Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 831 - Chapter 840

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 831 - Chapter 840

2505 Chapters

Kabanata 831

Tumango si Spectre Face habang nagsasalita. Pagkalipas ng ilang sandali, binisita ni James si Timothy. Tinitigan ni Timothy si James bago nito iniwas ang kanyang tingin at hindi pinansin si James. “Naparito ako ngayon dahil may sasabihin ako sayo,” panimula ni James habang nakatuon ang kanyang titig kay Timothy. “Mas maganda kung ititigil mo na ang pagganti kay Fane. Ang Kingston Clan, Green Sky Hall, ang Wilson family, at ang Eagle Clan ay nawala na sa loob lang ng isang gabi. Lahat ng kanilang mga master at pinuno ay patay na. Ang mga natira ay hindi ganun kagaling, kaya lumabas na sila ng Middle Province kagabi!” “Ano?!” Nagulat si Timothy. “Sinasabi mo na ang parehong malaking clan, ang Kingston Hall at ang Eagle Clan, kasama ng Wilson family at ang Green Sky Hall, ay nawasak?!” Tumango si James. “Inimbestigahan namin ang tungkol sa nangyari at nalaman namin na si Fane ang nasa likod ng kanilang pagbagsak. Ang apat na makapangyarihang pwersa na iyon ay nagtulungan upang
Read more

Kabanata 832

”Nakakatakot… Talagang nakakatakot. Lahat ng apat na makapangyarihan na yun ay nabura sa loob ng isang gabi lang!” Gulat na gulat ang pinuno ng George family. Tinignan niya si Sharon—na nakaupo sa kanyang tabi— at sinabi, “Sharon, alam mo na ba ang naging resulta ng imbestigasyon? Ang pagkawasak ng apat na makapangyarihan na grupo na iyon ay gawa ng isang tao lamang! May malaking tiyansa na mag-isa lang niyang ginawa ang lahat ng iyon!” “Paano nangyari yun? Isang tao? Sinasabi niyo ba sa akin na isang tao lang ang gumawa ng lahat ng iyon?” Tinignan ni Sharon ang kanyang ama habang nanlalaki ang mga mata nito at gulat na gulat din sa pangyayari. Tumango ang pinuno ng George family. “Oo, at ang taong ito ay walang iba kung hindi si Fane!” “Paano nangyari yun? Imposible yun!” Hindi makapaniwala si Sharon sa kanyang narinig. “Habang malaks nga si Fane, hindi naman siya ganun kalakas. Ang mga master ng Kingston Hall ay lakas na kahalintulad ng sa isang King of War, ano pa kaya ang m
Read more

Kabanata 833

Ang kanto ng bibig nib Skyler ay nanginig ng binunyag ni Fane dito ang balita. Lalo na, disipulo niya si Elaine. Hinampas niya ang kanyang mga hita at naiiritang kinomento. “Ano? Bakit hindi sa akin sinabi ni Elaine ang tungkol dito? Nakakawalang galang naman; master niya ako!” “Ano? Disipulo niyo si Elaine?” Lalong natuwa si Fiona ng marinig niya ang isang nakakatuwang impormasyon. Kapag kinasal sila Ben at Elaine, hindi ba’t tataas lang lalo ang estado ng kanilang pamilya dahil sa relasyon nla Skyler at Elaine bilang master at disipulo? Kapag may masamang nangyari, hindi ito mapapalampas ni Skyler, tama? Sayang nga lang at wala sila Ben at Elaine sa hapagkainan ng mga oras na yun dahil sa abala sila sa kanilang internet shop. Maganda sana itong oportunidad kung nandito sila. Makakaslo sana ni Ben sa inuman si Skyler at mapaganda ang kanilang ugnayan. “Tama! Dapat binanggit sa akin ng babaeng yun ang bagay na ito!” Masayang sinabi ni Skyler. “Kung hindi niyo pa sinabi sa akin
Read more

