Ngunit ang tingin sa kanya nito ay walang pakialam at walang emosyon. Walang magawa si Jeremy kundi panoorin si Madeline na umakyat. Ayaw nang gumawa ng problema ni Jeremy kay Madeline, kaya tinanong na lang niya si Carter nang makaakyat si Madeline. “Carter, anong ginawa mo sa asawa ko?’ Nanatiling kalmado si Carter. “Nandito siya nang ayon sa kagustuhan niya. Wala akong ginawa sa kanya.” May lalim sa mga sinasabi niya. “Siguro nga may mga lihim ako na gusto niyang malaman kaya niya ginagawa ito. Ano sa tingin mo Mr. Whitman?” Pagkatapos itong itanong ni Carter, biglang may naalala si Jeremy. ‘Giangawa ba ito ni Linnie dahil gusto niyang malaman kung bakit ako iniimbestigahan ni Carter?’ Tinanong ni Jeremy ang kanyang sarili. Ito lang ang tanging dahilan na naiisip niya para maipaliwanag kung bakit ang lupit ni Madeline sa kanya. Ngunit kahit paano niya pa itong isipin, hindi maintindihan ni Jeremy kung paano siya tinignan at trinato ni Madeline kanina. Hindi ito muk
Pagkatapos itong sabihin, napagtanto ni Jeremy na nadulas siya. “Pasensya na Ms. Young.” Kaagad na iwinasto ni Jeremy ang kanyang sarili. “Hindi ka nagkakamali. Ako si Cathy.” Itinaas ni Cathy ang malungkot niyang mata at tumingin sa nagtatakang mata ni Jeremy. Nagtaka si Jeremy. Nang itatanong na niya kung anong nangyayari, lumabas ng kwarto si Adam. Nang makita niya si Jeremy, mukhang humihinga nang maluwag si Adam. “Pumasok ka na. Tingin ko makakapagbigay ka pa ng oras para sa kanya.” “Sige.” Inilahad ni Jeremy ang pagsang-ayon niya. Nang papasok na siya, narinig niyang nag-aalalang nagtanong si Cathy. “Talaga bang makukulong na siya?” Huminto sa paglalakad si Jeremy at tumalikod. Nakita niya ang matinding lungkot sa mukha ni Cathy at sa mga mata nito. “Umaasa ka bang makukulong siya o umaasa kang magiging ayos lang siya?” Binigyan ni Jeremy ng pagpipilian si Cathy. Tumingin nang tulala si Cathy kay Jeremy. Sa sandaling ito, hindi niya alam kung paano ito sasagutin
Seryosong babala ng Interpol agent. “Felipe Whitman, aarestuhin ka namin para sa dalawang krimeng ito. May karapatan kang kumuha ng lawyer para tulungan ka sa kaso mo, pero ang tyansa mong manalo ay halos wala…” “Umaamin ako.” Bago pa matapos magsalita ang lalaki, nagsalita si Felipe. “Umaamin ako sa lahat ng mga krimeng ito.” “Felipe.” Halos hindi na mapigilan ni Jeremy ang kanyang sarili nang sabihin niya, “Di pa patay si Cathy. Si Amy ay si Cathy. Wala kang pinatay na kahit sino.” “Mr. Whitman, sinasabi mo ba na buhay pa ang biktima ng planong pagpatay ni Felipe?” Gulat na tanong ng Interpol agent. Siguradong tumango si Jeremy. “Oo, ang babaeng ito ay buhay pa at maayos ang kalagayan.” “Nasaan na siya ngayon?” “Siya ay…” “Jeremy,” Tinawag ni Felipe si Jeremy, “Umamin na ako sa mga krimen ko, kaya wala ka nang kailangang sabihin pa.” Pagkatapos itong sabihin ni Felipe, bumukas ang pinto ng kwarto. “Nandito ako.” Naglakad papasok si Cathy. “Ako ang babaeng iyon
Pagkatapos itong sabihin ni Cathy, pakiramdam ni Felipe na parang may tumama sa puso niya. Hindi pa ito nagtatanong pero kinakabahan na siya nang sobra. Ngunit mukhang sobrang kalmado siya sa kabila ng kaba niya. “Sige lang.” Nakatitig nang diretso kay Cathy ang madilim niyang mata, at hindi niya ito itinago. “Pinagsisihan mo ba ito?” Magaan ang boses ni Cathy. Ngunit nang dumapo ito sa puso ni Felipe, parang sobrang bigat nito. Tinatanong siya nito kung pinagsisihan niya ba ito. Syempre. Syempre pinagsisihan niya ito. Ngunit huli na para magsisi pa. Tinignan ni Felipe ang mukhang dating sobrang pamilyar pero sobrang kakaiba na ngayon. Ngumiti siya. “Hindi ko ito kailanman pinagsisihan.” ‘Di ko pinagsisihang isuko ang malaking kapangyarihan at yaman na pinag-aksayahan ko ng napakaraming oras para buoin. Di ko rin pinagsisihan na muntik na ako mamatay para lang makita ka ulit. ‘Cathy, wala akong karapatan ko kakayahan na sabihan kang manatili at makabawi pa sa
