Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 821 - Chapter 830

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 821 - Chapter 830

2505 Chapters

Kabanata 821

Nagpakita ng isang inosenteng ngiti si Hector habang nagpatuloy sa pagsasalita, "Siya nga pala, hindi ba't sinabi ni Master Neuman na kailangan niyo ang tulng ko para patayin si Fane? Pinaalam ko na sa inyo noon na galit na galit ang Wilson family sa kanya. Sinubukan niyo na bang kontakin ang Wilson family? Kamusta na nga pala yun?"Alam na alam ni Lee ang mga intensyon ni Hector habang pinakikinggan niya lang ito. Ayaw pa rin ni Hector na makipagtulungan sa kanila; gusto ni Hector na sila ang kumilos ng sa gayon ay hindi na niya kailangan pang gumawa ng kahit na ano. Ang Eagle Clan at ang Wilson family ay pwedeng magsanib pwersa para tulungan si Hector na iligpit si Fane. Nginitian siya ni Lee at sumagot, "Kinontak ko na ang Wilson family, at totoo na gustong gusto nilang patayin si Fane. Pagkatapos nga lang ng isang mahabang diskusyon, napagtanto namin na si Fane ay isang napakalakas na master. Ang kanyang abilidad sa pakikipaglaban ay maihahalintulad sa mga King of War na kahi
Read more

Kabanata 822

Hindi nagtagal, pumunta na sila Hector Zaborowski, Lee Neuman, at David Wilson sa Kingston Hall kasama ang kanilang mga tauhan. Ang mga pinuno ng apat na makapangyarihan na pamilya at clan ay nagpulong-pulong sa iisang lugar para pag-usapan kung paano parusahan ang son-in-law na ikinasal sa Taylor family. Samantala, ang luhaang Timothy Drake ay mag-isang nakahiga sa kanyang kama. "Fane, p*tang ina mo!" Sumpa ni Timothy, nakatikom ang mga kamao nito habang ginagawa niya ito. "Ako, si Timothy Drake , ay sumusumpa na papatayin kita!" Hindi niya naisip na darating ang araw na ang kanyang maselang bahagi ay mapuputol sa kanya. Hindi niya inaasahan na magiging baog siya. Sa kabilang banda, ang kanyang ama ay inanunsyo sa publiko na nagtamo siya ng hindi malalang sugat, at muntik nang himatayin si timothy sa sobrang galit. Hindi niya maunawaan ang kanyang ama kung bait ito takot na takot kay Fane. Hindi siya naniniwala na hindi nila kakayanin na patayin si Fane gamit ang buong ka
Read more

Kabanata 823

Pinuri ni Fane si Selena pagkatapos nitong marinig ang teorya nito tungkol sa kwintas na ruby. hindi na siya makapaghintay na makita ang supresa sa mukha ni Selena kapag nakasuot na sa kanya ang kwintas. "Hindi naman mahirap na malaman ang tungkol sa mga bagay na ito. Gamit nila ang kwintas na iyon para pasikatin ang kanilang shop matagal na panahon na. Naiexhibit na rin nila ang kwintas na ito sa iba pang siyudad, kaya naniniwala ako na maraming tao ang gustong bilhin ang kwintas na ito. Ang lahat ng taong yun, at hindi pa nila naipagbili ang kwintas na iyon!" Ininom ni Selena ang kanyang wine at nagpatuloy, "Bukod pa dun, gumastos sila ng malaking halaga para ianunsyo ito, at ito ang halaga ng mga iyon. Imposible na ipagbili nila ang kwintas na iyon sa halagang siyam na raang milyon." "Sigh! Nakakapanghinayang. Ang son-in-law na ikinasal sa ating pamilya ay isang walang kwentang tao. Kung isa siyang maabilidad na tao, ang aking anak ay marahil maisusuot ang magandang kwintas na
Read more

