Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 1621 - Kabanata 1630

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 1621 - Kabanata 1630

2505 Kabanata

Kabanata 1621

Isa sa mga tao nila ang mapait na ngumiti at nagsabing, "Pavilion master," tumawa siya, "meron akong magandang balita! Magandang balita!" "Magandang balita?" Kaagad na kumunot ang noo ni Joel at mapilit na nagtanong, "Sabihin mo sa'kin!" "Haha! Wala silang nalaman na kahit na ano. Nakita ko ang ilan sa kanila na umalis nang malungkot," sabi ng lalaki, bakas ang tuwa sa boses niya. "Sa tingin ko ay walang kwenta ang pitong bolang iyon at posible na wala itong kinalaman sa ultimate god-level. Nagsasayang lang ng oras ang lahat sa wala!" "Ibig sabihin nito, wala pang nakakarating sa ultimate god-level, tama? Kung ganun, magandang balita nga to!" Bahagyang kumalma si Joel. Gayunpaman, bahagya siyang nadismaya nang maisip niya kung paanong para bang walang tyansa na makarating siya sa ultimate god-level. Ibig sabihin rin ba nito ay wala na silang pagkakataon? Hindi ba totoo ang ultimate god-level? Mapait na ngumiti ang isa sa mga elder at nagsabing, "Tara na, Pavilion master. Ti
Magbasa pa

Kabanata 1622

Samantala, napansin rin ni Elder Moseley mula sa Halls of Divine Royal ang problema. Hindi nagtagal ay palihim nilang sinundan ang isa pang maliit na third-class aristocratic family pagkatapos nilang mag-usap-usap. Pagkatapos lumipad nang kalahating araw, ang mga miyembro ng naunang third-class aristocratic family ay pinigilan nina Joel at ng mga kasama niya. "Master Joel, nag… nagkataon nga naman! Hindi ko inaasahan na makakasalubong kita sa ganitong lugar." Napaatras ang mga tao mula sa third-class aristocratic family nang mapansin nila ang napakaraming miyembro ng Skies Pavilion sa harapan nila. Sobra silang kinabahan; nagpunta sila rito nang may masamang binabalak. Kung hindi, bakit nila sila makakasalubong sa ganito kaliblib na lugar? "Haha… Nagkataon nga naman talaga!" sabi ng tumatawang si Joel habang tinitigan niya sila. "Master West, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa ay didiretsahin na kita. Kakaalis niyo pa lang mula sa Woods family at sinundan namin kayo sa buong pagl
Magbasa pa

Kabanata 1623

Habang nabibigla sa inaasal ni Joel, iginiit ni Master White ang sinasabi nila nang maisip nila kung gaano kabuti sa kanila si Fane. Ngunit hindi madaling mauto si Joel. Binali niya ang leeg ng elder sa pamamagitan ng paghawak dito nang mahigpit.Krak! “Fifth Elder!” marami ang nagalit nang makita nila ang nangyari at itinikom nang mahigpit ang kanilang kamay, ngunit alam nilang kaunti lamang ang tao nila kumpara kay Joel at sa tao nito. Wala man lang silang master na nasa peak stage ng true god-level. Ang pinakamalakas lamang sa kanila ay ang family master na nasa final stage ng true god-level. Paano nila malalabanan ang mga taong mula sa Skies Pavilion?“Hmph! Ayaw mong sabihin sa akin?” binalewala ni Joel ang mga nanlilisik na titig sa kanya habang inaangat niya ang isang matandang babae sa leeg. “Sabihin mo sa akin ang nalaman niyo sa loob. Kapag hindi kayo nagsalita, siya ang susunod na mamamatay!” “Lola!” isang dalaga ang nababahala ang namumula ang kanyang mga mata.“
Magbasa pa

