Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 791 - Chapter 800

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 791 - Chapter 800

2505 Chapters

Kabanata 791

Bumilis ang paghinga ni Queenie sa sabik habang tinignan niya si Fane nang may kumikislap na mga mata. Nataranta si Fane sa eksaktong hula ni Queenie. Mukhang tama ang ginawa niya noong sinabihan niya ang ibang Gods of War na maghanda ng dahilan kapag pumunta sila. "Ikaw nga! Isang beses na kitang nakita sa labanan. Ang taas at anyo mo ay pareho ng sa Supreme Warrior!" sabi Queenie nang maintindihan niya ang katahimikan ni Fane. Tumango si Fane. "Isikreto mo to para sa'kin, ha? Ayokong malaman ng iba na ako ang Supreme Warrior." "Syempre, isisikreto ko to!" Sobrang nasabik si Queenie na halos maiyak siya. "Ahh!" Tumili si Queenie at sumugod para yakapin si Fane, hindi niya makontrol ang kanyang sarili. "Sobra akong nasasabik! Sobra-sobra! Hindi ko mapigilan ang sarili ko! Kailangan kong mayakap ang idol ko!" "Queenie, pabalik na si Selena!" Napatunganga si Lana sa kinilos ni Queenie. Pagkatapos ay lumingon si Lana at nakita niya––sa di kalayuan––si Selena na lumabas mula sa
Read more

Kabanata 792

Natulala si Lana sa kinikilos ni Queenie at nagsabing, "Dapat maghintay ka pa ng sampung araw! Pagdating ng araw, pupunta rito ang Gods of War at pwede kang magpa-picture kasama nila. Magkakaroon ka ng pagkakataon na sabihin ito kahit kailan mo gusto, di ba?" "Tama, tamang-tama ka!" Hindi mapakali si Queenie nang maisip niya ito at nang may ngiti sa kanyang mukha ay nagsabi siya, "Hindi ko inakala na makakadalo ako sa kasal ng Supreme Warrior at ng asawa niya. Ibig sabihin ay makikita ko ang isang makasaysayang pangyayari!" "Haha! Tignan mo kung gaano ka kasabik!" Tumawa si Lana. "Nagmamadali ka pa bang umuwi ngayon?" "Hindi! Hinding-hindi! Bakit ako uuwi? Kailangan kong manatili rito at dumalo sa kasal!" Pinag-isipan ito Queenie at nagpatuloy na nagsabi, "Oo nga pala, dahil ito ang kasal ng Supreme Warrior, magkano ang dapat kong ibigay na regalo? Paano kung isang bilyon? Masyado bang maliit yun? Hindi, hindi, kailangan ko siyang bigyan ng dalawang bilyon. Lalo na't kasal ito n
Read more

Kabanata 793

"Tama ka. Ito ang unang beses kong nakakita ng mga bodyguard na nakasulat ang posisyon nila sa mga damit nila!" Nakahinga nang maluwag ang lalaki na unang natakot nang maisip niya ito. "Ang gaganda talaga ng mga babaeng to. Posible kayang may iba pang espesyal na service ang internet cafe na to? Bakit gaganda ang negosyo nila kung hindi yun totoo?" "Oo nga no. Bakit di ko naisip yun?" Kumislap ang mga mata ng lalaking may dilaw na buhok habang nilunok niya ang kanyang laway. "Mga walanghiya!" Nagkatinginan sina Elaine at ang dalawa pang bodyguards bago sabay-sabay na sumugod. Sa isang kurap, bumagsak sa lapag ang buong grupo ng mga gangster habang umungol sila sa sakit. Ngumiti si Fane. "Mukhang hindi ko na kailangang makisali, may aayos na nito para sa'kin." Mukhang matalino ang kanyang pasya na kumuha ng mga bodyguards. Kahit na papaano, mapoprotektahan nila ang kanyang pamilya sa ilalim ng mga ganitong pagkakataon. "Tara na!" Nahirapan ang mga gangster bago sila makatayo.
Read more

