Share

Kabanata 480

Author: Moneto
Napuno ng amoy ng pabango ni Sasa ang ilong ni Fane. Isang malambot at makurbang katawan ng babae ang nakakandong kay Fane. Bumilis ang tibok ng puso ni Fane dahil sa lakas ng loob na ipinakita ni Sasa.

Isa pa, isa siyang masiglang lalake. Kahit na isa siyang sundalo, hindi niya kayang pigilan ang mararamdaman niya sa ganitong sitwasyon.

Ganun pa man, mabilis niyang itinulak paalis si Sasa sa pagkakakandong nito sa kanya. “Anong ginagawa mo? Kababae mong tao at ganyan ang gagawin mo?!”

Kasing pula ng kamatis ang mukha ni Sasa, pero nakangiti pa rin siya kahit na nagagalit na si Fane.

Ngumiti si Sasa. “Hindi ako walang hiya; sadyang pranka lang ako kasi gusto kita,” nahihiyang sabi ni Sasa. “Walang ibang lalake ang nakapukaw ng pansin ko ng ganito!”

Walang masabi si Fane. Sa labanan, meron siyang isang libong paraan para patayin ang kanyang kalaban---kasing dali ng paghinga.

Pero, walang siyang alam kung paano harapin ang isang babae, lao na ang isang babae na kasing t
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 481

    Pang-aasar ni Yvonne. Ang palitan ng mga salitang yun ay nagpaalala kay Yvonne nung pumasok si Fane sa kanyang kwarto pagkatapos niyang maligo. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya dahil sa pangyayari na yun. Hindi inaasahan ni Fane na siya ang magiging tampulan ng pansin. “Heh, sinong nagsabi sayo nun? Naaalala mo pa ba kung sino ang nagbuhat sayo pauwi nung gabi dahil sa nalasing ka ng husto?” sumbat ni Fane. “At nung nasa likuran kita, hindi gumagalaw ang mga kamay ko. Bukod pa dun, pinalitan ko pa ang damit mo! Naaalala mo ba?” Pasarkastikong ikinuwento ni Fane ang pangyayari nung gabing yun. Hindi niya hinayaan na insultuhin siya ni Yvonne ng ganung kadali. “Ikaw…” Kaagad na namula ang mga pisngi ni Yvonne. Padabog na ibinagsak ni Yvonne ang kanyang mga paa na parang bata, at na may bahid ng pagkairita sa kanyang tono, nagreklamo siya, “Tanya, sabi mo sa akin ang katulong ko ang nagpalit ng damit ko. Bakit sabi ni Fane na siya daw ang nagpalit ng damit ko? Nags

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 482

    Matagal nang naninirahan sa mga townhouses ang Taylor family. Dahil sa hindi gaanong kalaki at kalawak ang mga villa doon, bumili ng maraming units ang Taylor family doon, tinayuan ng matatangkad at makakapal na bakod at ginawang Taylor Residence. Sa isang maliit na burol na nasa Taylor Residence ay may isang malaki at malawak na villa na nakatayo sa paanan nito. Bukod sa pinagplanuhan ang lokasyon ng villa, may malawak na parke pa ito na malapit at isang malaking shopping mall. Yun ang dahilan kung bakit ganun kalaki ang presyo ng isang villa, na ang halaga ay umaabot mula 20 hanggang 30 milyon. Malawak ang villa at nahahati sa tatlong palapag, ang disenyo sa loob ay magarbo at elegante. Ang may-ari ng villa ay ang pinuno ng isang third-class aristocratic family na gumastos ng malaking halaga para sa nasabing villa. Naisipang mangibangbansa ng dating may-ari ng villa. Kaya, ipinasubasta niya ito. Ang lokasyon ng villa ay maganda at malapit lang sa taylor Residence.

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 483

    Lalo pang pinagtibay ng iniisip niya ang kanyang hinala. Ang lokong to ay balak bilhin ang villa na to para ipangregalo sa matanda sa 70th birthday nito. Alam nang lahat ng taga-Taylor family kung gaano kagarbo ang villa na yun. Nakikita at nadadaanan nila ito palagi. Ang villa na ito ay matatagpuan lang sa kabilang ibayo ng Taylor residence; nakikita nila ito araw-araw. Kaya, pumunta si Ivan para subukan kung makukuha niya ang villa sa halagang 20 hanggang 30 milyon. Balak niyang i-regalo ito sa matanda, o kaya ay lumipat mismo doon at manirahan kasama ng matanda. Isa pa, si old man Taylor ay matagal nang gustong makuha ang villa na yun, habang emosyonal na bumubulong sa sarili, “Ang villa na to na nasa kabilang panig ng ating lupain ay napakaganda ng pagkakagawa. Kung magagwa ko lang na makatira doon, pwede na akong mamatay ng walang pinagsisisihan.” Para naman sa pagkukunan ng pambili ng villa, hindi sumama ang loob ni Ivan dahil ang pera ay manggagaling sa Taylor Company.

