Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1581 - Chapter 1590

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1581 - Chapter 1590

2505 Chapters

Kabanata 1581

Malungkot na ngumiti si Fane. “Kailan ko lang nakuha ang bagay na ito. Pinag-aralan ko ito sa loob ng dalawang araw at nakakuha ako ng ilang impormasyon, pero hindi ito kasinlaki ng natuklasan niyo. Pareho lang ng sa inyo ang nahinuha ko!” Hindi nagulat sila Harry sa sagot ni Fane. Higit sa lahat, pinag-aralan nila ang stone ball sa loob ng napakaraming araw at lahat sila ay mga bihasa, ngunit nabigo pa rin sila. Kakakuha lang ni Fane sa stone ball, at isang bola lang ang mayroon siya. Dahil wala siyang ibang bola, natural lang na hindi niya ito susunugin at hindi siya gagawa ng kahit ano dito sa takot na baka masira niya ito.Salungat nito, mayroong tatlong bola sila Harry. Nakakuha sila ng isa para sa pagsusuri at para makita kung madali ba itong masira.Ngunit hindi nila inasahan na magsasalita si Fane pagkatapos ng sandaling katahimikan, “May kakaiba akong ideya.” “Ano ‘yun?” kaagad na nagtanong sila Harry. Pinag-isipan ito ni Fane at sinabi, “Tingin ko wala tayong makukuha
Read more

Kabanata 1582

“Haha!” tumawa nang malakas si Harry habang dinadagdag niya, “Ang matandang Joel na ‘yun ay tuso. Gugustuhin niyang makakuha ng stone ball sa kahit anong paraan kung hindi pa siya nakakakuha, kaya dapat mag-ingat ka. Hindi siya magtatapang na magnakaw sa amin, ang tatlong ancient clan, pero hindi ako sigurado sa inyong Woods family. Ayan ay kung hindi niya alam ang tunay mong lakas.” “Hmph! Bukod na lang kung hindi siya magpunta. Kapag nagtapang siyang magpunta sa aming Woods family, sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ito!” sinabi ni Fane, habang kampante sa kanyang lakas.Tumango si Harry at sumagot, “Oo, at balita ko nawalan ng anim na master na nasa peak stage ng true god-level ang Skies Pavilion. Noong nagpunta sila ng delikadong lugar, marami silang nakasalubong na malalakas na halimaw at nakipaglaban sila sa dalawang ancient clan. Ang Skies Pavilion ang nawalan nang pinakamalaki sa pagkakataong ito, at baka hindi na nila hamunin ang inyong Woods family.” “Mabuti pala kung
Read more

Kabanata 1583

Habang naiinis siya sa naiisip niya, bumulong si Joel, “Hindi sana maaapektuhan nang sobra ang Skies Pavilion ko kung hindi dahil sa’yo.” Ngunit narinig ni Lily ang lahat ng ito at galit niyang sinabihan si Joel. “Joel Collins, anong sinasabi mo?” singhal niya. “Paano mo nagagawang sisihin ako? Malay natin na lilitaw ang ilang malalakas na halimaw noong ipinadala mo ang anim na master para tambangan ang tatlong ‘yun na mula sa Woods family, at namatay ang anim na ‘yun? Masisisi mo ba ako doon? Hindi ako ang mga halimaw na ‘yun!” Namula sa galit ang mata ni Lily habang nagpapatuloy siya, “Atsaka, hindi ako ang pumilit sa’yo na magpunta ng Bright Snow Mountain sa pagkakataong ito. Paano mo ako nagagawang sisihin kahit na kayo naman ang nagpunta doon mismo? Nakiusap lang ako sa’yo na tulungan akong patayin sila Fane…” Lumambot ang puso ni Joel nang makita niya ang naiiyak na si Lily habang sinusuyo niya ito, “Sige, sige… kasalanan ko ang tama, okay? Hindi na kita sisisihin sa susuno
Read more

