Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1541 - Chapter 1550

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1541 - Chapter 1550

2505 Chapters

Kabanata 1541

Halata naman na si Fane ang naging pinakamalakas na fighter sa kanilang lahat na nandoon. Kahit ang master ng isang first-class family tulad Ximenes family ay kailangan munang hingin ang opinyon ni Fane at kailangan magsalita ng may paggalang. Tumango si Fane. “Iniisip ko din ang tungkol sa kung paano natin papasukin ang isla! Kung ganun ay papasukin nati ito mamayang gabi! Sa ngayon, magpahinga muna tayo sa islang yun. Maraming puno doon na pwede nating pagtaguan pansamantala!” Hindi nagtagal, ang lahat ay lumipad at pansamantalang nagtago sa maliit na isla. Kinagabihan, ang lahat ay umalis na papunta ng Black Wind Forest.“Dito. Tara na. Mag-ingat kayong lahat. Habang palalim tayo ng palalim sa loob ng gubat na ito, mas maraming halimaw ang makakasalubong natin. Higit pa dun, maraming halimaw dito ang nasa true god realm!” Tumingin sa unahan si Kevin at at walang nakita kung hindi puro puno sa kanyang harapan, at ang kanyang mga mata ay naging seryoso. Mabuti na lang, mar
Read more

Kabanata 1542

Pero umiling si Fane. “Sa tingin ko ay nadiskubre na nila tayo matagal na,” sabi niya, habang mapait na nakangiti. “Kung hindi ay hindi sana magpapakita sa atin ang grupo na iyon kahapon! Bukod dun, ang nilaban lang nila ay si Master Cabello sandali bago nila tayo hinayaan na tumuloy. Hindi ba’t kakaiba yun!” “Sa tingin ko naman ay hindi mo ito dapat isipin. Marahil ay nakita nila ang bilang natin pero nilaban pa din nila si Master Cabello. Kaya natural lang na takot na sila ngayon dahil sa kung gaano kalakas si Master Cabello, at kaya sila umalis!” Nagsalita ang tatlong matandang lalake na mula sa third-class families pagkatapos nilang isipin ang tungkol dito. Pero nagpakita muli ng mapait na ngiti si Fane. “Marami tayo. Malamang nakita na nila tayo mual sa malayo. Makatwiran lang para sa kanila na hindi magkaroon ng magaling na fighter sa karamihan ng mga tauhan nila na meron sila. Dahil sa alam nila ang ating sitwasyon at pumunta para subukan tayo, sigurado na meron silang lih
Read more

Kabanata 1543

Bumagsak ang mukha ni elder Hartman ng marinig ang mga salita ni Elder Moseley. Gayunpaman, matigas ang kanyang ulo, at hindi tinanggap ang kanyang pagkatalo. “Makarating sa ultimate gor level? Sa tingin mo ba ay ganun lang yun kadali? Inabot ako ng dalawa o tatlong taon para lang makarating sa peak stage ng true goe realm, higit pa dun, nabigo ako ng ilang beses sa kalagitnaan nito. Bukod dun, sa loob ng ating teritoryo, maraming tao na ang nakarating sa peak stage, pero halos imposible para sa isang tao ang makarating sa peak stage ng true god realm sa isang subok lang, tama ba ako? Lalo na at isang malaking pagsubok ang makarating sa ultimate god realm.” “Kahit na anong mangyari, hindi tayo pwedeng sumugal, dapat nating bilisan. Paano na lang kung ang makakatulong sa atin para makarating sa ultimate god realm ay isa palang spiritual fruit, at ilan lang ang mga ito? Baka umuha sila at kainin ang lahat ng hindi man nagtitira para sa atin! Kapag nangyari iyon, hindi na tayo magkakar
Read more

