Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 811 - Kabanata 820

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 811 - Kabanata 820

2505 Kabanata

Kabanata 811

Isang malamig at masiglang ngiti ang lumitaw sa bibig ni Fane. Itinaob niya ang kanyang palad at dose-dosenang pilak na karayom ang lumitaw sa kanyang palad. Ihinawi niya ang kanyang palad patungo sa kalaban at isang hukbo ng lalaki ang kaagad na bumagsak sa sahig, habang ang karayom ay tumagos sa kanilang bungo. Higit isang dosenang lalaki ang namatay sa isang iglap, at may ilang mga elite fighter sa mga ito. “Hindi ito mukhang maganda. Retreat!” Kaagad na naramdaman ni Elder Castellano na may mali. Isang hawi lang ni Fane ay nakapatay ng dalawa sa napakagaling na manlalaban ng Kingston hall sa isang iglap. Ang gantiong nakakatakot na kakayahan sa pakikipaglaban ay isang bagay na hindi nila matatapatan. Sa loob lamang ng ilang segundo, higit isang daang lalaki na ang namatay at ang dami ng mga bangkay ay parami nang parami. Nagdala sila ng limang daang lalaki Diyos ko naman! “Swoosh!’ Sa isang yabag lang ni Fane ay napunta na siya sa gate at hinarangan ang ruta. Sa kabila
Magbasa pa

Kabanata 812

”Tapusin na ba natin ang mga tao sa Green Sky hall?” Tanong ni Lana kay Fane. Habang nagliliyab ang apoy sa harapan nila. Pagkatapos itong pag-isipan, umiling si Fane. “Malaki na ang nawala sa kanila ngayon. Marami sa mga tauhan nila ang namatay, kasama na ang mga elite fighter na yun. Ang natitira na lang sa Green Sky hall ay ang mga walang kwentang gunggong na yun at ang head ng hall. Kaya masasabing sira na ang Green Sky hall. May katawan pa sila ngunit wala na ang kaluluwa nila! Ang insidente ngayon ay magiging isang leksyon sa kanila. Bantayan mo sila at tignan kung anong magiging reaksyon nila sa susunod na mga araw!” Huminto si Fane at idinagdag lamang, “Atsaka, may Kingston hall sa likod ng Green SKy hall. Kapag pinatay natin ang head ng Green Sky hall at ang mga tauhan nito, ikinatatakot ko na di ito palalagpasin ng Kingston hall. Siguradong mangingialam sila!” Tumango si Lana para ipakita ang pagsang-ayon niya. “Tama, walang ebidensyang naiwan dito ngayon kaya ika
Magbasa pa

Kabanata 813

Pero sino ang lalaking nakita nila kagabi. Lumabas si Lawrence kasama ang maraming malalakas na master at kahit isa sa kanila ay hindi pa bumabalik. Ipinapakita nito kung gaanong nakakatakot ang taong ito. “May nangyari ba? Bakit di pa sila umuuwi?” Pero ngayon, madalim na ang mukha ni Hector. Masama ang kutob niya nang manatili siya sa bahay niya at hinihintay silang umuwi. Sa pagkakataong ito, nagpadala sila ng 400 tao at ang lahat ng ito ay mga elite. Mga apat hanggang limang master ang kasama nila at sinamahan din sila ng dalawa hanggang tatlong master mula sa Kingston hall. Hindi pa siya kailanman naghanda ng ganito kalaking grupo ng mga elite para magtulungan. Ngunit dapat nakauwi na sila Elder Castellano bago magmadaling-araw ngunit di sila makita kahit saan. Kaagad niyang ipinadala ang kanyang mga tauhan sa lugar ng palitan para malaman ito. Namutla ang mukha niya nang marinig niya ang balitang dala nito para sa kanya. Naabo na ang abandonadong pabrika at wala sa mga
Magbasa pa