Kabanata 1624

“Sa Misty Forest makalipas ang isang linggo?” natuwa si Joel sa balitang natanggap niya—nasabik pa siya dito. Mukhang nabigyan siya ng pag-asang makarating sa ultimate god-level dahil sa pagbisita sa Misty Forest, at mukhang isa itong malaking oportunidad para sa kanila.Tumingin si Master West kay Joel at nagmakaawa, “Master Joel, sinabi ko na sa’yo ang lahat ng nalalaman ko. Pwede mo na bang pakawalan ang anak ko at pakawalan kami?” Pinag-isipan ito ni Joel at pinakawalan ang binata bago niya sabihin, “Pwede niyo nang kalimutan ang nangyari ngayon. Hindi malalaman nila Fane na kayo ang nagsabi sa amin tungkol dito. Hindi kayo mawawalan kung ganoon!” Huminto si Joel bago siya magpatuloy, “Syempre, walang mawawala sa akin kapag nagsabi kayo. Salungat nito, iisipin ng Woods family at ng ibang ancient clan na isa kang traydor, na binuking mo sila. Walang magpapatawad sa’yo at sa buong West family!” Pinag-isipan ito ni Lily na nasa tabi nila, at sinabi kay Joel, “Honey, tingin ko d
Magbasa pa

Kabanata 1625

Bumuntong-hininga ang isang elder at nagdalamhati sa nangyari sa kanila.“Tatandaan natin ang mga ginawa nila sa atin. Ipaghihiganti natin ang mga tao natin kapag nagkaroon tayo ng oportunidad na makarating ng ultimate god-level at maging isang master!” sigaw ng anak ni Master West habang nagkakaskasan ang mga ngipin.Tumango si Master West, ngunit bumulong siya pagkatapos, “Oo, pero wala naman tayong magagawa ngayon bukod sa sumunod sa utos nila.” “Father, gaano karaming tao ba ang dadalhin natin sa Misty Forest sa mga susunod na araw?” tanong ng anak ni Master West. “Pahirap nang pahirap ang gubat tuwing palalim tayo nang palalim. Mahirap na maglakbay papasok at palabas ng lugar na iyon, at wala rin tayong alam kung saan nagpunta ang mga master na iyon. Hindi ba delikadong sumama tayo sa kanila? Wala tayong kaalam-alam!” “Tama ka, ngunit sobrang tindi ng tukso ng ultimate god-level, at dapat nating gawin ang makakaya natin upang magpadala ng maraming tao doon. Gayunpaman, tingi
Magbasa pa

Kabanata 1626

“Nagkaroon na ng pagbabago, ngunit hindi pa ako nagtatagumpay sa pag-cultivate ng pill,” sagot ni Fane nang nakangiti. “Wala akong balak na mag-cultivate ng mga pill sa mga susunod na araw para masamahan ko sila Kylie, ngunit magpapatuloy ako kapag kaya ko na at susubukan ko ang makakaya ko na maging isang third o kahit fourth-grade alchemist hangga’t maaga.” Sa susunod na mga araw, sinamahan ni Fane at Selena si Kylie, Joan at ang iba na mamasyal sa malapit na baryo. At para naman kay Ben, wala siyang magawa kundi magpaiwan dahil hindi pa siya nakakarating sa semi god-level. Sa kabilang banda, kailangan rin siya nila Fiona. At para naman kay Elaine, nakiusap si Fane sa kanya na magpaiwan at bantayan ang Woods family dahil nagpaiwan si Ben. Pinasama rin nila sa kanila sa Misty Forest ang ilang mga taong may mas mataas na fighting prowess.Upang makasiguro, nag-iwan si Fane ng dalawa hanggang tatlong miyembro na nasa final stage ng true god-level upang protektahan ang Woods famil
Magbasa pa

Kabanata 1627

Ngumiti nang nahihiya ang family master ng isang third-class aristocratic family.“Hindi na ako makapaghintay. Bakit ang tagal ng Woods family? Mauna na ba tayo? May nangyari kaya?” nagsimulang mag-alala si Harry ng Pavilion of Gods and Kings. Higit sa lahat, alam niyang ang mga pwersang tulad ng Hall of Divine Royal at Skies Pavilion ay hindi madaling banggain, lalo na ang kanyang kapatid. Kahit na tumakas ito pagkatapos matalo ni Fane, hindi ito basta na lang susuko.Nang lumabas ang lahat, malinaw nilang inilahad na wala silang natuklasang kahit ano tungkol sa pagkamit ng ultimate god-level. Subalit, kapag nagkaroon ng hinala ang mga ito sa mga nagdaang araw, may posibilidad na makakuha sila ng palatandaan.“‘Wag kayong mag-alala, ayos lang ang lahat. Kahit may magbalak man na kumuha ng mga stone ball, pipiliin nila ang mga tao mula sa ating ancient clan at hindi ang Woods family. Sa lakas ni Fane, hindi nila makukuha sa kanya ang stone ball!” ngumiti si Shelby nang walang-bah
Magbasa pa

