Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 461 - Kabanata 470

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 461 - Kabanata 470

2505 Kabanata

Kabanata 461

Tumango si Spectre Face. Ngunit, kakatapos niyang lang magsalita nang makita niya ang isang kotse na paparating mula sa pintuan ng siyudad. "Bakit may taxi na papunta rito?!" "Huminto ito at bumaba ang isang tao, sabay tumakbo papunta kay Fane!" Tinignan itong maigi ni Tanya. "Mukhang nandito siya para tulungan si Fane! May hawak siyang kutsilyo!" "Ah!" Nakita ni Tiger mula sa malayo na may halos tatlong daang tao ang nakatayo sa harapan ni Fane. Gininaw ang kanyang puso nang makita niya ang eksenang ito. Tiyak na mag-isang lumalaban si Fane rito. Mukhang katapusan na ni Fane. Ito ang kanyang big brother. Noong mayroon silang magandang pagsasama, tinawatawag niya si Fane bilang kanyang big brother. Hindi niya alam na direktang haharapin ni Fane ang kamatayan nang sobrang payapa para sa kanya at sa kanyang asawa. Naantig ang damdamin ni Tiger. Pinagngitngit niya ang kanyang ngipin at sumugod habang tinaas ang kanyang kutsilyo.Kahit na naantig ang damdamin ni Fane na
Magbasa pa

Kabanata 462

Ang flying silver needles ay isa sa mga secret move ni Fane. Pinagsanayan niya ito nang halos isang taon. Madali niyang mapapatay ang mga kalaban gamit ng secret move na ito sa giyera.Ngunit, mayroong iilan na may naramdamang kakaiba at umilag sa atake nang bahagya silang kumilos. Mukhang may iilang magagaling makipaglaban sa mga tao ng Eagle Clan. Kahit na ganoon, napahinto ang grupo ng mga tao sa kanyang harapan sa sobrang takot. "Anong nangyayari?" "Pa-paano silang tumumba? Bakit sila bumagsak mula sa isang kumpas ng kamay? Hindi ba masyadong kakaiba yun?!" "Tayo! Mukhang patay na sila… Patay na silang lanat!" Ang mga taong ito na hindi masyadong pinagtuunan ng pansin si Fane kanina lang ay nabigla na mula sa kakaibang eksenang ito. "Tiger, hindi ko plinano na gamitin ang move na to sa umpisa! Kasi hindi ko kailangang gamitin to para labanan ang mga walang kwentang taong to. Ginamit ko to para ipakita sa'yo na kapag lumapit ka, hindi ka makakatulong at sa halip ay
Magbasa pa

Kabanata 463

Nalaglag na sa lapag ang kutsilyo na hawak ni Tiger at napahinto siya sa takot. Hindi niya maisip ang eksena sa kanyang harapan, kahit sa panaginip niya. Napapalibutan si Fane ng napakaraming tao na inisip niya ay tiyak na mamamatay si Fane. Ngunit, nakita niya ang napakaraming mga katawang sunod-sunod na tumumba. Tumalsik sa langit ang dugo. Unti-unting nabawasan ang mga tao sa Eagle Clan at hindi nagtagal ay pitompu hanggang walompung tao na lang ang natira. May hiwa sa kanilang mga braso si Brother Tempest at ang kalbong lalaki at nagpapatuloy na dumaloy ang dugo. Umatras na sila sa isang tabi. Buhay sila pero sobra silang natakot. Tao ba talaga ang nasa loob nito? Nakakatakot ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban. "P*ta, isa ba sa mga King of War ang taong ito?" Nilunok ng kalbo ang kanyang laway at tinignan ang mga tao sa kanyang tabi habang namatay ang isa pang dosena. "Takbo, dali!" Takot na takot ang kalbong lalaki. Hindi siya nagtangkang manatili at gusto n
Magbasa pa

