Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1581 - Kabanata 1590

2479 Kabanata

Kabanata 1581

Nakasuot si Jeremy ng isang malinis at plantsadong limited edition suit. Elegante siyang nakaupo sa harapan nang may dakilang postura. Nang makita niya si Naomi na lumitaw sa kanyang harapan, bahagya siyang ngumiti nang walang bakas. Tinaas ni Naomi ang kilay niya kay Jeremy habang natutuwa sa kanyang posisyon. Sabi niya sa mga reporter na nasa harapan niya, "Dahil nandito ang lahat ngayon, may gusto rin akong ianunsyo." May iaanunsyo siya? Nagkatinginan ang lahat sa isa't-isa bago tinutok ang kanilang mga camera at mikropono kay Naomi. "Mrs. Whitman, may mga problema ba sa relasyon mo kay Mr. Whitman?" "Namamataan ka na pumapasok sa lahat ng klase ng bar at club kasama ng iba't-ibang lalaki. Inaamin mo ba ito?" "Hihiwalayan mo na ba si Mr. Whitman?" Aroganteng tinignan ni Naomi si Jeremy na walang sinabi habang kaharap ang patuloy na mga tanong ng mga reporter. Seryoso siyang nagsabi ng kasinungalingan sa live stream, "Totoo na nakita nila akong sumasama sa maraming lala
Magbasa pa

Kabanata 1582

Ngunit, ang nagpagulat sa kanila ay kung paanong hindi ito tinanggi o hindi nagsabi ng kahit na ano si Jeremy para pigilan siya mula sa umpisa. Ibig sabihin ba nito ay sumasang-ayon siya? Hindi na makatiis ang isa sa mga reporter kaya tinanong niya si Jeremy, "Mr. Whitman, hindi mo ba pipigilan o hindi ka ba magpapaliwanag kung bakit nagkakaganito si Mrs. Whitman?" Pagkatapos itanong ng reporter ito, hindi binigyan ni Naomi si Jeremy ng pagkakataon na magsalita. Kaagad siyang sumagot, "Wag kayong gumawa ng problema para sa asawa ko. Sinabi ko na, kaya ano pa bang magagawa niya? Wala akong magagawa kung naapektuhan ko ang stocks ng Whitman Corporation at Montgomery Enterprise. Wala akong magagawa kung ganito akong tao." Habang nagsasalita siya, nang-iinis niyang tinignan si Jeremy. "Tama ba ako, dear?" Kalmadong tinignan ni Jeremy ang magandang mukha at sa wakas ay nagsabing, "Sa tingin mo kwalipikado kang tawagin akong dear?" "..." Bahagyang nabigla si Naomi. Ngunit mabil
Magbasa pa

Kabanata 1583

"Diyos ko! Meron pa talagang ganito?" Patuloy na narinig ang tunog ng gulat mula sa madla. "Hindi ko alam na mayroong ganitong plastic surgery!" "Iisa sila ng mukha!" "Wala man lang pinagkaiba sa mga mata nila!" Nang makita ng lahat si Madeline na naglakad papalapit, lahat sila ay nagulat. Nang marinig ni Naomi ang sigaw ng mga tao, naramdaman niyang bumilis ang kanyang paghinga. Lumingon siya para tumingin nang hindi makapaniwala. Nang nasalamin sa kanyang mga mata ang pamilyar na mukhang iyon, para bang huminto ang puso ni Naomi sa sandaling iyon. 'Paanong nangyari to?'Paanong naging posible to? 'Hindi patay si Eveline!' Subalit, malinaw na tinulak siya ni Naomi sa ilog. Nang mangyari iyon, wala pa ring malay si Eveline. Paanong mangyayaring buhay pa siya? At saka anong nangyari sa mukha niya? Napakapangit niya pagkatapos niyang masunog. Ang kanyang mukha ay nababalot ng sugat pero ngayon, sobrang ganda at hamis nito. Higit pa roon, mukha pa siyang elegante
Magbasa pa