Kabanata 1628

Matagal nang naghihintay sila Joel sa kagubatan. Nasabik si Joel nang makita niya sila Fane na lumilipad papasok ng gubat. “Magaling, napakagaling. Talagang nagtitipon sila doon!” ”Haha… tama, tama. Napatay natin ang dalawa sa mga tao nila at ang ilang tao nila ay hawak natin. Hindi sila magsisinungaling sa atin!” ngumiti si Lily habang tinititigan niya ang gubat sa harapan nila. Habang namumula ang mga mata niya, bumulong siya nang mahina, “Nandito na ako, Lance, sa gubat na ito. Pakiusap sabihin mo sa nanay mo na buhay ka pa. Nandito ka pa sa gubat na ito, tama? Siguro naligaw ka at hindi mo mahanap ang daan palabas, tama? Siguro ganoon nga!” Nang mapansin ang masamang timpla ni Lily, naiinis na sinabi ni Joel, “Tigilan mo ‘yan, siguradong matagal nang namatay ang panganay mong anak. Kilala ko ang batang ‘yun at medyo mahusay siya. Kung hindi nagpakita si Fane at hindi nagpunta sa lugar na ito ang anak mo, ang anak mo ang magiging susunod na family master!” “Tandaan mo ang dire
Magbasa pa

Kabanata 1629

Sumimangot si Matthew at naging alerto, sa takot na baka makita sila dahil magiging problema lamang ito para sa kanya. “Imposible ‘yan! Hindi aalis sila Fane hangga’t wala pa ang lahat, nangako sila. Mula sa kanilang kasuotan, ang mga taong iyon ay mula sa Skies Pavilion!”Tumingin sa malayo si Elder Moseley at kumalma nang makilala niya ito. “Sumagap ako ng balita nitong nakaraan, at ang Skies Pavilion na ito ay kalaban ng Woods family. Puntahan natin sila! Mukhang palihim rin silang nakasunod sa mga ito, at baka may ilan rin silang hostage tulad natin!” Guminhawa ang pakiramdam nila Matthew nang marinig nila ang sinabi ni Elder Moseley.Nagsimula ring ngumiti si Matthew. “Dahil kalaban natin ang kalaban nila, magkakampi tayo. Haha…! Samahan pala natin sila!” “Parating na sila! Parating na sila! Papunta sila sa atin—maging alerto kayong lahat!” naging sobrang alerto si Joel habang palapit sila sa lupa sa labas ng Misty Forest. Ang mga miyembro ng Skies Pavilion ay tumingin rin
Magbasa pa

Kabanata 1630

Walang malay sila Fane sa sandaling ito na sinundan sila ng dalawang malaking pwersa papasok ng kagubatan. Pagkatapos lumipad papasok ng mga tao sa loob ng dalawang oras, nakarating na sila sa lugar kung saan makikita ang kulay rosas na hamog. Sa sandaling makarating sila ng lugar na ito, napansin ni Fane na nagulo ang kanyang Chi at nahirapan siyang pasunurin ang kanyang Chi. Kaagad na pinahinto nila Fane ang kanilang flying sword bago sila bumaba sa gubat. “Mukhang kakaiba ang kulay rosas na hamog na ito pero medyo maganda ito tingnan. Siguro naman hindi ito delikado sa tao, tama?” nagtatakang sinabi ni Selena habang nakatingin siya sa hamog sa harapan nila. “‘Wag kang mag-alala, ate Selena. Ang hamog sa harapan natin ay hindi mapanganib sa tao!” sagot ni Selena habang naglalakad ito palapit. “Syempre, medyo manipis pa ang hamog dito at pakapal ito nang pakapal habang palayo tayo nang palayo, kaya baka maligaw tayo kapag hindi natin nahanap ang daan palabas!” Maririnig ang
Magbasa pa
PREV
1
...
161162163164165
...
251
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status