Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1591 - Chapter 1600

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1591 - Chapter 1600

2505 Chapters

Kabanata 1591

Sumama rin ang mga ekspresyon ng tatlo pang elder. Sa sandaling ito, nilagay ni Paul ang mga kamay niya sa likuran niya at nagsabing, "Wala tayong ibang magagawa. Kung may labanan, dahil man ito sa atin o sa galit sa pagitan ng Woods family at iba pang pamilya, kailangan nating kumampi sa Woods family at labanan ang iba kasama ng Woods family! Magkakaroon lang tayo ng pag-asang mabuhay kung lalaban tayo. Kahit na ayaw natin, wala tayong magagawa!" "Pero natatakot ako na mahihirapan tayong mabuhay sa labanang ito. Wala rito ang mga kaalyansa ng Woods family. Kung ang Hunt family lang ang nandito, kaya silang labanan ng Woods family. Pero… pero may apat na pamilya rito! Ang mas malala pa roon, tatlo sa kanila ay first-class aristocratic families! At ang laki rin ng lamang ng bilang ng tao nila. Paano tayong mananalo?" Halatang hindi kampante ang First Elder at nagsisisi pa siya. Bakit ba niya piniling pumunta sa Woods family at manghingi ng tulong sa kanila? Kung nakahanap lang sa
Read more

Kabanata 1592

"Anong pinunta namin rito? Master Woods, wag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Pinatay ng anak mo ang dalawa kong anak at dahil sa kanya ay malaki ang nawala sa ibang pamilya sa paligsahan! Oras na para tapusin na natin ang bagay na'to, tama?" Tumawa nang malakas si Quentin at lumitaw ang bangis sa mga mata niya. "Fane, nalaman na namin kung sino ang pumatay sa tatlo kong anak! At ikaw yun! Nanghihingi ako ng pag-amin at paliwanag mula sa'yo!" Humakbang paharap si Darryl, ang head ng Norman family, at tinanong si Fane nang may mabangis na titig. Punong-puno ng galit ang tono niya. "Oo! Pinatay ko silang tatlo. Hinayaan ako ng patakaran ng paligsahan na gawin iyon. At saka gusto akong patayin ng mga anak mo, hindi naman pwedeng tumayo na lang ako at hayaan silang patayin ako, di ba?" Kumibit-balikat lang si Fane. Inamin niya ang ginawa niya nang walang pag-aalinlangan. "Humph! Ang sama mong bata ka! Ikaw nga! Sabi na nga ba! Ang tapang mo rin na inamin mo ang pagpatay mo sa kan
Read more

Kabanata 1593

Gayunpaman, ngumisi si Fane sa alok ni Quentin. “Bago magsimula ang kompetisyon, kayo ang nagtakda ng patakaran at napagkasunduan niyong huwag nang habulin pa ang bagay na ito pagkatapos ng paligsahan. Ang patakaran ng kompetisyon ay isang pormal at mahalagang bagay, ngunit tinalikuran niyo pa rin ang sinabi niyo. Kaya sa tingin niyo bakit ako magtitiwala sa inyo?” “Quentin Hunt, minaliit mo ang aming Woods family! Tingin mo ba matatakot kami sa iyo dahil lang mas marami kang tao kumpara sa amin? Sasabihin ko sa’yo, sana hindi mo pagsisihan ang paglitaw mo sa tahanan ng mga Woods ngayon kapag nagsimula na ang giyera!” Maging si Nash ay tumitig nang masama dito. “Alam mo na ang anak ko ang pinakamalakas sa Woods family, kaya gusto mo siyang utuin para magpakamatay. Tingin mo ba ganito kami katanga?” “Master Hunt, hindi ka ba natatakot na mapagtawanan ng buong mundo sa ginawa mo ngayon? Tingin ko hindi mo alam kung aling pamilya ang nakakuha ng stone ball sa Bright Snow Mountain
Read more