Kabanata 1584

Nang marinig ng lahat na sabihin iyon ni Naomi, naisip nila na may punto siya. Hindi nga iyon ang boses ni Eveline. Pagkatapos nilang pakinggan nang maigi, napansin nila na ang boses ni Naomi ay mas kapareho ng narinig nila noon. Nang mapansin ni Naomi na kumakampi sa kanya ang mga tao sa paligid niya, natuwa siya sa sarili niya. Tinuro niya si Madeline at tinaas ang kanyang mga mata. "Impostor ka, nasa ganito kang kalagayan at gusto mo pa rin akong kopyahin. Nandito ka lang para ipahiya ang sarili mo!" Hindi nabahala si Madeline sa buong pangyayari habang kaharap ang pang-iinis ni Naomi. "Malalaman natin kung sino dito ang mapapahiya mamaya." “...”Kinabahan si Naomi pagkatapos niyang makita ang pagkakalmado ni Madeline. Nagtataka siya kung paano papatunayan ni Madeline ang kanyang sarili na siya si Eveline nang makita niya si Madeline na lumapit sa isang babaeng reporter. "May dala ka bang pabango?" Tinignan ng reporter si Madeline at walang masabi habang nalilito. Pag
Magbasa pa

Kabanata 1585

Diretsong tinignan ni Naomi ang mga dokumento na nilagay ni Ken sa kamay ni Madeline. Kahit na wala siyang ideya kung ano ang mga iyon, nararamdaman niya na nga ebidensya ito na makakasama sa kanya. Kalmadong binuksan ni Madeline ang mga dokumento at pinakita ang nilalaman nito sa harapan ni Naomi pati na rin sa lahat ng camera. "Naomi, ito ang impormasyon tungkol sa plastic surgery mo sa Y Country, ang dokumentadong larawan dito ay malinaw na nagsasabing ikaw ang impostor mula ulo hanggang paa." "..." Nanlaki ang mga mata ni Naomi, at sa sandaling iyon ay wala talaga siyang masabi. "Wow…" Napahinga nang malalim ang lahat a gulat. Naiintindihan na nila ngayon kung bakit nawalan ng kahihiyan si Eveline nitong mga nakaraang araw. Naintindihan na rin nila kung bakit ang lakas ng loob niyang magsabi ng mga nakakahiyang bagay sa harapan ng publiko. Lumabas na hindi talaga si Madeline ang babaeng ito! Ang dahilan kung bakit niya sinabi at ginawa ang mga bagay na iyon ay para sira
Magbasa pa

Kabanata 1586

Tumili si Naomi at gumawa ng kahulugan sa madla ang kanyang pahayag. Ngunit hindi man lang nabahala si Madeline. Hindi niya siya pinaniwalaan. Hindi man lang niya gustong pansinin ang sinabi ni Naomi. Malinaw sa kanyang puso na sinasadya itong gawin ni Naomi para mandiri siya. Hindi siya gagawa ng problema sa sarili niya. Higit pa roon, alam niya na imposible iyon dahil… "Eveline, ang lungkot-lungkot mo siguro ngayon, ano? Haha! Hindi ako natalo! Hindi!" Tumawa nang malagim si Naomi na para bang sinasapian siya. Pagkatapos niyang ibunyag ito, nilipat ng mga reporter ang kanilang tingin sa kanyang patag na sikmura kasabay nito. 'Ipinagbubuntis ba ng impostor na ito ang anak ni Jeremy? 'Kung totoo yun, hindi ba magkakaroon ng hidwaan sa pagitan nina Jeremy at Eveline. Bakas sa mukha ng lahat ang pagtataka. Sa kabilang banda, sobrang natuwa si Naomi habang nakatingin sa tahimik na ekspresyon ni Madeline. "Eveline, ano ngayon kung nagpa-plastic surgery ako para maging
Magbasa pa

Kabanata 1587

Nakita rin ni Jeremy si Carter. Kaagad na lumitaw sa kanyang isipan ang impormasyon na nahanap niya tungkol kay Carter ilang araw ang nakakaraan. Sigurado si Madeline na nakita ni Carter ang nangyari ngayon lang sa press conference, pero hindi siya sigurado kung anong dahilan kung bakit bigla siyang lumitaw nang ganito. 'Nandito ba siya para puntiryahin si Jeremy?' Tahimik na nag-isip si Madeline, at sa sumunod na segundo, naglakad na si Carter papunta sa kanya. Tinignan niya si Jeremy at pagkatapos ay malumanay na lumapag ang kanyang titig sa mukha ni Madeline. "Nandito ako para sunduin ka pauwi sa bahay." Maikli at diretso ang mga salita ni Carter, at saka kalmado ang kanyang tono. Ngunit, para kay Jeremy, nahahaluan nang pang-iinis ang mga salita ni Carter. Bahay. Iisa lang ang bahay ni Linnie. Nararamdaman ni Madeline ang inis ni Jeremy. Alam niya na lalapit ang mga reporter anumang oras ngayon at dahil hindi na niya gustong gumawa ng tsismis at hindi pagkakaunaw
Magbasa pa

