Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1551 - Chapter 1560

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1551 - Chapter 1560

2505 Chapters

Kabanata 1551

Gayunpaman, ang hindi niya inasahan ay ang pag-angat ng mga ugat sa lupa sa ibaba niya sa oras na iyon. Ang mga ugat ay matulis na parang sibat at mabilis na parang isang kidlat; tumagos ito sa kanyang katawan mula sa baba. “Pfft!” Tiningnan ng elder ng Ximenes family ang kanyang butas na katawan habang tumutulo ang dugo sa kanyang bibig. Tiningnan niya nang huling beses ang stone ball na malapit lang sa kanya at nalagutan na siya ng hininga. “Anak ng?! Ang Second Elder… ang Second Elder ay patay na!” Hindi makapaniwala ang pinuno ng Ximenes family sa nasaksihan niya, nanlaki ang mga mata niya at ang mukha niya ay namutla. “Pigilan niyo ang mga taong ito!” Sa sandaling ito, ang mga tao mula sa Hall of Divine Royal ay hindi na malayo sa kanila Fane, at sinimulan ng mga ito na atakihin ang grupo nila Fane. “Patayin niyo silang lahat!” Kaagad na naglaban ang dalawang panig; napakagulo ng labanang ito. Naglaho nang ilang beses si Fane sa kanyang matinding bilis. Ang
Read more

Kabanata 1552

“Kayong lahat, magtipon kayo, huwag kayong mataranta! Kaunti lamang sa kanila ang nasa true god level!” Sinabi nang malakas ni Fane nang mapansin niyang ang ilan ay natataranta. Pagkatapos marinig si Fane, maraming mga fighter ng alyansa ang nakahinga nang maluwag, at nagsimula silang magtipon nang mabilis. Nagpatuloy ang laban at ang bilang ng mga nasawi ay umabot sa ilang libo. Ang kabilang panig ay namatayan ng libu-libong tao. Makalipas ang ilang minuto, napansin ng Master ng Hall og Divine Royal ang pinakamalaking problema ng grupo niya sa pakikipaglaban sa kanila Fane. Kahit na mas marami sila dito, mas marami ang mga fighter sa grupo nila Fane na nasa peak stage ng true god realm! Halos lahat ng mga tao niya ay nasa semi-god level lamang. Pagkatapos ay kinumpas niya ang kanyang kamay, sinenyasan ang kanyang mga tao na tumigil sa pag-atake at paligiran sila Fane. “Kayong mga tao sa mainland, ang kapal ng mukha niyong manghimasok sa aming teritoryo! Higit pa r
Read more

Kabanata 1553

“Bakit sa tingin mo hindi kami nagkakaisa? Kayo ay tagpi-tagpi lamang na mga pamilya. Kahit na may mga tao kaming mula sa ibang lugar na nasa dagat, sila ay nasa ilalim ng Hall of Divine Royal at matagal nang nakikipagtulungan sa amin. Para kaming isang malaking pamilya. Kaya sino sa tingin niyo ang mas nagkakaisa ngayon? Kami o kayo?” sumagot si Elder Moseley nang matapang. “Oo! Bata, isipin mong maigi. Kapag binigay mo ang stone ball sa amin, maiiwasan mo ang hindi kailangang kamatayan pero kung hindi. Humph! Magdadala ka ng problema sa grupo mo!” Pagkatapos isipin ang bagay na ito, sinadya ng Master ng Hall of Divine Royal na sirain sila Fane at ang alyansa niya sa pamamagitan ng pagsabi ng, “Makinig kayo, ang ibang mga pamilya bukod sa batang may bato ay maaari nang umalis; pakakawalan namin kayo dahil hindi niyo naman nakuha ang kayamanan. Hindi niyo kailangang ibuwis ang buhay niyo na samahan ang batang ito. Syempre, kung gusto ring umalis ng pamilya ng batang ito, pwede rin
Read more