Kabanata 814

”Haha syempre! Ito ang pinakamagandang hotel dito! Gusto kong upahan ang buong top floor. Isa itong malaking plaza at siguradong bagay sa isang kasal!” Tumawa si Kelly at nagaptuloy sa pagsasalita. “Pero ang venue sa taas ay medyo mas mahal at balita ko ang booking fee pa lang para sa venue ay dalawang daang milyon na!” “Talaga? Ang… ang mahal niyan diba? Bakit di tayo lumipat sa ibang venue sa ibang floor?” Sinasabi ni Cecilia habang naantig. Kahit anong mangyari, ang intensyon ni Kelly ang mas mahalaga. “Imposible!” Direktang tumanggi si Kelly! “Isang beses lang tayong ikakasal. Bukod pa riyan, diba sinabi ni Fane na magsasagawa siya ng isang birthday party sa buong siyudad para sa asawa niya? Kung ganon, dapat mas grande ang kasal natin. Haha, ang kasal natin ang gaganapin sa buong siyudad at siya ang mapapahiya!” Malinaw na di masaya si Kelly sa nangyari noong isang araw. Di lang nanalo ng 90 milyon si Fane mula sa kanya pero higit pa rito, nawalan din siya ng walong bodyguar
Magbasa pa

Kabanata 815

”Di kaya si Fane ang nagbook ng lugar na ito? Ang event nila ay parehong araw ng kasal natin!” Huminga si Kelly nang may maalala siya. “Imposible! Paano mangyayari yan?” Kaagad na sinabi ni Cecilia. “Kung nangyari ito nakaraan, may isang bilyon pa siya. Pero malaki ang nawala sa Taylor family dahil sinaktan niya si Young Master Timothy at nawala ang South City project sa kanila. Para si masira ang imahe nila at mapanatili ang relasyon nila, pinasahan ni Fane ng isang bilyon ang Taylor family!” Huminto si Cecilia bago magpatuloy. “Kaya sa tingin ko isang daang milyon na lang ang mayroon siya kung isasama natin ang siyamnapung milyon na napanalunan niya mula sa’yo nitong nakaraan!” “Ganon ba… diba ipinasa niya ang siyamnapung milyon sa mother-in-law niya? Ibabalik ba ni Fiona ang pera sa kanya?!” Pinag-isipan ito ni Kelly at sinabi. “Oo nga!” Biglang napagtanto ni Cecilia. “Muntik ko nang makalimutan na ibinigay na pala ni Fane ang pera kay Fiona. Kilalang-kilala ko si Fiona at s
Magbasa pa

Kabanata 816

Halata naman na nauunawaan na nila Kelly at Cecilia na kung ano man ang gagawin nila, kailangan nitong mahigitan ang party nila Fane at Selena. Si Kelly, pagkatapos mag-isip ng mabuti, sinbi ang kanyang opinyon, “Kung ganun, upahan natin pati ang iba pang palapag ng hotel! Narinig na maganda ang mga palapag na nasa ibaba ang tutok ng hotel. May mga malalaking French windows ito at maganda rin ang mga silid!” Pero, kakaiba ang ekspresyon ni Manager White at mapait pati ang ngiti nito. “Paumanhin sa inyong dalawa, pero ang palapag na iyon na naupahan na. Sa katunayan, ang buong hotel ay narentahan na ng isang buong araw.” Nagulat sila Kelly at Cecilia. “Paano nangyari yun? Ang buong hotel?!” Pareho nilang nasigaw. “Magkano ba yun? Hindi naman siguro papayag ang boss niyo kung hindi ito aabot ng halos dalawang bilyon, tama? Isa itong seven-star hotel!” “Tama po kayo. Sino ba ang taong umupa ng buong hotel? Ang yaman naman niya!” Naiinggit si Cecilia dahil sa ang tuktok ng hotel
Magbasa pa

Kabanata 817

Kaagad na niyakap ni Kelly si Cecilia ng marinig niya ang komento nito. “Babe, anong sinasabi mo?” Sabi ni Kelly. “Kung ayaw kong maganap ang kasal natin sa tuktok ng isang sikat na hotel, hindi ko na dapat binanggit yun sa simula pa lang, tama? Bakit pa ako pupunta sa hotel na yun para humingi ng reservation? Ang naisip ko kasi ay dahil sa may nagbook dito para sa isang malaking pagdiriwang, maraming kilalang tao at mayayaman na negosyante ang dadalo dito, tama?” Malamig na ngumiti si Kelly bago dinagdag, “Pagkatapos nun, maraming tao ang dadalo sa ating kasal. Hindi mo ba naisip na mapapahiya si Fane kapag nalaman niya na may nagbook na sa buong hotel? Sigurado ako na kaunti lang ang dadalo sa event niya!” Naunawaan na rin ni Cecilia na hindi lang niya naunawaan ang sinasabi ni Kelly, at kumislap ang kanyang mga mata. “Tama ka! Bakit hindi ko naisip yun? Ngayon na may isang tao na nagbook ng isang seven-star na hotel, paano na gugulatin nila Fane at Selena ang buong siyudad? Ang lu
Magbasa pa