Kabanata 834

”Ano?!” sigaw ni Fiona ng marinig niya kung ano ang sinabi ni Sharon. “Paano nangyari yun? Miss Sharon, hindi kaya nagkakamali ka lang? Ang apat na makapangyarihang clan na may maraming tauhan, kasama ng Wilson family, ay napabagsak ni Fane?” Tumayo si Fane, natigilan at naguguluhan. Kapag hinayaan pa niya si Sharon an magsalita, ang kanyang pagkatao ay mabubunyag. Sumimangot si Sharon at sinabi, “Wala… Wala namang sapat na ebidensya, kaya naisip ko…? Sinabi ito sa akin ng aking ama!” Tumawa si Fane at kalmadong sinabi, “Nagpapasalamat ako sa iyong pag-aalala, Miss Sharon, pero baka nagkakamali ka lamang. Paano ko magagawa ang ganung bagay? Ang tanging makakagawa lang ng bagay na iyon ay walang iba kung hindi si Skyler Celestino, isang eight-star King of War!” Kaagad niyang binago ang paksa habang nagsasalita siya, “Dali, maghanda kayo ng kubyertos para kay Miss Sharon. Dahil nandito ka na rin lang, slauhan mo na kaming kumain at uminom!” Ngumiti si Sharon. “Ay naku, nandito
Read more

Kabanata 835

Ngumiti si Fane. “Naku naman! Maganda yan!” Napangiti si Fiona ng marinig nito ang komento ni Skyler. “King of War Celestino, didiretsuhin na kita: si Cecilia Taylor ng taylor family ay ikakasal kay Kelly Gold ng Gold family sa araw na yun. Nagpadala na sila ng kanilang imbitasyon, at natatakot ako na baka piliin ng lahat na pumunta sa kasal nila kesa sa kaarawan ng anak ko!” “Haha! At paano naman mangyayari yun? Kahit na ang lahat ay pumunta sa kasal nila Kelly at Cecilia, hindi ako magpapakita doon. Sisiguraduhin ko na makakapaunta ako sa kaarawan ni Selena na hinanda ni Fane. Haha! Lalo na, gusto ko ang batang to!” Tumawa si Skyler. Ang gusto niya talagang sabihin ay ang lahat ng mga majors, King of War, at baka pati ang mga God of War ay pumunta sa kaarawan ni Selena na hinanda ni Fane.“Ako din! Sigurado akong pupunta sa kaarawan ni Sister Selena!” Nagdeklara si Sharon na may ngiti. “Maraming salamat sa inyong dalawa. Nag-aalala ako ng husto na baka walang dumalo sa aming
Read more

Kabanata 836

Nitong umaga, habang naglalakad sila Selena, Fane at ang iba sa bakuran, dumaan si Ivan at Xena habang magkahawak-kamay. “Ivan, bakit nandito ka?” Kaagad na nagdilim ang mukha ni Selena nang makita niya si Ivan at Xena. Tanong niya nang hindi natutuwa. Di lang inagaw ni Ivan ang kasintahan ni Ben. Sumama pa siya kay Xena kahit na alam niyang si Xena ay kasintahan ni Ben. Kahit na ayaw na niya sa babaeng ito at gusto niyang hiwalayan ito ni Ben. malinaw na pinapahiya nila si Ben. “Hoy, di ba ako pwedeng pumunta? Pamilya tayo, di ba ako pwedeng pumunta para makitingin?” Ngumiti si Ivan at sinabi. “Nandito ako para magtanong tungkol sa paghahanda sa birthday party ni Selena. Balita ko nakuha ni Kelly at Cecilia ang top floor ng isang six-star hotel!” Habang nagsasalita si Ivan, nakatitig siya kay Fane. Gusto niyang obserbahan kung mas mahina na ba si Fane. “Haha, di mo na kailangang mag-alala pa tungkol diyan, may tiwala ako sa asawa ko. Kapag sinabi niyang handa na ang lahat,
Read more

Kabanata 837

”Ayos lang ang lahat dahil madali naman akong makuntento!” Ngumiti si Ben at tinignan niya si Elaine na nakatayo sa tabi niya. Ngumiti si Elaine nang matamis pabalik at hinawakan ang kamay ni Ben. “Xena Jackson, di ko talaga alam kung paano ka pasasalamatan. Isinuko mo ang isang napakabait na lalaki at nakuha ko na ngayon ang napakamahalagang taong ito!” “May… may girlfriend ka na?” Nagdilim ang mukha ni Ivan nang makita niya ang mga ito. Medyo naiinggit siya na maganda ang katawan at mata ni Elaine. Mukha ring mas bata ito at mas maganda kay Xena at mayroong aura na parang isang diwata. “Sigurado yan. Mukha bang di magkakaroon ng girlfriend ang isang tulad ko, si Ben Taylor?” Suminghal nang walang bahala si Ben tapos tinignan si Xena at sinabi. “Naniniwala ako na higit pa ako sa isang taong pinaglaruan ng mga mangnanakaw dati. Narinig ko na nabanggit na ito dati ng ate ko pero hindi ko ito pinaniwalaan. Haha, ngayon nauunawaan ko kung gaano pwedeng maging kababa ang isang tao! P
Read more

