Pagkatapos nito, tumawa ng malakas si Gerald bago siya tumayo at sinabing, “Sige, umalis na tayo. Tayo ay nakakairita na sa kanila sa puntong ito!" Tumango sila Aiden at Fujiko, bago sila sumunod sa likuran ni Gerald. Gayunpaman, bago pa sila umalis, tinamaan ni Aiden ang braso ni Ryugu nang dumaan siya at dahil dito ay muntikan nang mahulog sa lapag si Ryugu! "Ikaw…!" sabi ni Ryugu habang nakatitig kay Aiden. Gayunpaman, hindi siya pinansin ni Aiden at umalis na lamang siya kasama sina Gerald at Fujiko... Nang mawala ang tatlo, ang kanina pang nagpipigil ng galit na si Ryugu ay agad na tumakbo patungo kay Suijin bago siya nagtanong, “Patriarch! Bakit mo sila hinayaang umalis...?" Suminghal si Suijin bago niya mapanuyang sinabi, “Bakit gusto mo silang manatili pa dito? May balak ka bang ilibre sila ng dinner o ano?" Sa totoo lang, kung hindi dahil isang mahalagang miyembro ng pamilya si Ryugu at siya rin ay hindi madaling palitan ni Suijin, sana ay ilang taon na ang nakalipas
Mabilis na binuksan ni Suke ang pinto nang marinig niyang may kumakatok. Nang makita niya na si Ryugu iyon, hinila siya ni Suke papasok sa kanyang kwarto, isinara ang pinto sa likod niya bago siya nagtanong, “Nandito ka na rin sa wakas! Anong sinabi ng patriarch? Pwede pa rin nating pag-usapan ang tungkol sa mga benefits! Hangga't mamamatay si Gerald, wala akong pakialam kung ang makukuha ko ay one third lamang ng benefits! Kung hindi pa ito sapat, one fifth ay pwede na rin…!" Makabuluhan na desperado si Suke sa pagkamatay ni Gerald. Hangga't nabubuhay pa si Gerald, ituturing siya na isang kahihiyan kapag humarap siya sa pamilyang Futaba. Gayunpaman, nadismaya si Suke dahil ang sagot lamang sa kanya ni Ryugu ay ang pagsindi ng sigarilyo, umupo at sinabing, “Kakaalis lang ni Gerald.” “…Huh? Teka, bakit hindi mo siya pinigilan? At bakit siya pumunta dito?" sagot ni Suke na halatang nagpapanic habang nilalabas niya ang kanyang ulo sa bintana. Hinila muli siya ni Suke at dahil dito
Nakita ni Suke ang dalawang subordinates na may mababagsik sa mga mata at handa ang mga ito na sugurin siya anumang oras, kaya napasigaw siya sa sobrang takot, “Na-Napakasama mo…!” Pagkatapo nito, mabilis na isinara ni Suke ang pinto dahil alam niyang delikado ang buhay niya kung naisipan niyang umalis. Malamang ay magiging kapaki-pakinabang sa kanila ang pagkamatay niya. Kapag nangyari ito ay mas kaunting insider ang nakakaalam tungkol sa pag-target nila sa pamilyang Futaba, at magiging malaya rin sila na makuha ang benefits para sa kanilang sariling pamilya! Nang marealize ni Suke ang lahat ng ito, agad siyang nagsisi na sumugod siya dito pagkatapos niyang maranasan ang kahihiyan na iyon. Kung pinag-isipan niya ito noon, sana dinala niya ang dalawang katiwala niya! Hindi sana siya na-corner na parang isang kawawang gansa sa loob ng cage! Pagkatapos pag-isipan ang lahat ng ito sa loob ng ilang sandali, si Suke ay nagbuntong-hininga habang nilalagay ang kanyang kamay sa mesa, nag
Hindi na makikipaglaro si Gerald kung isinagawa nila ang pangatlong assassination attempt. Sisiguraduhin niyang papatayin niya ang Hanyu patriarch at pati na rin si Ryugu! Sa sandaling iyon, biglang nagsalita si Ryugu, "Masyadong maraming problema ang dinulot sayo ng pamilya ko..." Kung hindi siya niligtas ni Gerald noon, hindi sana siya nasangkot sa lahat ng ito sa simula pa lang. “Okay lang, malay mo kakailanganin ko ang tulong mo sa susunod,” sagot ni Gerald habang pinapakita ang kanyang banayad na ngiti at winawagayway ang kanyang kamay, makikita na meron siyang tinatanim sa isip ni Fujiko. Tumango naman sa kanya si Fujiko saka ito sumagot, "Tutulungan kita anumang klase ng tulong ito!" Tumawa si Gerald saka niya sinabi, "Maniniwala ako sa mga salita mo!" Maya-maya pa ay dumating na ang tatlo sa mansyon. Matapos dalhin si Fujiko sa kanyang kwarto, sinabihan ni Gerald sina Aiden at Master Ghost na pumunta sa kanyang kwarto. Nang maupo na ang dalawa sa paligid ng mesa s