Kabanata 1584

“Ibig-sabihin mo ba na ang mga pumasok na ibang first-class aristocratic family sa Bright Snow Mountain kasama ang mga Hunt ay wala ring nakuhang stone ball, at walang nakakaalam kung sinong nakakuha nito?” nabigla si Joel sa balitang ito bago siya natuwa. “Kung hindi ito nasa first-class aristocratic family, baka nasa kamay ito ng isang taong mula sa second-class o third-class family. Kung ganoon…. Haha! Mabuting balita! May pagkakataon pa tayong magtanong, at tingin ko mabubunyag rin kung sinong nakakuha nito. Aagawin natin ito sa kanila kapag nalaman natin kung sinong nakakuha ng stone ball!” Pinag-isipan ito ni Joel at nagtanong, “Oo nga pala, paano naman ang Woods family? Saang delikadong lugar sila nagpunta? May balita ba sa sitwasyon nila?” “Ang mga miyembro ng Woods family, Cabello family, Ximenes family, Lancaster family, at ilang maliliit na pamilya ang magkasamang nagpunta ng Black Windy Island. Tingin ko ayaw ng Woods family na pumunta sa delikadong lugar na pinuntahan
Read more

Kabanata 1585

Biglang sumugod ang isang binatang mula sa Woods family at nagbalita, “Master, Young Master Fane, maraming tao ang nasa labas, gusto nila kayong makausap.” “Sinong dadalaw sa Woods family sa ganitong oras?” kumunot ang noo ni Nash bago niya tanungin ang lalaking nagdala ng balita, “Kaunti lang ba sila?” “Oo, at anim lamang sila, ngunit masyado silang misteryoso!” sagot ng lalaking may naiilang na ngiti.Kumunot ang noo ni Fane at kaagad na nagpatuloy sa pagtatanong, “Misteryoso? Anong ibig-sabihin mo nito?” “Nakasuot sila ng malalaking kapoteng gawa sa kawayan at lahat sila ay may sumberong nakatakip sa kanilang mukha. Mukhang ayaw nilang makilala,” paliwanag ng lalaki.Habang nag-iisip, kinumpas ni Nash ang kanyang kamay. “Papasukin niyo sila.” Pag-alis ng taong nagdala ng balita, kaagad na sinabi ng First Elder, “Siguro mula ito sa ibang pamilya na gustong magtanong tungkol sa stone ball. Siguro nandito sila para magtanong kung may natuklasan ba si Young Master Fane tungkol
Read more

Kabanata 1586

Nagulat si Nash. Pagkatapos ay nagsabi siya, "Natanggap namin ang balita ilang araw ang nakakaraan na hindi nakuha ng mga first-class aristocratic family na nagpunta sa Bright Snow Mountain ang bola at wala kaming ideya kung aling pamilya ang nakakuha nito. Sinong mag-aakala na isa sa Hemperly family ang nakakuha nito?!" Kumunot ang noo ni Nash nang huminto siya. Pagkatapos ay nagpatuloy siya, "Pero paano kayo matutulungan ng aming Woods family? Ang tapang niyo at nagpunta kayo rito nang kakaunti lang kayo. Hindi ba kayo natatakot na baka nakawan namin kayo?" Tumawa si Darcy bago siya nagsalita ulit, "Sa totoo lang, naisip namin ang posibilidad na'to, Master Woods. Mahaba naming pinag-usapan ng anak kong si Paul ang bagay na'to bago kami pumayag na ang Woods family ang pinakamaaasahan naming pamilya sa ngayon. Ang dahilan kung bakit sa inyo kami nagpunta at hindi sa ibang ancient clans ay dahil hindi namin sila gaanong kilala, paano kung nakawin nila ang stone ball namin?"Huminto
Read more

Kabanata 1587

Sinuri ni Fane ang mga gamit nang ilang sandali bago lumitaw ang isang ngiti sa mga labi niya. "Haha… Master Hemperly, hindi masyadong marami ang spirited grass dito pero mukhang magandang alok ito. Kung kaya't pumapayag ako sa mga kondisyon mo!" Nakahinga nang maluwag ang mga miyembro ng Hemperly family nang makita nilang pumayag si Fane sa suhestiyon nila. Kaagad na tumayo si Master Hemperly at nagbigay galang kay Fane gamit ng mga kamay niya habang binanggit niya ang kanyang pasasalamat. "Salamat, Young Master Fane. Kung ganun, iiwan ko ang anak ko at ang iba pa sa inyo rito nang may payapang kalooban. Naniniwala ako na magiging ligtas sila kagaya ng pinangako sa'min ni Young Master Fane!" "Haha… Masisiguro ko lang na walang mangyayari sa kanila habang kasama nila ang Woods family dahil gagawin namin ang lahat para protektahan sila!" Tumawa si Fane bago dahan-dahang nagpatuloy sa pagsasalita. "Pero wala akong magagawa kung umalis sila sa Woods family nang sila-sila lang. Lalo
Read more

