Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 471 - Kabanata 480

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 471 - Kabanata 480

2505 Kabanata

Kabanata 471

"Pero wala tayong pera ngayon, kaya kailangan muna nating maghintay ng dalawang buwan bago bumili ng bahay," nagsalita si Selena, mukhang payag siya sa ideya ni Fane. "Nagbigay ka na ng 20 million na dote kay Ma, kaya hindi mo na siya kailangang bigyan pa. Ang natitira na lang ay ang regalo ni Lolo at ang sampung milyon na danyos kay Ivan. May ideya ako: Dahil maganda ang pakikitungo niyo ni Ms. Tanya, siguro pwede mo siyang pakiusapan na ibigay sa'yo ang unang sahod mo nang mas maaga ng ilang araw kumpara sa mismong araw ng sahod. Wala nang problema!" Huminto siya sandali, napaisip bago nagdagdag, "Maghintay ka na makatanggap ng sahod sa isa pang buwan, tapos umikot tayo at magtingin ng mga villa. Kaya naman nating tumira muna rito sa ngayon." "Pero sa tingin ko hindi na tayo pwedeng manatili dito! "Walang sariling kwarto si Kylie, at hindi mo ko hinahayaan na hawakan ka!" Desidido si Fane sa kanyang desisyon nang magsalita siya, "Magtitingin ako kung merong nababagay na b
Magbasa pa

Kabanata 472

"Hinahanap niya si Fane?" "Isang magandang babae?" Nagkatinginan si Yvonne, hindi nila maintindihan ang inis na kanilang nararamdaman. "Gaano siya kaganda?" Tanong pa ni Yvonne. "Bakit ba ang daming magagandang babae ang naghahabol sa lalaking yon?" "Oh, ang napakaganda niya. Paano ko ba sasabihin? Halos kasing ganda mo siya, Ms. Yvonne, at iba ang lebel ng ganda niya, kagaya ni Ms. Tanya!"Dumaloy ang mga salita mula sa bibig ng bodyguard. Naguguluhan nga lang ang kanyang isipan. Bakit hindi nakatuon ang dalawang babaeng ito sa mismong isyu? Tinanong ng babae kung nandito si Fane, pero mas pinansin nila ang ganda ng babae? Hindi ito isang beauty pageant! "Wala rito si Fane. Mga hapon na siguro siya darating. Sabihan mo sila na umuwi na muna," diretsong sabi ni James. "Hindi, gusto kong lumabas at makita kung sino ang babaeng naghahanap kay Fane. Nag-isip si Tanya pagkatapos niya itong pag-isipan. "Gusto ko rin siyang makita!" Isang kislap ng inggit ang lumita
Magbasa pa

Kabanata 473

"Sige. Sasabihin mo na sa'min kung sino ka, tama?" Nagsalita si Yvonne, pinahaba niya ang kanyang mga salita. "Hindi mo ba ako nakikilala? Heh. Si Sasa to, Tanya! Hindi mo ba ko talaga nakikilala?" Ngumisi si Sasa. "Sinabihan ko si Fane na pakasalan ako noon, pero hindi niya ako binigyan ng sagot. Mataba ako noon at pangit ang itsura ko, kaya hindi kakaiba na tinanggihan niya ako. At dahil doon, nagpasya ako na maghintay saglit bago sumubok muli. Baka may pag-asa na ako kapag hiningi ko ang kamay niya ngayon!" "Sasa!" Napahigop ng hangin si Tanya. Kinusot niya ang kanyang mga mata, nagdududa siya na baka namamalikmata lang siya. Tinignan niyang maigi si Sasa. Parang magkaibang tao ang babaeng nasa kanyang harapan at ang Sasa na kanyang kilala. Ngunit pagkatapos ng maiging obserbasyon, kamukha niya nga talaga si Sasa. Kaya pala pakiramdam ni Tanya ay pamilyar siya nang makita niya. "Diyos ko. Nagamot mo na ang sakit mo? Ilang kilo an
Magbasa pa

