Share

Kabanata 1573

Author: Moneto
Gayunpaman, nilagay ni Harry ang kamay niya sa bola at mabilis itong naglaho habang itinabi niya ito ulit.

Sandaling walang masabi si Matthew bago siya umatras at umupo. "Dalawa ang bola?" sabi niya nang nakakunot ang noo. "Kaya pala hindi ka interesado na kunin ang stone ball ng Woods family!"

"Mayroong higit sa dalawa nito; tig-iisa sa bawat isang Seven Dangers. Hindi ko kailangang sabihin to sa'yo, pero ayos lang na sabihin ko to sa'yo. Lalo na't kahit na sabihin ko sa'yo ang tungkol dito, malalaman mo ang tungkol dito pagkatapos mong lumabas!" nakangiting komento ni Harry.

"May tig-iisa nito sa bawat isang Seven Dangers? Sa aling lugar mo naganap ang sa'yo?" tanong kaagad ni Matthew nang may naisip siyang ideya.

"Alam ko ang iniisip mo. Gusto mong hanapin ang stone balls sa iba pang mapanganib na lugar, tama ba? Huli ka na. Kumilos na ang iba pang ancient clans at mga pamilya mula sa mainland at malamang nakuha na nila ang stone balls, kaya kung ako sa'yo wag mo nang isipin
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1574

    Ang disipulo na nag-anunsyo ng pagdating ng isa pang bisita, sa halip na umalis, ay nagdalawang-isip at tahimik na nagsabing, "Pavilion master, hindi lang siya basta-basta isang tao mula sa second o third-class aristocratic family. Siya ang young master ng Woods family, si Fane!" "Ang binatang yun?" Nagkatinginan sina Elder Moseley at Matthew habang nabigla ang mga miyembro ng Hall of Divine Royal sa balitang ito. Hindi nila alam na pupunta rin ang binatang ito. "Siya?" Nabigla rin ang Master ng Hall of Divine Royal. Kung naibang family master lang ito mula sa isang maliit at pangkaraniwang grupo, hindi niya kailangang makipagkita o kilalanin ang taong ito. Pero kung si Fane talaga iyon, kailangan niya siyang kausapin. Lalo na't nalaman niya mula sa Master ng Hall of Divine Royal na na kay ang isa sa mga batong bola. Nagtataka siyang nagtanong, "Gaano karaming tao ang kasama niya? Marami ba sila?" Doon lamang sumagot ang disipulo, "Mag-isa lang siya at nagpunta siya sakay ng

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1575

    Malamig na ngumiti si Fane habang nagsalita siya. Natuwa si Matthew nang mapansin niya kung paanong hindi nagkomento si Fane na hindi siya nagpunta nang mag-isa. Mag-isa siya at parang musika ito sa tainga niya. Whoosh!Sa sandaling iyon, lumipad din si Harry kasama ng mga tao niya habang sunod-sunod na lumipad ang mas marami pang masters ng Pavilion of Gods and Kings. Nang makita niyang dumating si Harry para pigilan sila, ngumiti si Matthew at walang pakialam na nagsalita, "Master Harry, ito ang lalaking hinahanap namin, at mag-isa siya rito. Sana di ka makialam kapag may ginawa kami pagkatapos nito. Lalo na't isa itong pribadong bagay sa pagitan naming dalawa. Pinatay ng binatang ito ang dalawang masters namin na nasa peak stage ng true god-level at marami pang masters na nasa true god-level. Oras na para bumawi kami!" Sandaling natulala si Harry bago siya ngumisi at nagkomento, "Parang di naman tama yun, Hall Master Matthew. Hindi lang kung sino si Fane; siya ang anak ng m

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1576

    Tumawa nang malakas ang isang lalaking nasa intermediate stage ng true god-level pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Fane. "Haha! Kailangan ba namin ng tulong nila? Binibiro mo ba kami, binata? May lima kaming masters na nasa peak stage ng true god-level, ang bawat isa sa kanila ay malakas. Meron rin kaming higit isang dosenang nasa final stage ng true god-level at mas marami pang nasa intermediate at initial stage ng true god-level na hindi man lang namin sila mabilang. Wala man lang sa aming nasa semi-god level. Iniisip mo ba talaga na makakaalis ka ng ligtas?" Whoosh! Whoosh! Whoosh!Nagwatak-watak ang iba at pinalibutan si Fane. Handa na silang umatake. Habang naningkit ang mga mata ni Fane, bumugso ang Chi mula sa mga kamao niya habang sumugod siya sa isang kurap. Whoosh!Naglaho si Fane mula sa kinatatayuan niya nang kasing bilis ng kidlat. "Ang bilis!" hindi makapaniwala ang lalaki, iniisip niya ay namalik-mata lang siya. "Mag-ingat ka!" kaagad na sigaw ng isang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1577

    Whoosh!Nagpadala ang espada ni Fane ng isang mala-apoy na atake papunta sa mga tao sa harapan niya. "Atake!" Hinigpitan nila ang hawak nila sa espada nila at kanya-kanyang umatake. Dahil malayo sila kay Fane, pwede silang umatake. Thoom! Thoom! Boom!Tatlong taon ang napatay kasunod ng tunog ng pagsabog habang isang lalaking nasa final stage ng true god-level ang napuruhan. Bumagsak siya sa lapag habang sumuka siya ng dugo. Sa huli ay hindi siya nakatayo ulit. "Grahh!" Sa sandaling iyon, isang elder na nasa peak stage ng true god-level ang dumiretso kay Fane para atakihin siya. Isang malaking tigre na gawa sa Chi ang lumitaw sa harapan niya at sumugod papunta kay Fane. Gayunpaman, hindi nabahala si Fane sa nakakatakot na atake at wala man lang siyang naramdamang kahit na anong bakas ng takot. "Hmph!" singhal niya habang mas tumindi ang kagustuhan niyang lumaban. Isang nakakatakot na motibasyon sa pakikipaglaban ang pumuno sa puso niya. "Big Wave Hits!" Biglang tumalon si