Kabanata 824

Hindi naman malayo ang Blaze Mountain sa bukana ng siyudad, at may isang lumang puting tore sa tuktok ng bundok na ito. Pero, matagal nang abandonado ang tore na ito ilang daang taon an rin ang nakakaraan, at walang sinuman ang nagtangkang magpunta sa bundok na ito. Itinabi ni Fane ang kanyang phone at itinikom ang kanyang mga kamao ng mahigpit. "Kayo ang pumilit sa akin na gawin to. Hmph! Kung ganun ay hindi ako pwedeng magsama ng kahit na sino? Sa tingin ba nila ay kaya nila akong patayin kung mag-isa lang ako?"At dahil doon, umalis is Fane at pumunta sa Blaze Mountain. Nakatayo sa tuktok ng bundok si Hector at may hawak na teleskopyo. Gamit ito, nakita niya si Fane na nagmamaneho papunta sa napag-usapan nilang destinasyon at, ng makarating ito sa paanan ng bundok, ipinarada nito ang kanyang kotse. "Haha! Andito na siya. Ang lalakeng ito ay pumunta nga ng mag-isa!" Tumawa si Hector. "Dahil sa pumunta siya ng mag-isa, patay na sya ngayon!" "Sigurado na yun! Naghanda tayo n
Read more

Kabanata 825

Kahit na mahirap, nagawa pa rin ni Fane na harapin ang hamon at lalong lumakas pa ito. Ang kanyang kakayahang lumaban ay lalong gumaling habang nakasuot siya ng maskara na hugis dragon at may hawak na itim na espada sa kanyang kamay. At sunod sunod na nagsilitaw ang mga master pagkatapos niya, at ang mga master na yun ay kinilala bilang ang kasalukuyang Nine Great Gods of War. At si Fane naman, ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban ay lagpas pa sa kakayahan ng mga God of War, na sa sobrang lakas niya ay kahit mag-isa lang siya, hindi mahirap para kay Fane na harapin ang mga ito. Kakarating lang ni Fane sa may paanan ng bundok ng ilan sa mga bodyguard ng Wilson family ang sumugod sa kanya. "Andito na siya! Patayin siya!" "Kung ganun, pati ang mga tauhan ng Wilson family ay nandito?" Kaagad na ngumiti si Fane ng makita niya ang ilang pamilyar na mukha. Kakarating lang niya sa paanan ng bundok ng makita niya ang maraming tao na sumusugod sa kanya. Alam niya na mas marami pa siy
Read more

Kabanata 826

"Paano nangyari ito? Patay na siya!" Namutla ang mga mukha ng mga taong umatake kay Fane ng makita nilang gumulong pababa ng bundok ang katawan ng malaking lalake kasama ang pugot nitong ulo. An kakayahan ni ane na makipaglaban ay masyadong malakas, at ang espada niya ay kayang humiwa ng bakal na para bang putik lang ang mga ito. Hindi man lang huminto si Fane pagkatapos nitong patayin ang malaking lalake. Sumugod siya papunta sa tuktok ng bundok, at tumalon talon. "Sugod!" Bukod sa mga tauhan g Wilson family, lumitaw na rin ang mga tauhan ng Green Sky Hall. Ang mga mahihinang tauhan g Kingston Hall at Eagle Clan ay lumitaw sin sa ibaba ng bundok at sinubukan nilang palibutan si Fane. Ang tanging ikinakatakot lang ni Fane ay ang hindi pagtupad nila Hector sa kanilang mga salita. Kapag nahuli siya, baka patayin nila si Kylie at ang dalawang bodyguard. Dahil doon, pinili ni Fane na hindi pansinin ang mga dumagdag na mga tauhan at nagpatuloy na umakyat sa bundok. Winasiwas niya
Read more

Kabanata 827

Swoosh! Swoosh!Nang walang inaaksayang oras, ibinato ng isang lalake ang kanyang mga nakatagong sandata papunta kay Fane. Kaagad na hinatak ni Fane si Michael at ginamit siya blang pananggalang. "Ikaw—" Bago pa man pumasok sa isipan ni Michael kung ano ang nangyari, tumarak na sa kanya ang mga binatong sandata kay Fane. "Young Master Michael!" Napasigaw sa gulat ang lalake na nagbato ng mga sandata kay Fane. Masyadong mabilis ang mga kilos ni Fane at hindi nila masundan ang mga ito. Ang tangi lang nilang nakita ay isang malabong anino, isang anino lamang, at nakalipat na ng pwesto si Fane. Binato ni Fane ang katawan ni Michael sa kanyang harapan at ibinagsak ito sa lalake.Napaatras ng dalawang hakbang ang lalake, at habang abala ito na itulak ang mabigat na bilugang katawan ni Michael palayo sa kanya, naipwesto na ni Fane ang kanyang espada sa leeg nito. Napatingin ang lalake kay Fane sa gulat. Ngayon alam na niya kung gaano nakakatakot ang lalakeng nasa kanyang harapa
Read more