Kabanata 1544

"Sampung libo sila? Delikado! Kapag lumipad sila sa mga itim na ulap, bumulusok pababa sa atin ng buong bilis at atakihin tayo, mahihirapan tayong labanan sila!" Si Nash, na nakatayo sa tabi ni Fane, ay buo ang tiwala sa pagsusuri ni Fane. Lalo na, si Fane ay isang second-grade intermediate alchemist, ang kanyang kakayahan na mag-pokus at ang kanyang pasensya ay mas malakas kaysa sa kahit na sino sa kanila doon. Kaya, natural lang na kayang maramdaman ni Fane ang sitwasyon, ang bilang ng mga halimaw, at ang pagdaloy ng Chi energy sa mga ulap ng mas tama kaysa sa kanilang lahat. "Mga kasama, pakiusap at mag-ingat kayo. Ang mga lumilipad na halimaw ay lumilipad sa itaas natin ng sa loob ng mga itim na ulap; halata na naghahanda sila upang salakayin tayo. Marami gayong malakas na mandirigma, pero hindi tayo pwedeng maging kampante! Kailangan nating iwasan na maging malaki ang mabawas sa ating hanay!" Tinitigan ni Fane ang kalangitan sa itaas at sinabi ito sa mga tao. Chirp!
Read more

Kabanata 1545

“Hmm…ang bilang ng mga nasawi ay hindi naman masama, lalo na, dalawang daang libo tayong lahat. Pero hindi natin alam kung gaano kalayo tayo mula sa pinakamalalim na parte ng kagubatan, at kung gaano karami ang mga mababangis na halimaw dito. Hindi natin alam ang mga bagay na yun, kaya kailangan natin ang lubos na pag-iingat; kailangan natin maging alerto palagi!” Tumango si Fane. Ang mga namatay ay lahat nasa semi-god level. Ang mga may mataas na martial level ay nagawang mabuhay sa laban nila kanina ng ganun kadali. Pero ito din ay dahil sa nagawa nilang makita kaagad ang mga halimaw at nakapaghanda sila. Kung hindi nila kaagad napansin ang presensya ng mga itim na agila ng maaga, malamang ay marami ang nalagas sa kanila! Kung ang nalaman lang nila ay ang pag-atake ng mga itim na agila, mas marami pa ang namatay sa kanila. “Salamat sa ating plano; nagsanib pwersa tayong lahat at iyon ang dahilan kung bakit naging malakas tayo para labanan ang mga agila na yun!” Ang pinuno
Read more

Kabanata 1546

"Napakahirap na lumabas sa mga monster beast na'to! Ang pinakamahirap sa mga halimaw na'to ay ang mga nasa true god realm ang lakas! Higit sa dalawandaang tao na ang nawala sa'tin sa labang ito!" Namutla nang sobra si Kenneth habang tinignan niya ang mga bangkay na nasa lapag. Kahit na dalawa o tatlong tao lang mula sa Woods family ang namatay sa laban na'to, wala pa ring gustong makakitang mamatay ang mga kapamilya nila rito. Hindi lang iyon, ilang araw na silang nasa gubat na'to! Lumipad sila sa taas ng mga puno para makita ang lalakbayin nila, pero ang tanging nakita lang nila ay isang gubat sa harapan nila. Hindi nila alam kung gaano malawak o kalaki ang gubat na ito at kung gaano sila kalayo mula sa pinakamalalim na parte ng kagubatan. "Maituturing na maganda ang sitwasyong ito. Hindi masyadong marami ang grupo ng monster beasts na'to, pero mas mataas ang combat level nila. Para sa'tin na magkaroon ng ganitong sitwasyon, maituturing itong maganda. At mas magiging mapangan
Read more

Kabanata 1547

Tumango ang lalaki pagkatapos ay nagsabing, "Kung ganun, ang mga taong nawala sa kanila ay karamihang nasa semi-god level, at dalawa o tatlo lang ang nawala sa kanila na nasa true god level. Iyon ang dahilan kung bakit hindi masyadong nabawasan ang lakas nila!" "Heh, hindi natin kailangang mag-alala masyado. Kahit na hindi marami ang mga tao nating nasa true god level, tiyak na mas marami ang kabuuang bilang natin. Hindi lang iyon, hindi isang pangkaraniwang lugaw ang Black Windy Forest. Sinabi ng ama ko noon na maraming malalakas na halimaw sa loob ng gubat ay nasa ibang lebel ang lakas nila; hindi sila mga halimaw na kayang labanan ng mga taong nasa true god-level nang ganoon kadali." Tumawa ang Master ng Hall of Divine habang nagsalita siya. "Magpapatuloy lang tayo nang ganito, maingat natin silang susundan. Malalaman din natin kapag nag-away-away sila sa kayamanan, at tiyak na ang kayamanan na iyon ay mga materyales at kagamitan para makarating sa ultimate god level. Sa mga or
Read more

