Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1601 - Chapter 1610

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1601 - Chapter 1610

2505 Chapters

Kabanata 1601

Gayunpaman, kahit na ganoon, kung kaya niyang pumatay ng dalawang nasa peak ng true god-level o kaya lumaban ng kahit tatlo sa kanila nang mag-isa, maituturing na itong pambihira! Pero anim? Imposible yun! Tiyak na mamamatay siya. Alam niyo kung anong mas hindi kapani-paniwala roon? Hindi lang mga pangkaraniwang taong nasa peak ng true god-level ang mga kalaban niya kundi isa sa pinakamalakas na tao sa realm na iyon—si Old Master Hunt, Quentin Hunt, na pinuno rin ng isang first-class family. Mas malakas sila kumpara sa iba na kakarating pa lang sa peak stage ng true god realm. Gayunpaman, sa huli, ang mga kilalang malalakas na taong ito ay kasing hina ng isang kuting sa harapan ni Fane—hindi man lang nila nasalag ang kahit isang atake. "Teka. Paano kung siya rin ang pumatay sa anim na elders na nasa true god-level na pinadala noon para patayin ang tatlo sa Woods family?" Pagkatapos ng isang sandali ng katahimikan, isang nakakatakot na kaisipan ang lumitaw sa utak ni Joel at
Read more

Kabanata 1602

"Malapit na ang Cabello family sa Woods family ngayon. Ibang-iba na ang sitwasyon ngayon kumpara noon. Kaya maiintindihan ko kung bakit naroon si Kevin Cabello sa Woods residence. Pero bakit nasa Woods residence ang Hemperly family?" Nagkalukot ang noo ni Lily habang inisip niya ang tungkol dito. Bumulong siya nang may pagdududa. "Oo nga. Kung hindi mo nabanggit yun, hindi ko yun mapapansin. Kakaiba talaga. Bakit naroon ang mga miyembro ng Hemperly family? Higit pa roon, tinulungan nila ang Woods family sa laban!" Nagsalubong ang kilay ni Joel nang napakinggan niya ang paalala ni Lily. Nagsimula siyang mag-isip. "Matagal nang walang kinakampihan ang Hemperly family at palagi silang hindi nagpapapansin sa iba, hindi nila ginagalit o sinasadyang sumipsip sa ibang mga pamilya. Kaya bakit nasa Woods residence sila?" Hindi napigilan ng isang matandang lalaki mula sa Lagorio family na ibulong ang ilang mga salitang iyon. "Hindi nagtagal, biglang may naisip si Lily at nagliwa
Read more

Kabanata 1603

"Oo, Master. Wala pa sa ultimate god realm ang batang yun pero napakalakas na niya. Kapag nagawa niya talagang makarating sa ultimate god realm, wala nang kayang tumalo sa kanya! At pagdating ng oras na yun, kailangan nating magtago mula sa kanya!" Nagsalita rin ang isa pang elder at ipinahayag ang pag-aalala niya. "Hay! Wala tayong magagawa ngayon. Maghintay tayo. Ang magagawa na lang natin ay magdasal na wala silang madiskubreng kahit na ano. Kailangan nating matyagan nang mas madalas ang mga pamilyang iyon na may hawak na bola. Kailangan nating malaman ang pinakabagong pangyayari at sitwasyon sa kanila sa lahat ng oras!" Ito ang unang beses ni Joel na mawalan ng pag-asa. "Kayong mga ulat sa Lagorio family, makinig kayo. Kahit na marami kayo, kailangan kong sabihin na kakaunti lang ang nasa true god at semi-god realm. Mag-uutos ako sa tao ko na maghanda ng tutuluyan niyo. Sana'y magsanay kayo nang maigi at magsikap kayong lumakas!" "Maraming salamat, Master Collins!" A
Read more