Kabanata 464

"Hubby!" Tumakbo sa sabik ang babae nang makita niya si Tiger. Sumugod siya sa kanyang mga braso at niyakap siya nang mahigpit, natatakot na baka panaginip lang ang lahat. "Napag… isipan mo na ba nang mabuti? Hindi ka na pupunta roon?" Akala ng babae na nagdalawang-isip si Tiger na iwanan siya at ang kanilang anak kaya siya bumalik. "Hindi. P*ta, nakakagulat! Sumugod ako nang may dalang kutsilyo at handang mamatay. Dahil doon, tinanggihan ng big brother ko ang tulong ko at sinabihan ako na manood habang nakatayo sa malayo! Diyos ko, nasa tatlong daang tao ang naroon. Kinumpas lang ng big brother ko ang kamay niya at nakapatay siya ng tatlompung tao. Para bang nakakita ako ng multo! Maliban roon, pumatay siya nang napakaraming tao sa loob lang ng sampung minuto. Lahat sila! Walang nakaligtas sa kanila… Ang big brother ko… parang… para siyang isang diyos!" sabi ni Tiger nang may labis na ekspresyon at hindi niya pinigilan ang kilos ng kanyang mga kamay. Gusto niyang ipakita nang paul
Magbasa pa

Kabanata 465

"Nagkomento ka pa tungkol sa buwan. Kailan ka pa naging romantiko?!" Uminit ang puso ni Selena at nangako siya nang may matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Masayang naglakad ang pamilya sa daan. "Honey, may nakita ka ba na gusto mo? Bibilhin ko para sa'yo!" "Wala naman akong gustong bilhin. Bumili ka ng damit para sa'kin noong makabalik ka at maganda na na sapat ang maisusuot ko!" Sabi ni Selena pagkatapos niya itong pag-isipan. "Daddy, daddy, gusto ko ng laruan! Pwede po ba?" Sa tabi nila ay nahiyang nagsabi si Kylie. Nalungkot si Fane sa loob niya. Oo, nakabalik na siya nang maraming araw pero hindi pa siya nakakabili ng laruan para sa kanyang anak. Nang mahirap ang pamilya noon, siguro ay nakatingin lang siya sa ibang bata habang naglalaro sila ng kanilang mga laruan. "Sige, anong gusto mo, Kylie? Bibilhin ni Daddy lahat para sa'yo! Basta't gusto ni Kylie, pwedeng bilhin ni daddy ang lahat ng laruan sa shop para sa'yo!" Tumawa si Fane at nagbiro. "Salamat, daddy! Da
Magbasa pa

Kabanata 466

Walang magawa si Kylie at pinigilan niya ang kanyang mga luha. Nagawa na lang niyang tignan ang maliit na dilaw na laruang bibe nang umaasa. Binigay ng babae sa kanyang anak ang maliit na yellow duck. Pakiramdam ng bata na nagtagumpay siya at natuwa sa katotohanang kinuhanan nila si Kylie. "Kami ang unang nakahawak sa laruan, tapos inagaw mo sa'min," ngumisi si Fane. "Bakit kami ang dapat na 'maghanap na lang sa iba'"?""Tama. Ang sama ng ugali mo! Hindi mo ba naiintindihan ang ibig sabihin ng 'first come, first served'?" Galit rin si Selena nang kinagalitan niya ang babae. "Hehe, wala akong pakialam. Hawak KO na to ngayon, kaya akin na to. At saka, hindi niyo pa to nababayaran!" aroganteng sabi ng babaeng iyon. Nanahimik sa gulat ang babae sa sumunod na nangyari. Iniunat ni Fane ang kanyang kamay at kinuha ang maliit na laruang yellow duck. "Oh, kung ganon, akin na to!" "Ikaw…" Tinuro niya ang ilong ni Fane. "Hindi naman to sa'yo kasi hindi mo pa nababayaran." Ngipin s
Magbasa pa

Kabanata 467

"Pasensya ka na, pero maginoo lang ako sa mga babaeng nararapat na galangin." Ngumiti si Fane bago nagpatuloy, "Ang pagiging maginoo sa isang daga ay nakakahiya para sa kultura." "Ikaw…" Habang namumula ang kanyang mukha sa galit, tinaas niya ang kanyang palad at hinampas ito sa pisngi ni Fane. Nabigla rito si Fane; hindi niya inaasahan ang babaeng ito ba maging bayolente ngayong siya ang hindi mapakiusapan. Sinalo niya ang kamay ng babae nang may napakahigpit na hawak na hindi niya mabawi ang kanyang kamay. "Susubukan mo bang saktan ang isang babae kahit na isa kang lalaki?" nangutya siyang muli. Ang lahat ng mga tao na nakakita sa eksena ay parehong naisip na bastos ang babaeng ito. Mukhang nakahanap na ang babae ng kanyang makakatapat––mukhang hindi bibigay si Fane sa kanyang kabaliwan. "Haha! Pwede ko yung gawin dahil ikaw ang nagsimula, pero madudumihan lang ang kamay ko." Tumawa si Fane. Kinuha niya ang mga laruan at inabot ito sa saleswoman. "Magbabayad na ko," simplen
Magbasa pa

Kabanata 468

Natawa nang malakas si Fane. "Magiging masaya to!" Mukhang ang babaeng ito ay kasal sa isang mayamang negosyante, at dumating sila na may kasamang mga bodyguard. Hindi na nakakagulat kung bakit masama ang ugali niya. Kahit na ganoon, ang malas nila na nakasalubong nila si Fane. "Anong tinatawa-tawa mo? Napapalibutan ka na ng mga bodyguard ko. Alam mo dapat kung anong mangyayari kasunod nito." Ngumisi ang matabang lalaki. "Tama ka. Bata lang siya, at pati ikaw! Isang hindi makatwirang nanay, isang mapanghusgang tatay… Sa mga magulang na kagaya ninyong dalawa, hindi na nakakapagtaka kung bakit ganito ang ugali ng anak ninyo," simpleng sabi ni Fane habang umiiling. "Kami ang unang nakakita sa laruan. Ang asawa mo ang kumuha sa laruan mula sa anak ko. Binubulag ka lang ng kasinungalingan!" Dagdag ni Selena. Napakawalang hiya nila na habulin sila pagkatapos ng insidenteng iyon. "Hmph! Wala akong pakialam kung ang asawa ko ang nang-agaw sa inyo, pinaiyak niyo pa rin ang Hammy ko! H
Magbasa pa

Kabanata 469

Tinitigan nang masama ng babae ang matabang lalaki. "Matabang Walter, hindi ko papalampasin to pag hinawakan mo ko!" Tinapos lang niya ang kanyang sinabi nang tumingin sa kanya ang matabang lalaki nang may apoy sa kanyang mga mata at naglakad papunta sa kanya. Pak! Sinampal niya siya nang tatlong beses. "Masyado kitang nakunsinti, p*ta ka! Bakit ba lagi kang gumagawa ng gulo para sa'kin? Sino ba ang boss dito?! Kung wala ako, basura ka lang!" Mukhang sobrang naiinis ang matabang lalaki sa babaeng ito at pinakita niya na rin sa kanya kung anong klaseng lalaki siya. Masarap sa pakiramdam na ibuhos ang kanyang galit sa kanya. "Ikaw…" Naalala ng babae na kailangan niyang umasa sa lalaking ito para sa kapangyarihan; nagpapadalos-dalos lang siya nang dahil sa lalaking ito. Wala siyang tapang na lumaban kung ang lalaking iyon mismo ang sasampal sa kanya. "Layas!" Sumigaw si Fane habang tinignan niya ang nag-aaway na mag-asawa at bumalik na ang malay ng mga bodyguard. Ang mga gua
Magbasa pa

Kabanata 470

Dahil doon, namula ang maliit na mukha ni Selena pati ang kanyang mga tainga. Alam niya na inosente ang tanong ni Kylie kaya mas lalo siyang nahirapan na sagutin siya. Mas lalo siyang nagulat nang ngumiti si Fane at sumagot, "Sige, sige, wag kang mag-alala. Ipinapangako ko na magkakaroon ka ng nakababatang kapatid. Magkakaroon si Mom at Dad mo ng lang baby para may kalaro ka." Sobrang nahiya si Selena na kinurot niya ang likod ni Fane. "Ah! Napasigaw si Fane pero mabilis siyang nagdadag, "Ang ganda ng gabi." Kaagad na nakauwi ang pamilya. Nakatulog kaagad si Kylie sa kama nang lumabas si Fane mula sa banyo. Bumalik si Fane sa kanyang kutson at naghanda na para matulog. Nang maghahanda pa lang siya, lumingon si Selena mula sa kama at tumingin sa kanya. "Honey… Bakit di ka matulog sa kama ngayong gabi? Isipin mo na lang reward yan sa pagiging mabuti mong ama at asawa." Namula ang mukha ni Selena nang matapos siyang magsalita. Masayang umupo si Fane sa lapag nang marinig niy
Magbasa pa
PREV
1
...
4546474849
...
251
DMCA.com Protection Status