Kabanata 1554

“Hahaha! Bata, ako ang kanang kamay ng master! Tingin mo ba mapapatay mo ako dahil lang sinabi mo? Asa ka!” Mayabang na ngumisi si Elder Hartman. Hindi ba magiging katawa-tawa na atakihin siya ng isang hindi kilalang bata na tulad ni Fane? Bukod pa rito ay napakabata ni Fane kumpara sa kanya. Kaya hindi lamang siya hindi natatakot kay Fane, natawa rin siya sa pagiging mangmang nito. Umaapaw pa ang kasiyahan sa kanyang loob. Ang kakaibang stone ball na iyon ay hawak ng batang iyon, kapag nagawa niyang patayin ang batang ito at makuha ang martial ring, mapapasakanya na ang stone ball! Napakagandang pagkakataon! Walang makakapansin na nakuha na niya ang martial ring ni Fane pagkatapos niya itong patayin dahil abala ang lahat sa pakikipaglaban; walang makakapagbantay sa bawat galaw niya! At kailangan lang niyang patayin ang batang ito, itago ang kanyang singsing, at magpanggap na nakikipaglaban sandali, at tumakas mula sa labanan papunta sa labas ng gubat. Balak niyang humanap ng is
Read more

Kabanata 1555

Subalit, sa sandaling ito, naglabas si Fane ng isa pang mas malakas na atake kumpara sa kanina. Ginamit niya ang isang martial technique—ang Burning Chop. “Hindi!” Hindi nagpabaya si Elder Hartman. Kaagad siyang gumawa ng isang mas malakas na martial technique. Ngunit ang kanyang martial technique ay parang isang langaw na umaalingawngaw—mahina. Ang technique na ito ay hindi kayang pigilan ang atake ni Fane at tuluyan itong nasira. Samantala, ang Burning Chop ni Fane ay nagdala ng matinding pwersa papunta sa kanya.Si Elder Hartman na walang oras na isagawa ang ikalawang technique niya sa tamang oras, ay kaagad na naglabas ng isang aura shield upang balutin ang kanyang sarili sa gitna upang makaligtas.Subalit, ang kanyang manipis na aura shield ay hindi talaga kaya ang nakakatakot na atakeng ito. Isang segundo lang ang itinagal nito bago nasira ang panangga, at ang atake ay direktang tumama sa kanyang dibdib at tumalsik siya nang ilang metro kalayo.Bang!Tumalsik nang malak
Read more

Kabanata 1556

“Buwisit, masyadong malakas ang mga true god fighters sa kanilang panig!” Si Matthew—ang master ng Divine Royal Hall—ay tinignan ang sitwasyon at naging malagim ang ekspresyon ng kanyang mukha. Sina Lana, William, at Ethan, kahit na nasa early stage pa lang sila ng true god realm, ang kanilang lakas sa pakikipaglaban at kakayahan ay sapat na upang talunin ang ilang early-stage true god realm level fighters! Talagang mahirap na pugutan ng ulo ang tatlong ito. Boom! Sa kabilang banda naman, madali lang na tinalo ni Fane si Elder Lock. Nawalan nanaman ng isang malakas na elite fighter ang Hall of Divine Royal. “Buwisit! Nawalan tayo ng limampung libong tao, at anak ng pating?! Ang bilang ng mga namatay sa kabilang panig ay mababa sa sampung libo! Kapag nagpatuloy ito, ang bilis ng pagkamatay ng ating mga tauhan ay lalaki lang lalo!” Sinuri ni Elder Moseley ang sitwasyon at napagtanto niya na kahit mas marami sila sa kanila ng isang daang libo sa simula, ang agwat ay naman
Read more

Kabanata 1557

Sinabi ni Alejandro sa mga tao ang kanyang mungkahi. “Isa itong magandang ideya! Lahat tayo ay dapat pasalamatan si Fane sa pagkakataon na ito, kung hindi dahil sa kasunduan na ginawa ni Fane na sinang-ayunan nating lahat bago tayo pumasok sa loob ng kagubatan, nasa malaking gulo na tayo ngayon; hindi magiging matatag ang ating samahan. Kung hindi hindi matatag ang ating samahan, makukuha sa atin ng mga taong iyon ang bolang bato!” Tinango ng pinuno ng Ximenes family ang kanyang ulo upang ipakita ang kanyang pagsang-ayon. Ngunit, hindi niya nakalimutan na paalalahanan si Fane, “Young Master Fane, kung ang bolang bato na ito ay talagang ang paraan para makarating sa ultimate god realm at pwede itong gamitin ng ilang beses, sana naman ay hindi makalimutan ni Young Master Fane ang ating kasunduan.” Biglang napatingin ang lahat kay Fane dahil sa takot na baka sarilinin lang ito ni Fane at hindi niya ibahagi sa iba katulad ng kanilang napag-usapan. Ngayon, alam na ng Woods family an
Read more