Kabanata 794

Doon lang naalala ni Selena na kahit mukhang masunurin at kaaya-aya si Elaine, hindi siya isang pangkaraniwang babae. Mas magaling siya sa martial arts kumpara kay Ben nang isandaang beses. Pero, alam niya na si Ben ay isang taong pinahahalagahan ang kanyang nobya nang buong puso kaya sigurado siya na hindi niya sasaktan si Elaine. Bagay na bagay nga sila. "Sige, masaya talaga ako para sa inyong dalawa. Aalis na kami." Ngumiti si Selena at paalis na kasama ni Fane. "Selena, dahil nandito ka na rin kasama ni Fane at isa tong internet cafe, bakit hindi kayo manatili rito ng isa o dalawang oras? Suportahan niyo ang negosyo ko!" malokong sagot ni Ben. "Nagbibiro ka ba? Sa tingin mo mahilig kaming gumamit ng internet? Bahala ka diyan. Bye!" Tumalikod si Selena habang kumakaway kay Ben. Samantala… "Ahem, ahem! Elaine, ikaw na ang bahala kay Ben. Mahiyain siyang tao at madalas hindi siya ang nauunang kumilos. Alam namin to kasi matagal niyang nakasama si Xena pero hindi niya siya hi
Read more

Kabanata 795

Napanatag si Selena. Dati ay nag-aalala siya kung paanong sinira ni Ben ang kanyang buhay at kung pakakasalan niya si Xena. Alam niya sa kanyang loob na hindi mabuti si Xena para kay Ben; napakatuso ang babaeng ito at mahilig siyang magpanggap. Mas dalisay si Elaine kumpara kay Xena at nakatulong rin na mas maganda si Elaine. Dahil wala silang gagawin sa buong araw, pareho nilang sinundo si Kylie mula sa paaralan. Tuwang-tuwa si Kylie nang sinundo siya ng nanay at tatay niya mula sa paaralan. Bakas sa kanyang mukha ang kanyang pagkasabik. Lahat sila ay nagpahinga nang maayos sa gabing iyon. ...Maagang ginising ni Fiona si Selena at Fane. "Anong meron, Mama? Gusto ko pang matulog. Bakit mo ko ginising nang ganito kaaga? Hindi ko naman na kailangang magtrabaho ngayon," bulong ng nainis na si Selena. Medyo ginabi siya ng tulog kagabi, at nangyari ito pagkatapos ng komento ni Fane tungkol sa pagkakaroon ng pangalawang anak. Syempre, pareho silang napuyat. Gusto pang matulog
Read more

Kabanata 796

Ang komento ni Fiona sa tatay ni Selena—ang sarili niyang asawa—ay ikinagulat ni Selena hanggang sa puntong wala siyang masabi. Inirapan niya si Fiona. “Ma, mabait na tao si Papa. Isa siyang taong di madalas magsalita at matapat. Masasabing isa siyang responsableng tao na hindi matigas ang ulo, at dapat matuwa ka sa ugali niya. Bukod pa riyan, mula noon di pa siya tumingin sa ibang babae diba?” Kaagad na nagalit si Fiona nang matapos si Selena sa pagsasalita, “Hm? Haha! Ayos lang sa akin kung kumuha siya ng isa pang asawa kung talagang kaya niya. Salungat nito, kung di niya kaya at gusto niya pa ng isa pang asawa, tuturuan ko siya ng leskyon!” Huminto si Fiona bago magpatuloy, “Sa kabilang banda, kung kaya niya at mabibigyan niya ako ng sampung milyon bawat buwan para gastusin ko sa kahit anong gusto ko, wala na akong pakialam kahit may dalawa o tatlong asawa pa siya!” Walang masabi si Fane at Selena nang marinig nila ang sinabi ni Fiona. Mukhang talagang mahilig sa pera si Fiona.
Read more

Kabanata 797

Sa kabila ng malapad nitong katawan, ang tangkad ni Lawrence ay nagbigay sa kanyang imahe ng isang malaking tao. May sigarilyo siya sa kanyang bibig na malapit nang maupos. Sinukat niya si Selena at Fiona saglit bago ngumiti at sabihin, “Haha! Narinig ko kay Irene na ang best friend niya dito ay ang pinakamagandang babae sa klase nila, at ngayong nagkita tayo harapan, nakikita kong talagang maganda ka. Ang laki na ng anak mo, pero kaakit-akit ka pa rin. Mukha kang nasa tatlompung taong gulang pa lang.” “Nako Mr. Watson, ang bait mo naman! Ang best friend kong ito ay isa sa mga pinakamagandang babae sa klase namin!” Di mapigilan ni Fiona ang ngiti sa kanyang mukha. Ang tatlo sa harap niya ay mula sa upper class at ang higit sa dalawampung bodyguard nila ay mga nagmula sa ibang bansa. Ang mga bodyguard—kasama ang dalawang lalaking kayumanggi—ay mukhang malakas. Tinignan ni Fiona ang medyo bilugang lalaki sa tabi nila. “Gwapo rin ang anak mo!” Nagulat si Fane sa pananalita ni Fio
Read more