Kabanata 1594

“Ma, tingin ko tama si Aunty Joan. Mas mabuting maghintay tayo dito!” Pagkatapos itong pag-isipan, umupo si Ben at sinabi, “Ang pinakamalala dito, baka mamatay tayong lahat! Kapag napatay sila ng kalaban, hindi rin tayo makakawala!” “Ah! Bakit ba ang malas ko? Kailan lang ako naging martial artist, umaasa akong hahaba pa ang buhay ko. Hindi ko inakalang mamamatay ako nang ganito kaaga! Bakit ba ang malas ko, nakakalungkot!” Lalo nang nalulungkot si Fiona habang naiisip niya ito. Kaagad siyang bumagsak sa sahig at nagsimulang umiyak na parang isang bata. “Ma, tigilan mo ‘yan! Nakakairita!” Sinigawan ni Ben si Fiona nang naiinis. “Kainis! Masyado pa akong mahina. Isa lang akong grandmaster sa ngayon at hindi ako masyadong makakatulong! Kung nasa semi-god realm na sana ako ngayon, sumugod na sana ako nakipaglaban kasama nila!” sigaw ni Ben habang tinitikom ang kanyang kamao. “Gusto mo bang malungkot ako lalo? Nasa labas ngayon ang ate mo, at alalang-alala na ako! Tapos gus
Read more

Kabanata 1595

Ngumisi si Fane at nagsalita nang walang-bahala. “Hahaha! Labanan natin sila hanggang kamatayan!” Ang Second at Third Elder ng Woods family—si Weston at Wade—ay nagtinginan at sabay na humakbang paharap pagkatapos, habang naglalabas ng isang malakas at nakakatakot na aura mula sa loob nila. “Ano? Di maaari! May dalawa pa silang nasa peak stage ng true god realm?” Napatingin ang mga tao ng Hunt family sa dalawang elder sa sobrang gulat; nanlaki ang mga mata nila dahil dito. Akala nila tatlo lamang ang true god peak level fighter ng Woods family. At kahit ang isa sa kanila ay makarating sa ganitong realm, hanggang apat lang ang kakayanin nila! Ngunit hindi nila inaasahang lima pala talaga sila! Higit pa rito, kung idadagdag ang First Elder ng Cabello family—si Kevin Cabello—sa listahan, anim na silang lahat! Bukod pa rito, masyadong malakas si Fane na kaya niyang labanan ang tatlo hanggang apat na elite fighter na kapareho niya ng realm. Ayon dito, kahit na magwagi sa laban
Read more

Kabanata 1596

“Patayin sila!” Sa isang utos lang ni Old Master Hunt, nailabas na ang utos ng pag-atake. “Hahaha! Patayin niyo silang lahat!” Tumawa si Fane at tiningnan ang First Elder sa tabi niya at sinabi, “First Elder, pakiusap bantayan niyo nang maigi si Selena, para makalaban ako nang hindi nag-aalala. Ipapaalam ko sa kanila kung gaano kawalang-kwenta ang mga fighter nila na nasa peak stage ng true god realm!” Nang matapos siya sa pagsasalita, naglaho si Fane at lumitaw sa harap ng labanan sa loob ng ilang segundo. “Sugurin niyo ang batang ‘yan at patayin! Isang malakas na fighter na nasa peak ng true god realm sa bawat pamilya ang bahala sa iba, at ang natitirang anim ay papaligiran ang batang ito at papatayin siya!” Sinabi ni Quentin pagkatapos itong pag-isipan. “Isama niyo na kaming dalawa!” Si Trenton at ang asawa nito—si Diana, ay lumipad at tumayo sa tabi ni Quentin. “Isama niyo na rin ako! Kailangan ako mismo ang makapatay sa mokong na ‘to!” Si Darryl mula sa Nor
Read more

Kabanata 1597

“Feral Slash!”Ang fighter ng Norman family, sa kabilang banda, ay inilabas ang martial technique ng kanyang pamilya, ang Feral Slash! Boom, bang, boom!Nang sabay-sabay, isang malakas na pagsabog ang narinig sa kalangitan, at nagkalat ang usok na para bang kumukulo ang langit. Sobra itong nakakatakot.“Ano? I-Imposible! Unti-unting kinakain ang mga atake natin!” Tiningnan ni Quentin ang kasalukuyang sitwasyon at namutla ang kanyang mukha, pakiramdam niya parang sasabog na ang dibdib niya. Ang atake nilang anim ay hindi man lang nakalamang sa laban! Ang atake ng magkabilang panig ay nanatili sa ere at pagkatapos ng sandaling banggaan, nilamon ng atake ni Fane ang atake ng iba at nakalamang siya.“Pu*angina! Sabay-sabay tayong umatake dito! Kahit na mapahina man lang ng mga atake natin ang atake niya, kahit paano kaya pa natin siyang talunin! Paanong naging ganitong nakakatakot ang lakas niya?” Nanlaki ang mga mata ni Diana at ang kanyang panga ay bumagsak sa sahig dahil sa
Read more

