Lahat ng Kabanata ng Isa pala akong rich kid?!: Kabanata 2191 - Kabanata 2200

2513 Kabanata

Kabanata 2191

Tumango si Suijin saka niya pinatay ang kanyang sigarilyo, na hindi niya masyadong nagamit, bago niya sinabi, "...Sabihan mo siya na kitain niya ako sa reception room."Mabilis na lumipas ang twenty minutes, nakita ni Suke si Suijin na nakaupo sa isang bamboo chair sa reception room nang pangunahan siya ni Ryugu papunta sa lugar na iyon. Sumigaw kaagad si Suke nang makita si Suijin, “Patriarch! Tulungan mo akong patayin si Gerald, handa akong tanggalin ang kalahati ng benefits na napagkasunduan natin dati!" "Kumalma ka at dahan-dahang ipaliwanag sa akin ang sitwasyon," bulong ni Suijin habang nakahawak sa kanyang noo, nakaramdam siya ng bahagyang pananakit sa kanyang ulo. Sa katunayan, lahat ng problemang ito ay nagmula nang sabihan niya si Saburo na habulin si Fujiko... Kung hindi lang siguro nangialam si Gerald, magiging maayos ang lahat! Gayunpaman, walang makakapatay sa lalaking iyon kahit anong taktik pa ang gamitin nila! “…Nagsagawa ng family meeting ang pamilyang Futaba nga
Magbasa pa

Kabanata 2192

Pagkatapos marinig iyon, yumuko si Suke kay Sujin bago siya umalis mula sa lugar na iyon. Nang makaalis na si Suke, hinampas ni Sujin ang kanyang kamao sa mesa bago niya sumigaw, “Sino ba talaga si Gerald?! Bakit siya may mga contact sa loob ng pamilyang Yamashita?! At nasaan ba sila Endo at Izumi!" Madali lang sana matatapos ito! Paano naging komplikado ang mga bagay? Wala sa mga plano ang matutuloy hangga’t hindi mapapatay si Gerald! Napahinto si Ryugu nang marinig niya ang mga pangalan ni Endo at Izumi. Kung tutuusin, hindi pa niya nasasabi kay Suijin ang tungkol sa pagkawala nila! Dahil hindi na niya ito maitatago pa, napalunok si Ryugu habang nauutal niyang sinabi, "Si-sila..." Umiling si Ryugu nang makita niyang nakataas ang isang kilay ni Suijin, bago siya nagpatuloy, “…S-sila… Nawala na sila mula noong pinadala ko sila noon para patayin si Gerald…! Malakas ang kutob ko na sila ay kasalukuyang nakakulong sa Futaba manor, at nag-iisip pa rin ako ng mga paraan para patayin
Magbasa pa

Kabanata 2193

"…Ano? Hindi ka pa ba nakapasok sa teritoryo nila?" tanong ni Suijin habang nakasimangot. “…Ang matandang iyon ay napakalakas, pero hindi ko matukoy kung siya ay isang ninja... Wala pa akong nakikitang ninja noon kaya hindi ko talaga masasabi kung sino ang mga ninja bukod sa mga regular na tao... ” sabi ni Ryugu, alam niya na hindi niya pwedeng hulaan kung ang matanda ay isang ninja dahil lang napakabilis nito. “Mag-imbestiga ka pa tungkol dito. Gumawa ka lang ng aksyon kapag tapos na ang investigation! Ang taas ng risk sa pagkakataong ito! Hindi muna ako magsasalita tungkol sa kaso nila Endo at Izumi, pero mas mabuting ibalik mo sila nang ligtas o papalitan kita ng mas experienced na tao, mula sa posisyon mo bilang leader ng assassination department!" sabi ni Suijin habang nakatitig kay Ryugu. “O-Opo…!” sagot ni Ryugu na sa sobrang takot hanggang sa nabasa ng malamig na pawis ang kanyang noo... Samantala, kagigising lang ni Kai sa kanyang manor. Pagktapos niyang gawing mas pre
Magbasa pa