Kabanata 1588

Pagkatapos maiayos ang titirahan nila, umalis si Master Hemperly sa hapong iyon. Sina Young Master Hemperly at ang iba pa niyang mga elder naman ay nanatili sa Woods family para magpatuloy na pag-aralan ang stone ball nang mapayapa. Kagaya ng inaasahan, nagpunta rin si Fane sa kanila nang gabi para makausap sila at magtanong tungkol sa sitwasyon pagkatapos nilang pumunta sa Bright Snow Mountain. Lumabas na nagkanya-kanya ang lahat pagkatapos nilang marating ang Bright Snow Mountain. Pagkatapos niyang naharap sa ilang panganib, humiwalay din si Young Master Hemperly sa iba pang miyembro ng Hemperly family. Buti na lang, mataas ang fighting prowess niya at nagawa niyang makita ang sinaunang puno sa huli pagkatapos niyang ipagpatuloy ang paglalakbay nang mag-isa. Malinaw na hindi siya makakalaban sa sinaunang puno at marami ring ibang masters ang nakahanap sa sinaunang puno sa sandaling iyon. Lahat sila ay kinalaban ang sinaunang puno nang kanya-kanya at marami ang namatay. Sa hul
Read more

Kabanata 1589

"Oo nga pala, nasaan si Ben? Nakita ko siyang nagsasanay kamakailan lang at mukhang nagsisipag siya. Nanghingi pa siya ng dalawang pills mula sa'kin dalawang araw ang nakakaraan!" Hindi nagtagal ay naisip ni Fane si Ben at nagtatakang nagtanong. "Hindi na rin masama dahil isa na siyang seventh-grade grandmaster. Mas lalo siyang nagsipag nang makita na nakarating na ako sa initial stage ng semi-god level. Sinabi pa niya na hahabulin ka niya dahil hindi ka pwedeng magsanay ngayon at hinihintay mo kami!" Ngumiti si Selena at tumingin nang malambing kay Fane bago nagpatuloy na magsalita. "Honey, hindi ko inakala na makakarating ako sa initial stage ng semi-god level! Maliban sa talento ko, gusto kitang pasalamatan sa patuloy mong paggawa ng pills para mabilis akong lumakas!" "Ang lahat ng ito ay dahil sa pagsisikap mo. Kahit na may talento at resources ka, hindi ka kusang lalakas kung hindi ka magsisikap!" Sabi ni Fane nang nakangiti. Sa sandaling ito, isang matandang lalaki ang tuma
Read more

Kabanata 1590

Pinangunahan ng mga miyembro ng Hunt family ang mga tao mula sa Lagorio family, Church family, pati Norman family papunta sa Woods family residence. "Fane, anong dapat nating gawin? Napakarami nila! Nakakapag-alala to dahil mukhang nandito sila para gumawa ng gulo!" Nagdilim ang mukha ni Kevin pagkatapos niyang tignan ang sitwasyon sa harapan niya. Kahit hindi naroon ang lahat ng miyembro ng kabilang partido, karamihan naman sa kanila ay mga master. Umabot sa isandaang libong tao ang pinagsamang bilang mula sa apat na pamilyang iyon. "Hindi natin kailangang matakot! Marami sila pero kakaunti lang sa kanila ang nasa peak stage ng true god level. Kamakailan lang, marami sa mga miyembro ng Woods family ang nakaabot na sa true god level. Higit pa roon, narating na ng ilan sa siyam kong disipulo ang intermediate stage ng true god level at hindi maikukumpara sa kahit sino ang lakas nila!" Gayunpaman, nakangiti lang si Fane. "Napakawalanghiya nila. Hindi ba bawal kumilos ang mga aristoc
Read more
PREV
1
...
157158159160161
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status