Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 781 - Chapter 790

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 781 - Chapter 790

2505 Chapters

Kabanata 781

"Ang tapang mo rin, Fane, binugbog mo ang young master ng Drake family. Sa tingin ko dapat umalis ka na sa Taylor family. Wag mo kaming hilahin pababa kasama mo!" Galit na suminghal ang isa sa mga miyembro ng Taylor family. "Tama. Si Young Master Drake ang pinag-uusapan natin, Fane. Oo, nagalit mo ang ilang young master ng isang second-class aristocratic family noon, pero gusto naming panatilihin ang reputasyon ng pamilya namin at saka magaling ka sa pakikipaglaban, at magkaibigan kayo ng Goddess of War. Hindi ka namin gustong guluhin basta't hindi ka sosobra. Pero masyado kang nakampante. Ngayon, masyado kang yumabang, sobrang tapang mo na sinaktan mo si Young Master Drake!" Galit rin ang isa pang miyembro ng pamilya. Natatakot siya na baka madamay silang lahat nang dahil sa ginawa ni Fane. Naiilang na ngumiti si Fiona habang humakbang siya. "Wag kang mag-alala, Old Man Taylor. Walang mangyayari," sabi niya kay Old Man Taylor. "May magandang dahilan si Fane kaya binugbog si
Read more

Kabanata 782

Pagkatapos malaman na binugbog ni Fane si Young Master Drake, ang unang bagay na ginawa ng Taylor family ay ang magpadala ng ilang bodyguards para magtanong tungkol sa sitwasyon. Nakahinga nang maluwag si Old Master Taylor nang malaman niyang hindi malala ang tinamo ni Young Master Drake. Dahil hindi seryoso ang sugat niya, siguro hindi masyadong magagalit si Master Drake sa kanila at hindi rin gagawa ng malaking gulo. Ang pinakamalalang magagawa niya lang ay ang kumuha ng isang hitman para gilitan si Fane. Lalo na't wala namang kinalaman ang iba. "Salamat sa Diyos at hindi malala ang sugat niya. Salamat sa Diyos!" Sumandal si Old Master Taylor sa kanyang upuan; nakikita ng lahat na gumaan na ang bigat sa kanyang puso. Nagkatinginan sina Selena at fane at halata ang bakas ng dismaya sa kanilang mga titig. Hindi mahina ang sipa ni Fane kahapon. Sobrang lakas ng sipa niya na nawalan ng malay si Young Master Drake sa sumunod ng segundo. Imposible na hindi malala ang sugat
Read more

Kabanata 783

Tumawa si Fane. Walang masabi ang lahat sa kanyang mga salita. Mas lalong yumabang ang mahangin na ito. Ang pinag-uusapan nila ay ang Drake family; hindi mga kung sino-sino lang, at talagang nagsabi siya nang ganitong bagay. Hindi nagtagal ay umuwi na sina Fane sa kanilang bahay. Sa sumunod na dalawa o tatlong araw, nabuhay sa takot ang Taylor family; tuwing kahit sino sa mga Taylor ang lumabas, kailangan nilang magdala ng dose-dosenang bodyguards. Habang sa villa ni Fane, hindi hinayaan ni Fiona sina Fane at Selena na lumabas kahit na anong mangyari; lahat sila ay kailangang manatili sa bahay. Pagkatapos ng dalawa pang araw at walang sinyales ng Drake family, nakahinga nang maluwag si Fiona. Mukhang walang plano ang Drake family na ipaghiganti si Young Master Drake. "Imposible!" Ang head ng Eagle Clan––si Lee Neuman––na ilang araw nang naghihintay para sa isang matinding labanan sa pagitan ng mga Drake at ni Fane, ay walang masabi sa kasalukuyang sitwasyon. Paano ni
Read more