Kabanata 474

May dalang dalawang malalaking luggage bags si Fane na binili niya kanina habang nakatayo siya sa tapat ng bahay ni Tiger. "Big Brother, nakarating ka na. Hinihintay ka namin ng asawa ko!" Pagbukas niya ng pinto at napansin si Fane sa tapat ng kanyang bahay ay tumawa nang malakas si Tiger. "Pasok! Pasok!" Kaagad na lumapit ang asawa ni Tiger para salubungin siya. Ngunit, naguluhan siya nang makita niya si Fane na may dalang dalawang bagong luggage bag. "Ano to, Big Brother?" Magkapareho ang ekspresyon ni Tiger at ng kanyang asawa. Iniisip ba ni Fane na lumipat ng bahay? Sa kasamaang palad ay maliit ang kanilang bahay. Imposible na makalipat siya sa kanila. "Heh. Wala akong oras na makapili ng magandang regalo para sa inyo bago ako dumating, kaya nagdala ako ng dalawang malalaking luggage bag para sa'yo!" Tumawa si Fane at pinasok ang mga bag, nilagay niya ito sa sulok ng silid. Base sa simpleng ekspresyon ni Fane, mukhang magaan ang mga luggage bag––paran
Magbasa pa

Kabanata 475

Nang sinubukan niyang buhatin ang mga bag, nalaman ng asawa ni Tiger na mabigat pala ang mga ito. Hindi niya ito mabuhat kahit na gumamit siya ng lakas. "Bakit ang bigat nito? Bago lang to ah. May laman ba to?" Nagsalubong ang kilay ng babae, nalilito ang kanyang ekspresyon. Nayanig si Tiger nang marinig niya ito. Tumalon siya at sinampal ang kanyang ulo. "Sinabi to sa'kin ni Big Brother: "Tinatawag mo kong Big brother, kaya bilang Big Brother mo, natural lang sa'kin na tulungan ka kahit na papaano!" Nagmadali siyang lumapit at nilatag ang mga luggage bag sa lapag. Binuksan ni Tiger ang isa. Sa sandaling nabuksan niya ang isang bag, halos umapaw ang kulay pulang perang papel mula sa loob nito. Sa sobrang dami nito ay halos hindi ito magkasya sa loob ng bag! "Oh Diyos ko… Ang daming pera! Hindi pa ako nakakakita ng ganito karaming pera sa buong buhay ko!" Tinignan ng kanyang asawa ang mga luggage bag nang may nanlalaking mga mata, puno siya ng gulat. Binuksan ni
Magbasa pa

Kabanata 476

Biglang hindi nasiyahan si Joan nang marinig ito. Hirap siyang ngumiti habang sumasagot, “Hindi ba’t sabi mo na hindi mo na kukulitin pa si Fane na pakasalan ka, Miss Sasa?” Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Sasa. “Ako--Hindi ako kagandahan noon, kaya natural lang na tanggihan ako ni Fane noon. Ngayon, maganda na ako, at si Fane ay isang kahang-hangang lalake, kaya susubukan ko uli!” Biglang nakaramda ng pagod si Joan. “Natutuwa ako para sa nararamdaman mo para kay Fane, Miss Sasa, pero kilala ko ang anak ko,” pagpipilit niya, habang nakangiti. “Matigas ang ulo niya at disiplinado. Kaya nung sinabi niya na hindi ka niya gusto, malamang ay hindi mo siya makukumbinsi kahit na subukan mo pang muli. Ang masasabi ko lang ay huwag mo nang pilitin pa, Miss Sasa.” “Alam ko po, Auntie, pero gusto ko pa ring subukan. Wala akong pagsisisihan kung sinubukan ko!” Ngumiti si Sasa at ipinalakpak ang kanyang mga kamay. Ilan sa mga bodyguard niya ang lumapit bitbit ang mga regalo na dala niya.
Magbasa pa

Kabanata 477

"Tama. Tama kayo, Auntie!" Nagpaalam na si Sasa. "Aalis na po ako. Salamat po sa inyong pag-unawa." "Miss Sasa, bakit hindi na po kayo mananghalian kasama namin bago umalis?" Magalang na sabi ni Fiona. "Hindi na po kailangan, Auntie. Sa susunod na lang po!" Ngumiti si Sasa at mabilis na umalis kasama ang kanyang mga bodyguard. "Seryoso, ganun ka na ba ka-desperado sa pera?" Pagalit na sabi ni Andrew pagkaalis ni Sasa. "Si Fane ay ang iyong son-in-law, at sinong matinong tao ang maghahanap ng pangalwang asawa para sa kanilang son-in-law? Ikaw siguro marahil ang kauna-unahang tao sa kasaysayan na gagawa nito!" "Ano bang alam mo?!" Biglang naging malamig ang ekspresyon ni Fiona. "Sasabihin ko sa kahit na sinong babae na gustong maging pangalawang asawa ni Fane na lumayas, pero iba ang babaeng to. Siya si Miss Sharon, tagapagmana ng George family!” Tumigil siya bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Isipin mo. Isa sa apat na kilalang angkan dito sa ating lugar ang Georg
Magbasa pa

Kabanata 478

Inilagay sa alanganin ng mag-ina si Joan. “Susubukan ko,” sabi ni Joan, “pero nasa kanya pa rin ang huling desisyon. Hindi natin siya pwedeng pilitin.” “Tama yan, Joan. Ganyan nga! Hindi natin pwedeng kontrolin ang damdamin niya, pero pwede natin subukan na payuhan siya sa kung ano ang makakabuti para sa kanya.” Nakangiti na muli si Fiona, nang makita na kumampi na rin si Joan sa kanila. Malambing pa nga nitong tinawag ang pangalan ni Joan. Ngumiti lang saglit si Joan at pagkatapos ay hindi na pinansin si Fiona. Sa sandaling yun, sa isang bulwagan ng Eagle Clan Headquarters, higit sa isang dosenang kalalakihan ang magkakasamang nakaupo, lahat ay mga opisyal ng kanilang angkan. Madilim ang ekspresyon ng isa sa mga middle-aged na lalake. Nanatili siyang tahimik habang nag-iisip bago nagsimulang magsalita, “Nakabalik na ang ating mga tauhan. Sa kasamaang palad, ang tatlong daang kalalakihan na namatay sa kagubatan na nasa labas ng siyudad kagabi ay mga tauhan natin. Wala ni i
Magbasa pa

Kabanata 479

”Oh, buti naman at pumasok ka na. Sayang at hindi mo naabutan ang mga pangyayari.” Si Tanya at Yvonne---si Yvonne na umiinom ng kape--- ay nakaupo sa sala nung dumating si Fane. Si Tanya naman ay nagsalita na may masungit na tono. “Anong nangyari?” Lumapit si Fane at naupo sa sopa sa pagtataka. “Isang magandang babae ang dumating at hinahanap ka. Sabi niya ay gusto ka niya at gusto ka niyang pakasalan.” Suminghal si Yvonne. “Alam kong tuwang tuwa ka sa loob loob mo!” “Isang magandang babae? Sino?” Nagulat si Fane ng sandali bago sumagot, “Ang mga kilala ko lang na magagandang babae ay kayong dalawa at ang asawa ko. Ah, tama---at pati ang Goddess of War Lana. Pero, hindi naman kayong dalawa yun, at malamang ay hindi si Lana yun. KAsala naman na kami ng asawa ko… Kaya sino naman kaya yun?’ “Si Sharon George. Hinda ba’t tinulungan mo siyang magbawas ng timbang? Ngayon na mapayat na siya, mas maganda na siya ngayon!” Mapait na ngumiti si Tanya. “Siya?’ Hindi ma
Magbasa pa

Kabanata 480

Napuno ng amoy ng pabango ni Sasa ang ilong ni Fane. Isang malambot at makurbang katawan ng babae ang nakakandong kay Fane. Bumilis ang tibok ng puso ni Fane dahil sa lakas ng loob na ipinakita ni Sasa. Isa pa, isa siyang masiglang lalake. Kahit na isa siyang sundalo, hindi niya kayang pigilan ang mararamdaman niya sa ganitong sitwasyon. Ganun pa man, mabilis niyang itinulak paalis si Sasa sa pagkakakandong nito sa kanya. “Anong ginagawa mo? Kababae mong tao at ganyan ang gagawin mo?!” Kasing pula ng kamatis ang mukha ni Sasa, pero nakangiti pa rin siya kahit na nagagalit na si Fane. Ngumiti si Sasa. “Hindi ako walang hiya; sadyang pranka lang ako kasi gusto kita,” nahihiyang sabi ni Sasa. “Walang ibang lalake ang nakapukaw ng pansin ko ng ganito!” Walang masabi si Fane. Sa labanan, meron siyang isang libong paraan para patayin ang kanyang kalaban---kasing dali ng paghinga. Pero, walang siyang alam kung paano harapin ang isang babae, lao na ang isang babae na kasing t
Magbasa pa
PREV
1
...
4647484950
...
251
DMCA.com Protection Status