Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 1661 - Kabanata 1670

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 1661 - Kabanata 1670

2505 Kabanata

Kabanata 1661

Direktang inihampas ng higanteng unggoy ang kamay nito pagkatapos nitong sumigaw nang malakas. Lumipad ang bola ng ilaw papunta kay Fane pagkatapos nitong lumitaw. "Alam ng halimaw na'to kung paano umatake nang ganito!" Hindi nagpadalos-dalos si Fane pagkatapos niyang makita ang ginawa ng halimaw. Ginamit niya ulit ang blade wave niya at nagawang harangan ang atake ng higanteng unggoy nang buong lakas. Tumingin siya sa direksyon ni Alejandro at ng iba pa na tumatakas sa malayo pagkatapos niyang harangan ang atake at nakahinga na rin siya nang maluwag. Ngayon na malayo na sina Alejandro, hindi na magiging madali para sa unggoy na mahabol sila. Kung magpapatuloy siya na pigilan ang unggoy nang ilang sandali, magiging ligtas sina Selena at ang iba pa. Kailangan nilang hindi makasalubong ang malalakas na monster beasts sa daan. Maraming mahahalagang bagay sa gubat na ito pero mukhang marami ring malalakas na monster beasts dito. Sa hindi inaasahan, mayroon ring mga monster beast na m
Magbasa pa

Kabanata 1662

Ang mga salitang martial art technique ay nagsanhi para magliyab sa sabik ang puso ni Fane. Habang osnundsn niya ang boses at lumipad, nalaman niya na maraming masters ang nag-aaway para sa mga bagay na naroon. Kabilang sa kanila ay mga elder mula sa ilang maliliit na pamilya. Ilang elders mula sa Ximenes family at Zachary family ang naroon rin. Sa gitna, may isang sinaunang stone platform at isang kulay mapusyaw na bughaw na bola ng liwanag sa tuktok ng platform. May isang sinaunang libro na lumulutang sa loob ng bola ng liwanag at malinaw na isa itong martial art technique. 'Mukhang maganda talagang lugar ang gubat na'to para maghanap ng mahahalagang gamit. Meron nga talagang martial art techniques dito!' Lilipad na si Fane papunta roon sa isang iglap. Ngunit sa sandaling ito, sumugod ang family master ng Zachary family palabas ng gubat mula sa ibang direksyon at dumiretso siya. "Haha… Isa tong martial art technique! Isa tong martial art technique! Ang martial art technique
Magbasa pa

Kabanata 1663

"Binata, hindi mo ba narinig na nasa ultimate god level na ako?" Nagngitngit ang ngipin ni Nigel, pakiramdam niya ay hindi siya nirespeto ng lalaking nasa harapan niya. "Fane?" Dahan-dahang humarap si Fane sa sandaling ito at nakilala rin ni Nigel kung sino ang taong ito. "Master Nigel, walang nagmamay-ari ng bagay na ito. Ngayon na hawak ko na'to, akin na ang bagay na'to!" Ngumiti si Fane at nagsabi habang nakatingin kay Nigel na nasa harapan niya. "Haha… Young brother Fane, sinong mag-aakala na ikaw pala yan!" Sa sandaling ito, isa pang elder ng Zachary family na nasa peak stage ng true god level ang tumawa ng malakas. "Noong nasa labas pa tayo, ikaw ang may pinakamalakas at ginagalang ka ng lahat dahil wala kaming ibang magagawa. Lalo na't kahit an family master namin o ang pavilion masters ng ancient clans ay walang laban sa'yo. Iyon ang dahilan kaya sinusunod ka ng lahat!" Huminto ang matandang lalaki bago nagpatuloy nang may malamig na ngiti sa kanyang mukha, "Pero iba na
Magbasa pa