Kabanata 1604

"Hehe, bigla kong naisip ang ideyang to. Pero hindi ako nagtangkang subukan ito dahil hindi ko alam kung anong mangyayari!" Tumawa si Paul. Sa hindi inaasahan, naging determinado at matatag ang mga mata ni Fane pagkatapos ng isang sandali ng pagdududa. "Sa tingin ko pwede natin tong subukan!" "Teka, Young Master Fane, hindi tayo dapat magpadalos-dalos. Humihigop ng spiritual energy ang bagay na'to, at aktibo itong humihigop! Kapag bigla lang naglagay ng Chi energy dito at nasira mo ang balanse nito, sinong makakaalam kung anong mangyayari? Paano kung masyadong malala ang kahihinatnan nito? Malaking problema yun!" Kaagad na tumalon at nataranta ang First Elder ng Hemperly family nang marinig ang mapangahas na suhestiyon na ito, pagkatapos ay lumapit para payuhan sila. "Tama siya, Young Master Fane. Hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos. Hindi natin alam kung anong mangyayari. Paano kung sumabog ang bola? O kaya naging isang malaking bola na hihigupin ang lahat ng Chi energy
Read more

Kabanata 1605

Pinagpag ni Fane ang palad niya para subukang pawalain ang pamamanhid ng palad niya. "Ang bola mismong ito ang nagpatalsik sa'kin. Hindi kaya… hindi kaya meron talagang buhay na nilalang sa loob ng bola?" "Ya! Tumunog din ito!" Hindi inasahan ng lahat ang pangyayaring ito. Pero nakahinga nang maluwag ang lahat nang itinulak ng bola si Fane at huminto sa paghigop ng kanyang Chi energy. Buzz! Tumunog ulit ang bola. Pagkatapos, isang pulang ilaw ang lumabas nang direkta mula rito at dumiretso sa langit. Ang ilaw ay makapal at maliwanag at nakikita ito mula sa malayo. "Oh diyos ko! Ano ang liwanag na yun?" Mula sa sampung milya kalayo, nakita ng master ng Pavilion of Gods and Kings na kakabalik lang sa bahay niya ang pulang liwanag at malakas na sumigaw. "Nagmula ito sa kung nasaan ang Woods family! Diyos ko! Mula to sa Woods family! Bakit biglang lumitaw ang isang pulang liwanag mula roon?" Nakatulalang nagsabi ang isang elder ng Pavilion of Gods and Kings. Mab
Read more

Kabanata 1606

Kahit sa alin pang clan o pamilya nagmula ng mga taong ito, nakita nilang lahat ang maliwanag na pulang liwanag sa langit. Alam ng ilang third-class family na wala silang magagawa kahit pumunta sila sa Woods residence, pero hindi nila mapigilang gustuhing pumunta para makita ang mga pangyayari. O hindi kaya, gusto nilang malaman ang tungkol sa ultimate god realm. Kung kaya't isa-isang nagpunta ang mga clan at pamilya sa direksyon ng Woods family. "Tignan niyo! May isa pang tore ng liwanag, iba lang ang kulay!" Sa mga oras na ito, nalaman ni Harry Yeager, ang Master ng Pavilion of Gods and Kings, na palainta sa Woods residence kasama ng mga tao niya, na mayroon pang isang tore ng liwanag na nagmula sa Woods residence. Malakas silang sumigaw. "Siguro isa pa tong bola; baka yung isa pa! Mukhang nasa Hemperly family nga talaga ang isa pang bola! Narinig ko na nagtago sila sa Woods residence at ngayon, may nadiskubre siguro sila tungkol sa bola!" Sumigaw si Harry; nanginig ang b
Read more

Kabanata 1607

Masaya si Helena para kay Daniella; puno ng galak ang puso niya, pero kasabay nito ay inggit. Naiinggit siya na nakahanap ng isang napakabuting lalaki ang nakababata niyang kapatid. "Kalokohan, tama na yan! Gusto ko lang lumakas!" Biglang namula nagmukha ni Daniella nang marinig niya ang mga salita ni Helena. Sumagot siya; puno ng hiya ang tono ng boses niya. Pero sa oras na ito, may naisip si Venus at lumingon siya kay Alejandro, "Ama, bakit dalawa ang liwanag doon? Ibig sabihin ba nito isa tong magical treasure imbis na martial technique? Kung hindi ito isang martial technique, malamang hindi natin to matututunan! At ibig sabihin rin nito ay isang tao lang ang makakarating sa ultimate god realm sa isang liwanag! Hindi ba mauuwi sa wala ang lahat ng pinaghirapan natin, pati ang pagpunta natin dun ngayon?" Kaagad na nanlumo ang mukha ni Alejandro pagkatapos marinig ang mga salita ni Venus. Ang mukha niya at ng iba pa na puno ng sabik kanina ay napalitan ng panlulumo ngayon.
Read more