Kabanata 1558

“Elder Moseley, ano na ngayon? Hindi ibibigay ng kabilang partido ang bolang bato! At matatag ang kanilang samahan…at hindi natin sila kayang talunin! Ah! Ang laking problema nito!”Lugmok si Matthew at hindi niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin. Sa isang kisapmata, nawalan siya ng higit sa limampung libong tauhan, at isa pa ang mga namatay bago ang laban kay Fane at sa kanyang grupo, napakalaki ng nawala sa kanya ngayon. Ang malala pa dito, ang mga malakas na tao tulad nila Elder Hartman at Elder Lock ay namatay ng kabilang partido. Talagang wala na siyang maisip pa na ideya. “Hay! Wala na tayong iba pang paraan. Nawalan tayo ng maraming tauhan, at ang mga nabuhay sa matinding laban ay nagtamo ng malubhang sugat. Kahit na habulin natin sila ngayon, wala tayong laban sa kanila. Lalo na ngayon at nawalan na ng lakas ng loob na lumaban ang ating grupo. Kaya naman, sa ngayon, pansamantala muna natin itigil ang ating pag-atake.” Tinignan ni Elder Moseley ang mga tao at wal
Read more

Kabanata 1559

Mabilis na lumipas ang mga araw. Nakaalis na din sila Fane sa teritoryo ng karagatan at nakarating na sa kontinente sa timog-silangan ng Daxia. Pagkatapos nilang magpahinga, pinag-usapan ng grupo kung paano nila paghahatian ang mga nakuha nila, pagkatapos ay pinaghatian nila ang lahat ng mga nakuha nila sa buong paglalakbay. Ang mga tao na mula sa second-class at third-class families ay malaki ang pasasalamat sa paglalakbay sa Black Windy Forest. Ang paglalakbay sa Black Windy Island ay hindi lang delikado pero puno din ng mga patibong at mga halimaw, at kung hindi dahil kay Fane at sa iba pa, natatakot sila na marami sa kanila ang hindi na makakabalik ng buhay, at hindi sila magkakaroon ng pagkakataon na mabahagian ng martial materials at resources mual sa kanilang mga nakuha. “Kahit na nawalan tayo ng higit sa sampung libong tauhan, maganda pa din ang kinalabasan kaysa sa ating inaasahan. Hmmm. Ano na kaya ang ginagawa ng iba pang grupo, lalo na ang grupo ng Hunt family. Sila
Read more

Kabanata 1560

“Mommy, bakit hindi pa nakakabalik si Daddy? Nakarating na naman ako sa sumunod na lebel. Siguradong matututwa siya kapag nalaman niya ito sa pagbalik niya!” Sa isa sa mga patyo ng Woods family, si Kylie, na kanina pa naglalaro, ayb tumakbo papunta kay Selena at nagreklamo ng nakasimangot. “Talaga? Ang galing naman talaga ng munting Kylie ko!” Kaagad na kuminam ang mga mata ni Selena matapos niyang marinig ang sinabi ng kanyang anak. “Sampung araw na din na wala ang iyong ama; pabalik na din yun. At kapag nalaman niya na ang aming munting Kylie ay nakarating na sa ninth-grade martial practitioner, tiyak na matutuwa yun!” Napakatalentado ni Kylie, at masaya si Selena dahil dito. Ang bata pa ni Kylie pero nasa ninth-grade martial level at malapit nang makarating sa grandmaster level! Tiyak na malayo ang mararating niya kapag nagpatuloy siya sa kanyang pagsasanay! “Hehe, ang galing din ni Mommy!” Tumawa naman si Kylie. Pagkatapos ay tumakbo siya para makipaglaro sa iba pang
Read more
PREV
1
...
154155156157158
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status