Share

Kabanata 1589

Pagkatapos marinig iyon ni Madeline ay tinignan niya ang oras. Ngumiti siya at nagsabing, "Darating ako sa lugar na hinanda ni Mr. Carter sa tamang oras, kaya hindi mo na ako kailangang ihatid. Sasamahan ako ng asawa ko."

Ngumiti ang driver. "Ms. Montgomery, hindi mo ko naiintindihan. Sinabihan ako ni Mr. Carter na ihatid ka dahil gusto niyang mag-isa kang pupunta. At saka, ayaw ni Mr. Carter na malaman ng ibang tao ang lugar na pupuntahan natin."

Napakamisteryosong lugar.

Nag-aalangan si Madeline. Pagkatapos ay narinig niya ang driver na nagsabi, "Alam ni Mr. Carter na gusto mong tumanaw ng utang na loob sa pagligtas niya sa'yo, kaya mas maganda kung ikaw lang ang pupunta, Ms. Montgomery."

Aaminin ni Madeline na gusto nga niyang tumanaw ng utang na loob. Sa ganitong paraan, hindi na siya madadawit sa lalaking ito.

Pero, bakit iniimbestigahan ng taong ito si Jeremy?

Habang iniisip niya ito, pinaandar ni Jeremy ang kanyang kotse.

Nang makita niya ang nangyayari sa may pint
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status