All Chapters of Isa pala akong rich kid?!: Chapter 2171 - Chapter 2180

2513 Chapters

Kabanata 2171

“Sige,” sagot ni Gerald. Mabilis na lumipas ang kalahating oras at bumalik si Aiden na may dalang pagkain mula sa malapit na convenience store. Pagkatapos nito, umupo ang tatlo sa paligid ng mesa at sabay silang kumain. Pagkatapos nilang makakain ng napakaraming Japanese food, medyo nagustuhan na nila ang lasa na ito. Medyo malaki pa rin ang agwat sa pagitan ng pagkain dito at ng masarap na Westoner delicacies… Pagkatapos nilang kumain, bumalik ang tatlo sa kanilang mga kwarto upang magpahinga... Nang sumapit ang umaga, pumunta sina Gerald at Master Ghost sa entrance ng training ground para maghintay at tumakbo naman si Aiden para hanapin si Fujiko. Ilang sandali pa, ang nakasalubong ng dalawa ay si Ichiro at ang kanyang secretary. Napagtanto ni Ichiro na si Gerald ay nakaimpake na para umalis, sinabihan ni Ichiro ang kanyang secretary na maghintay sa gilid habang mabilis itong naglakad patungo kay Gerald bago niya sinabing, “Oh? Aalis ka na, brother Gerald?” “Oo. Tapos nang
Read more

Kabanata 2172

“…Kailangan natin itong sabihin kay papa. Masyadong malaki na ang problema hanggang sa punto kung saan kumuha si Kai ng mga international assassin, mas gugustuhin kong hindi ako ang gumawa ng huling desisyon…” sabi ni Fujiko habang umiling-iling, at ito ang nag-udyok kay Gerald na tumahimik... Bandang tanghali nang makarating silang apat sa Futaba manor. Mabuti na lang at walang naramdaman si Gerald na mayroong nagtatago na mga tao malapit sa kanila. Nang bumaba sila sa sasakyan, nakasalubong ng grupo ang secretary ni Takuya na naghihintay sa kanila sa labas mula pa kanina. Nang makita sila, mabilis na hinawakan ng sekretary ang mga dala ni Fujiko bago niya sinabing, “Miss Fujiko! Mr. Crawford! Pumasok kayo! Hinihintay na kayo ni master!" Tumango sila at pumasok ang grupo sa mansyon... at maya-maya pa, nakita nila si Takuya na kanina pa naghihintay sa kanila sa parlor. Tumayo si Takuya nang makita sila saka siya tumingin kay Aiden at Master Ghost, bago siya tumingin kay Gerald
Read more

Kabanata 2173

“Understood!” Tumango ang secretary bago mabilis na lumabas ng parlor... Mabilis na inihain ang mga pagkain at nasa harapan nilang lahat ay hindi bababa sa isang dosenang mga Weston delicacies. Bukod sa manok at isda, ang natitira lang ay mga ordinaryong lutong bahay. Gayunpaman, ang amoy lamang ng mga pagkain at ang presentation nito ay ipinapakita na ito ay gawa ng isang nangungunang chef... Dahil dumating na ang lahat ng pagkain, ngumiti si Takuya at sinimulang mamigay ng chopsticks habang sinasabi niya, “Kumain na tayo habang mainit pa, at sabihin sa akin kung nagustuhan mo ito! Simula nang dumating si brother Gerald, lalo akong nahilig sa Weston food! Sa totoo lang, hindi ako sigurado kung nasanay na ba ako sa Weston food noong nakiusap si Fujiko sa akin na subukan ang mga ito!" “Nakita mo? Sinabi ko naman ito sayo!" natutuwang sinabi ni Fujiko. Nag-enjoy ang lahat sa kanilang mga pagkain nang walang sinasabi habang patuloy silang ngumunguya. Nang matapos na ang lahat sa k
Read more