Kabanata 838

“Baby, wag kang mag-alala dun. Di ako naniniwala sa sinasabi ni Ben dahil malinaw naman na gusto lang niyang siraan tayo sa isa’t isa. Kitang-kita ko ang motibo niya!” Niyakap ni Ivan si Xena at ngumiti. Ngunit palihim siyang naiinis. Si Xena ay isang babaeng mahal ang pera at nararamdaman niya talagang mukhang pera ang babaeng ito kaya totoo ang sinasabi ni Ben. Nang maisip niya ito, tumibay ang desisyon niya na wag pakasalan si Xena. Ngunit di siya pwedeng makipag-away kay Xena ngayon at sabihin dito na hindi niya pakakasalan ito. Kung hindi, baka sabihin nito sa iba kung paano niya sinabihan ito na lasunin si Fane. Di ba masama ito kung magawa ni Fane na makahanap ng lunas nitong mga susunod na raw? Di niya ito ibubuwis kahit na napakababa ng posibilidad. Kaya kailangan niya munang maghintay ng ilang araw pagkatapos ng kamatayan ni Fane. sa sandaling iyon, makakaisip na siya ng paraan para hiwalayan ito, bigyan ito ng pera at paalisin ito. “Talagang walang hiya si Ivan.
Read more

Kabanata 839

”Isang hukbo?” Muling nagulat ang publiko. Lumabas ang lahat. Doon lang nila napansin ang isang hukbo ng mga Rolls-Royce na nakaparada sa pasukan. “Niloloko mo ba kami? Kahit na umupa ka pa ng 100 kotse, malaki ang magiging gastos dito. Bago ang lahat ng ito!” Napalunok si Ben. “Bane, wag mong sabihin na ito ang sasakyan namin? At bakit may mga sariwang bulaklak sa mga kotse? Bakit sila naka-decorate na parang mga wedding car? At may mga salita pang ‘Just Got Married’ na nakalagay dito!” Talagang mukhang nabigla si Fiona. Halos malaglag na ang mata niya. Imposibleng mura lang ito, kahit na mga inarkilang kotse lang ito. “Oh, alam ko na. Halata namang mga wedding car ito. Siguro ito ang mga inihanda ni Kelly para kay Cecilia!” Nagdilim ang mukha ni Andrew. “Ang Kelly at Cecilia na yun,” Singhal niya. “Bakit nila ipinarada ang mga wedding car nila sa gate natin? Sadya ba nila tayong iniinis?” Nahimasmasan na si FIona. Tama. paanong magkakaroon ng pera ang walan
Read more

Kabanata 840

”Anong nangyayari doon?” Si Kelly, ang head ng Gold family, at ang iba ay nasa sarili din nilang mga kotse. Bawat isa sa kanila ay nasasabik. Talagang maganda ang mga kotseng inihanda nila. Ngunit kaagad silang nabigla nang bumaba sila sa kanilang mga kotse at napansin ang mga kotseng nakaparada sa pasukan ng villa na pagmamay-ari nila Fane. Dalawampung kotse lang ang inihanda nila para sa parada nila, pero ang mga ito ay may halos isang daan—at ang lahat ng ito ay mga Rolls-Royce. “Imposible. Inihanda ba ni Fane ang lahat ng yan para kay Selena?” Dumating na rin ang Taylor family. Lahat sila ay nagulantang. “Mukhang masigla si Fane!” Naningkit si Ivan mula sa malayo. Napuno siya ng pagtataka. Namamalikmata ba siya? Ayos sa lohika, hindi na dapat siya nakakabangon pa ngayon. Dahil ba sa sobrang lakas ng katawan niya kaya nagagawa niya pang magtiis hanggang ngayon? “Di maaari. Ang lahat ng ito ay mga wedding car!” Si Cecilia na nakasuot ng isang wedding gow
Read more
PREV
1
...
8283848586
...
251
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status