Kabanata 818

"Tama! Bakit hindi ko naisip yun? Kung ganun ito pala ang ibig sabihin nung sinabi niya na 'pag-uusapan ng buong siyudad'? Akala ko ang ibig niyang sabihin ay magdadaos siya ng isang engrandeng pagdiriwang! Nagbibiro lang ba siya sa amin kung ganun?" Pagmamayabang ni Kelly habang magkapatong ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. Napahiya ng sobra si Fiona. Hindi na siya sana lumapit at binati ang mga ito kung alam lang niya na kukutyain lang siya ng mga ito. Nag-isip muna ng malaim si Fiona bago niya binago ang paksa ng kanilang usapan. "Ang ganitong bagay ay hinahayaan ko na sa kamay ng mga nas nakakabata sa akin. Naniniwala ako na si Fane ay may sariling mga plano. Siya nga pala, nakahanap na ba kayo ng lugar na pagdarausan ng inyong kasal?" "Wala pa, pero andito kami para magpabook sa hotel ngayon," sagot ni Kelly habang nakangiti. "Balak namin na magbook sa six-star hotel na yun, at balak naming i-book ang top floor nito!" "Ang top floor nito!" Napahinga ng malalim si Fi
Magbasa pa

Kabanata 819

"Sino kaya ang napakayaman na tao na yun!" Sabi ng isa sa mga magagandang bodyguard."Tunay nga siyang mayaman," sabi ni Fiona. "Masakit na ikumpara ang ating mga sarili sa ibang tao. Paano sila naging ganung kayaman?! Bakit hindi natadhana na maikasala ang anak ko sa isang mayaman na katulad ng nakabili nun? Naikasal siya sa basa bulerong Fane na yun, at ang perang pinagtatrabahuhan niya ay pinangbabayad para ayusin ang mga gulong gawa niya."habang masama ang kanyang loob, hindi nagtagal ay nakita ni Fiona sila Fane at Selena na namamasyal. ...Kaagad niyang nakita na umiinom sila Fane at Selena ng kape nang makauwi siya, at dahil dito ay lalong naging pangit ang kanyang pakiramdam. "Fane, meron na lang tayong ilang araw bago ang kaarawan ni Selena, tama? Nakapagpabook ka na ba ng hotel?" Inilapag ni Fiona ang kanyang mga pinamili sa isang sulok ng silid na may malamig na ekspresyon sa kanyang mukha. Naglakad siya patungo kay Fane at pagalit na sinabi. "Binabalaan kita: Kapag
Magbasa pa

Kabanata 820

"Hmph! Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo. Binabalaan kita: baka pumunta ako sa kasal ni Cecilia kapag hindi ako naisyahan sa gagawin mo. Pagkatapos nun, kapag walang sinuman sa ating panig ang pumunta sa kasal nila, nangangahulugan lang ito na hindi natin binibigyan ng respeto ang Gold family. Naiintindihan mo ba ako?" Ayaw pa rin magtiwala ni Fiona kay Fane."Mother, hindi ka ba natatakot na baka kutyain ka lang ni cecilia kapag dumalo ka sa kasal nila? alm ko naman na kilala mo ang ugali niya. Laging siyang naghahanap ng tiyansa na maliitin ang pamilya natin!" Dumilim ang mukha ni Selena nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ina at dagdag nito, "Bukod pa dun, sa tingin ko ay wala sa pamilya nila ang dadalo sa kaarawan ko. Bakit pa tayo dadalo sa kasal ni Cecilia kung hindi naman sila pupunta sa kaarawan ko? Hindi ba parang nanlilimos naman tayo ng pansin sa kanila kapag ganun?' "Pero…" Napasimangot si Fiona nang marinig niya ang sinabi ni Selena; may punto naman ito. Kun
Magbasa pa
PREV
1
...
8081828384
...
251
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status