Kabanata 2174

Nang marinig iyon, mabilis na umiling si Takuya bago siya sinabing, “…Nagbibiro ka, hindi ba…?” Totoo na hindi makatao ang lakas ni Gerald, pero imposible na patumbahin ng isang lalaki ang isang malaki at makapangyarihang pamilya, tama ba...? “Oh, gagawin ko ang lahat ng sinabi ko, patriarch Takuya. Hindi ka ba naniniwala sa akin?” tanong ni Gerald nang seryoso, pinapakita nito na hindi siya nagbibiro tungkol sa bagay na ito. Kung tutuusin, ang pagpatay sa pamilyang Futaba sa krisis na ito ay ang kanyang one-way ticket para malaman ang mga sikreto ng Seadom Tribe. Inisip ni Takuya ang lahat ng pagkakataong pinrotektahan ni Gerald ang kanyang anak—at inisip niya ang seryosong pananalita ni Gerald—hanggang kalaunan ay sumagot si Takuya, “...Naniniwala ako sayo!” “Bigyan mo lang ako ng oras para patayin ang pamilyang Kanagawa. Para naman kay Endo at Izumi, suggestion ko na patayin mo sila sa lalong madaling panahon,” nakangiting sinabi ni Gerald. "Kung wala sa kanila ang imporma
Read more

Kabanata 2175

"…Sige, magpahinga muna kayong dalawa. Sabihin niyo lang sa akin kung may kailangan kayo,” sagot ni Takuya, hihintayin na lang niya ang pagbabalik ni Gerald kung gusto niya man makakuha ng sagot. Kasalukuyan naman kayla Gerald at Fujiko, mabilis na sumakay ang dalawa sa isa sa mga kotse ng pamilyang Futaba at nagsimulang magmaneho papunta sa tirahan ng pamilyang Yamashita... Habang papunta sila doon, hindi napigilan ni Fujiko na tumingin kay Gerald habang siya ay nagtatanong, “Wala ka talagang alam tungkol sa matandang iyon…?” Para kay Fujiko, si Gerald ay parang isnag rubik's cube. Kahit na nakatira siya sa kanyang manor at halos isang buwan na niya itong kilala, naramdaman niya na parang kakaunti pa lamang ang alam niya tungkol kay Gerald... “Fujiko, ikaw at ang iyong pamilya ay mga lokal dito at halos wala kang alam tungkol sa kanila. Paano mo naisip na may alam ako tungkol sa mga Yamashita? Pupunta ako doon para matuto ng higit pa tungkol sa matandang iyon,” sagot ni Gerald
Read more

Kabanata 2176

Ilang sandali pa, mag-isang bumalik ang lalaki bago sinabing, “Inimbitahan kang pumasok ni Elder!” "Salamat sa pagpapadala sa kanya ng mensahe ko," sagot ni Gerald habang pinagdidikit ang kanyang palad at kamao bago siya pumasok sa lugar kasama si Fujiko... Matapos maglakad ng halos sampung minuto, sa wakas ay nakarating na ang dalawa sa bahay ng matanda. Dahil hindi sila ginabayan ng lalaki papunta doon, ang dalawa ay pumasok rito base sa kanilang alaala. Bumulong si Gerald nang buksan niya ang pinto, “Oo nga pala, huwag ka munang magsalita kapag nakasama natin ang matanda. Gusto ko muna siyang subukan…” “Okay, sige,” sagot ni Fujiko sabay tango. Kasunod nito ay naglakad ang dalawa patungo sa parlor kung saan makikita ang matanda na nakaupo sa tatami floor. Sa harap niya ay isang bote ng teapot, at kahit na napansin niya ang presensya nina Gerald at Fujiko, hindi siya gumalaw ng kahit isang pulgada. Alam ni Gerald na nagsasalita ang matanda ng Weston language at dahil wala
Read more

Kabanata 2177

"Tulad ng sinabi mo, ang pamilyang Yamashita ay hindi masyadong nakikipag-ugnayan sa ibang mga pamilya, pero maliban doon... Hindi ba nasa iyo ang Herculean Primordial Spirit?" tanong ng matanda pagkatapos niyang tumitig ng sandali kay Gerald. Natawa lang si Gerald nang marinig niya iyon. Ayaw niyang umamin na nabuking siya ng matanda. Kung tutuusin, alam ni Gerald na ang mga mahuhusay at talented na mga tao ay madalas na pinupuntirya. Ang kanyang kapangyarihan ang dahilan kung bakit nagkaroon ng gulo sa military department, pati na rin sa tatlong malalaking pamilya ng Yanam! "Mukhang totoo nga... Masaya ako na alam mo kung paano itago nang mabuti ang iyong kayamanan," dagdag ng matandang lalaki habang nakangiti. Dahan-dahang tumango si Gerald bago siya tumingin ng sandali sa matanda at tuluyang nagtanong, “Sino… ka ba talaga, lolo…? I'm sure hindi lang ikaw isang elder ng Yamashita family, tama ba...?" Napakaraming tanong ang nasa isip ni Gerald. Una, paano naging elder ng pam
Read more