Kabanata 798

“Di ko mawari na ang isang lalaking di marunong pumili ng damit sa ganitong okasyon ay may ganito kagandang asawa! Nagtataka ako kung paano ka naging ganito kaswerte.” Tinignan ni Jayden si Fane bago siya maglakad patungo sa lift habang ang mata niya ay puno ng panghahamak. “Ako…” Itinikom ni Fane nang mahigpit ang kamao niya at handa nang sugurin ito. Isang hakbang pa lang ang nagagawa ni Fane bago siya pigilan ni Selena. Pinigilan siya nito gamit ng tingin, at nang makaalis lang lahat niya sinabi, “Bakit ba iniintindi mo yung mga sinasabi ng mga basurang tulad niya? Wag na lang natin siyang pansinin, at aalis tayo pagkatapos natin kumain. Nandidiri ako sa mga taong ganito. Di sana ako nagpunta kung di lang tayo pinilit ni Mama na pumunta!” “Sige.” Kaagad na pinigilan ni Fane ang kanyang galit matapos siyang suyuin ni Selena, at sinabi niya sa kanyang sarili na wag bababa sa lebel ng ganitong mga basurang tao. … Ang grupo ay kaagad na nakapasok sa isang magandang private r
Read more

Kabanata 799

“Umupo ka Fane! Anong kalokohan yang sinasabi mo? Nandito tayo para kumain, di para makipag-away!” Halos himatayin na si Fiona sa galit. Nandito sila para kumain at makita kung matutulungan ni Fane na pagalingin ang lolo ni Jayden. Di niya inakala na sasama ang sitwasyon; nakalimutan niya na si Fane ay isang taong mahilig gumawa ng gulo. Nakalimutan niyang paalalahanan ito. Ayaw ni Fiona kay H=Jayden, pero alam din niya na ang bata pa nito. Di ba siya pwedeng pabayaan na lang ni Fane? “Ma, di ako nandito para makipag-away. Nandito ako para makipagpalitan ng karanasan sa kanila!” Kinuskos ni Fane ang kanyang kamao at naglakad papunta sa isang bahagi gn kwarto. “Haha! Sigurado ka bang gusto mong gawin ito, bata?” Ngumisi ang mga bodyguard—isang Amerikano—na may mapanghamak na ngisi. “Dapat mong malaman na ang bansa natin ay magkalaban. Di ka ba natatakot na magugulo ng labang ito ang kapayapaan?” Malinaw na may ipinapahiwatig ito kay Fane. “Di talaga ako natatakot dito!” Pinag-is
Read more

Kabanata 800

”Sugurin natin siya! Di ako makapaniwala!” Nagtinginan ang mga malalaking bodyguard bago sila sumugod kay Fane. Bang! Bam! Pow! Sa kabila ng dami nila, wala sa kanila ang makadaplis man lang sa buhok ni Fane bago sila bumagsak sa sahig. Hawak ng mga lalaki ang kanilang sikmura at dibdib sa sakit, habang namumutla ang mga mukha nila. Ilang mga tao ang umungol sa sakit dahil nabali ang kanilang tadyang. Nagdilim ang mukha ni Lawrence at Jayden nang makita nila ang mga bodyguard nilang nakahandusay sa sahig. “Mga walang kwentang basura. Ang kapal ng mukha niyong sabihin na mga mersenaryo kayo?” Suminghal si Jayden nang tumayo siya sa galit. “Di niyo man lang magawang manalo sa isang binata! Di ko ito maintindihan!” “Young Master, di kami basura. Talagang napakalakas ng lalaking ito at di namin siya kayang talunin, totoo yun!” Isa sa mga lalaki ang pinagpapawisan ang noo sa sakit. “Young Master, nabasag ang tadyang ko! Kailangan kong pumunta sa ospital!” “Lumayas kayong lahat
Read more
PREV
1
...
7879808182
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status