Share

Kabanata 1565

Author: Moneto
Tumango si Fane at sumagot.

"Sige. Iiwanan muna kita at maghahanda na ako para linisin ang katawan ko at maging martial artist sa lalong madaling panahon. Kagabi, tinuruan ako ng ama mo ng ilang kaalaman tungkol sa cultivation arts."

Bahagyang ngumiti si Joan at umalis.

Sinundan ni Fane ang kabataan at mabilis na bumaba ng bundok.

"Magandang araw, Supreme Warrior!"

Ang dalawang babae ay may hawak na bata bawat isa. Nang makita nila si Fane, kaagad silang lumuhod. May ilang bodyguards sa likod nila.

"Kayo—Bakit kayo nandito?"

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Fane nang makita niya ang dalawa.

Nakita na niya ang dalawang to noon—noong ikinasal siya. Sila ang dalawang asawa ni Fernando. Isa sa kanila ay nagngangalang Sarai, at ang isa ay si River.

Hindi alam ni Fane kung paano ipapaalam sa kanila ang nangyari kay Fernando. Isang buwan ang nakaraan, sinabihan na niya si Lana na ipaalam sa kanila ang sitwasyon sa wakas.

Sa buong panahong ito, napupuno siya ng pagsisisi, at h
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1566

    Naiyak ang mga babae sa sinabi ni Fane.Sa kabilang banda, si Sarai Campbell ay malungkot pa ring nakangiti habang sinasabi niya, “Hay… hindi ito magiging madali dahil sinabi rin ni Ethan Haays na kailangan natin ng isang fourth-grade pill, habang ang dalawang mahalagang gamit ay mga third-grade premium spirited grass. Nabasa lamang natin ang tungkol sa fourth at third-grade items mula sa ancient tome. Haha… Hindi man lang tayo nakakakita ng third-grade elementary items nang madalas, paano pa kaya ang third-grade premium at fourth-grade items!” Sumingit si River Harris, “Young Master Fane, alam namin na sinadya mong sabihin ‘yan upang gumaan ang pakiramdam namin. ‘Wag kang mag-alala; matibay ang loob namin ni Sister Sarai. Higit sa lahat, nanggaling na kami sa labanan noon, at natuto kaming harapin nang madali ang mga bagay na tungkol sa buhay at kamatayan. Isantabi na muna natin sa ngayon kung gaano kahirap na makuha ang mga bagay na ito at ituon lamang ang pansin sa pill. Kaya mo

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1567

    Hindi kailanman inasahan ni Fane na ang isang hindi-natitinag na lalaki, isang lalaking napakalaki ang naiambag sa Cathysia, ay malalagay sa ganitong sitwasyon at magiging manika ng ibang tao. Ito rin ay dahil nagmamadali ang kalaban na palabasin si Fane para mapatay nila ito. Kung hindi, tuluyan nang maglalaho ang enerhiya ni Fernando sa puntong hindi na siya maliligtas.Kahit nakabalik na siya sa kanyang kwarto, mukha pa ring malungkot si Fane at nakasimangot nang husto. Lumapit sa kanya si Selena at hinawakan ang kanyang kamay nang suriin nito ang kanyang mukha. “Honey, huwag mong masyadong pahirapan ang sarili mo—gawin mo lang ang makakaya mo. ‘Wag mong sisihin ang sarili mo, naiintindihan mo ba? Kung hindi, ikinakatakot ko na baka maapektuhan nito ang lakas mo para magsanay! Magiging mahirap kapag naapektuhan nito ang pag-usad mo dahil marami ka pang makakatagpong mga pagsubok na mahirap lagpasan.” “Sige, nauunawaan ko.” tumango si Fane at nagpatuloy sa pakikipag-usap kay S

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1568

    Sa hindi inaasahan, inirapan ni Yvonne si Tanya. “Ang lakas naman ng loob mong sabihin ‘yan sa akin kahit na ganito ka rin naman noon? Mas mabuti sana kung kasintapang ka ni Sharon. Kahit na nabigo siya, kahit paano umamin siya diba?” Nakangiting sumagot si Tanya, “Tama—kahit paano mas marami siyang maaalala tungkol dito. Sinong mag-aakalang si Fane pala ang Supreme Warrior at ganito pala siya kalakas? Wala nang balita o usap-usapan tungkol sa kanya nitong nakaraang mga buwan. Siguro nasa liblib na siya nakatira.” Sa sandaling iyon, nakita ni Yvonne si Sharon na naglalakad kasama ang isang lalaki sa labas, at mukhang masayang-masaya ito. “Tanya, tingnan mo. Hindi ba si Sharon ‘yan? Bakit may kasama siyang lalaki?” “Hoy, bakit parang pamilyar ang katawan ng lalaking ‘yun?” hindi mapigilan ni Tanya na mapakunot ang noo nang tingnan niya ang lalaki.Hindi nagtagal, nagtinginan silang dalawa at sabay na sumigaw, “Fane!” “Hala, siya nga ‘yun! Bakit siya bumalik?” biglang napatayo s