Kabanata 2178

Pumayag na lang si Gerald dahil kilalang kilala ng matandang ito si Daryl. Dahil doon, hindi maitatanggi ni Gerald na curious siya sa past ng kanyang lolo. Nakilala niya mula pa noong bata siya ang kanyang lolo, ngunit hindi masyadong malinaw ang alaala niya kay Daryl. Siguro tulong ng matandang ito, malalaman niya kung bakit nagkaroon ng matinding pagbabago ang kanyang lolo... “Magaling. Uminon ka muna ng tsaa habang pinagpapatuloy natin ang pag-uusap na ito. Maghahanda ako ng kwarto para sa inyong dalawa mamayang gabi. Oo nga pala, hindi ba oras na para pabalikin mo siya sa loob? Wala na tayong dapat itago. Tsaka, girlfriend mo naman siya, 'no?" nakangiting sagot ng matanda. "Alam mo…?" sabi ni Gerald habang nagkakamot ng batok. "Wala kami masyadong kontak sa mundong ibabaw, pero hindi ito nangangahulugan na kami ay naiiwan sa mga nangyayari sa labas," sagot ng matanda kasunod ang isang tango. Hindi alam ni Gerald kung paano sagutin iyon, kaya inimbitahan muli niya si Fujiko,
Read more

Kabanata 2179

“…Hmm? Anong ibig mong sabihin…?" nalilitong tinanong ng matanda. "Iniwan niya ang aking pamilya para magtatag ng isang bagong cultivating Crawford family sa ibabaw ng isang isla sa kabila ng Yanam sea na sa kasamaang palad ay hindi ko pa rin natatagpuan..." sagot ni Gerald kasunod ng buntong-hininga. “Nag-nagtatag ng isa pang pamilyang Crawford…? Pero hindi pwede yun! Mas pinahahalagahan ng dating Daryl ang kanyang pamilya kaysa sa sarili niyang buhay! Kaya bakit niya iiwan ang iyong pamilya at magtatag ng bagong pamilya?" sigaw ng matanda habang nanlalaki ang mga mata niya dahil hindi siya makapaniwala. Nagkibit-balikat si Gerald bago siya sumagot, “Ewan ko…” Naramdaman ng matanda na parang nakikinig siya ng isang fairy tale, kaya nagtanong siya, "...Okay, so... kumusta ang relasyon ng dalawang pamilya...?" "Ang pamilyang Crawford ko ay hindi konektado sa isa pa. Kailangan ko rin sabihin na ako na lamang ang nananatili sa aking pamilya,” paliwanag ni Gerald. "…Ano? Paano
Read more

Kabanata 2180

Pagkatapos nito, saglit na umiwas ang tatlo na pag-usapan ang tungkol kay Daryl at mas ginusto nilang uminom ng tsaa... Maya-maya pa ay lumingon ang matanda kay Fujiko bago siya nagtanong, "...Ang pamilyang Futaba ay may matagal nang problema sa pamilyang Hanyu, tama ba?" Nabigla si Fujiko nang marinig ito, ngunit mabilis siyang bumalik sa katinuan bago niya sinabi, “…Hindi ko inaasahan na malalaman mo ito…” "Ipapaalam ko sa iyo na kaming mga Yamashita ay may sapat na kaalaman tungkol sa mga nangyayari sa labas sa kabila ng aming teritoryo... Kahit na alam namin ang tungkol sa alitan ng inyong mga pamilya, pero hindi namin inaasahan na ang inyong mga pamilya ay aatake sa isa't isa," paliwanag ng matanda na mas gumaan ang pakiramdam dahil hindi na nila pinag-uusapan si Daryl. “Kamakailan lang nagsimula ang away na ito. Hindi ko pa alam kung ano ang motibo ng pamilyang Hanyu, pero bigla silang nagpadala ng mga assassins para patayin ako noon... Kung hindi pumasok si Gerald para t
Read more
PREV
1
...
216217218219220
...
252
DMCA.com Protection Status