Pagkatapos marinig iyon ni Madeline ay tinignan niya ang oras. Ngumiti siya at nagsabing, "Darating ako sa lugar na hinanda ni Mr. Carter sa tamang oras, kaya hindi mo na ako kailangang ihatid. Sasamahan ako ng asawa ko." Ngumiti ang driver. "Ms. Montgomery, hindi mo ko naiintindihan. Sinabihan ako ni Mr. Carter na ihatid ka dahil gusto niyang mag-isa kang pupunta. At saka, ayaw ni Mr. Carter na malaman ng ibang tao ang lugar na pupuntahan natin." Napakamisteryosong lugar. Nag-aalangan si Madeline. Pagkatapos ay narinig niya ang driver na nagsabi, "Alam ni Mr. Carter na gusto mong tumanaw ng utang na loob sa pagligtas niya sa'yo, kaya mas maganda kung ikaw lang ang pupunta, Ms. Montgomery." Aaminin ni Madeline na gusto nga niyang tumanaw ng utang na loob. Sa ganitong paraan, hindi na siya madadawit sa lalaking ito. Pero, bakit iniimbestigahan ng taong ito si Jeremy? Habang iniisip niya ito, pinaandar ni Jeremy ang kanyang kotse. Nang makita niya ang nangyayari sa may pint
Pagbukas ng pinto, nakita ni Madeline ang isang kwartong puno ng maiiinit na kulay na komportable ang dekorasyon. Nagtaka siya. May ganitong pambabaeng kwarto sa manor na ito at ito ay nasa basement. Habang nagtataka si Madeline, narinig niya ang malalim at nakakahumaling na boses ng lalaki mula sa tabi niya. “Nandito ka na.” Huminto si Madeline at lumingon at nakita niya si Carter na nakaupo sa harap ng isang lamesa. Walang nandito bukod sa isang maganda, kumikinang at makintab na kristal na bola. Ngunit walang gana si Madeline na tignan ito. Lumapit siya sa harapan ng lamesa at tinignan ang lalaking may kakaibang ekspresyon sa mukha nito. Pinasalamatan niya ito nang taos-puso, “Mr. Carter, talagang nagpapasalamat ako sa pagligtas mo sa buhay ko at hinayaan mo akong makauwi. Di ko talaga sinasadyang magsinungaling sa’yo noon, pero—”“Nalaman mong kumukuha ako ng impormasyon tungkol kay Jeremy Whitman, kaya bilang asawa niya, nagtaka ka at nag-alala ka para sa kanya. Kaya na
Tinignan ni Jeremy ang nagsisinungaling na butler at hindi na nagsayang pa ng oras sa pagtatanong nito. Sinundan niya ang tauhan ni Carter papasok ng sala. Nakaupo si Carter sa sofa ng sala. Binubuklat nito ang isang libro habang umiinom ng tsaa. Nang makita nito si Jeremy, ibinaba nito ang libro at tasa bago bumangon para salubungin siya nang magalang. “Mr. Whitman, maligayang pagdating sa bahay ko. Maupo ka.” Nagmasid si Jeremy sa sala pero hindi niya nakita si Madeline kahit saan. Kumunot ang noo niya at nakaramdam siya ng hindi malamang pagkabahala sa puso niya. “Mr. Gray, hindi ako nandito bilang isang bisita. Nandito ako para sunduin ang asawa kong si Eveline.” Naiinis si Jeremy, pero sinusubukan niya ang makakaya niya para pigilan ang kanyang sarili at manatiling kalmado. Tumngin si Carter sa pag-aalala sa mga mata ni Jeremy. Ngunit sa halip ay nagpakita lang siya ng mukhang nagtataka. “Sinabihan ko ang driver ko na ihatid si Mrs. Whtiman pauwi nitong nakaraang sampu
Komportableng nakaupo si Carter sa kanyang lamesa at pinanood si Madeline na tahimik na nakahiga sa kama. Ang mahaba niyang daliri ay pinaglalaruan ang recording pen. Nang buksan niya ito, binanggit ng recording pen ang mga pangungusap na ito, “Jeremy, nakauwi na ako. Mauubusan na ng battery ang phone ko. Magkita na lang tayo mamaya.” Pagkatapos itong pakinggan nang ilang beses, ibinato ni Carter ang recording pen sa isang tabi. Tapos inilabas niya ang isang libro tungkol sa sikolohiya sa lamesa. Nang babasahin na niya ito, napansin niyang magigising na si Madeline. Sinara niya ang pinto at dumaan ang daliri niya sa libro tungkol sa hipnotismo. Lumapit siya sa tabi ng kama. “Eveline.” Marahan niyang tinawag ang pangalan ni Madeline. Kumunot ang kilay ni Madeline. Gusto niyang idilat ang kanyang mga mata, pero mukhang naiipit siya sa isang malalim na panaginip. “Eveline, isipin mo ang isang malaking crystal ball sa harapan mo. ngayon, ang crystal ball ay dadalhin ka sa m
