Home / Urban / Realistic / Isa pala akong rich kid?! / Chapter 2211 - Chapter 2220

All Chapters of Isa pala akong rich kid?!: Chapter 2211 - Chapter 2220

2513 Chapters

Kabanata 2211

Pagkatapos nito, pinangunahan ni Derrick ang grupo ng tatlo—habang nakapalibot ang mga bodyguards— papasok sa building, naiwan ang mga kaninang empleyado na nakatitig sa kanilang mga likuran habang sila ay nakatulala. Sa loob ng maraming taon nilang pagtatrabaho dito, ngayon lang nila nakita na malapit sa ibang tao ang kanilang chairman, hindi rin naman sila nagkaroon ng maraming pagkakataon na makita siya sa unang lugar... Kasunod nito, agad na sumakay ang tatlo sa elevator at pumunta sila sa pinakamataas na palapag... Ang buong floor ay opisina ni Derrick, at nang bumukas ang mga pinto ng elevator, sinalubong sina Gerald at Aiden halos isang dosenang mga empleyado. Base sa paraan ng pananamit nila, mukhang mga secretary sila ni Derrick... "Dito ang daanan!" sabi ni Derrick habang sinesenyasan si Gerald at Aiden na sumunod sa kanya, hindi pinapansin ang magulong eksena sa kanilang harapan. Nang makarating sila sa kanyang mesa, hinubad ni Derrick ang kanyang coat bago siya gumawa
Read more

Kabanata 2212

“Nandito ako ngayon para pag-usapan ang problema sa pamilyang iyon,” sagot ni Gerald habang nagsisindi ng sigarilyo. “…Oh? May koneksyon ka ba sa ibang pamilya dito?" tanong ni Derrick na inakala na siya lang ang kilala ni Gerald sa buong Japan. "Ang buong kwento ay masyadong komplikado para ipaliwanag sa isang upuan lamang, pero nandito ako para magtanong kung handa kang tulungan ang mga Futaba para malampasan nila ang kanilang kasalukuyang krisis," sagot ni Gerald. "Walang problema! Tutulungan ko sila!" sagot ni Derrick ng hindi man lang nag-dalawang isip. “Ganito lang? Hindi ka ba nag-aalala na gagamitin ko ito laban sayo?" sabi ni Gerald sabay tawa. “Huwag kang magbiro, niligtas mo ang buhay ko noon! Paano kung susubukan mo akong kalabanin? Walang problema sa akin na ibigay sayo ang aking posisyon! Sabihan mo ang pamilyang Futaba na pumunta dito. Nagkataon lang na mayroon akong ilang angkop na kontrata para sa kanila. Inisip ko noong una ay ibigay ito sa bagong acquired n
Read more

Kabanata 2213

Nakikinig si Gerald habang ibinahagi ni Derrick ang nakaraang kwento na iyon, kaya hindi napigilan ng lalaki na mapailing habang nakangiti. Pagkatapos ng lahat, si Gerald ay gumawa na ng maraming mga bagay para sa iba, kaya hindi niya tinuring na espesyal ang pagligtas kay Derrick. Makalipas ang halos isang oras at kalahati nang matapos na sila sa kanilang pagkain. Sa oras na iyon, nainom na ni Derrick ang halos lahat ng puting alak, at ang kanyang namumulang pisngi ay nakadikit na sa hita ni Gerald habang patuloy siyang bumubulong tungkol sa pangyayari noong taong iyon... Sa kabila nito, hindi nainis si Gerald sa mga ikinikilos ni Derrick. Sa halip, patuloy siyang sumagot sa mga salita ni Derrick na lalong nagiging hindi magkatugma... Mabuti na lang at may pumasok na secretary. Nang makita siya, sinenyasan siya ni Gerald na lumapit bago niya sinabing, “Kumuha ka ng mga tao para tulungan ang chairman na tumayo. Kailangan na niyang magpahinga." Tumango ang secretary, saka siya u
Read more

Kabanata 2214

“Hayaan mo siyang magpahinga,” sagot ni Gerald sabay kaway ng kanyang kamay. “...Okay. Maghihintay ako sa labas kung may kailangan kayo...” sagot ng secretary na gumaan ang pakiramdam na hindi siya pwedeng sisihin dahil sinabihan na siya ni Gerald na huwag gisingin si Derrick. Nang makaalis ang secretary, naudyukan si Takuya na magtanong, “...Kilala mo ba si Chairman Derrick…?” "Nandito ako para hingin ang tulong niya," sagot ni Gerald sabay tango. "…Ganun ba... Pero… bakit ako nandito...? Kailangan mo rin ba ng tulong ko sa isang bagay...?" tanong ni Takuya habang nahihirapan siyang maintindihan ang buong sitwasyon. “Negative. Nandito ka dahil sinabihan ko si Derrick na bigyan kayo ng kontrata na kailangan niyong pirmahan. Pagkatapos nito, ang pamilya mo ay kailangang makabalik sa dati nitong glory sa anumang oras. Huwag kang mag-alala, sisiguraduihin ko na itatrato ka ng maayos ni Derrick,” paliwanag ni Gerald na may banayad na ngiti sa kanyang labi. “…A-ano?!” sigaw ni T
Read more

Kabanata 2215

"Tama iyan! Hindi ko inakala na napakabilis lumipas ng mga taon... Pagkatapos ng ating collaboration, nagsimulang humina ang pamilya ko…” sagot ni Takuya bago siya tumango. Sa totoo lang, ang pakikipagtulungan ng kanyang pamilya sa Fareast Consortium ay ang highest point ng kanilang pamilya. “Nakikita ko… mukhang nagdala ng malas ang kumpanya ko sa inyong pamilya!” biro ni Derrick. “Please ‘wag mong sabihin yan! Nangyari lang iyon sa pamilya ko dahil sa ilang internal issues. Wala kang kinalaman sa pagbagsak ng pamilya ko…!” sigaw ni Takuya na masyadong sineryoso ang biro ni Derrick. "Uy! Joke lang ‘yun... Hindi pa ba nakaka-recover ang pamilya mo simula noon?" tanong ni Derrick. “Minalas kami dahil hindi naka-recover ang pamilya namin hanggang ngayon... Sa totoo lang, ang lahat ng ito ay nangyayari lamang dahil ang 'ilang mga indibidwal' ay ginamit sa mali ang kanilang posisyon, ibinulsa nila ang mga kita para sa kanilang sarili hanggang sa maubos ang lahat ng yaman ng pamilya
Read more

Kabanata 2216

“Magtiwala ka sa akin, patriarch, malapit ko nang kailanganin ang tulong mo,” pabulong na sinabi ni Gerald. "Sabihin mo lang at tutulungan kita! Hindi ako mag-aatubili na ibigay sayo ang posisyon ko bilang patriarch!" deklara ni Takuya habang tinatapik ang kanyang dibdib, alam niya na masisira ang kanyang pamilya kung hindi dahil sa tulong ni Gerald. Malamang patay na si Fujiko kung hindi pumasok si Gerald para iligtas siya noon...! Makalipas ang ilang sandali, nakarating ang apat sa private room sa top floor… Nang makaupo na sila, si Derrick ay biglang tumahimik bago niya sinabing, “Um... Pasensya na at pinahintay ko kayo ng matagal... Kapag nakabalik ako sa opisina, kakausapin ko ng mtagal ang secretary ko kung bakit hindi niya ako ginising kanina!" “Huwag mo nang pagalitan ang kawawang secretary,” nakangiting sinabi ni Gerald. "…Sigurado ka ba…?" tanong ni Derrick. “Sinubukan niyang gisingin ka, pero pinigilan ko siya. Alam ko na ikaw pa rin ang isang chairman ng isang n
Read more

Kabanata 2217

Ang rason kung bakit mainit ang kanyang ulo ay dahil hindi pa siya masyadong sober. Sa oras na ito, tinapik ni Derrick ang kanyang dibdib–para ipakita ang kanyang reliability kay Gerald— bago niya sinabi, “Huwag kang mag-alala, brother Gerald! Medyo marami kilala ko mula sa militar hanggang sa punto na ang kanilang leader ay gumagalang sa akin! Wala sa akin na si Chef Yamamota ang mag-serve sa atin!" “Ganoon ba…” sagot ni Gerald sabay tango. Alam ni Gerald na ang Japan ay isang bansa kung saan pinahahalagahan ang yaman. Kahit pa nagkaroon ng kaunting division sa pagitan ng mga Japanese at ng mga mula sa Western Union, hindi pa rin nagbago ang kalakaran ng dalawang bansa. Hangga't may pera at kapangyarihan ang isang tao, sila ay magiging malakas sa kanilang mga bansa… Hindi nagtagal ay bumalik ang waiter para ipaalam sa kanila na pumayag si Chef Yamamoto na unahin ang paghahanda ng kanilang mga pagkain. Sinabi rin niya sa kanila na in-estimate ng chef na handa na ang pagkain sa loob
Read more

Kabanata 2218

Nang makaalis si Ichiro, biglang nakaramdam si Derrick ng matinding kahihiyan. Napansin ito ni Gerald, kaya klinaro niya ang kanyang lalamunan bago niya sinabi, “Totoo na big shot ka na dito hanggang sa punto na nirerespeto ka na ng military, pero mas mabuti kung hindi ka magmamayabang. Kung patuloy mong gagawin ito, sinisiguro ko sayo na magkakaroon ka ng napakaraming mga kalaban sa lalong madaling panahon." “…Alam ko… Sinusubukan ko lang na bigyan ka ng mas magandang treatment.” sagot ni Derrick habang tumatango, namumula ang kanyang mukha dahil sa sobrang kahihiyan. “Tratuhin mo lang sila ng normal,” sabi ni Gerald na parang wala siyang pakialam. Maya-maya pa ay bumalik na ang waiter dala ang kanilang pagkain. Habang nag-uusap sina Derrick at Takuya ng mas detalyado sa kontrota, tahimik lang sina Gerald at Aiden habang kumakain sila. Habang patuloy nilang pinga-uusapan ang kontata, lalong nahirapan si Takuya na hindi ngumiti sa kasalukuyang nangyayari. Ayon sa kanilang nap
Read more

Kabanata 2219

Ngumiti si Takuya habang sinasabi, “...Okay lang kung ayaw mong sabihin sa akin. Talagang nagpapasalamat ako sa lahat ng tulong mo. Sa tulong ng dalawang kontratang ito, makakabalik na ang pamilya ko!” Napagtanto ni Takuya na hindi mahalaga kung sino talaga si Gerald. Ang mahalaga ay hindi niya ginawan ng masama si Fujiko o ang mga miyembro ng kanyang pamilya, at sapat na iyon para sa kanya. Sa totoo lang, si Gerald ang biyayang kailangan ng kanyang pamilya noong sila ay nasa pinakamababang punto ng kanilang buhay… Sa sandaling ito, malapit nang mag-twelve o’clock nang sa wakas ay nakabalik na sila sa mansyon. Nang makapasok sila, hindi nag-aksaya ng oras si Takuya at nagsimula siyang magpadala ng mga message sa lahat ng miyembro ng kanyang pamilya, sinasabing magkakaroon sila ng isang family meeting. Halois kalahati ng pamilya niya ay naghihintay na kay Gerald sa labas ng manor, pero sumigaw sila sa sobrang tuwa nang makita nila ang message. Alam nila na kung may isa pang family
Read more

Kabanata 2220

“Huwag na natin siyang isipin. Tinipon ko kayong lahat dito ngayon para sabihin ang ilang magandang balita! Sa tulong ni kuya Gerald, nakakuha ako ng dalawang kontrata sa Fareast Consortium! Kung magiging maayos ang kalalabasan ng lahat, ang pamilyang Futaba ang kikita ng twelve million dollars kada taon!” sabi ni Takuya habang nakatingin sa iba pang miyembro ng kanyang pamilya. “…A-ano…?!” sigaw ng mga miyembro ng pamilya habang nakatingin sila kayla Gerald at Takuya. Alam ng lahat ang tungkol sa Fareast Consortium! Madaling sabihin na kahit ang pinakamayaman na pamilya ay makikinabang sa kanila...! Sa ganitong paraan ay masasamantala nila ang benepisyo na makukuha nila sa pamilya...! “Ako ang in-charge sa contracts noon, patriarch! Pwede mong ipaubaya sa akin ang mga kontrata! Kapag ako ang humarap sa Fareast Consortium, aasahan mo na makakakuha tayo ng fifteen million sa halip na twelve million lang!” “Bullsh*t! Huwag makinig sa kanya, patriarch! Siya ang naging dahilan kung b
Read more
PREV
1
...
220221222223224
...
252
DMCA.com Protection Status