Nang makalabas ng kwarto si Cathy, bumalik ang mga Interpol agent sa loob. Pansamantalang isinantabi ni Jeremy ang inis niya at lumapit kay Cathy. Nakita niya itong tulala. May mga luha sa mga sulok ng mata nito at pisngi nito. Kanina pa ito umiiyak. Umiiyak ito para kay Felipe kaya alam ni Jeremy kung anong ibig-sabihin nito sa loob niya. Inilabas niya ang isang panyo mula sa kanyang bulsa at inabot ito kay Cathy. “Naaalala mo ang nakaraan, kasama na ang nangyari sa pagitan niyo ni Felipe diba?” Yumuko si Cathy at tinignan ang panyong binigay sa kanya ni Jeremy. Naipon ang luha sa mga mata niya. Ang nakaraang hindi niya magawang tignan ay lumilitaw sa kanyang isipan nang sobrang linaw. “Oo, naaalala ko na ang lahat, kasama na ang lahat ng mga masasamang bagay na ginawa niya sa akin.” Umamin si Cathy. Naaalala na niya ang lahat. Ngunit sa sandaling matapos siyang sabihin ito, isang tao ang lumitaw sa likuran niya. “Kailan nangyari yan?” Mapayapa ang tono ni Adam nan
Isang anak na lalaki at babae. Kusang naisip ni Jeremy ang kambal. Lumalabas na ito ang mga anak ni Cathy kay Felipe. Nang marinig ito ni Adam, ngumiti siya sa pagkadismaya. Talagang naaalala na ni Cathy ang lahat. Naalala niya na ang lalaking pinakamamahal niya ay si Felipe. Naalala niya na sa kabila ng kagustuhan ng lalaking patayin siya, iniluwal niya pa rin ang mga anak nito. Kaagad na inilipat si Felipe sa custodial ward mula sa ospital. Wala na siyang pakialam kahit anong parusa pa ang matanggap niya. Ang makita siya sa huling araw niya ay ang pinakamalaking saya para sa kanya. Pag-uwi ni Jeremy mula sa ospital, lalo siyang nabahala. Mula sa mga kilos ni Felipe, napagpasyahan na nitong umamin sa lahat ng ginawa niya. Ayaw niya pang magkaroon ng pagkakataong umapila. Talagang gusto niyang magbayad sa lahat ng mga ginawa niya. Kahit na tama siya, pakiramdam pa rin ni Jeremy na sadyang gusto lang ni Felipe na sukuan ang kanyang sarili. Alam ni Jeremy na kapag
”Ikaw ang walang alam.” Itinaas ni Jeremy ang malupit at nakakatakot niyang mata. “Ako ang boss ng hotel na ito, at ang bawat sulok ng hotel na ito ay teritoryo ko.” “...” Walang masabi ang lalaki nang marinig niya ito. Malinaw na hindi niya alam na si Jeremy ang boss, pero kaagad siyang sumagot. “Mr. Whitman, kahit ikaw pa ang boss, inarkila na ni Mr. Carter ang buong dining hall na ito, kaya may karapatan siyang magdesisyon kung sinong pwedeng pumasok at sinong hindi. Kapag nagpumilit kang pumasok, edi lalabag ka sa kasunduan Mr. Whitman, at ayon sa kasunduan, kakailanganin mong magbayad para dito.” Matapos marinig ang sinabi ng lalaki, tumawa si Jeremy sa halip na magalit. “Kung ganon, tingin mo ba mukha akong isang taong walang pera?” “...” Walang masabi ang lalaki. Habang wala siyang masabi sa harapan ng kalmado at malakas na aura ni Jeremy, nakita niya si Jeremy na kalmadong naglalakad papasok ng dining hall. Pipigilan na ng lalaki si Jeremy sa pinto at ipapahiya si
”Linnie.” Umingay ang mababa at mahinang boses ng lalaki sa tainga niya. Dahan-dahang itinaas ni Madeline ang matalim ngunit magandang mata niya. Tapos nakita niya ang singkit na mata ni Jeremy na puno ng damdamin sa salamin. “Linnie.” Lumapit si Jeremy kau Madeline, habang ang mainit niyang palad ay nakahawak nang mahigpit sa manipis nitong braso. “Linnie, may mga lihim ka ba? Bakit ka sumasama kay Carter?” Ibinaba ni Madeline ang kanyang tingin para tingnan ang kamay ni Jeremy na nakahawak nang mahigpit sa kanya. Tapos tumingin siya nang masama sa masugid at umaasang mata ni Jeremy. “Kapag hindi ako sumama kay Carter, dapat ba akong bumalik sa’yo?” Tanong ni Madeline habang may masungit na tawa. Tinulak niya palayo ang kamay ni Jeremy. “Bakit ko ba pinakasalan ang isang lalaking tulad mo noon? Jeremy, divorced na tayo. Babalaan kita, tigilan mo na ang panggugulo sa akin.” Matapos makinig kay Madeline, pakiramdam ni Jeremy parang nakidlatan ang puso niya. Sa sandaling iy