Ngumiti si Fane. “Naku naman! Maganda yan!” Napangiti si Fiona ng marinig nito ang komento ni Skyler. “King of War Celestino, didiretsuhin na kita: si Cecilia Taylor ng taylor family ay ikakasal kay Kelly Gold ng Gold family sa araw na yun. Nagpadala na sila ng kanilang imbitasyon, at natatakot ako na baka piliin ng lahat na pumunta sa kasal nila kesa sa kaarawan ng anak ko!” “Haha! At paano naman mangyayari yun? Kahit na ang lahat ay pumunta sa kasal nila Kelly at Cecilia, hindi ako magpapakita doon. Sisiguraduhin ko na makakapaunta ako sa kaarawan ni Selena na hinanda ni Fane. Haha! Lalo na, gusto ko ang batang to!” Tumawa si Skyler. Ang gusto niya talagang sabihin ay ang lahat ng mga majors, King of War, at baka pati ang mga God of War ay pumunta sa kaarawan ni Selena na hinanda ni Fane.“Ako din! Sigurado akong pupunta sa kaarawan ni Sister Selena!” Nagdeklara si Sharon na may ngiti. “Maraming salamat sa inyong dalawa. Nag-aalala ako ng husto na baka walang dumalo sa aming
Nitong umaga, habang naglalakad sila Selena, Fane at ang iba sa bakuran, dumaan si Ivan at Xena habang magkahawak-kamay. “Ivan, bakit nandito ka?” Kaagad na nagdilim ang mukha ni Selena nang makita niya si Ivan at Xena. Tanong niya nang hindi natutuwa. Di lang inagaw ni Ivan ang kasintahan ni Ben. Sumama pa siya kay Xena kahit na alam niyang si Xena ay kasintahan ni Ben. Kahit na ayaw na niya sa babaeng ito at gusto niyang hiwalayan ito ni Ben. malinaw na pinapahiya nila si Ben. “Hoy, di ba ako pwedeng pumunta? Pamilya tayo, di ba ako pwedeng pumunta para makitingin?” Ngumiti si Ivan at sinabi. “Nandito ako para magtanong tungkol sa paghahanda sa birthday party ni Selena. Balita ko nakuha ni Kelly at Cecilia ang top floor ng isang six-star hotel!” Habang nagsasalita si Ivan, nakatitig siya kay Fane. Gusto niyang obserbahan kung mas mahina na ba si Fane. “Haha, di mo na kailangang mag-alala pa tungkol diyan, may tiwala ako sa asawa ko. Kapag sinabi niyang handa na ang lahat,
”Ayos lang ang lahat dahil madali naman akong makuntento!” Ngumiti si Ben at tinignan niya si Elaine na nakatayo sa tabi niya. Ngumiti si Elaine nang matamis pabalik at hinawakan ang kamay ni Ben. “Xena Jackson, di ko talaga alam kung paano ka pasasalamatan. Isinuko mo ang isang napakabait na lalaki at nakuha ko na ngayon ang napakamahalagang taong ito!” “May… may girlfriend ka na?” Nagdilim ang mukha ni Ivan nang makita niya ang mga ito. Medyo naiinggit siya na maganda ang katawan at mata ni Elaine. Mukha ring mas bata ito at mas maganda kay Xena at mayroong aura na parang isang diwata. “Sigurado yan. Mukha bang di magkakaroon ng girlfriend ang isang tulad ko, si Ben Taylor?” Suminghal nang walang bahala si Ben tapos tinignan si Xena at sinabi. “Naniniwala ako na higit pa ako sa isang taong pinaglaruan ng mga mangnanakaw dati. Narinig ko na nabanggit na ito dati ng ate ko pero hindi ko ito pinaniwalaan. Haha, ngayon nauunawaan ko kung gaano pwedeng maging kababa ang isang tao! P
“Baby, wag kang mag-alala dun. Di ako naniniwala sa sinasabi ni Ben dahil malinaw naman na gusto lang niyang siraan tayo sa isa’t isa. Kitang-kita ko ang motibo niya!” Niyakap ni Ivan si Xena at ngumiti. Ngunit palihim siyang naiinis. Si Xena ay isang babaeng mahal ang pera at nararamdaman niya talagang mukhang pera ang babaeng ito kaya totoo ang sinasabi ni Ben. Nang maisip niya ito, tumibay ang desisyon niya na wag pakasalan si Xena. Ngunit di siya pwedeng makipag-away kay Xena ngayon at sabihin dito na hindi niya pakakasalan ito. Kung hindi, baka sabihin nito sa iba kung paano niya sinabihan ito na lasunin si Fane. Di ba masama ito kung magawa ni Fane na makahanap ng lunas nitong mga susunod na raw? Di niya ito ibubuwis kahit na napakababa ng posibilidad. Kaya kailangan niya munang maghintay ng ilang araw pagkatapos ng kamatayan ni Fane. sa sandaling iyon, makakaisip na siya ng paraan para hiwalayan ito, bigyan ito ng pera at paalisin ito. “Talagang walang hiya si Ivan.