Habang nakatingin siya sa dust-free na bodega ngayon, hindi napigilan ni Gerald ang tumawa habang sinasabi, "...Pwede na... Pwede pala itong magamit sa paglilinis!" Pagkatapos nito ay nakahanap si Gerald ng matibay na kahon na mauupuan bago niya ipinikit ang kanyang mga mata... Dalawang oras na ang nakalipas habang iniisip niya ang tungkol sa Yearning Island. Naputol lang ang train of thought ni Gerald nang makarinig siya ng mga yabag sa di kalayuan, at ito ay may kasamang mga sigaw, “Pakawalan mo ako! Hindi mo ba alam kung sino ako?! Hindi ako gaganti kung palalayain mo ako at umalis ka agad sa Japan! Kung hindi, pagsapit ng umaga ay patay ka na!" “Manahimik ka at pumasok!" Pamilyar si Gerald sa dalawang boses na iyon, kaya pinanood ni Gerald si Aiden habang hinahagis niya si Kai sa bodega. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang nakakaawang si Kai ay dahan-dahang gumapang sa kanyang mga paa bago niya itinuro si Aiden at sumigaw, “S-sino ka ba?! Hindi pa tayo nagkikita! Maling tao an
"Oo naman-!" Napagtanto ni Kai na hindi niya sinasadyang ipahayag ang kanyang totoong iniisip, kaya mabilis na kinagat ni Kai ang kanyang dila bago nanahimik habang sinasabi niya, “...Nadulas lang ang dila ko. Ayaw kita, pero hindi kita kinamumuhian hanggang sa punto na gusto na kitang patayin! Ang problema sa pagitan natin ay hindi masyadong malala! At saka hindi na ako interesado kay Fujiko! Kung gusto mo siya, sayo na siya!" “Manahimik ka, Mr. Kanagawa. Tayong dalawa lang ang nandito. Sabihin mo sa akin ang totoo, at baka pwede pa kitang pakawalan. Ginawa ko lang naman iyon bilang respeto sa kanyang tatay,” sagot ni Gerald habang sinesenyasan si Aiden na iwan muna silang dalawa. "P-pero hindi ako nag-hire ng isang tao para patayin ka...!" sabi ni Kai habang umiiwas ng tingin. Hindi naniwala si Kai kay Gerald. Kung tutuusin, siya ay kasalukuyang nakakulong sa isang lugar kung saan ang kanyang mga sigaw ay hindi maririnig ng kahit sino! Dahil doon, sigurado siya na kapag umamin
"A-anong punto kung sasabihin ko pa ang lahat ng ito ngayon... Hindi mo pa ba napapatay si Vulture?" sabi ni Kai na siguradong natalo na si Vulture dahil kaswal na nakaupo dito si Gerald. "Pinatay ko na siya. Regardless, sabihin mo sa akin ang ibang bagay na ginawa mo,” sabi ni Gerald, natuwa siya dahil sa wakas ay nagsalita na si Kai. “…Ah… bago si Vulture, kinuha ko rin si Ryugu para patayin ka, at sa tingin ko pinapunta niya sila Endo at Izumi para gawin ang mga misyon na iyon… Nakakulong pa rin sila dito, tama ba…?” sabi ni Kai habang nakatingin kay Gerald. Dahil nabanggit na niya si Vulture, wala nang saysay na itago pa ang iba pa niyang ginawa. Sana maging swerte siya na hindi siya mamamatay sa lugar na ito sa murang edad... “…Oh? Ikaw ang nagpadala sa kanila?" sagot ni Gerald na medyo nagulat sa rebelasyon na ito. Lumalabas na si Kai ay nagtatrabaho kasama ang pamilyang Hanyu mula pa noong una nang hindi niya nalalaman. "Pagkatapos mong dakipin sina Endo at Izumi, sinabi
"Binalaan ko na siya kaya hindi siya dapat maglalakas-loob na gumawa ng isa pang hakbang. Isa pa, kailangan mong tandaan na siya pa rin ang bunsong anak ng pamilyang Kanagawa. Hindi natin pwedeng patayin ng basta-basta ang isang lalaki na may mataas na status,” sagot ni Gerald habang hinihimas ang kanyang sigarilyo. “…Pero bakit sinabi mo na papatayin mo ang dalawang Japanese families na iyon? Pero sa huli, hinayaan mong makatakas ang pamilyang Hanyu at Kanagawa!" Buntong-hininga si Aiden nang sabihin niya iyon, inaasahan niya na makikipaglaban niya ang mga taong ito. “Papatayin natin sila, pero hindi pa ngayon. Huwag kang mag-alala, pagdating ng panahon, isasama kita sa misyon na iyon,” sagot ni Gerald na kilalang-kilala ang pagkatao ni Aiden. “…Promise?” sabi ni Aiden habang nagiging maayos ang kanyang mood. “Nagsinungaling ba ako sayo noon pa man? Bumalik muna tayo para makapagpahinga. May ibang importanteng bagay pa tayong gagawin bukas,” sagot ni Gerald habang tinatapon an
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,