Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1611 - Chapter 1620

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1611 - Chapter 1620

2505 Chapters

Kabanata 1611

“Paano ‘to nangyari? Hindi ko na ito maitabi sa martial ring!” nahiya si Harry. “Mukhang kapag lumitaw na ang liwanag mula sa stone ball, hindi na natin ito maibabalik sa martial ring!” Sa kabilang banda, ngumiti rin nang nalulungkot si Fane. “Mukhang kailangan na lang natin itong bitbitin!” Pagkatapos niyang magsalita, lumipad sila palabas habang dala ang stone ball. “Fane, paano naman ang mga tao mula sa Zachary family?” hindi alam ni Nash kung dapat ba niyang papasukin ang mga tao mula sa Zachary family. Marami sa mga master ng Woods family ang nasa labas at sila ay nasa langit, nagbabantay sa kaayusan. Malinaw na ang mga miyembro ng ibang pwersa ay hindi pwedeng pumasok nang walang pahintulot mula kay Nash at Fane. Higit pa rito, ang ilang mga pwersa ay nagdala ng maraming tao. Hindi lamang ang mga nasa true god-level ang dinala nila kundi pati ang mga nasa semi god-level. Pinag-isipan ito ni Fane at sinabi, “Bahala na, magmumukha tayong madamot kapag hindi natin sila pi
Read more

Kabanata 1612

Pagkatapos itong marinig, ang mga miyembro ng Zachary ay nahiya habang ang kanilang puso ay napuno ng pagsisisi. Kung pinili nilang makipagkaibigan sa Woods family at sumama sa mga ito papuntang Black Windy Island, sana nakasundo na nila ang Woods family. Hindi sana sila itatrato nang kakaiba. Subalit, masyado nang mabait ang Woods family para papasukin ang tatlo sa kanilang kapamilya upang mapagmasdan ang nangyayari. Wala na silang magagawa kahit na paalisin sila ng Woods family. Higit sa lahat, alam nila ang lakas na kayang bumura ng apat na pamilya. Ang pinakamahalaga pa dito ay hindi malaki ang nawala sa Woods family sa labang ito. “Salamat, salamat! Masaya kaming tatlo sa mga tao namin ang pinayagang pumasok!” hindi nagtagal ay nagkaroon ng ngiti sa mukha ni Master Zachary. Pinag-isipan niya ito at sinabi, “Paano kung ganito? Papasok ako kasama ng First Elder at Second Elder. Ang iba ay pwedeng maghintay sa baba ng bundok!” “Opo, family master!” kaagad na dinala ng iba ang
Read more

Kabanata 1613

Mukhang masaya si Alejandro nang maramdaman niyang mas mataas siya sa mga Zachary. Kaagad siyang nagsimulang pumili ng mga taong sasama sa kanya. Pagkatapos niyang pumili, nakiusap siya sa ibang magpahinga sa baba ng bundok. Inggit na inggit ang mga miyembro ng Zachary family nang makita nilang hanggang dalawampung tao ang nakapasok sa Cabello family. Hindi nagtagal, dumating na rin ang mga miyembro ng Hemperly family. Natuwa rin sila nang malaman nilang dalawampu sa mga tao nila ang pinayagang makapasok. Parami nang parami ang mga dumating na pwersa. Ang mga second o third-class aristocratic family na sumama sa Hunt family papuntang Bright Snow Mountain ay nagsisi sa kanilang desisyon nang malaman nilang hanggang tatlo lamang sa kanila ang makakapasok. At para naman sa mga pwersang sumama sa Woods family papuntang Black Windy Island, kagaad nilang naramdaman na mas nakatataas sila sa ibang mga pwersa nang malaman nilang hanggang dalawampung tao ang makakapasok sa kanila. Sa
Read more