Kabanata 828

Sila David Wilson at ang iba pa ay nagulat ng makita nila ang duguang Fane, ang kanyang damit ay punong puno ng dugo. Pakiramdam nila ay pagod na si Fane, habang iniisip nila na puno ng sugat ang katawan nito at malapit nang malagutan ng hininga. Hindi nila naisip na makakarating si Fane kaagad sa kanila ng ganung kadali. Mas mabilis pa si fane kesa sa mga master na nasa kanilang panig. Habang nagkakagulo sila, nakalapit na si Fane kung nasaan nakatali sila Orchid at pinakawalan ang mga ito. Pinutol niya ang lubid na gumagapos sa kanila Orchid at doon lang nakakilos ang iba. "Wuu… Daddy!" Sa simula pa lang ay takot na si Kylie, pero hindi ito umiyak. Nagsimula lang siyang umiyak ng makita niya ang kanyang ama—si Fane—na tumatakbo papunta sa kanila na duguan. Hindi nila alam kung natatakot ito o nag-aalala kay Fane. “”Kylie, huwag kang matakot!” pinitik ni Fane ang kanyang espada at pinatay ang mga taong sinubukang harangin sila. “Orchid, kunin niyo si Kylie at ingatan niyo s
Read more

Kabanata 829

”Ahh!” Sumigaw si Lee sa takot at sinubukan niyang tumakas ng makita niya kung gaano kadelikado ang sitwasyon para sa kanya. Sa kasamaang palad, ilang tao na galing sa Eagle Clan ang pumalibot sa kanya, at napatay din siya pagkatapos. Ilang mga malalakas na mga master at boss ang namatay sa lugar na yun. “Huwag niyong kakalimutan na iligpit ang mga bangkay. Lalo na, dati niyo silang mga kapatid,” Komento ni Fane bago siya, kasama nila Orchid at ng iba pa, ay bumaba sa bundok. Ang ibang natitirang mga tao ay nagbigay daan para kila Fane nang makita nila ito na naglalakad. Tinignan nila ito hanggang sa makaalis. Karamihan sa kanila ay pinunasan ang kanilang mga malalamig na pawis sa kanilang mga noo pagkatapos na makaalis nila Fane. Nang maabot nila ang paanan ng bundok ay nilingon ni Fane at tinignan si Kylie, tumigil na sa kakaiyak, ng may malumanay na mga mata. “Huwag ka nang matakot, Kylie. Ang mga clan na yun ay wala na ng tuluyan! Tinakot ka ba nila?”“Mm… Ang galing
Read more

Kabanata 830

Hindi nagtaka si Selena tungkol sa pagdukot kay Kylie; masaya na siya hangga’t ligtas na nakabalik si Kylie at ang iba pa. Wala na siyang iba pang sinabi pa para hindi na mag-alala ang kanyang mga magulang. Lalo na, alam ni Selena na hindi mag-aalala sib Fiona pero puputakan pa nito si Fane ng walang katapusan. Baka sisihin pa nga ni Fiona si Fane; sasabihin nito na masyado nang maraming kaaway ito at kaya nangyari ang bagay na ito. Naglabas ng isang maliit na bote ng gamot at ibinigay ito kay Orchid at sa isa pang bodyguard. Pagkatapos ay sinabihan din niya ang dalawang bodyguard na magpahinga na bago niya binuhat si Kylie at naglakad pabalik ng kanilang villa. Nung gabing yun, isang kaguluhan ang bumulabog sa buong Middle Province. Balita tungkol sa pagkakabuwag sa Wilson family, Green Sky Hall, Kingston Hall, at Eagle Clan ay kumalat na parang apoy sa isang gabi lang. Ayon sa bulung-bulungan ay may nakabangga silang makapangyarihan na tao, at ang mga master ng mga clan na
Read more
PREV
1
...
8182838485
...
251
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status