Kabanata 2194

Nang matapos ang meeting, ang iba pang miyembro ng pamilyang Futaba ay nagsimulang sumugod kay Gerald, iniabot sa kanya ang kanilang mga business card habang sinasabi nila, “Isang misunderstanding lang ang nangyari noong nakaraan, mister! Pero kalimutan na natin iyon, aasa kami ngayon sayo para ibalik ang dating glory ng aming pamilya!" "Oo, tama ang sinabi niya! Eto, eto contact number ko! Kung kailangan mo ng anumang tulong sa susunod, huwag ka mag-atubiling tumawag! Sisiguraduhin kong tutulong ako sa abot ng aking makakaya!" "Kunin mo din ang number ko!" Malumanay na ngumiti si Gerald habang tinatanggap niya ang mga card, habang sumasagot siya ng, "Isa-isa lang, kukunin ko ang lahat ng card niyo... Huwag kayong mag-alala..." Hindi kilala ni Gerald ang karamihan ng miyembro ng pamilyang Futaba sa pangalan. Ngayong mayroon na siya ng kanilang mga name card, malalaman na niya kung sino ang hahanapin kung kailangan ng pamilyang Futabas ng tulong sa pagpatay ng mga ‘problematic i
Magbasa pa

Kabanata 2195

Kaysa tulungan siya, naniwala si Gerald na ang mga ‘reinforcements’ ay magiging mga pasanin lamang na kailangan niyang protektahan kapag naroon na sila. “…Sino ang isasama mo?” tanong ni Takuya. “Si Fujiko at si Aiden lang. Sapat na silang dalawa,” sagot ni Gerald habang nakatingin sa dalawang tao na binanggit niya. Nang marinig iyon ni Aiden, alam niya na susunod siya kay Gerald kahit pa sa dulo ng mundo, kaya sinabi niya, "Handa kami kapag handa ka na!" "Payag rin ako na isama mo si Fujiko," sabi ni Takuya kasunod ang isang tango, na naniniwalang iingatan ni Gerald ang kanyang anak na babae. Tumango si Fujiko habang nagtatanong, "Kailan tayo aalis?" “Imbes na maghintay pa tayo ngayon, bakit hindi na lang natin sila kitain ngayon. Tulad ng isang matandang Weston saying, 'hampasin mo habang mainit pa ang bakal'. Tingnan natin kung paano sasagot ang pamilyang Hanyu sa munting bisita na ito," sagot ni Gerald na may mahinang ngiti... Ilang sandali pa ay umalis na ang tatlo s
Magbasa pa

Kabanata 2196

Tumango si Ryugu saka siya umalis para gawin ang inutos sa kanya. Gayunpaman, bago pa siya lumabas ng kwarto, lumingon siya para tingnan ang iba pang mga team leaders bago niya sinabing, “Habang wala ako, kailangan niyong bantayan ng maigi ang patriarch. Napakalakas ni Gerald na kaya niya kayong pagsabay-sabayin na pabagsakin, at hindi siya magagalusan habang ginagawa niya ito! Kung may mangyari man sa patriarch, sisiguraduhin kong mamamatay rin kayo!" "Magiging alerto kami, team leader!" sagot ng ilan sa mga team leaders, na nag-udyok kay Ryugu na ipagpatuloy ang kanyang gawain... Kasalukuyan naman kay Gerald at sa kanyang grupo, hindi nagtagal ay nakita nilang bumalik ang guard para papasukin sila sa bahay. Habang pumapasok sila sa loob, wala ni isa sa kanila ang nag-abala pang tumingin sa kanilang paligid. Kung tutuusin, ang mga traditional Japanese na manor na tulad nito ay maihahalintulad sa iba. Habang tumatagal ay nakarating na sila sa pinakaloob na lugar ng manor... Hindi
Magbasa pa

Kabanata 2197

“Silang dalawa ay nasa bingit ng kamatayan. Sa tingin ko kailangan mong magdala ng mga stretcher kung gusto mong iligtas sila. Kung hindi, baka hindi na nila kakayanin ang sarili nilang mga katawan.” sagot ni Gerald habang nakatitig sa mga mata ni Suijin... “…G-ganun ba…” sagot ni Suijin habang nanginginig ang kanyang mga kamay, pilit niyang pinipigilan ang galit na nararamdaman niya. “Pakawalan mo sila, t*ng-ina mo! Kung hindi, hindi ka aalis sa lugar na ito ng buhay!" sigaw ni Ryugu habang sumusugod siya kwarto! Dahil si Ryugu ang nagpadala kina Endo at Izumi para sa misyon na patayin si Gerald, nang hindi nalalaman ni Suijin, alam ni Ryugu na siya ang mananagot sa kung ano man ang mangyari sa kanila. Pero hanggat nabubuhay pa sila, malamang kaya niyang indahin ang isa o dalawang punishment na ipapataw sa kanya. Gayunpaman, kung patay na sila, malaki ang posibilidad na mamamatay rin siya...! Agad na tumayo si Aiden nang makita niyang sumugod si Ryugu! Sa loob ng ilang segundo
Magbasa pa

Kabanata 2198

Pagkatapos sabihin iyon, hindi naiwasan ni Suijin na tumingin kay Ryugu. Sigurado na hindi niya kinuha ang assassin na iyon, pero hindi ibig sabihin nito ay hindi rin ito ginawa ni Ryugu. Pagkatapos ng lahat, siya ang nagpadala kayla Endo at Izumi nang hindi niya nalalaman... “Ganun ba…” sagot ni Gerald habang nakatingin din kay Ryugu. Napagtanto ni Ryugu na pareho silang nakatitig sa kanya, kaya nabalisa siya ng tuluyan. Ang kawalan ng tiwala ni Suijin sa kanya ay walang iba kung hindi dahil kay Gerald! Dahil doon, tiningnan niya ng masama si Gerald at sinabi, “Hindi ako ang gumawa nito…! Hindi ko gagawin ang nakakahiyang bagay na tulad nito! Kaya manahimik ka ngayon at ibalik mo sa amin sina Endo at Izumi!” “Malaya kayong kunin sila! Walang kwenta na panatilihin pa sila sa Futaba manor. Oh, at huwag kalimutan ang mga stretcher!" sagot ni Gerald habang kaswal siyang nagkibit balikat. "Ikaw…!" sumabog na si Ryugu sa sobrang sama ng loob niya. Sina Endo at Izumi ay parehong maka
Magbasa pa

Kabanata 2199

Pagkatapos nito, tumawa ng malakas si Gerald bago siya tumayo at sinabing, “Sige, umalis na tayo. Tayo ay nakakairita na sa kanila sa puntong ito!" Tumango sila Aiden at Fujiko, bago sila sumunod sa likuran ni Gerald. Gayunpaman, bago pa sila umalis, tinamaan ni Aiden ang braso ni Ryugu nang dumaan siya at dahil dito ay muntikan nang mahulog sa lapag si Ryugu! "Ikaw…!" sabi ni Ryugu habang nakatitig kay Aiden. Gayunpaman, hindi siya pinansin ni Aiden at umalis na lamang siya kasama sina Gerald at Fujiko... Nang mawala ang tatlo, ang kanina pang nagpipigil ng galit na si Ryugu ay agad na tumakbo patungo kay Suijin bago siya nagtanong, “Patriarch! Bakit mo sila hinayaang umalis...?" Suminghal si Suijin bago niya mapanuyang sinabi, “Bakit gusto mo silang manatili pa dito? May balak ka bang ilibre sila ng dinner o ano?" Sa totoo lang, kung hindi dahil isang mahalagang miyembro ng pamilya si Ryugu at siya rin ay hindi madaling palitan ni Suijin, sana ay ilang taon na ang nakalipas
Magbasa pa

Kabanata 2200

Mabilis na binuksan ni Suke ang pinto nang marinig niyang may kumakatok. Nang makita niya na si Ryugu iyon, hinila siya ni Suke papasok sa kanyang kwarto, isinara ang pinto sa likod niya bago siya nagtanong, “Nandito ka na rin sa wakas! Anong sinabi ng patriarch? Pwede pa rin nating pag-usapan ang tungkol sa mga benefits! Hangga't mamamatay si Gerald, wala akong pakialam kung ang makukuha ko ay one third lamang ng benefits! Kung hindi pa ito sapat, one fifth ay pwede na rin…!" Makabuluhan na desperado si Suke sa pagkamatay ni Gerald. Hangga't nabubuhay pa si Gerald, ituturing siya na isang kahihiyan kapag humarap siya sa pamilyang Futaba. Gayunpaman, nadismaya si Suke dahil ang sagot lamang sa kanya ni Ryugu ay ang pagsindi ng sigarilyo, umupo at sinabing, “Kakaalis lang ni Gerald.” “…Huh? Teka, bakit hindi mo siya pinigilan? At bakit siya pumunta dito?" sagot ni Suke na halatang nagpapanic habang nilalabas niya ang kanyang ulo sa bintana. Hinila muli siya ni Suke at dahil dito
Magbasa pa
PREV
1
...
218219220221222
...
252
DMCA.com Protection Status