Kabanata 1588

"Tama si Naomi. Tinulak niya ako sa ilog para lunurin ako, pero may malay pa rin ako sa sandaling iyon. Pagtapos niya akong itulak sa ilog, kaagad akong nagising nang tuluyan. Pagkatapos, lumangoy ako sa pampang nang mag-isa." Pagkatapos marinig ni Karen iyon, bigla siyang naliwanagan. Ngunit, mayroon pa rin siyang hindi maintindihan. "Kailan ka pa natutong lumangoy? Pagkakaalam ko hindi ka marunong lumangoy." "Tinuruan ako ni Jeremy noong lumabas ako para magsaya kasama niya noon." Ngumiti si Madeline at sumandal kay Jeremy. Kusang hinawakan ni Jeremy ang balikat ni Madeline. “Mommy!”“Mommy!”Dalawang malinaw at magandang boses ng bata ang narinig mula sa isang tabi. Niyakap lang ni Jeremy si Madeline nang ilang segundo bago siya nakaramdam ng kawalan sa kanyang mga braso. Tumalikod si Madeline para tignan ang magkakapatid na tumatakbo papunta sa kanya. Lumuhod siya at binuksan ang kanyang mga braso para salubungin ang mga bata. Tumakbo sina Jackson at Lillian sa mga bras
Magbasa pa

Kabanata 1589

Pagkatapos marinig iyon ni Madeline ay tinignan niya ang oras. Ngumiti siya at nagsabing, "Darating ako sa lugar na hinanda ni Mr. Carter sa tamang oras, kaya hindi mo na ako kailangang ihatid. Sasamahan ako ng asawa ko." Ngumiti ang driver. "Ms. Montgomery, hindi mo ko naiintindihan. Sinabihan ako ni Mr. Carter na ihatid ka dahil gusto niyang mag-isa kang pupunta. At saka, ayaw ni Mr. Carter na malaman ng ibang tao ang lugar na pupuntahan natin." Napakamisteryosong lugar. Nag-aalangan si Madeline. Pagkatapos ay narinig niya ang driver na nagsabi, "Alam ni Mr. Carter na gusto mong tumanaw ng utang na loob sa pagligtas niya sa'yo, kaya mas maganda kung ikaw lang ang pupunta, Ms. Montgomery." Aaminin ni Madeline na gusto nga niyang tumanaw ng utang na loob. Sa ganitong paraan, hindi na siya madadawit sa lalaking ito. Pero, bakit iniimbestigahan ng taong ito si Jeremy? Habang iniisip niya ito, pinaandar ni Jeremy ang kanyang kotse. Nang makita niya ang nangyayari sa may pint
Magbasa pa

Kabanata 1590

Pagbukas ng pinto, nakita ni Madeline ang isang kwartong puno ng maiiinit na kulay na komportable ang dekorasyon. Nagtaka siya. May ganitong pambabaeng kwarto sa manor na ito at ito ay nasa basement. Habang nagtataka si Madeline, narinig niya ang malalim at nakakahumaling na boses ng lalaki mula sa tabi niya. “Nandito ka na.” Huminto si Madeline at lumingon at nakita niya si Carter na nakaupo sa harap ng isang lamesa. Walang nandito bukod sa isang maganda, kumikinang at makintab na kristal na bola. Ngunit walang gana si Madeline na tignan ito. Lumapit siya sa harapan ng lamesa at tinignan ang lalaking may kakaibang ekspresyon sa mukha nito. Pinasalamatan niya ito nang taos-puso, “Mr. Carter, talagang nagpapasalamat ako sa pagligtas mo sa buhay ko at hinayaan mo akong makauwi. Di ko talaga sinasadyang magsinungaling sa’yo noon, pero—”“Nalaman mong kumukuha ako ng impormasyon tungkol kay Jeremy Whitman, kaya bilang asawa niya, nagtaka ka at nag-alala ka para sa kanya. Kaya na
Magbasa pa
PREV
1
...
157158159160161
...
248
DMCA.com Protection Status