Kabanata 1608

“Oh, sakto nandito na sila! Mukhang hindi sila nagpahinga sa kanilang biyahe papunta rito.” Nang marinig ni Nash ang balita, hindi niya mapigilang mapangiti nang malungkot at sabihin, “Tara na. Hindi tayo pwedeng magdala ng maraming tao dito. Kikitain na lang natin sila sa labas. At kung gusto nilang pumasok at sumilip, pwede naman, pero kaunti lang sa kanila!” Tumango si Fane. Nakiusap siya sa ilang tao na manatili sa kwarto para bantayan ang mga stone ball, at lumipad palabas ng silid pagkatapos. “Hahaha! Master Woods, Young Master Fane, may sinusubukan ba kayo? May nakita kaming dalawang sinag ng liwanag sa malayo! Binabati ka namin!” Kaagad na yumuko at binati ni Harry si Fane at Nash sa sandaling makita niya ang mga ito. Pagkatapos ay binati niya ang mga ito. “Medyo maliit ang kwarto kaya ikinalulungkot ko na hindi makakapasok ang lahat sa inyo. Si Master Harry at ang ilang elder ay maaaring pumasok at tumingin. At ang iba naman, pakiusap magpahinga muna kayo sa lab
Read more

Kabanata 1609

Subalit, masyado nang aktibo si Fane sa mayroon sila, sinasabi sa kanya ang lahat ng tungkol dito. Higit pa rito, sobrang lakas ni Fane na siya mismo ayaw niya itong makalaban. Kaya, kapag tumanggi siyang ilabas ang tatlong stone ball, baka hindi matuwa ang Woods family. Pagkatapos itong pag-isipan sandali, nakapagpasya siya. “Sige, sige! Ilabas natin ang mga ito at subukan natin nang magkakasama!” ngumiti siya. Sa isang pitik ng kanyang palad, isang stone ball ang lumitaw sa kanyang kamay. Pagkatapos ay lumingon siya sa First at Second Elder. Pagkatapos makitang pumayag si Harry sa alok ni Fane, inilabas ng First at Second Elder ng Pavilion of Gods ang Kings ang mga stone ball na mayroon sila. Inilapag nila ang mga stone ball sa lamesa. “Tara, subukan niyong ilagay dito ang Chi energy niyo!” Muling tiningnan ni Harry ang dalawang elder at lumapit sa stone ball. Inilapag niya ang kanyang kamay dito, pinagalaw ang Chi energy sa kanyang katawan, at sinimulang ilagay ang ka
Read more

Kabanata 1610

“Mabuting huwag nang magpunta? Kapag hindi tayo nagpunta, hindi na natin mababaligtad ang sitwasyon! At sa mga oras na iyon, hindi na tayo makakarating ng ultimate god realm!” Huminto si Matthew. Nang naiinis ang kanyang tono, sinabi niya, “Kapag bumalik tayo sa dagat na parang isang takot na pagong, hindi na tayo makakarating ng ultimate god realm! Wala na tayong magagawa kundi magtago sa nakakaawa nating teritoryo at maghintay ng kamatayan. At paano kung magpunta dito sila Fane at gusto nila tayong ubusin? Kapag nangyari ‘yun, saan ka pupunta?” “Pero… sobrang delikado kung magpupunta tayo doon! Kapag nalaman nilang nandoon tayo, hindi rin tayo makakatakas!” Yumuko ang matanda habang bumubulong. “Magtatago tayo sa malaking bundok na malayo sa Woods family pagdating natin doon para hindi nila tayo makita. At pagdating ng oras, mas marami pang mga angkan at pamilya ang dadating doon, at magpapadala tayo ng ilang tao para humalo sa madla. Sa ganitong paraan, kahit paano may ma
Read more
PREV
1
...
159160161162163
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status