”Isang hukbo?” Muling nagulat ang publiko. Lumabas ang lahat. Doon lang nila napansin ang isang hukbo ng mga Rolls-Royce na nakaparada sa pasukan. “Niloloko mo ba kami? Kahit na umupa ka pa ng 100 kotse, malaki ang magiging gastos dito. Bago ang lahat ng ito!” Napalunok si Ben. “Bane, wag mong sabihin na ito ang sasakyan namin? At bakit may mga sariwang bulaklak sa mga kotse? Bakit sila naka-decorate na parang mga wedding car? At may mga salita pang ‘Just Got Married’ na nakalagay dito!” Talagang mukhang nabigla si Fiona. Halos malaglag na ang mata niya. Imposibleng mura lang ito, kahit na mga inarkilang kotse lang ito. “Oh, alam ko na. Halata namang mga wedding car ito. Siguro ito ang mga inihanda ni Kelly para kay Cecilia!” Nagdilim ang mukha ni Andrew. “Ang Kelly at Cecilia na yun,” Singhal niya. “Bakit nila ipinarada ang mga wedding car nila sa gate natin? Sadya ba nila tayong iniinis?” Nahimasmasan na si FIona. Tama. paanong magkakaroon ng pera ang walan
”Anong nangyayari doon?” Si Kelly, ang head ng Gold family, at ang iba ay nasa sarili din nilang mga kotse. Bawat isa sa kanila ay nasasabik. Talagang maganda ang mga kotseng inihanda nila. Ngunit kaagad silang nabigla nang bumaba sila sa kanilang mga kotse at napansin ang mga kotseng nakaparada sa pasukan ng villa na pagmamay-ari nila Fane. Dalawampung kotse lang ang inihanda nila para sa parada nila, pero ang mga ito ay may halos isang daan—at ang lahat ng ito ay mga Rolls-Royce. “Imposible. Inihanda ba ni Fane ang lahat ng yan para kay Selena?” Dumating na rin ang Taylor family. Lahat sila ay nagulantang. “Mukhang masigla si Fane!” Naningkit si Ivan mula sa malayo. Napuno siya ng pagtataka. Namamalikmata ba siya? Ayos sa lohika, hindi na dapat siya nakakabangon pa ngayon. Dahil ba sa sobrang lakas ng katawan niya kaya nagagawa niya pang magtiis hanggang ngayon? “Di maaari. Ang lahat ng ito ay mga wedding car!” Si Cecilia na nakasuot ng isang wedding gow
Di nagtagal, mukhang napansin ni Master Gold na parang may kakaiba. Kumunot ang noo niya. Nainis siya. Bakit naman sila sinusundan ni Fane? “Baka nagaktaon lang. Siguro nagkataong lang na dito din sila dadaan!” Kumunot ang kilay ni Old Man Taylor. Sinabi ni Fane na gusto niyang magsagawa ng isang birthday party para kay Selena, pero inilhim niya ito. Hindi man lang siya nito binigyan ng imbitasyon—sa katotohanan, hindi man lang sila sinabihan nito tungkol sa petsa at ganapan. Inakala pa niya na iniisip ni Fane na wala nang katuturan ang gawin pa ito dahil ang Taylor family at marami pang ibang aristocratic family ay dadalo sa kasal ni Ceciila imbes na sa birthday party nila. Inakala niya na ito ang dahilan kung bakit hindi sinabi ni Fane kahit kanino ang tungkol dito. Ngunit hindi niya inasahang ganito ang ipapakita ni Fane ngayon. Malamang malaki ang ginastos ng lalaking ito para sa hukbo ng kotse. Paano niya naihanda ang lahat ng ito? “Alam ko na!” Sa sandaling ito,
Nakasaad pa ang lokasyon ng hotel sa dulo ng mensahe. “Bakit ngayon nagsasagawa ng kasal si Fane, kahit hindi naman niya sinabi ito sa atin noon? Diba sinabi niya birthday party ito?” Kumunot ang noo ni Master Roy. aalis na siya para sa kasal ni Cecilia nang matanggap niya ang di inaasahang mensahe. “Anong gagawin natin Master? Kapag pumunta tayo sa kasal ni Fane, kasabay nito agn kasal ni Cecilia. At espesyal tayong inanyayahan nila Cecilia at ng pamilya niya! Di lang sa di pinaalam sa atin ni Fane nang maaga pero ginagawa niya pa ang seremonyang ito para lang bumawi sa hindi niya nagawa. Ayos lang kung hindi tayo pumunta!” Isang matandang lalaki sa tabi ni Master Roy ang nagsalubong ang kilay habang nag-iisip. Tapos nagtanong siya. Wala ring masabi si Master Roy. “Nako. Di ba siya pwedeng pumili ng ibang petsa? Bakit kailangan niya pang gawin ito sa kaparehong araw ng kasal ni Cecilia? Di ko man lang maiisip na pumunta kung isa itong birthday party dahil mas mahalaga
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin