Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1561 - Chapter 1570

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1561 - Chapter 1570

2505 Chapters

Kabanata 1561

Heh. Nang nalaman nating mga aristocratic family na dalawang danger zones lang ang pwede nating piliin, alam ko na tiyak pipiliin nila ang Bright Snow Mountain na mas malapit at hindi kasing delikado!" Tumawa si Nash at nagdagdag, "Pero salamat na lang at nakaisip si Fane ng plano at nakipagtulungan kaagad sa lahat. Ito ang dahilan kung paano natin napigilan ang mga pwersa mula sa dagat na magsanhi ng hidwaan sa'tin. Doon lang natin makukuha ang kayamanan nang hindi nawawalan ng malaking bilang ng tao!" "Tama. Totoo na maswerte tayo na kasama natin si Fane, napakatalino niya at malakas sa pakikipaglaban. Napakarami niyang napatay na fighters mula sa Hall of Divine Royal at doon lang sila sumuko na atakihin tayo at tumakas sila!"Emosyonal si Kenneth nang naisip niya ang nangyari ilang araw ang nagdaan. "Hindi lang malakas ang mga halimaw sa Black Wind Island, madalas din silang lumilitaw nang magkakasama. Kaya hindi nakakapagtaka na nakakatakot sila!""Sa tingin ko masyadong mala
Read more

Kabanata 1562

"Totoo yun. Napakaraming araw na ang nagdaan. May natuklasan na kaya sila? Mukhang kailangan nating maghanap ng oras para bisitahin ang Pavilion of Gods and Kings!" May naisip din si Fane at hindi niya mapigilang magsabi, "Ang grupo sa karagatan, sa tingin ko tinatawag silang Hall of Divine Royal? Para bang may magkaugnay ang pangalan ng Hall of Divine Royal at Pavilion of Gods and Kings. May koneksyon ba sa pagitan ng dalawang ito?" "Alam ko!" Hindi niya naisip na magsasalita ang First Elder sa sandaling ito, "Noong bata pa sila, pareho silang disipulo ng iisang master. Umibig sila ng iisang babae, at hindi nilinaw ng babae ang nararamdaman niya sa kanilang dalawa. Noong una, ang babaeng yun ay nobya ng master ng Pavilion of Gods and Kings, pero di nagtagal ay nahuli siya sa kama kasama ng master ng Hall of Divine Royal. Kaya pinatay ng master ng Pavilion of Gods and Kings ang babae at naging magkalaban ang dalawang disipulo mula noon!" Huminto sandali si Kenneth bago nagpatul
Read more

Kabanata 1563

May naisip kaagad si Kylie at sinabi kay Fane ang lahat ng ito. "Sige. Naiintindihan ko. Good girl. Sa susunod na may naiisip si mommy mo, sabihin mo kay Daddy. Naintindihan mo?" Ngumiti si Fane at nagsabi kay Kylie, "Sige, dadalhin ko kayo ni Mommy sa baba ng bundok para maglaro mamayang gabi. Ayos ba yun?" "Sige po. Yay! Maglalaro tayo sa labas!" Nasasabik na sigaw ni Kylie. Pagdating ng gabi, hindi nagmadali si Fane na pag-aralan ang stone orb. Kahit anong mangyari, nasa kanya na ito at may oras siya para pag-aralan ito. Pagkatapos niyang samahan ang anak at ang asawa niya sa baba ng bundok, nagpahinga siya buong gabi. Sa sumunod na umaga, kukunin sana ni Fane ang stone orb para pag-aralan ito. Hindi niya inasahan na hihilahin ni Fiona sina Andrew, Theodore, at Joan para makita siya sa sandaling ito. Nang makita niya silang apat at ang nakangising ekspresyon ni Fiona, alam na ni Fane na may hinihintay si Fiona. Hinila pa niya ang nanay niya papunta rito. "Fane, hin
Read more

Kabanata 1564

"Ha!" Napahigop ng hangin si Fiona pagkatapos niyang marinig ang mga salita ni Fane. Takot na takot siya ngayon. "Ma–Mapapatay ka ng dalawang patak? Wag na pala. Isang patak na lang ang kukunin ko!" "Salamat, Young Master Fane!" Sumaludo si Theodore kay Fane gamit ng kamao at palad niya, nagkakagulo ang mga emosyon niya. Sobrang kinaaway ng anak niya si Fane noon, pero mabuti pa rin ang trato sa kanya ni Fane. Dahil dito ay nagsisi siya. Siguro ay nararapat talagang mamatay ang anak niya. "Heh. Ayos lang!"Tumawa si Fane. Doon laman umalis ng kwarto sina Fiona, Andrew, at Theodore. "Ninakaw ni Third Young Mistress Cabello ang kayamanang ito, tama? Mukhang gusto ka niya talaga. Hindi ba siya papagalitan ng master ng Cabello family dahil dito?" Pagkatapos umalis nina Fiona, nagtanong si Joan nang may pag-aalala sa boses niya. "Wag kang mag-alala, Ma. Mabuting tao si Master Cabello. Sinabi sa'kin ni Daniella na alam ng ama niya ang tungkol dito, at siya mismo ang nagbigay n
Read more

Kabanata 1565

Tumango si Fane at sumagot. "Sige. Iiwanan muna kita at maghahanda na ako para linisin ang katawan ko at maging martial artist sa lalong madaling panahon. Kagabi, tinuruan ako ng ama mo ng ilang kaalaman tungkol sa cultivation arts." Bahagyang ngumiti si Joan at umalis. Sinundan ni Fane ang kabataan at mabilis na bumaba ng bundok. "Magandang araw, Supreme Warrior!"Ang dalawang babae ay may hawak na bata bawat isa. Nang makita nila si Fane, kaagad silang lumuhod. May ilang bodyguards sa likod nila. "Kayo—Bakit kayo nandito?" Lumakas ang kabog ng dibdib ni Fane nang makita niya ang dalawa. Nakita na niya ang dalawang to noon—noong ikinasal siya. Sila ang dalawang asawa ni Fernando. Isa sa kanila ay nagngangalang Sarai, at ang isa ay si River. Hindi alam ni Fane kung paano ipapaalam sa kanila ang nangyari kay Fernando. Isang buwan ang nakaraan, sinabihan na niya si Lana na ipaalam sa kanila ang sitwasyon sa wakas. Sa buong panahong ito, napupuno siya ng pagsisisi, at h
Read more

Kabanata 1566

Naiyak ang mga babae sa sinabi ni Fane.Sa kabilang banda, si Sarai Campbell ay malungkot pa ring nakangiti habang sinasabi niya, “Hay… hindi ito magiging madali dahil sinabi rin ni Ethan Haays na kailangan natin ng isang fourth-grade pill, habang ang dalawang mahalagang gamit ay mga third-grade premium spirited grass. Nabasa lamang natin ang tungkol sa fourth at third-grade items mula sa ancient tome. Haha… Hindi man lang tayo nakakakita ng third-grade elementary items nang madalas, paano pa kaya ang third-grade premium at fourth-grade items!” Sumingit si River Harris, “Young Master Fane, alam namin na sinadya mong sabihin ‘yan upang gumaan ang pakiramdam namin. ‘Wag kang mag-alala; matibay ang loob namin ni Sister Sarai. Higit sa lahat, nanggaling na kami sa labanan noon, at natuto kaming harapin nang madali ang mga bagay na tungkol sa buhay at kamatayan. Isantabi na muna natin sa ngayon kung gaano kahirap na makuha ang mga bagay na ito at ituon lamang ang pansin sa pill. Kaya mo
Read more

Kabanata 1567

Hindi kailanman inasahan ni Fane na ang isang hindi-natitinag na lalaki, isang lalaking napakalaki ang naiambag sa Cathysia, ay malalagay sa ganitong sitwasyon at magiging manika ng ibang tao. Ito rin ay dahil nagmamadali ang kalaban na palabasin si Fane para mapatay nila ito. Kung hindi, tuluyan nang maglalaho ang enerhiya ni Fernando sa puntong hindi na siya maliligtas.Kahit nakabalik na siya sa kanyang kwarto, mukha pa ring malungkot si Fane at nakasimangot nang husto. Lumapit sa kanya si Selena at hinawakan ang kanyang kamay nang suriin nito ang kanyang mukha. “Honey, huwag mong masyadong pahirapan ang sarili mo—gawin mo lang ang makakaya mo. ‘Wag mong sisihin ang sarili mo, naiintindihan mo ba? Kung hindi, ikinakatakot ko na baka maapektuhan nito ang lakas mo para magsanay! Magiging mahirap kapag naapektuhan nito ang pag-usad mo dahil marami ka pang makakatagpong mga pagsubok na mahirap lagpasan.” “Sige, nauunawaan ko.” tumango si Fane at nagpatuloy sa pakikipag-usap kay S
Read more