Kabanata 784

"Talaga? Nakapag-book ka na? Sinong bodyguard ang pinadala mo para gawin ang reservation para sa'yo?" Walang masabi si Selena. Ilang linya ang nabakas sa pagitan ng kanyang mga kilay habang nagsalita siya, "Pang-ilang tao ang kinuha mo? At magkano ang binayad mo roon? Natatakot ako na baka hindi sapat ang kasalukuyan nating ipon para bayaran ang lahat, tapos magiging malaking problema to! Konti na lang ang pera natin, wag mong gagastusin yun lahat!" "Honey, wag kang mag-alala. Kalma ka lang at hintayin mong dumating ang araw. Ipinapangako ko sa'yo na napakalaki ng sorpresa ko sa'yo!" Tumawa si Fane habang hinila niya si Selena palabas. "Tara, mahal! Maglakad-lakad tayo, pwede tayong mag-shopping tapos bisitahin natin ang cybercafé ni Ben para tignan kung kumusta na ang pagtayo nito!" "Kumusta ang pagtayo nito? Kahapon ang unang araw ng opening ng cybercafé niya!" Sagot ni Selena nang may mapait na ngiti. "Huh? Kahapon ang unang araw? Bakit hindi siya nagsabi sa'kin? Hin
Read more

Kabanata 785

Sobrang natakot ang tatlong dalaga at mabilis silang kumaripas ng takbo. Sa kabilang banda, yumuko si Fane at hinila ang mga token sa baywang ng mga lalaki. May tatlong salitang nakaukit sa mga token––Green Sky Hall. "Hmmm. Mukha silang mga kagalang-galang na tauhan ng Green Sky Hall, kung hindi, dapat wala sila ng mga token na to." Malamig na tumawa si Fane. Mahigpit niyang sinara ang kanyang kamao. "Fane, pwede mo naman silang turuan lang ng leksyon! Bakit mo sila pinatay?!" Mabilis na tumakbo si Selena papunta kay Fane at nagtanong nang may nag-aalalang tono. "Nagalit mo n aanv Green Sky Hall ngayong pinatay mo ang mga tauhan nila. Sila ang Green Sky Hall! Narinig ko na sa likod nila ay mayroon pang mas makangyarihang mga tao! Naalala ko na ang pangalan nila ay parang ano, Kingston Hall? Ang Kingston Hall ang pinakamalakas sa lahat ng Halls." "Heh! Asawa ko, wag lang mag-alala. Maganda ang relasyon ko kay Goddess of War Lana. Matalik kaming magkaibigan!" Tinawa
Read more

Kabanata 786

"Hay! Bro, hindi naman sa ayaw ka naming tulungan. Kahit na ipaalam ko pa sa Goddess of War, walang mangyayari!" Bumuntong hininga ang isang bodyguard. "Pareho lang ang kalalabasan nito––hindi ka niya papapasukin!" Ngunit pumasok siya gaya ng sabi ni Fane kahit na may inis sa kanyang tono. "Sir, Ma'am, may bisita ngayon ang Goddess of War––ang Queen of War––mula sa ibang lungsod. Sinadya niyang lumipad ng ilang libong milya para bisitahin ang ating Goddess of War. Narinig ko na malapit sila sa isa't-isa. At ang Queen of War na to ay kasamahan rin ng Goddess of War. Kaya sa tingin ko ay walang posibilidad na makipagkita sa inyo ang Goddess of War!" Isa pang bodyguard ang malamig na suminghal kay Fane at Selena at tinitigan sila nang may pambabastos. Ang mga taong ito ay nagmula sa Taylor family, isang pamilya na swinerteng maging isang second-class family kamakailan, pero gusto nilang makita ang Goddess of War. Higit pa roon, si Fane ay isa lamang adopted son-in-law ng mga
Read more

Kabanata 787

Ang mas lalong nagpagulat kay Selena ay nagkusang lumapit si Lana at kinamayan siya. Mainit na ngumiti si Lana kay Selena habang pinatuloy niya sila nang bukas-palad. "Ito… Paanong ayos lang to?" Nahiya at nagulat si Selena. Kasabay nito, hindi niya rin alam kung paano sumagot. "Anong hindi ayos doon? Gaya ng sabi ko, malapit talaga kami ni Fane, matalik kaming magkaibigan. Kaya natural lang para sa'kin na tawagin kang sister-in-law." Nang nagsalita si Lana, ang kanyang mga magagandang mata ay tumingin kay Fane at pagkatapos ay bumalik kay Selena. Nang makita niya ang ganito kalapit na kinikilos nilang dalawa, naalala ni Selena ang eksenang nangyari noon. Kahit na isa lamang hindi pagkakaunawaan ang tsismis na sugar baby raw si Fane ni Lana at hindi nagkita sina Fane at Lana pagkatapos, hindi mapigilang ni Selena na magdusa sa kanilang relasyon. Ang relasyon sa pagitan nina Fane at Lana ay parang labas sa pangkaraniwang 'maganda'. Higit pa roon, tinawag siyang 'sister-
Read more