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1578

    Namutla nang sobra si Matthew paglingon niya. Ang atake ni Fane ay mas malakas na kumpara sa kanina, at sobrang bilis ng atake nito. Naabutan siya ni Fane sa isang iglap at malinaw na mas mabilis ito sa kanya.“Fire Phoenix Strike!” nang mapansing malapit na si Fane, wala siyang magawa habang lumilingon siya at ibinuhos ang kanyang Chi sa ultimate-grade spiritual tool na hawak niya bago ito atakihin gamit ng kanyang spada.Ang iba na mahahagip sa atakeng ito ay napahinto rin at inilabas ang kanilang mga atake.“Urgh!” isang malaking ibon na mukhang gawa sa Chi ang lumitaw sa harapan ni Matthew habang sumusugod ito paharap, dala ang isang nakakatakot na alon sa dinadaanan nito.Thoom! Thoom! Thoom!Sinugod ng mga flying sword ni Fane ang nagliliyab na ibon at inatake ito nang paulit-ulit bago ito tumalsik palayo. Sa kabila nito, nagpatuloy na sumugod ang mga flying sword ni Fane at pinigilan ang ibang mga atake.Kahit na naubos na ang mga ito, ang lakas ng bawat isang flying sword

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1579

    Habang nakatingin kay Fane na kumolekta sa mga tropeyo sa sahig, isang matandang babae mula sa Pavilion of Gods and Kings ang napasigaw, “Masyadong malakas ang lalaking ito. Sobrang dami ng pumaligid sa kanya at umatake, ngunit nagawa niyang pumatay ng higit dalawampu sa mga ito nang hindi nasusugatan. Kung hindi nakatakbo nang mabilis sila Matthew, baka namatay sila!” “Hindi natin pwedeng galitin ang taong ito; baka kailangan pa nating bumuo ng magandang ugnayan sa kanya. Maswerte tayo at hindi tayo masyadong kumikilos nitong nakaraan at hindi natin siya ginalit! Kahit na nasa peak stage ng true god-level ang batang ito, ang combat power niya ay maikukumpara sa isang ultimate god-level, at hindi pa ako nakakakita ng isang master na nasa ultimate god-level!” huminga nang malalim si Harry. Ang nasaksihan niya, lalo na ang huling atakeng ginamit ni Fane, ay tumatak sa kanyang isipan.Tumango ang First Elder ng Pavilion of Gods and Kings habang nagsasalita, “Oo, at ikinakatakot ko na a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1580

    Balak nila Matthew na maghanap ng tirahan bago nila pagdesisyunan ang susunod nilang gagawin. Handa silang bantayan ang bawat galawa ng lahat ng pwersa sa lupa sa mga oras na ito. Bukod pa riyan, nagpadala sila ng dalawang tao pabalik ng Hall of Divine Royal para makapagdala sila ng ilang master na nasa true god at semi god level pabalik. Balak nilang panatilihin ang mga master na ito sa mga islang malapit sa lupa para makapunta sila kapag kailangan nila ng maraming tao.Sa sandaling ito, si Fane, Harry at ang iba ay nagpunta sa malaking bulwagan. “Kung ganoon, Master Harry, magtapatan tayo. Nakakuha rin ako ng isa sa mga stone ball ngunit wala akong nakitang kahit ano dito pagkatapos ko itong pag-aralan sa loob ng dalawang araw. Alam kong pinag-aralan mo ito nang matagal. May nakuha ba kayo dito?” tumawa si Fane at idinagdag, “Kung may nakuha kayo, siguro pwede niyong ibahagi sa akin!” “Haha! Prangka kang bata!” tawa ni Harry pagkatapos matulala sandali. “Maraming dumalaw sa ak

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1581

    Malungkot na ngumiti si Fane. “Kailan ko lang nakuha ang bagay na ito. Pinag-aralan ko ito sa loob ng dalawang araw at nakakuha ako ng ilang impormasyon, pero hindi ito kasinlaki ng natuklasan niyo. Pareho lang ng sa inyo ang nahinuha ko!” Hindi nagulat sila Harry sa sagot ni Fane. Higit sa lahat, pinag-aralan nila ang stone ball sa loob ng napakaraming araw at lahat sila ay mga bihasa, ngunit nabigo pa rin sila. Kakakuha lang ni Fane sa stone ball, at isang bola lang ang mayroon siya. Dahil wala siyang ibang bola, natural lang na hindi niya ito susunugin at hindi siya gagawa ng kahit ano dito sa takot na baka masira niya ito.Salungat nito, mayroong tatlong bola sila Harry. Nakakuha sila ng isa para sa pagsusuri at para makita kung madali ba itong masira.Ngunit hindi nila inasahan na magsasalita si Fane pagkatapos ng sandaling katahimikan, “May kakaiba akong ideya.” “Ano ‘yun?” kaagad na nagtanong sila Harry. Pinag-isipan ito ni Fane at sinabi, “Tingin ko wala tayong makukuha

Latest chapter

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status