”Sugurin natin siya! Di ako makapaniwala!” Nagtinginan ang mga malalaking bodyguard bago sila sumugod kay Fane. Bang! Bam! Pow! Sa kabila ng dami nila, wala sa kanila ang makadaplis man lang sa buhok ni Fane bago sila bumagsak sa sahig. Hawak ng mga lalaki ang kanilang sikmura at dibdib sa sakit, habang namumutla ang mga mukha nila. Ilang mga tao ang umungol sa sakit dahil nabali ang kanilang tadyang. Nagdilim ang mukha ni Lawrence at Jayden nang makita nila ang mga bodyguard nilang nakahandusay sa sahig. “Mga walang kwentang basura. Ang kapal ng mukha niyong sabihin na mga mersenaryo kayo?” Suminghal si Jayden nang tumayo siya sa galit. “Di niyo man lang magawang manalo sa isang binata! Di ko ito maintindihan!” “Young Master, di kami basura. Talagang napakalakas ng lalaking ito at di namin siya kayang talunin, totoo yun!” Isa sa mga lalaki ang pinagpapawisan ang noo sa sakit. “Young Master, nabasag ang tadyang ko! Kailangan kong pumunta sa ospital!” “Lumayas kayong lahat
Sa sandaling ito, nagsalita ulit si Fiona habang nakangiti, “Tama, Mr. Watson, di lang isang magaling na manlalaban ang son-in-law kong ito kundi magaling din siya sa ibang larangan. Dinala ko siya dito sa pag-asang matutulungan niya kayo!” “Talaga? Sabihin mo sa akin!” Ngumiti si Lawrence habang nagtataka. “Ang son-in-law ko ay isang magaling na medical practitioner at alam niya ang lahat tungkol sa medisina. Sasabihin ko sa’yo ang tungkol sa isang young mistress ng isang first-class aristocratic family sa Middle Province—si Sharon George ng George family. Dati nagkaroon siya ng isang kakaibang karamdaman, isang karamdaman na nagpapataba sa kanya…” Sinimulang ikwento ni Fiona ang mga nagawa ni Fane. Pagkatapos niyang magkwento, sinabi niya, “Sabihin mo sa akin, diba ang galing? Talagang tinulungan niya itong magbawas ng timbang sa loob ng tatlong araw. Mula sa pagiging mataba naging isa siyang payat at magandang dalaga!” “Isang himala. Ang magbawas ng ganito kalaking ti
Wala na namang masabi sila Lawrence at ang iba sa sinabi niya. Malinaw na tinaasan ng taong ito ang presyo. Kung isasantabi na nanikil siya ng tatlong bilyong dolyar mula sa kania, ngayon sinasabi pa talaga niyang di naman talaga ganon kamahal ang gamot. “Hah. Talaga ngang di naman ito ganon kahalaga. Di naman ito mahal kung lalabas na mabisa ito para kay Mom. At di rin ito ganon kamahal ngayong naiisip ko ito. Kahit anong mangyari, siguro tatlong bilyon lang din ang halaga ng ulo mo. isa itong ulo na magandang hampasin!” Sinabi ni Jayden habang tumatawa. “Tara kumain na tayo!” Sinabi ni Lawrence nang nakangiti. Alam niya kung anong klaseng tao ang anak niya. Ngumiti ang lahat nang magsalita si Jayden, na para bang nagbibiro, ngunit kung lalabas na di talaga mabisa ang gamot ni Fane, at sa ginastos nilang tatlong milyong dolyar, talagang hinuhukay niya ang sarili niyang libingan. Besides, if not for his wife cajoling them to meet the former belle of their class and to se
Kumunot ang noo ni Fane nang makita niya ang ngiti sa mukha ni Jayden. Pakiramdam niya na parang wala namang pakialam ang mag-ama sa karamdaman ng old master. Bukod pa rito, mukha silang naghahanap ng doktor para sa old master, pero walang bakas ng kalungkutan sa kanila—mahirap matukoy kung ang old master ay nasa bingit ng kamatayan. “Sige ba. Susubukan ko ito dahil binabalewala niyo nang sobra ang Chinese medicine. Wala rin naman akong masyadong gagawin. Tutulong na lang pala akong gamutin ang old master!” Iniunat ni Fane ang kanyang braso at nagsalita nang tinatamad. Naktututok ang tingin niya kay Lawrence na nakaupo sa tapat niya. Kaagad niyang napansin na kumirot ang sulok ng labi ng lalaki nang mabanggit niyang gagamutin niya ang old master. Naiinis siya. Ngunit kaagad na naglaho ang inis na ito, para bang di talaga ito nangyari. “Sige pala. Pero magkano ang singil mo sa amin ngayon Fane? Di mo ito gagawin nang libre diba? Malamang mayroong consultation fee ka