Pagkatapos marinig ang sinabi ni Camille, nagpatuloy si Carter na buklatin ang librong hawak niya nang mabagal. Naunawaan niya ang inaalala ni Camille, pero may sarili siyang plano. “Alam ko ang layunin niya, kaya wag kang mag-alala. Nasa kontrol ko ang lahat.” Mapanghamak ang too ni Carter. Ngunit ang kasiguraduhan sa kanyang boses ay sobrang kampanteng pakinggan. Pagkatapos ni Madeline maligo sa kwarto niya, bumaba siya. Nang makita niya si Carter at Camille sa sala, lumapit siya kay Carter nang natural at ngumiti bago batiin si Camille. “Hello, Aunty Cammy.” “...” Hindi inasahan ni Camille na babatiin siya nang ganito ni Madeline. Pagkatapos ng gabing iyon, nagkaroon siya ng magandang impresyon kay Madeline. Ngunit nang maalala niya ang relasyon ni Madeline at Jeremy, sumakit na naman ang ulo niya. Di siya masyadong nagtanong. Sa halip, ngumiti siya at naglakad palayo. Ibinaba ni Carter ang librong hawak niya at lumapit kay Madeline. Isang maamong ngiti ang lumitaw
Masaya siyang makita ito dahil akala niya may nangyaring masama dito. Ngunit kasabay nito nainis si Jeremy. “Carter, nagsinungaling ka sa akin at sinabi mo na hinatid mo pauwi ang asawa ko. Kung ganon, bakit siya nandito?” Tinanong ni Jeremy si Carter. Tapos hinila niya ang kamay nito para iuwi ito. “Linnie, ihahatid kita pauwi.” Hinawakan ni Jeremy si Madeline at aalis na nang sa hindi inaasahan, inalis ni Madeline ang kamay nito sa pagkakahawak niya ang biglaan. “Anong ginagawa mo?” Tanong ni Madeline nang mukhang naiinis. Narinig ito ni Jeremy at kaagad ring nagbago ang mukha niya. Tinanong niya, “Linnie, anong problema?” “Bakit mo ako tinatawag nang ganyan? Kilala ba kita?” Masungit na tanong ni Madeline. Sa isang iglap, kinilabutan si Jeremy mula sa baba ng paa niya hanggang sa puso niya. Tulala siyang tumingin kay Madeline na mukhang naiinis. Sa isang segundo, hindi niya alam ang gagawin. “Linnie?” Nang marinig ni Madeline si Jeremy na tinatawag siya ulit, k
Ang sagot ni Madeline ay parang isang kidlat na tumatama sa ulo ni Jeremy. Pakiramdam niya parang may humihila sa kanyang isipan. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Ngunit sinubukan ni Jeremy ang makakaya niya para pigilan ang kanyang emosyon at manatiling kalmado. Nagpaliwanag siya, “Linnie, hindi ka pa nagpakasal kahit kanino bukod sa akin sa buong buhay mo.” Ngunit tumingin lang nang masungit si Madeline kay Jeremy. “Alam ko ang ginagawa ko. Di mo na kailangan magbanggit ng kalokohan sa akin. Ayaw ko itong marinig.” Sinabi ni Madeline habang lumalapit kay Carter. Tahimik na ngumiti si Carter at hinila si Madeline sa likod niya. Nang makita ito ni Jeremy, naramdaman niyang lumalamig ang puso niya. Noon, tatayo lang ito sa likod niya at haharapin nila ang lahat nang magkasama at walang takot. Ngunit nakatayo siya ngayon sa likuran ng ibang lalaki. Habang lalo itong naiisip ni Jeremy, lalo siyang nalilito. Hindi niya mapagbintangan si madeline, kaya itinaas niya ang
Ngunit ang tingin sa kanya nito ay walang pakialam at walang emosyon. Walang magawa si Jeremy kundi panoorin si Madeline na umakyat. Ayaw nang gumawa ng problema ni Jeremy kay Madeline, kaya tinanong na lang niya si Carter nang makaakyat si Madeline. “Carter, anong ginawa mo sa asawa ko?’ Nanatiling kalmado si Carter. “Nandito siya nang ayon sa kagustuhan niya. Wala akong ginawa sa kanya.” May lalim sa mga sinasabi niya. “Siguro nga may mga lihim ako na gusto niyang malaman kaya niya ginagawa ito. Ano sa tingin mo Mr. Whitman?” Pagkatapos itong itanong ni Carter, biglang may naalala si Jeremy. ‘Giangawa ba ito ni Linnie dahil gusto niyang malaman kung bakit ako iniimbestigahan ni Carter?’ Tinanong ni Jeremy ang kanyang sarili. Ito lang ang tanging dahilan na naiisip niya para maipaliwanag kung bakit ang lupit ni Madeline sa kanya. Ngunit kahit paano niya pa itong isipin, hindi maintindihan ni Jeremy kung paano siya tinignan at trinato ni Madeline kanina. Hindi ito muk