukha ba akong panalo sa’yo? Lumpo na ako at sira pa ang mukha ko. Magiging wala na akong kwenta sa buong buhay ko. Paano ako naging panalo? Dapat ba akong matuwa na personal mo itong ginawa?” “...” Talagang ibinunyag ito ni Shirley! Umigkas si Ada at kaagad na tumanggi, “Ms. Brown, anong ibig-sabihin mo?
Malakas at malinaw ang tunog ng sampal. Higit pa rito, sinadya niyang sampalin ang sugatang bahagi ng mukha ni Shirley. Masyadong bigla ang pangyayari. Hindi ito inasahan ni Camille at Cathy, habang natuwa ang nanay ni Ada sa “nagawa” niya at palihim na natuwa si Ada. Ngunit saglit lang na nalasap ni Ada ang sandali bago siya makatanggap ng malakas na sampal sa kanyang kanang pisngi. “Aray!” Napasigaw sa sakit si Ada nang sampalin ni Carter nang malakas si Ada na nahirapan siyang makatayo. Nalasahan din niya ang dugong tumutulo mula sa sulok ng kanyang bibig. Nanigas si Ada at ang nanay niya habang nanlalaki ang mga mata niya. Hindi nila inakalang gagawin ito ni Carter. Talagang sinampal niya si Ada! Hindi rin ito inasahan ni Shirley. Mukhang kaagad na naibsan ang sakit sa kanyang pisngi. Sinusubukan ba siyang protektahan ni Carter? “Ang kapal ng mukha mong sampalin ang anak ko Carter?!” Nababahalang sinabi ng nanay ni Ada. Mukhang walang pakialam si Carter ngunit m