Naputulan na ng isang braso ang lalaking kalbo, kaya mahirap na para sa kanyang magdala ng ganito kalaking martilyo, ngunit hindi niya pwedeng maliitin ang lakas ng kanyang kalaban. Ang atake ng malaking martilyo ay nagdala ng isang malakas na tunog, at dumiretso kay Fane nang may malakas na pwersa. “Humph!” Gayunpaman, suminghal si Fane sa atakeng ito. Pagkatapos ay hinawakan niya nang mahigpit ang kanyang spada, pinadaloy ang Chi niya dito, at hinawi ang malaking martilyo. Swoosh! Sa isang iglap, isang nakakatakot na Chi ang lumabas at tumama nang malakas sa malaking martilyo ng kalaban. Isang malakas na pagsabog ang narinig nang magbanggaan ang dalawang malakas na atake. Si Joel, na nakatayo sa tabi, ay nanood nang nagugulat sa nangyayari sa harapan niya. Hindi mapigilang mapatalon ng kanyang puso sa kanyang lalamunan. Kapag talagang napatay ni Fane ang lalaking kalbo na ito, siguradong hindi siya pakakawalam nito. Ang lalaking kalbo, kahit na malakas ito, napuruh
Magbasa pa