”Linnie.” Umingay ang mababa at mahinang boses ng lalaki sa tainga niya. Dahan-dahang itinaas ni Madeline ang matalim ngunit magandang mata niya. Tapos nakita niya ang singkit na mata ni Jeremy na puno ng damdamin sa salamin. “Linnie.” Lumapit si Jeremy kau Madeline, habang ang mainit niyang palad ay nakahawak nang mahigpit sa manipis nitong braso. “Linnie, may mga lihim ka ba? Bakit ka sumasama kay Carter?” Ibinaba ni Madeline ang kanyang tingin para tingnan ang kamay ni Jeremy na nakahawak nang mahigpit sa kanya. Tapos tumingin siya nang masama sa masugid at umaasang mata ni Jeremy. “Kapag hindi ako sumama kay Carter, dapat ba akong bumalik sa’yo?” Tanong ni Madeline habang may masungit na tawa. Tinulak niya palayo ang kamay ni Jeremy. “Bakit ko ba pinakasalan ang isang lalaking tulad mo noon? Jeremy, divorced na tayo. Babalaan kita, tigilan mo na ang panggugulo sa akin.” Matapos makinig kay Madeline, pakiramdam ni Jeremy parang nakidlatan ang puso niya. Sa sandaling iy
Habang sinasabi niya ito, bigla niyang hinila pababa ang kanyang kurbata at ginapos ang kamay ni Madeline. “Anong ginagawa mo? Jeremy, anong binabalak mo?” “Linnie, wag kang matakot. Di na kita sasaktan. Gusto lang kitang iuwi.” “Wala na akong uuwian kasama mo. Jeremy, ikaw…” Buong lakas siyang tinatanggihan ni Madeline, ngunit sa huli, hindi pa rin siya manalo laban sa lakas ni Jeremy. Ginamit nito ang kurbata niya para igapos ang kamay ni Madeline para mapigilan ito na magpumiglas. Kahit na ginawa niya ito, nagdadalawang-isip pa rin si Jeremy na itali siya nang mahigpit dahil baka masaktan niya ito. “Linnie, iuuwi kita ngayon na. Magtiwala ka sa akin, ang bagay na gustong-gusto mo sa kailaliman ng puso mo ay bumalik sa akin.” Tumingin nang maigi si Jeremy kay Madeline. Ngunit nakatingin sa kanya si Madeline gamit ng mga matang puno ng galit. “Di ka mapapatawad ni Cart.” “Hayaan mo pala siyang pumunta sa akin. Gusto kong makita kung anong gagawin niya para agawin m
Hindi makawala sa kanya si Madeline, kaya ang magagawa lang niya ay hayaan si Jeremy na dalhin siya sa loob. Ngunit malinaw na ayaw niya. “Jeremy, ano bang gusto mo? Tapos na tayo.” Lumingon si Jeremy para tingnan ang mga mata ni Madeline na puno ng galit. “Linnie, di darating ang araw na matatapos ang lahat ng nasa pagitan natin.” “Baliw ka na!” Natuwa si Jeremy na pinupuna siya ni Madeline. “Kahit anong sabihin mo sa akin, iisipin ko lang na nilalambing mo ako.” “...” Kumunot ang noo ni Madeline habang naiinis nang sobra. Nang lalaitin na niya lalo ang lalaki, bigla siyang dinala sa kwarto. Siguro pinipigilan nito si Madeline na tumakas kaya sinadyang kinandado ni Jeremy ang pinto. Pagkatapos ikandado ang pinto, inalis niya ang kurbata sa mga braso ni Madeline. Ngunit nang maalis ang kurbata, tinulak ni Madeline palayo si Jeremy at kaagad na tumakbo patungo sa pnto. Ngunit kinandado ni Jeremy ang pinto mula sa loob, at ngayon lang, nakita niya si Jeremy na inilaga
Kahit na di pa rin kumbinsido si Madeline, wala siyang paraan para makatakas. Dahil alam ni Jeremy na tinatanggihan siya ng kasalukuyang Madeline, binantayan niya ang pinto ng kwarto buong gabi. Kinabukasan pagpasok niya ng kwarto, nakita niyang nagpalit na ng damit si Madeline. Nakaupo ito sa kama habang binubuklat ang photo album. Nang makita niyang pumapasok si Jeremy, hinagis niya ang album sa isang tabi. “Hanggang kailan mo ako ikukulong dito?” Diretso siyang nagtanong. Ngumiti nang malambing si Jeremy. “Linnie, gutom ka na siguro ano? Nagluto ako ng almusal.” “Talaga? Naaalala ko na laging ako ang gumagawa ng almusal at naghihintay sa’yo sa baba. Pero wala kang pakialam,” Sinabi ni Madeline at bumaba siya matapos lagpasan si Jeremy. Hindi pinansin ni Jeremy ang sinasabi ni Madeline sa kanya ngayon. Alam niyang hindi ito ang tunay nitong intensyon. ‘Pero paano siya nagkaganito? ‘Bakit niya iniisip na divorced na kami at bakit lagi niyang binabanggit ang masasaman