Kabanata 1614

Kaagad na nagtanong ang mga miyembro ng Pavilion of Divinity tungkol sa sitwasyon sa loob nang makarating sila. Subalit, malinaw na wala silang matatanggap na balita mula sa Fourth Elder. Sa huli, ang mga miyembro ng Pavilion of Divinity ay nakahanap rin ng lugar na tutuluyan. At para naman sa kanilang pavilion master, siya at ang ibang labinsiyam na master na may mataas na fighting prowess ang dahan-dahang pumasok ng bulwagan sa harapan nila.“Ano nang sitwasyon ngayon?” kaagad na nagtanong ang pavilion master ng Pavilion of Divinity pagkatapos niyang tingnan ang nangyayari at ang mga mata niya ay puno ng galak.“Haha… ang tagal na namin itong tinitignan ngunit wala kaming natuklasan na kahit ano. Hinawakan namin gamit ng aming kamay ang mga liwanag na ito ngunit sadyang mga liwanag lang talaga sila. Hindi namin mapapataas ang fighting prowess namin gamit ng mga liwanag na ito.” tumawa si Harry at sinabi sa pavilion master ng Pavilion of Divinity na si Aureole. Sa kabilang banda
Read more

Kabanata 1615

“Sana…sana, magkaroon ng palatandaan na magbibigay sa atin ng kakayahang makarating sa ultimate god level!” maging ang pavilion master ng Pavilion of Divinity ay hindi mapigilang itikom ang kanyang kamao nang mahigpit. Bilang isang malakas na pavilion master ng isang ancient clan, noon pa man ay kalmado siya kahit gaano pa kaseryoso ang bagay. Ngunit talagang kinakabahan siya ngayon. Hmm!Sa huli, isa pang tore ng liwanag ang lumitaw at ang pitong tore ng liwanag na magkakaiba ang kulay ang mukhang napakaganda habang sumusugod ito sa langit. “Pito na ang mga tore, pito na!” maraming tao sa labas ng bulwagan ang nakasaksi sa eksenang ito. Ang mga nagpapahinga sa sahig ay kaagad na tumayo. Kahit na hindi nila alam kung anong nangyayari sa loob ng bulwagan, napuno ng galak ang kanilang mga puso.“Mayroon nang pitong tore ng liwanag!” sa itaas ng bundok sa malayo, ang mga miyembro ng Skies Pavilion at Hall of Divine Royal ay kinabahan nang sobra. Ngunit walang naglakas-loob na kumilo
Read more

Kabanata 1616

"Ang ancient tome!" Nabigla rin si Fane nang makita niya ang sitwasyon. Nabasa niya na rin ang libro ay kahit ilang araw niya lang itong binasa, walang kahit na anong espesyal sa libro maliban sa ilang spirited grass. Sa hindi inaasahan, pagkatapos pag-aralan nang matagal ang pitong bolang ito, natawag ng mga tore ng liwanag na nagmula sa mga bola ang ancient tome. Nagulat ang lahat nang nahatak ang ancient tome. Lumipad ito sa tuktok ng mga tore ng liwanag at nanatiling nakalutang doon. Hindi nagtagal, umilaw ng ginto ang ancient tome. Gulp!Nanahimik ang mga tao sa paligid na sa sobrang tahimik ay narinig ang paglunok nila. Nakakabingi ang katahimikan nila. Iniisip ng lahat kung may mangyayari sa susunod na segundo. Hindi nagtagal, naglaro ang mga liwanag nang walang kahit na anong bakas. Bumalik sa normal ang mga bola habang bumagsak sa lapag ang ancient tome. Whoosh!Ang pavilion master ng Pavilion of Soaring Eagles ang pinakamabilis. Sumugod siya sa isang iglap at
Read more

Kabanata 1617

Hinigpitan ni Matthew ang mga kamao niya at nag-aalinlangang sumagot, "Maghintay muna tayo. Para tayong baliw kung susugod tayo ngayon. Tignan natin kung anong magiging sitwasyon mamaya." Kagaya nila, naguguluhan rin sina Joel at ang iba pa mula sa Skies Pavilion hindi nila alam ang nangyayari sa loob. Gayunpaman, wala silang magagawa kundi maghintay. Sa kabilang banda, tinitigan nina Fane at ng iba pa ang ancient tome habang binasa nila ito. "Naglaho ang mga pill remedy at impormasyon tungkol sa pills!" Pagkatapos buklatin ang ilang pahina ng ancient tome, bakas sa mukha ni Kevin ang gulat. Pagkatapos ay nagpatuloy siya, "Anong nakasulat dito?" Sama-sama itong tinignan ng lahat at nagulat silang lahat pagkatapos nila itong suriin. "Diyos ko… nakatala sa librong to na napakaraming Chi noon sa mundong ito maraming taon ang nakaraan at marami ang nakarating sa ultimate god-level. Meron pa ngang isa pang fighting prowess level na tinatawag na soul-penetrating level. Parehong nah
Read more