Kabanata 1598

“Atak, atakihin niyo sila ngayon na!” Ang mga nasa harapan ay nahirapan sa takot at ang ilang matatandang nasa late true god realm ay sumigaw. Sa kasamaang-palad, wala sa kanila ang may alam kung anong susunod nilang gagawin. Sa harap ng ganitong nakakatakot na atake, ang ilan sa kanila ay talagang lumipad palayo sa gilid, sinusubukang iwasan ang atake. Boom, boom, boom! Ang ilang mga tao naman ang nagtikom ng kanilang kamao at bibig, inilabas ang kanilang mga atake. Gayunpaman, ang mga atakeng ito ay parang isang higante sa harap ng isang mas malaking higante—napakaliit nito kumpara dito. Kaagad na nasira ang mga atakeng ito. Samantala, ang mga flying sword ni Fane ay nagpatuloy sa paglalakbay nang napakabilis, dumiretso sa mga tao. Bang, bang, bang! Ang ilang mga fighter na nasa true god elementary level at semi-god advance level ay direktang tinamaan ng flying sword at sumabog, habang ang mga nasa middle o late stage ng true god realm naman ay hindi nakaiwas sa atake n
Read more

Kabanata 1599

“Patayin sila!” Nang makitang ang ilan sa apat na pamilya ang nagsimula nang tumakas, lalong ginanahan si Fane. Malinaw na kapag nagsimula nang tumakas ang kabilang panig, hindi na mawawalan pa ng tao sila Fane. Syempre hindi hahayaan ni Fane na may mabuhay sa apat na pamilya na nasa peak stage ng true god realm. Pagkatapos ay sinugod ni Fane ang mga taong ito at kaagad silang inubos. Ang malalakas na fighter na mga ito ay isa-isang pinatay ni Fane. Sila Nash na ngayon lang nagkaroon ng oras, ay humabol sa mga may lakas ng true god-level at pinatay ang mga ito. Dahil dito ay 70,000-80,000 malalakas na tao na nawala sa mga pamilyang ito. Doon lang natapos ang laban. Syempre, ilang libong tao ang nawala sa Woods, at ilang libong tao rin ang napuruhan sa laban. Subalit, pagkatapos ng laban, ang katayuan ng Woods family sa martial world ay titibay nang husto. Maging ang four ancient clans ay matatakot na sa kanila magmula ngayon. Sa huli, nagkawatak-watak ang mga tao mula sa
Read more

Kabanata 1600

“Makinig kayo, mga tao ng branch families! Sa pagkakataong ito malaki ang ibinuhos niyo sa laban, at ito ang dahilan kung bakit nanalo tayo sa laban. Bilang gantimpala, maghahati nang patas ang main family at ang branch family sa mga nakuha natin sa laban! Naniniwala akong marami ang makukuha ng bawat branch sa labang ito, at ang mga martial ring nila ay siguradong magkakaroon ng maraming cultivation resource at kayamanan!” Nang makitang malapit nang makuha ang lahat ng mga gamit, kaagad na lumipad sa ere si Nash at inanunsyo nang malakas.“Yay! Magaling!” “Ya! Ang galing talaga ni Master Woods! At talagang makatwiran at wais siya! Kahit na malaki ang nawala sa mga branch family, sulit pa rin ito! Naniniwala talaga akong lalo lang lalakas ang Woods family!” Nagalak ang mga tao ng branch family nang marinig nila ito. Hindi nila mapigilan ang kanilang kasiyahan.“First Elder Cabello, at mga ginoo mula sa Hemperly family. Ako, sa ngalan ng Woods family, ay nagpapasalamat sa inyo n
Read more
PREV
1
...
158159160161162
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status