Kabanata 1664

Pagkatapos itong marinig, ilang beses na nanginig ang bibig ni Nigel. Hindi niya naisip na makakalimutan niya ang tungkol dito. Nakalimutan niya na maraming seniors at mga lipi nila na nabubuhay sa lugar kung nasaan sila ngayon. Sinong nakakaalam kung gaano karaming grupo ang naroon? Gayunpaman, hindi nagtagal ay nagsalita siya nang nakangiti, "Wala akong pakialam. Ako ang unang taong nakarating sa ultimate god-level ngayon sa mga taong nakapasok sa lugar na'to. Sa ating lahat, kahit ang ancient clans o ang mga pamilya, kailangan niyong makinig sa'kin. Bubuo ako ng malaking grupo!" Malamig na ngumiti si Fane. "Maganda na mag-imahinasyon, pero malupit ang katotohanan. Halimbawa, hindi mo makukuha ang martial art technique na'to!" Kasabay ng pagsasalita ni Fane, itinabi niya ang martial art technique sa martial ring niya sa isang kumpas ng kamay niya. Syempre, tinignan niya lang ang sinaunang libro, at nakasulat ang pangalang 'Pride Dragon Technique' dito. Para bang magandang pan
Magbasa pa

Kabanata 1665

Lumipad ng ilang milya si Master Nigel bago niya napahinto ang sarili niya. Hindi makapaniwala ang puso niya habang nakatingin siya kay Fane. Akala niya ay hindi siya matatalo ni Fane pagkatapos niyang makarating sa ultimate god level. Ngunit ang taong napatalsik papalayo ay siya mismo. Tinignan ni Fane ang mga kamao niya at isang bakas ng gulat ang lumitaw sa mga mata niya. "Mukhang hindi naman espesyal ang lakas mo kahit na nakarating ka na sa First-grade ultimate god level. Wala kang binatbat sa monster beasts na nasa First-grade ultimate realm! Malaki ang pagkakaiba niyo!" "Young… Young Master Fane, anong ibig mong sabihin? Lumaban ka ng monster beast na nasa First-grade ultimate god realm?" Nagulat na naman ang elder ng Ximenes family sa sinabi ni Fane. Mga monster beast iyon at napakalakas nila. Hindi kayang makalaban ng mga tao sa kanila sa kakayahan nilang tumanggap ng mga atake. Ang isang monster beast na nasa First-grade ultimate god level ay maaaring mangailangan ng il
Magbasa pa

Kabanata 1666

"Haha! Iniisip mong kunin ang espadang to mula sa'kin?" Pakiramdam ni Nigel ay isa itong biro nang narinig niya ang komento ni Fane. Mabilis niyang nilagyan ng Chi ang espada niya at inihampas ang espada papunta kay Fane. "Flying Dragon Strike!" Sa sigar ni Nigel, isang malaking lumilipad na dragon na gawa sa sword aura ang mabilis na lumitaw sa harapan niya. Natakot ang lahat sa kulay gintong lumilipad na dragon. "Haha! Mamamatay ka na, binata. Ito ang pinakamalakas na skill ng master namin. Kasama ng fighting prowess niya at sa tulong ng espada… Hmph! Tignan natin kung magkakapira-piraso ka!" Tumawa nang malakas ang elder mula sa Zachary family, may bakas ng kahibangan ang titig niya. Habang nakangisi, nilagyan ni Fane ng Chi ang espada bago ito inihampas papunta sa kalaban. "Blade Wave!" Whoosh! Whoosh! Whoosh!Isa-isang lumitaw ang Chi flying swords at sumugod papunta sa kalaban. Mukha itong isang nakakatakot na dragon na gawa sa espada. Mula sa malayo, para ba itong dal
Magbasa pa

Kabanata 1667

Patuloy na sumuka ng dugo si Nigel habang isang madugong butas ang lumitaw sa dibdib niya. Nanginig ang mga mata niya sa takot nang bumagsak siya sa lapag kagaya ng isang taong nasa bingit ng kamatayan. Nahiga siya sa lapag at hindi makakilos. "Paanong nangyari yun? Napatay talaga si Nigel Zachary?" "Tama. Mukhang hindi nagsisinungaling si Young Master Fane at talagang kaya niyang pumatay ng taong mas mataas ang lebel kesa sa kanya. Higit pa roon, nagawa niyang pumatay ng isang master na nasa First-grade ultimate god-level nang nasa peak stage pa lang siya ng true god-level!" Gulat na gulat ang mga tao sa paligid, hindi nila kailanman inasahan ang eksena sa harapan nila. Nagkatinginan ang mga tao ng Zachary family bago sila napalunok ng laway. Ang elder mula sa Zachary family ang naunang kumilos, tumalikod siya at sumugod sa pag-asang makakatakas siya. Hindi siya tanga, hindi siya papatawarin ni Fane pagkatapos ng sinabi niya. Gayunpaman...Whoosh!Mabilis siyang nahabo
Magbasa pa