Kabanata 1568

Sa hindi inaasahan, inirapan ni Yvonne si Tanya. “Ang lakas naman ng loob mong sabihin ‘yan sa akin kahit na ganito ka rin naman noon? Mas mabuti sana kung kasintapang ka ni Sharon. Kahit na nabigo siya, kahit paano umamin siya diba?” Nakangiting sumagot si Tanya, “Tama—kahit paano mas marami siyang maaalala tungkol dito. Sinong mag-aakalang si Fane pala ang Supreme Warrior at ganito pala siya kalakas? Wala nang balita o usap-usapan tungkol sa kanya nitong nakaraang mga buwan. Siguro nasa liblib na siya nakatira.” Sa sandaling iyon, nakita ni Yvonne si Sharon na naglalakad kasama ang isang lalaki sa labas, at mukhang masayang-masaya ito. “Tanya, tingnan mo. Hindi ba si Sharon ‘yan? Bakit may kasama siyang lalaki?” “Hoy, bakit parang pamilyar ang katawan ng lalaking ‘yun?” hindi mapigilan ni Tanya na mapakunot ang noo nang tingnan niya ang lalaki.Hindi nagtagal, nagtinginan silang dalawa at sabay na sumigaw, “Fane!” “Hala, siya nga ‘yun! Bakit siya bumalik?” biglang napatayo s
Read more

Kabanata 1569

“Oo nga pala Fane, nabalitaan namin na nagpunta ka sa Gin City at nagpunta ka rin daw sa Swallow City diba?” tanong ng nagtatakang Tanya ilang minuto makalipas mula noong magsimula silang kumain.Tumango si Fane at pagkatapos ay sinabi niya ang ilang mga nangyari nitong nagdaang mga araw habang umiinom. Pagkatapos nilang magsalita, inilabas niya ang tatlong maliit na porselanang bote at inilapag ito sa harap ng tatlong babae. “Ito ang sinasabi ko. Isa itong mahalagang gamit na kayang maglinis ng katawan at gawin kayong isang martial artist, at magagawa niyo nang makasama sa landas ng pagsasanay: ang Bone Marrow Cleansing Water. Ihalo mo lang ito sa mainit na tubig at magbabad sa tubig na ito sa loob ng kalahating oras, pero mas mabuti kung mababantayan ka ng katulong mo dahil maaari itong sumakit pagkalipas ng ilang minuto. Ikinakatakot ko na baka himatayin kayo sa sakit!” “Hindi na mahalaga kung masakit ba ito o hindi. Masaya ang makapagsanay!” kinuha ni Tanya ang porselanang bot
Read more

Kabanata 1570

Hindi nagtagal ay umalis si Fane ng Middle Province at bumalik sa Woods family. Pagbalik niya, sinuri niya ang stone ball sa loob ng dalawang araw. Kahit anong mangyari, hindi lamang niya narating ang peak stage ng true god level, ngunit masyado ring maayos ang kanyang realm. Atsaka, marami siyang oras at hindi niya kailangang magsanay.Sa kasamaang-palad, wala siyang natuklasan pagkatapos niyang suriin ang stone ball sa loob ng dalawang oras bukod sa katotohanang hinihigop ng stone ball ang Chi sa paligid. “Mukhang kailangan kong magpunta sa Pavilion of Gods and Kings upang magtanong tungkol dito. Kapag nagpadala ako ng mga tao para magtanong, ikinakatakot ko na baka hindi kami makakuha ng magandang balita.” naisip ito ni Fane at hindi mapigilang ngumiti nang malungkot.Kaunti na lang ang oras niya at ayaw na niyang patagalin pa ang mga bagay. Lalala lang ang kalagayan ni Fernando kapag pinatagal niya pa ito kahit isang araw. “Balak mo bang magpunta nang mag-isa o magdadala ka
Read more
PREV
1
...
155156157158159
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status