Hindi marinig ni Madeline ang sinasabi ni Carter kay Jeremy, ngunit napansin niya ang pagbabago sa mga mata ni Jeremy. Maging ang mukha nito ay naging mas malamig at mas madilim sa isang iglap. Nagtataka siya, pero wala siyang balak na magtanong. Nang makita ni Carter ang pagbabago sa mukha ni Jeremy, ngumiti siya at bumalik sa tabi ni Madeline sa tuwa. “Eveline, umalis na tayo.” Tinignan ni Madeline si Jeremy na nakatayo nang hindi kumikibo habang nakatingin sa kanya nang hindi nagsasalita. Nginitian niya si Carter at tumango. “Okay, tara na.” Noong una hindi nagtataka si Madeline, ngunit nang maalala niya kung gaanong nagpupumilit si Jeremy na manatili siya dito at kung paano siya pinapanood nito na umalis nang walang kibo, naguluhan siya nang sobra. Pinag-isipan niya ito bago magtanong, “Cart, anong sinabi mo kay Jeremy ngayon lang? Bakit mukhang natulala siya? Bakit di siya nagsasalita o kumikibo?” Nagkaroon ng saya sa mga sulok ng mata ni Carter, pero hindi siya nags
Muling nagbago ang ekspresyon ni Adam. “Marunong si Cathy ng hipnotismo?” Hindi niya alam na may ganitong kakayahan si Cathy. “Adam, nasaan ngayon si Cathy?” Aligagang tanong ni Jeremy. Pagkatapos niyang sabihin ito, nakita ni Jeremy ang kalungkutan sa mga mata ni Adam. Pagkalipas ng ilang segundo, nagsalita si Adam, “Sa tingin ko ay binisita niya ang lalakeng yun.”Ang lalakeng yun. Kaagad itong naunawaan ni Jeremy.Ang ‘lalakeng’ tinutukoy niya ay si Felipe. Custodial ward.Nakatayo si Cathy sa tapat ng pinto ng silid na kung saan nakakulong si Felipe. Hindi pa rin siya pumasok kahit na lumipas na ang ilang oras. Sa maliit na bintana, nakikita niya si Felipe na nakaupo sa kama. May hawak itong notebook sa kaliwang kamay nito at may hawak na ballpen sa kanang kamay. May sinusulat ito sa mga pahina ng notebook. Nagsusulat lang ito sa buong oras na nakatayo si Cathy sa labas ng pintuan. Habang inaalala niya kung ano ang mga nangyari noon, ang naramdaman lang ni Cathy ay
“Jeremy, ikaw nanaman! Ano pa bang gusto mo?” Nanlalaban pa rin si Madeline ng buong lakas nito. Diniinan ni Jeremy ang balikat ni Madeline. Ang malalalim na mga mata nito ay diretsong nakatingin sa mga magandang mata ni Madeline na puno ng pandidiri. “Linnie, pakiusap paniwalaan mo ako kahit na anong mangyari. Hindi kita sasaktan.”“Hindi mo ako sasaktan?” Malamig na tumawa si Madeline at nagtanong. “Mukhang nakalimutan mo na kung paano mo ako trinato noon, pero hindi ko makakalimutan ang mga iyon!” Pagkatapos itong sabihin ni Madeline, pakiramdam ni Jeremy ay parang hiniwa ng kutsilyo ang kanyang puso.Ang tumakot kay Jeremy ay nung sinabi ito ni Madeline, puno ng matinding galit ang mga mata nito. Ang lebel ng galit nito ay para bang kahapon lang nung nasaktan niya ito na naging dahilan para magdugo ito at umiyak. Hindi na ito pangkaraniwan. Lalo naging sigurado si Jeremy na nahipnotismo si Madeline. Kung hindi, kung normal si Madeline, hindi niya sasabihin ang mga ba
“Hindi ako susunod sayo.” Pumalag si Madeline. Pero, pagkatapos niyang sabihin ang kanyang pagpoprotesta, lumabas ng bahay si Adam. Nang makita niya sila Madeline at Jeremy, nagulat siya. Pero, ang ikinagulat niya ay nung nakita niya na tinalian ni Jeremy si Madeline sa kamay gamit ng kurbata. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Jeremy. Tinignan niya si Madeline. Hindi niya mahanap ang malumanay at palakaibigan nitong ngiti sa maganda nitong mukha. Ngayon, malamig na ekspresyon lang ang nakikita niya mula dito. “Nandito na ba sila?” Lumabas din si Cathy. Nang marinig ni Madeline ang boses ni Cathy, inangat nito ang kanyang mga mata para tignan ito. “Evie.” Ngumiti si Cathy at binati si Madeline. Nagsalubong ang magandang kilay ni Madeline. Pagkatapos, bakas ang pagkagulat sa mga mata nito. “Ikaw ba yan… Cathy?” “Linnie, kilala mo ba si Cathy?” Nagulat si Jeremy. Hindi pinansin ni Madeline si Jeremy at humakbang papalapit kay Cathy. “Ikaw ba yan Cathy?”“Oo, a