Kabanata 1618

"Sa Misty Forest?" Maraming tao ang nagulat nang marinig nila ito. Ang Misty Forest ay isang napaka-espesyal na lugar, at kahit na hindi ito napakadelikado, maraming tao ang hindi nakalabas mula rito pagkatapos pumasok sa gubat. Habang palalim nang palalim ang tinatahak nila sa gubat, mas lalo silang mahihirapang makalabas. Ang mas mahalaga roon, imposibleng lumipad doon pagkatapos makarating sa mamalim na parte ng Misty Forest. Ibang-iba ang pwersa ng gravity sa lugar na iyon kumpara sa labas. Habang nagdilim ang ekspresyon niya, lumingon kay Fane at nagtapat, "Sa Misty Forest nagpunta sina Lance at ang iba pa." Kumplikado pa rin ang nararamdaman niya para kay Lance. Lalo na't ginawa siyang kahihiyan ni Lily at pinarusahan niya rin si Lily. Sa hindi inaasahan, hindi man lang nagsisi si Lily at nakipagtulungan sa Lagorio family para labanan ang Woods family. Ito ang dahilan kung bakit wala na ang Lagorio family. Gayunpaman, walang alam si Lance tungkol sa nangyari noon at hin
Read more

Kabanata 1619

"Oo, at mukhang isa sa mga master na yun ang palihim na nagpaiwan para magsanay ng martial art technique na iyon para sa anak niya, pagkatapos ay sinabihan niya pa ang anak niya na magdala ng maraming tao papunta roon. Kahit na ano pa yun, umaasa rin tayo na makapunta tayo roon ngayong nakuha natin ang balitang ito at ang pitong bola!" Tumango si Nash at hindi na maitago ang pananabik niya. "Kayong lahat, kunin niyo ang mga bola niyo para maingatan niyo ang mga to!" Kaagad na sabi ni Fane pagkatapos niyang maisip ang kahalagahan ng mga bola, pagkatapos ay kinuha ng mga taong nagmamay-ari ng mga bola ang kanila. Tumingin ulit si Fane sa mga nakasulat sa likod ng libro at nagsabing, "Walang masyadong nakasulat sa likod ng ancient tome. Nakaguhit dito ang isang mapa na may direksyon papuntang Misty Forest. Sa mga direksyong ito, hindi problema kung susundan natin to." "Haha! Magaling! Kailan pala tayo aalis? Ngayon na tayo pumunta! Lalo na't dala ko na ang lahat ng mga miyembro ng p
Read more

Kabanata 1620

Dahil sinabi ito ni Harry, natural na walang komento sina Aureole at Griffen at pumayag sila. Hindi nagtagal, isa-isang lumabas ang mga master na nasa hall. Ang mga naghihintay sa labas ay matagal nang naghihintay at gusto nilang malaman lahat ang nangyari sa loob. Gusto din nilang malaman kung may nakarating na sa ultimate god-level o kung may nahanap na silang impormasyon tungkol dito. "Pavilion master, anong nangyari? Kumusta? Nakarating na ba kayo sa ultimate god-level?" "Pavilion master, nakatanggap ba kayo ng balita tungkol sa ultimate god-level? May magagamit ba tayong impormasyon? Nakita ko na nakangiti kayong lahat kaya malamang may maganda kayong balita, tama?" Kaagad na lumapit ang mga miyembro ng Pavilion of Gods and Kings at nagtanong nang may pananabik nang makita nila ang mga miyembro nila na lumabas. "Family master, kumusta?" Lumapit din ang mga miyembro ng Cabello family habang puno ng pananabik ang mga mata nila. Tinignan ni Alejandro ang mga tao at nags
Read more
PREV
1
...
160161162163164
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status