“Di maaari. Nakikita mo na ang problema gamit lang ng—gamit lang ng pagtingin sa kanya?” Bumukas nang bahagya ang bibig ni Belinda. Gulat na gulat siya, nagdududa kung nagkamali ba siya ng pagkakarinig. Tinignan niya si Irene. “Mom, sino—sino ito? Isa ba siyang doktor?” Tumango si Irene. “Siya ang son-in-law ng matalik kong kaibigan. Sabi niya isa siyang Chinese medicine practitioner. At para naman sa kakayahan niya sa panggagamot, di rin ako sigurado!” “Heh. Anong sinasabi mo? Isa akong espesyalista sa lugar na ito, at ang dami ko nang nagamot na kakaibang karamdaman noon. Maganda ang reputasyon ko sa Middle Province. Di namin matukoy ang kahit isang problema kahit matapos magsagawa ng napakaraming pagsusuri ngayon, at sinasabi mo sa akin ngayon na natutukoy mo kung anong problema sa isang tingin lang? Kalokohan!” Pakiramdam ng espesyalista sinuntok ito sa tainga sa sinabi ni Fane. Aalis na sana ito kasama ng ilang mga doktor, at nainis matapos marinig ang sinabi ni Fane. k
”Ikaw!” Nagalit ang lahat ng mga doktor. “Sige. Susuriin ko na si Old Master Watson. Walang pwedeng umistorbo. Ang kailangan ko lang ay manatili ang isa dito. At para sa inyong lahat, pakiusap lumabas kayo at isara niyo ang pinto!” Sa huli, inilagay ni Fane ang kanyang daliri sa kanyang likod at sinabi nang seryoso, “Ms. Warson, pakiusap manatili ka. Ang iba ay makakaalis na!” “Sige. Umalis na tayo dito. Hahayaan natin si Fane na gawin na mag check-up nang maayos!” Madilim ang mukha ni Lawrence. Tinignan niya nang matagal si Fane, iniisip na walang mapapansin ang binata. Sa isang iglap, lumabas ang lahat at isinara ni Belinda ang pinto sa likod. Tapos pumunta siya sa harap ni Fane. “Doc, may dahilan ba kung bakit sinabihan mo ako na manatili dito?” “Di na makasalita nang maayos ang lolo mo ngayon diba? Mukhang maayos naman ang lalamunan niya. Pero sadyang wala lang siyang enerhiya para magsalita. Tama ba?” Hindi sinagot ni Fane ang tanong ni Belinda; sa halip, n
”Yun na yun?” Nabigla saglit si Belinda, tapos nagsalita siya. “Matagal nang nasa katawan niya ang lason. Isa itong kakaibang lason. Unti-unti lang nitong uubusin ang buhay niya. Lahat ng mga kagamitan na ginagamit ng mga western doctor ay di ito mapapansin. Kahit ako ay kaya lang gamitin ang gamot ko para unti-unting pasukin ang balat niya, at unti-unting aalisin ang lason. Walang mabilisang solusyon dito!” Paliwanag ni Fane, habang nakangiti nang nanlulumo. “Kung totoo ang sinasabi mo na ang tatay ko ang naglagay ng lason, anong gagawin natin? Siguradong patuloy niyang ilalagay ang lason!” Napuno ng takot si Belinda nang maisip niya ito. “Ah!” Sa sandaling ito, biglang sumuka ng dugong may lason ang old master, at naibalik niya ang kakayahan niyang magsalita. Napakahina niya. Nang magsalita siya, ang boses niya ay nanghihina. “Ang ingrato na yun! Ang walang kwentang, balimbing, at sinungaling na mokong na yun! Gusto ko talaga siyang sakalin gamit ng sarili kon
Huminto saglit si Fane bago magpatuloy, “Pagdating ng oras, malinaw na si Irene ay walang kakayahang asikasuhin ang mga ari-arian at kompanya ng mga Watson, kaya humanda kang humalili. Sinasabi ko na sa’yo nang maaga para maihanda mo rin ang isip mo.” Naglakbay sa kwarto ang tingin ni Belinda nang marinig ang sinabi ni Fane, tapos sumagot siya, “Sir, salamat sa pagpapaalala sa akin. Di magiging madali para sa akin na asikasuhin ito nang mag-isa. Kinamumuhian ko din ang ginawa nila. Pagkatapos kong makuha ang negosyo ng mga Watson, tingin ko magbebenta ako ng ilang asset at babalik ako sa Cathysia at magsisimula ako ng ilang investment business.” “Hmmm…” Huminto saglit si Belinda tapos nagpatuloy, “Matagal nang gustong bumalik ni Grandpa Watson sa Cathysia. Naniniwala ako na tutulungan niya akong asikasuhin ang negosyo kapag magaling na siya. At malalasap na ni Grandpa ang mga taon niya nang masaya at mapayapa sa aming bayan na Cathysia.” “Mm!” Kaagad na kumislap ang mata ni
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin