Huminto saglit si Fane bago magpatuloy, “Pagdating ng oras, malinaw na si Irene ay walang kakayahang asikasuhin ang mga ari-arian at kompanya ng mga Watson, kaya humanda kang humalili. Sinasabi ko na sa’yo nang maaga para maihanda mo rin ang isip mo.” Naglakbay sa kwarto ang tingin ni Belinda nang marinig ang sinabi ni Fane, tapos sumagot siya, “Sir, salamat sa pagpapaalala sa akin. Di magiging madali para sa akin na asikasuhin ito nang mag-isa. Kinamumuhian ko din ang ginawa nila. Pagkatapos kong makuha ang negosyo ng mga Watson, tingin ko magbebenta ako ng ilang asset at babalik ako sa Cathysia at magsisimula ako ng ilang investment business.” “Hmmm…” Huminto saglit si Belinda tapos nagpatuloy, “Matagal nang gustong bumalik ni Grandpa Watson sa Cathysia. Naniniwala ako na tutulungan niya akong asikasuhin ang negosyo kapag magaling na siya. At malalasap na ni Grandpa ang mga taon niya nang masaya at mapayapa sa aming bayan na Cathysia.” “Mm!” Kaagad na kumislap ang mata ni
Noong gabi ng araw na iyon, may naramdaman na kakaiba ang mga tao ng Green Sky hall. “Master, may masamang balita ako! Tatlo sa mga elite natin ang nawawala!” Isang matandang lalaki ang naglahad sa harap ni Hector Zaborowski at nagbalita habang nakakuno ang kanyang noo, “At nakatanggap ako ng isa pang balita na di malayo sa lugar ni Fane, na may tatlong lalaki na kumukuha ng larawan, ay nahuli at napatay. Hinala ko na ang tatlong yun ay mga tauhan natin at nakasalubong nila ang adopted son-in-law na yun at pinatay sila nito, ano sa tingin mo?” “Ano!” Napatayo si Hector sa kanyang upuan nang marinig ang nakakagulat na balitang ito. “Anong mayroon sa mga lalaking ito? Ilang beses ko nang sinabi sa kanila na bantayan si Fane at mag-ingat na baka mahuli sila nito! Ngayon ano? Sinusubukan ba nilang ipakita ang tapang nila sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan ng mga babae malapit sa tahanan ni Fane? Gusto ba nilang mamatay?” Nanlumo at nagdilim ang mukha ng matandang lalaki. T
Tumawa nang malakas si Elder Ward nang harapin niya ito. “Tama ka, ang tagal na nga. Balita ko ngayon, nakakuha ka ng ilang magagandang kalidad para sa amin. Patingin nga ako!” Tumawa pabalik si Lawrence. “Talagang maganda ang kalidad nito. At ngayon ang ganitong kalidad ng mga magagandang dalaga ay talagang mahirap nang hanapin. Ilan sa amin ay nagpunta pa sa ibagn siyudad para makuha sila!” Tumawa ulit si Elder Ward at nagpatuloy, “Tignan mo ito nang maigi. Ilan sa kanila ay kasingganda ng mga beauty queen sa mga contest, at kikita ka nang malaki sa kanila. Kaya sa pagkakataong ito, sinabi ng aming Master na dapat taasan ang trading price nang hindi bababa sa 150 milyon para sa mga goods na ito.”“Ano? Dati lagi lang itong 100 o 110 milyon. Masyado nang malaki ang hinihingi niyo ngayon!” Nanlumo at nagdilim ang mukha ni Lawrence. “Hindi, hindi, hindi. Di yan masyadong malaki! Naniniwala ako na ang perang maibibigay sa inyo ng mga dalagang ito ay higit pa sa sampung
”Ako? Sigurado akong hindi ako yun! Tingin ko kayo ang nagbunyag kung nasaan kayo!” Bumugso ang galit kay Lawrence nang sigawan niya ang mga tao mula sa Green Sky hall. “Ang tagal niyo nang nakatira sa Middle Province, siguro masyadong pabaya ang mga tauhan mo kaya nabunyag niyo kung nasaan kayo!” Nagtinginan si Elder Ward at Elder Castellano, pareho silang umaamin sa loob nila. Kahit anong mangyari, binalaan na sila ng pu*anginang Fane na ito tungkol sa masama nilang gawain. Sadyang nangako lang ang Master nila na hindi na niya ito gagawin ngunit iniutos na ipagpatuloy pa rin ang maduduming palitan na ito nang palihim. Bukod pa rito, pinatay ng mokong na ito ang tatlo sa mga tauhan nila nitong nakaraang tatlong araw. Una inakala nila na susugod ang batang ito sa Green Sky hall at tuturuan sila ng leksyon, ngunit di nila inasahan na malalaman nito ang palitan nila ngayong gabi at talagang pupunta dito. “Tingin ko ikaw yun! Hmph! Hindi pa nabubunyag ang lugar ng palitan n