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 484

    ”Ano? Siya ang asawa ni Selena Taylor, ang Beauty Queen ng Middle Province?” “Tama, maswerte ang lokong to at napangasawa niya si Selena! Naiingit sa kanya ang lahat!” “Anong dapat kaingitan sa kanya? Ang lokong yun ay isa lamang son-in-law ng Taylor family sa pangalan lang, pwede mo siyang tratuhin na walang kwentang basura sa bahay. At dahil sa alam na pinalayas sila sa Taylor Residence, malamang ay hindi siya tanggap bilang son-in-law!” “Tama! Ayaw sa kanya ng mother-in-law niya. Lalo na, nagdusa ang pamilya nila nang dahil sa kanya!” Maraming mga negosyante na dumalo ang nagsimulang magbulung-bulungan, at ang ilan ay masama pa ang tingin. Hindi na lang pinansin ni Fane ang mga tsismis. Nilingon niya si Ivan at sinabi, “Oo, Ivan. Ang pagkakataon nga naman! Hindi ko inaasahan na makita ka dito!” “Heh, kung tama ang hula ko, hiniling mo kay Miss Tanya na ibigay sayo ng maaga ang sahod mo ng dalawang buwan, at naparito ka para bilhin ang magarbong villa bilang regalo para

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 485

    Lumipas ang ilang segundo, at hindi nagtagal, umabot na sa 21 milyon ang presyo. Ang presyo ay umabot na sa lebel na ang ilang mga tao ay umurong na auction at huminto na sa pagtaas ng presyo. “Dalawampu’t tatlong milyon!” Sa wakas, itinaas na ni Fane ang kanyang kamay at isinigaw ang kanyang presyo, at binigyan ng mainit na ngiti ang babae an nasa auction counter. “Ang ginoo na ito ay itinaas ang presyo sa dalawampu't tatlong milyon! May gusto bang higitan ang presyo na ibinigay niya?” Biglang nanginig ang mga kanto ng labi ng babae pagkatapos marinig ang presyong ibinigay ni Fane. Hindi lang niya itinaas ang presyo sa isang milyon kung hindi ng dalawang milyon. “Dalawampu’t limang milyon!” Nang walang alinlangan, itinaas ni Ivan ang kanyang kamay at dinagdagan ng tatlong milyon ang presyo na para bang siya ang pinakamayaman na tao sa buong Middle Province. Pagkatapos niyang ibaba ang kanyang kamay, nilingon niya si Fane at sinabi, “Fane, huwag ka nang makipagkom

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 486

    Biglang napangiwi sila Ken at Ivan at nagpalitan ng tingin. Nakalimutan nila ang mga kinakailangan para makapasok sa auction house. Lahat sila ay mga young master ng mga mayayaman na pamilya. Natural lang para sa mga empleyado ng auction house na hindi pagdudahan ang abilidad nila na gumastos ng malaking halaga. Kaya, pumasook sila sa auction house ng hindi na kailangan na magpa-verify. Meron ngang kinakailangan na nakalagay sa labas ng auction house na sinasabi na tanging mga tao na may halos 50 milyon sa kanilang mga bank account ang makakapasok sa auction house. Silang tatlo ay hindi pinansin ang nakasulat doon. Pagkatapos ng paalala ni Fane, naunawaan nila na kayang kaya nga ni Fane an maglabas ng 35 milyon. “Mukhang binigyan siya ni Miss Tanya ng tatlong buwan na sahod. Ganun na nga, ganun nga marahil ang nangyari! Meron siyang animnapung milyon na dala!” Naging malamig ant payapa ang mukha ni Neil. Kung ganun na nga ang nangyari, hindi magiging madali para kay Ivan n

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 487

    Malakas na nanginig ang mga kanto ng bibig ni Ivan. Malinaw para sa mga taong nandoon na may labanan na nangyayari sa pagitan ng dalawang lalake na to dahil sa pinagmamasdan nila ang palitan ng mga ito ng salita. Higit pa dun, nung hinamon ni Ivan si Fane sa isang pustahan, inanunsyo niya ang kondisyon ng pustahan ng malakas na para bang bingi ang mga tao. Ang layunin niya talaga kasi ay ang ipaalam sa buong tao na nasa silid na si Fane ay isang walang kwentang basura na nararapat lang na lumuhod sa kanyang harapan at dilaan ang kanyang sapatos hanggang sa malinis na ito. Pero ngayon, bumaliktad na ang lahat. Ang numero—60 milyon—na kakasabi lang ni Fane, ay pinabalik siya sa kanyang maliit na utak para mag-isip muli ng masamang balak. ‘Ang villa ba na to ay talagang nagkakahalaga ng animnapung milyon? Kapag pinag[atuloy ko ang pagtaas ng presyo nito at isa lang pala tong patibong na gawa ng bastardong to, hindi ba’t magmumukha akong isang hangal?’ Sa isip-isip niya na may pagdudu

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 488

    Para hindi siya magmukhang mahina, hindi na inisip ni Ivan ang tungkol sa pera. Ang tanging nasa isip na lang niya ay ang kanyang reputasyon. Hindi niya hahayaan na mawala ito. Isa pa, bilang Young Master ng Taylor family, natural lang na ang tingin sa kanya ay mas magaling pa siya kesa sa patapon na son-in-law. Ang kanyang estado, yaman, at ang kanyang reputasyon ay mas maganda kesa kay Fane. Imposible para sa kanya na lumuhod sa harapan ni Fane at linisin ang sapatos nito. Bukod pa dun, meron siayng pinansyal na tulong mula kay Young Master Clark—kailangan lang niyang maglabas ng 60 milyon at yun lang! “Young Master Taylor, talagang kahanga-hanga ka. Naitaas mo ang presyo!” “Syempre! Paano matatalo ang young master ng Taylor family sa isang walang kwentang sampid na son-in-law?” "Ang alam ko ay nagtatrabaho si Fane bilang isang bodyguard sa Drake family at malaki ang kanyang sahod. Hindi ako sigurado kung ang Drake family ang nagpahiram sa kanya ng pera, o kaya binay

Latest chapter

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status