Kabanata 788

Lumaki ang pag-asa sa loob ni Selena nang marinig niya ang opinyon ni Fane kay Lana. Mukhang maganda ang impresyon ni Fane kay Lana. Kung ganoon, posible kaya silang magsama? O hindi kaya matagal na silang may hindi malinaw na relasyon na higit pa sa pagkakaibigan? Kahit na papaano, hindi tinanggihan ni Fane si Lana kagaya ng ginawa niya kay Sharon George. "Tingin mo talaga isa siyang mabuting babae? Ganun rin ang nasa isip ko!" Yumuko si Selena habang kinumpirma niya ito. Pagkatapos ay nagpatuloy siya nang may mahinang boses, "Kung… Kung mataas ang tingin ninyong dalawa sa isa't-isa, sa… sa tingin ko, mahal, pwede mo siyang gawing pangalawang asawa. Tatanggapin ko yun!" Parang naging kasing laki ng pinggan ang mga mata ni Fane at bumagsak ang panga niya nang marinig niya ang sinabi ni Selena. "Huh? Anong problema, honey? Anong kalokohan ang sinasabi mo? Mabuting babae nga ang tingin ko sa kanya pero hindi sa ganoong paraan! Hindi sa romantikong paraan!" "Pero anong mali
Read more

Kabanata 789

Hindi nagtagal, nagsimula sina Sam Johnson at ang iba pang Gods of War ng isang mainit na usapan. "Lana, naiinggit talaga ako sa'yo na kasama ko ang master. Hay, ang swerte naman!" Nasasabik na sabi ni God of War Ethan Haays. "Haha, hindi pa ninyo alam to pero magsasagawa ng wedding ceremony ang master natin para sa asawa niya sa birthday niya. Hindi pa to alam ng asawa ni master at iniisip niya lang na nagpaplano lang ng birthday party ang master natin. Pero, nakapag-book na ko ng hotel ayon sa utos ng master at nagbigay na siya ng permiso na pwede kayong pumunta lahat kung gusto ninyo. Una, hindi niyo pwedeng ibunyag ang pagkatao niya bilang Supreme Warrior; pangalawa, walang magsasabi sa katotohanang siya ang master natin. Kayo nang bahalang magdesisyon kung anong gusto niyong gawin!" Nakangiti si Lana at nagpadala ng isa pang message sa group. "Ano?!" Mas lalong nasabik si Ethan. "Maganda yan. Makikita na natin ang master pagkatapos ng marshal na panahon at magsasaya tayo sa
Read more

Kabanata 790

Nagulat si Queenie Lynch nang malinaw niyang nararamdaman kung gaano kalapit si Fane kay Lana. Pagkatapos nilang magtanghalian, lumabas sila para maglakad-lakad. Tinignan ni Fane si Lana at nagtanong nang nagpunta sa banyo si Selena. "Nagawa mo na ba ang pinakiusap ko sa'yo? Na-book na ba ang hotel?" "Wag kang mag-alala, na-book ko na ang hotel, wedding dress, at lahat-lahat! Ang wedding dress ay regalo mula sa shop. Anong masasabi ko? Pinilit nilang iregalo sa'kin ang pinakamagandang dress ng shop nila nang nalaman nila na akong ang Goddess of War. Sa tingin ko sobrang ganda ni Selena habang suot yun!" Ngumiti si Lana at nagpatuloy na nagsalita. "Para naman sa hotel, nagpasya sila na magbigay ng 50% discount sa lahat pagkatapos nilang malaman na nagpunta ako roon para rentahan ang buong lugar!" "50% discount?!" Nahiya si Fane nang marinig niya iyon. "Hindi ba sila takot na mawalan ng pera?" "Hoy, kailangan mong maintindihan na ako ang Goddess of War. Isa na kaagad advertisem
Read more
PREV
1
...
7778798081
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status