Kabanata 1668

'Ang Nigel Zachary na ito ay may maraming third-grade spirited grass sa kanyang martial ring!' nilabas ninFane ang lahat ng mga gamit sa martial ring ng mga tao. Ngumiti siya sa tuwa nang kunin niya ang martial ring ni Nigel at masuri ito. Mukhang maraming tao ang nakuhanan ni Nigel ng gamit nang makarating siya ng First-grade ultimate god-level. Hindi niya inaasahang mamamatay siya sa kamay ni Fane, kaya malaki ang nakuha nito sa kanya. 'Oras na para umalis! Nakuha ko na ang martial art technique. Hanapin na natin sila Selena!' ang ikinagalak ni Fane ay ang pagkuha niya ng martial art technique na magagamit para makarating sa ultimate god-level. Ang martial art technique na dating pagmamay-ari ni Nigel ay maibibigay sa kanila Nash para sa pagsasanay. Bukod dito, may isa pa siyang martial art technique, kaya madaling sabihin na napakaganda ng kinalabasan. Nakarating na sila Nash sa paanan ng bundok kinabukasan. Marami silang nahanap na spirited grass, at maswerte silang hindi mas
Magbasa pa

Kabanata 1669

Umiling si Fane at lumapit kay Selena. Sa isang pitik ng kanyang kamay, inilabas niya ang isang mas maliit na spada at inabot ito kay Selena. "Honey, para sa'yo ang spadang ito. Bagay ito sa mga babae, at isa itong ultimate-grade spiritual tool!" "Talaga?" kumislap ang mga mata ni Selena nang tanggapin niya ang spada at masaya niyang sinuri ito. "Napakaganda nito, at isa pa itong ultimate-grade spiritual tool. Honey, ang galing mo!" Naiinggit si Daniella sa mag-asawang nagtititigan. Kahit na inanunsyo na ni Helena na hiwalay na sila ni Fane at maraming nakakaalam na hindi sila magkasintahan, walang nakakaalam na nagkikita pa rin sila Daniella at Fane, kaya lalo siyang naiinis. Inilabas ni Fane ang isang martial art technique pagkatapos at inabot ito kay Nash. "Pa, nakuha ko ang martial art technique na ito kay Nigel Zachary. Nang masuri ko ito, nalaman kong ito ay isang martial art technique na hindi lamang nakakatulong sa isang taong makarating sa Ninth-grade ultimate level, per
Magbasa pa

Kabanata 1670

Nakahanap sila Fane ng isang nakatagong kuweba. Nagpadala sila ng ilang tao sa labas upang bantayan ang paligid habang ang iba ay nagtatago sa loob. Sa kabilang banda, ang mga master na nasa peak stage ng true god-level ay nagsimulang maghanda na magsubok na makarating sa ultimate god-level. Balak ni Nash na gumawa ng kopya ng kanyang martial art technique para kay Fane, ngunit hindi niya inakalang mayroon pa palang isang martial art technique si Fane. Umupo si Fane nang magkapatong ang kanyang binti at tiningnan niya nang maigi ang martial art technique. Nakasaad sa martial art technique na sobrang lakas nito at ang pagsasanay gamit ng martial art technique na ito ay makakapagpalakas ng katawan ng isang tao. Ang katawan nito ay patuloy na magiging sagana sa Chi, at makikita pa ang Chi na umiikot sa katawan nito. Kahit na hindi nagsasanay ang isang tao at natutulog, patuloy itong iikot. Matutulungan nito ang tao na mahigop ang Chi sa paligid. Ang tanging problema sa martial art
Magbasa pa
PREV
1
...
165166167168169
...
251
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status