Kabanata 1548

Boom! Isang nakakatakot na sigaw ang umalingawngaw; pambihira ang lakas ng sigaw at matindi ang labanan. Sa pagkakataong ito, higit sa isang libo ang namatay, at ilang libo sa kanila ang malubhang nasugatan. "Bwisit! Masyadong malaki ang nawala sa'tin ngayon. Masyadong napagod ang lahat na lumaban sa isa pang matinding labanan, at hindi lang iyon, wala man lang oras na magpagaling ang mga nasugatan sa naunang labanan. Maliban roon, napakalakas ng grupo ng monsters beasts na'to! Ang daming namatay!" Ang ilan sa kanila ay tumingin na lang sa mga bangkay sa lapag at hindi mapigilang bumuntong-hininga. Kung may oras sila para magpahinga, tiyak na mababawasan ang bilang ng mga namatay at sugatan. "Umalis na tayong lahat, dali! Malamang ay naakit ang mga halimaw sa ingay ng labanan mula sa laban kanina at sa amoy ng dugo. Uminom kaagad ng healing pills ang mga sugatan sa lalong madaling panahon at mag-meditate para gumaling. Kung hindi, patuloy tayong makakasalubong ng hukbo ng mga
Read more

Kabanata 1549

Whamp! Gayunpaman, sa oras na ito, isang flare ang lumipad sa langit hindi malayo sa kakahuyan at sumabog sa langit na parang isang magandang paputok. "Nahanap na nila ang kayamanan!" Sa kabilang panig, napuno ng sabik at saya ang mga tao ng Hall of Divine Royal nang makita nila ang signal. "Sugod! Kailangang niyong makuha ang kayamanan na yun para sa'kin, naiintindihan niyo?" Sumigaw ang Master ng Divine Royal Hall sa mga tao niya. Sa isang utos, naging anino siya at lumipad sa langit mula sa kagubatan, patungo diretso sa direksyon kung saan lumitaw ang flare. "Kunin niyo!" Halos tatlong daang libong tao ang lumipad sa langit, patungo diretso sa direksyon nina Fane at ng grupo. "Ano?" Narinig nina Nash at ng iba pa ang sigawan at hiyawan mula sa likuran nila at namutla ang mga mukha nila. Ang lahat ng ito—ang lihim na pag-atake ng Hall of Divine Royal at ang hidwaan sa alyansa—ay hindi nila makayanan. Gulat na gulat sila. Lalo na't nakarating na sila sa g
Read more

Kabanata 1550

"Diyos ko!" Kaagad na huminto sina Alejandro at ang iba pa. Narinig nila ang babala ni Fane at maingat nilang nilalapitan ang bato sa pamamagitan ng hindi pagpapadalos-dalos kagaya ng ginawa ng iba, pero mas matindi kaysa sa lahat ang tukso na makuha ang gintong oval na batong bola; nakatitig nang maigi ang namumulang mga mata nila sa bato na para bang ito ang pinakaimportanteng bagay sa mundo. Kaya nasa likuran lang ng mga nauna sina Alejandro at ang mga tao niya—malapit-lapit din sila sa bato. Nang makita niya at ng mga tao niya kung paanong namatay ang daan-daang tao sa harapan nila nang walang kalaban-laban sa loob lang ng isang segundo, sobra silang natakot at namutla ang mga mukha nila. Ang ilan sa kanila ay napaatras ng ilang daang metro papalayo sa sobrang takot. Lumayo sila at nakatitig sa matinding takot. "Diyos ko! Masyadong… Masyadong nakakatakot ang sinaunang punong ito! Namatay ang ilang malalakas na fighter na nasa true god-level nang ganun-ganun na lang!" Na
Read more
PREV
1
...
153154155156157
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status