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1569

    “Oo nga pala Fane, nabalitaan namin na nagpunta ka sa Gin City at nagpunta ka rin daw sa Swallow City diba?” tanong ng nagtatakang Tanya ilang minuto makalipas mula noong magsimula silang kumain.Tumango si Fane at pagkatapos ay sinabi niya ang ilang mga nangyari nitong nagdaang mga araw habang umiinom. Pagkatapos nilang magsalita, inilabas niya ang tatlong maliit na porselanang bote at inilapag ito sa harap ng tatlong babae. “Ito ang sinasabi ko. Isa itong mahalagang gamit na kayang maglinis ng katawan at gawin kayong isang martial artist, at magagawa niyo nang makasama sa landas ng pagsasanay: ang Bone Marrow Cleansing Water. Ihalo mo lang ito sa mainit na tubig at magbabad sa tubig na ito sa loob ng kalahating oras, pero mas mabuti kung mababantayan ka ng katulong mo dahil maaari itong sumakit pagkalipas ng ilang minuto. Ikinakatakot ko na baka himatayin kayo sa sakit!” “Hindi na mahalaga kung masakit ba ito o hindi. Masaya ang makapagsanay!” kinuha ni Tanya ang porselanang bot

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1570

    Hindi nagtagal ay umalis si Fane ng Middle Province at bumalik sa Woods family. Pagbalik niya, sinuri niya ang stone ball sa loob ng dalawang araw. Kahit anong mangyari, hindi lamang niya narating ang peak stage ng true god level, ngunit masyado ring maayos ang kanyang realm. Atsaka, marami siyang oras at hindi niya kailangang magsanay.Sa kasamaang-palad, wala siyang natuklasan pagkatapos niyang suriin ang stone ball sa loob ng dalawang oras bukod sa katotohanang hinihigop ng stone ball ang Chi sa paligid. “Mukhang kailangan kong magpunta sa Pavilion of Gods and Kings upang magtanong tungkol dito. Kapag nagpadala ako ng mga tao para magtanong, ikinakatakot ko na baka hindi kami makakuha ng magandang balita.” naisip ito ni Fane at hindi mapigilang ngumiti nang malungkot.Kaunti na lang ang oras niya at ayaw na niyang patagalin pa ang mga bagay. Lalala lang ang kalagayan ni Fernando kapag pinatagal niya pa ito kahit isang araw. “Balak mo bang magpunta nang mag-isa o magdadala ka

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1571

    Nagkatinginan ang mga elder, para ba silang nabigla sa impormasyong ito. Pagkatapos ay lumipad ang mga elder at dumating sa harapan ng pintuan ng pavilion, sa harapan ng mga taong gustong bumisita sa kanila. Tinignan ni Harry ang mga tao sa harapan niya at nagtanong nang nagtataka, "Sino kayo…?" Parang pamilyar ang isa sa mga elder pero hindi niya mabigyan ng pangalan ang mukhang iyon. Lalo na't ilang dekada na ang nagdaan simula noong umalis ang junior brother niya. Tumanda na ang lahat mula sa nakaraan. "Senior Brother, ang tagal nating di nagkita!" Tumawa si Matthew Charles at magalang na sumenyas gamit ng mga kamay niya kay Harry na nasa kanyang harapan. Pagkatapos marinig ang pamilyar na boses na ito, nakilala na ni Harry sa wakas ang lalaking nakatayo sa harapan niya. Kaagad na nanigas ang mukha niya at nagsimula siyang magalit. Hinigpitan niya ang kamao niya habang nagsalita siya nang nagngingitngit ang ngipin, "Ang tagal na nga talaga nating di nagkikita. Sinong ma

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1572

    "Master Harry, dito ba natin pag-uusapan to? Mukhang di naman tama yun. Bakit hindi tayo maghanap ng lugar para maupo at pag-usapan natin to?" suhestiyon ni Matthew nang nakangiti. "Sige, pag-usapan natin to sa meeting hall banda roon." Pinag-isipan ito ni Harry at lumipad papunta sa isang templo kasama ng mga tao niya habang sinundan sila nina Matthew at ng iba pa. Naupo ang lahat sa paligid ng isang malaking batong mesa. "Pwede ka nang magsalita ngayon." Medyo masama pa rin ang pakikitungo ni Harry kahit na pinapasok niya sila at malamig silang kinausap. "Haha, Senior Brother… Oh, este Master Harry. Ipapaliwanag ko sa'yo. Hindi mo siguro to alam, pero isang grupo ng tao mula sa mainland ang nagpunta sa karagatan namin. Isipin mo: Bakit sila pupunta roon ngayong napakalayo ng lugar na'to sa Hall of Divine Royal?"Kaagad na nahulaan ng mga tao namin na alam ng mga taong ito ang lihim tungkol sa ultimate god-level, at iyon ang dahilan kung bakit nagpunta sila sa dagat namin! Ta

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1573

    Gayunpaman, nilagay ni Harry ang kamay niya sa bola at mabilis itong naglaho habang itinabi niya ito ulit. Sandaling walang masabi si Matthew bago siya umatras at umupo. "Dalawa ang bola?" sabi niya nang nakakunot ang noo. "Kaya pala hindi ka interesado na kunin ang stone ball ng Woods family!" "Mayroong higit sa dalawa nito; tig-iisa sa bawat isang Seven Dangers. Hindi ko kailangang sabihin to sa'yo, pero ayos lang na sabihin ko to sa'yo. Lalo na't kahit na sabihin ko sa'yo ang tungkol dito, malalaman mo ang tungkol dito pagkatapos mong lumabas!" nakangiting komento ni Harry. "May tig-iisa nito sa bawat isang Seven Dangers? Sa aling lugar mo naganap ang sa'yo?" tanong kaagad ni Matthew nang may naisip siyang ideya. "Alam ko ang iniisip mo. Gusto mong hanapin ang stone balls sa iba pang mapanganib na lugar, tama ba? Huli ka na. Kumilos na ang iba pang ancient clans at mga pamilya mula sa mainland at malamang nakuha na nila ang stone balls, kaya kung ako sa'yo wag mo nang isipin

Latest chapter

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status