Isang malamig at masiglang ngiti ang lumitaw sa bibig ni Fane. Itinaob niya ang kanyang palad at dose-dosenang pilak na karayom ang lumitaw sa kanyang palad. Ihinawi niya ang kanyang palad patungo sa kalaban at isang hukbo ng lalaki ang kaagad na bumagsak sa sahig, habang ang karayom ay tumagos sa kanilang bungo. Higit isang dosenang lalaki ang namatay sa isang iglap, at may ilang mga elite fighter sa mga ito. “Hindi ito mukhang maganda. Retreat!” Kaagad na naramdaman ni Elder Castellano na may mali. Isang hawi lang ni Fane ay nakapatay ng dalawa sa napakagaling na manlalaban ng Kingston hall sa isang iglap. Ang gantiong nakakatakot na kakayahan sa pakikipaglaban ay isang bagay na hindi nila matatapatan. Sa loob lamang ng ilang segundo, higit isang daang lalaki na ang namatay at ang dami ng mga bangkay ay parami nang parami. Nagdala sila ng limang daang lalaki Diyos ko naman! “Swoosh!’ Sa isang yabag lang ni Fane ay napunta na siya sa gate at hinarangan ang ruta. Sa kabila
”Tapusin na ba natin ang mga tao sa Green Sky hall?” Tanong ni Lana kay Fane. Habang nagliliyab ang apoy sa harapan nila. Pagkatapos itong pag-isipan, umiling si Fane. “Malaki na ang nawala sa kanila ngayon. Marami sa mga tauhan nila ang namatay, kasama na ang mga elite fighter na yun. Ang natitira na lang sa Green Sky hall ay ang mga walang kwentang gunggong na yun at ang head ng hall. Kaya masasabing sira na ang Green Sky hall. May katawan pa sila ngunit wala na ang kaluluwa nila! Ang insidente ngayon ay magiging isang leksyon sa kanila. Bantayan mo sila at tignan kung anong magiging reaksyon nila sa susunod na mga araw!” Huminto si Fane at idinagdag lamang, “Atsaka, may Kingston hall sa likod ng Green SKy hall. Kapag pinatay natin ang head ng Green Sky hall at ang mga tauhan nito, ikinatatakot ko na di ito palalagpasin ng Kingston hall. Siguradong mangingialam sila!” Tumango si Lana para ipakita ang pagsang-ayon niya. “Tama, walang ebidensyang naiwan dito ngayon kaya ika
Pero sino ang lalaking nakita nila kagabi. Lumabas si Lawrence kasama ang maraming malalakas na master at kahit isa sa kanila ay hindi pa bumabalik. Ipinapakita nito kung gaanong nakakatakot ang taong ito. “May nangyari ba? Bakit di pa sila umuuwi?” Pero ngayon, madalim na ang mukha ni Hector. Masama ang kutob niya nang manatili siya sa bahay niya at hinihintay silang umuwi. Sa pagkakataong ito, nagpadala sila ng 400 tao at ang lahat ng ito ay mga elite. Mga apat hanggang limang master ang kasama nila at sinamahan din sila ng dalawa hanggang tatlong master mula sa Kingston hall. Hindi pa siya kailanman naghanda ng ganito kalaking grupo ng mga elite para magtulungan. Ngunit dapat nakauwi na sila Elder Castellano bago magmadaling-araw ngunit di sila makita kahit saan. Kaagad niyang ipinadala ang kanyang mga tauhan sa lugar ng palitan para malaman ito. Namutla ang mukha niya nang marinig niya ang balitang dala nito para sa kanya. Naabo na ang abandonadong pabrika at wala sa mga
”Haha syempre! Ito ang pinakamagandang hotel dito! Gusto kong upahan ang buong top floor. Isa itong malaking plaza at siguradong bagay sa isang kasal!” Tumawa si Kelly at nagaptuloy sa pagsasalita. “Pero ang venue sa taas ay medyo mas mahal at balita ko ang booking fee pa lang para sa venue ay dalawang daang milyon na!” “Talaga? Ang… ang mahal niyan diba? Bakit di tayo lumipat sa ibang venue sa ibang floor?” Sinasabi ni Cecilia habang naantig. Kahit anong mangyari, ang intensyon ni Kelly ang mas mahalaga. “Imposible!” Direktang tumanggi si Kelly! “Isang beses lang tayong ikakasal. Bukod pa riyan, diba sinabi ni Fane na magsasagawa siya ng isang birthday party sa buong siyudad para sa asawa niya? Kung ganon, dapat mas grande ang kasal natin. Haha, ang kasal natin ang gaganapin sa buong siyudad at siya ang mapapahiya!” Malinaw na di masaya si Kelly sa nangyari noong isang araw. Di lang nanalo ng 90 milyon si Fane mula sa kanya pero higit pa rito, nawalan din siya ng walong bodyguar
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin