Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1651 - Chapter 1660

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1651 - Chapter 1660

2505 Chapters

Kabanata 1651

Sa tabi ni Brother Moo, nakatayo ang isang lalaking disipulo mula sa Skies Pavilion. Kumunot ang noo niya at para bang hindi siya natuwa sa suhestiyon ni Brother Moo na pakawalan ang mga babae. "Magsalita ka! Ano ang kondisyon mo?" Tinanong ng patronum ng Pavilion of Divinity ang lalaki habang kinakagat ang mapupula niyang labi. Ang lalaki, na tinatawag ng iba na Brother Moo, ay malamig na suminghal bago binanggit ang kondisyon niya, "Simple lang. Maliban sa matabang p*tang yon, maghubad kayong lahat at sumayaw kayo sa harapan namin! Dun lang namin kayo hahayaang mabuhay, ayos ba?" "Aha! Brother Moo, magandang ideya yan! Hahaha! Magandang ideya! Gusto ko ring makita kung ano ang nasa ilalim ng marangal at mapagpanggap na mga kababaihan ng Pavilion of Divinity. Mukhang masayang mapanood silang sumasayaw, haha!" Tumawa nang malakas ang lalaking disipulo nang marinig ang kondisyon ni Brother Moo. Nagliyab sa mga mata niya ang pananabik. "Managinip na lang kayo, mga h*yop k
Read more

Kabanata 1652

"Heh! Napakayabang mo! Sino ka ba para magdeklara ng…" Nagngitngit ang ngipin ng namumunong lalaking disipulo ng Skies Pavilion na si Brother Moo. Lumingon siya at nagsalita nang pagalit. Gayunpaman, kalahati pa lang ng pangungusap niya ang natatapos niya nang lumingon siya at nakita niya kung sino ang nagsabi nito. Napahigop siya ng hangin at nanlaki ang mata niya. Ang nagsalita kanina ay ang Saintess ng Pavilion of Divinity, at bilang Saintess, kaya niya ngang magdeklara ng ganitong desisyon. "Sacred lady… Oh, diyos ko! Ang ating Sacred Lady Melody!" Napuno ng pag-asa ang mga babaeng disipulo ng Pavilion of Divinity nang makita nila na ang nagsalita kanina ay ang sacred lady ng kanilang pabulong. Namula ang mga mata nila sa eksena sa harapan nila; pakiramdam nila ay maswerte silang nakaligtas mula sa isang holocaust ngayong nandito na ang kanilang sacred lady para iligtas sila. "Saglit, nandito rin si Young Master Woods! Salamat sa Diyos!" Napansin ng ilan sa kanila a
Read more

Kabanata 1653

Raaa! Subalit, nang bubunutin na ni Fane ang spirited grass, isang nakakatakot na nagliliyab na tigre ang dumating. Habang nakanganga ito, sinunggaban nito si Fane ay bumugo ng apoy mula sa bibig nito. "Mamatay ka na!" Habang nag-aalala ang lahat para kay Fane, bigla siyang tumigil sa paggalaw, tapos kasabay ng mabilis niyang paglaho, lumitaw siya sa ibabaw ng malaking nagliliyab na tigre at hinampas ang ulo nito gamit ng kanyang kamao. Boom! Narinig ang mahinang kalabot, at ang malaking nagliliyab na tigre ay bumagsak nang malakas sa sahig, nag-iwan ng isang malalim na bangin sa lapag. Kumalat ang mga bitak sa labas ng malalim na bangin at umabot sa tatlong metro ang haba, naibunyag ang napakatinding lakas ni Fane. Nagpumiglas ang malaking tigre sa loob ng ilang segundo sa ilalim ng malalim na bangin, tapos nawalan na ng buhay. Swoosh! Pagkatapos paslangin ang tigre, doon lamang lumapit si Fane at binunot ang spirited grass. "Diyos ko! Ang asintado ng kanya
Read more

Kabanata 1654

Ilang mga disipulo ang nalulungkot, malinaw na gusto nilang maglakbay kasama ang kanilang idolo—si Fane, ngunit naiintindihan rin nila ang sitwasyon; totoo ang sinabi ni Melody at ng isa pang disipulo, kahit anong mangyari, hindi sila mula sa iisang angkan kaya kapag patuloy nilang sinamahan si Fane, siguradong hindi matutuwa dito ang kanilang pavilion master. "Bakit sila umalis?" Hindi mapigilang mapakunot ang noo ni Selena sa paglisan ni Melody habang mukhang nagtataka. "Diba mas ligtas sila kung sasama sila sa atin?" Gayunpaman, nginitian ni Fane si Selena nang nalulungkot. "Magkaiba tayo ng angkan. Tayo ang Woods family habang sila naman ang Pavilion of Divinity. Bukod pa rito ay noon pa man mababa na ang tingin ng mga taong mula sa Four Ancient Clans sa mga reclusive family na tulad natin. Kaya, nakakahiya para sa kanilang sumama sa atin at magpaalaga. Higit pa rito, kapag naglakbay tayo nang magkakasama at mahanap natin ang kayamanang nagdadala sa ultimate god realm, lala
Read more

Kabanata 1655

Pagkatapos ay ibinahagi ni Nash sa kanila ang nangyari sa kanila sa mga miyembro ng Woods family nang walang pinapalampas na detalye. "Ano? Bakit ang sama naman ng mga taong mula sa Bloodshed Clan? Talagang sinumpa nila si Young Madam Selena!" Dumaloy ang galit sa kanyang ugat at tinikom niya ang kanyang kamao habang tinitingnan ni Kenneth ang itim na bakas sa mukha ni Selena. Kilala si Selena sa kanyang kagandahan, at ang paglitaw ng itim na bakas na ito sa kanyang mukha ay nakasira sa kanyang perpektong mukha. Nagalit ang lahat nang maisip ito. Ang pinakanakakainis pa dito ay isang taon lamang ang palugit para matanggal ang sumpang ito; kapag hindi ito natanggal, mamamatay si Selena. Nagwala sila sa galit dahil sa bagong kaalamang ito. "Wala tayong magagawa sa ngayon. Hindi natin alam kung gaano kalakas ang Bloodshed Clan; ang mga pinakamahina nilang disipulo ay siguro nasa ultimate god realm, at siguradong mas marami ang mga tao nilang nasa soul-penetrating realm. Wal
Read more

Kabanata 1656

Nailang ang lahat nang marinig nila ang sinabi ni Lancelot; kumirot nang ilang beses ang kanilang bibig. May nakarating na kaagad sa ultimate god realm? "Lancelot, totoo ba 'yan? Sino 'to? At anong ginamit ng taong ito para makarating doon? Isa ba itong spirited fruit?" Naunang kumibo si Nash; lumapit siya at nagtanong. "Master Woods, hindi ito isang spirited fruit kundi isang martial art technique! Balita ko ang taong ito ay si Master Zachary! Sa ikalawang araw pagpasok nila sa lugar na ito, nahanap niya ang isang martial art tome at nakuha ang technique na nilalaman nito. At hindi nagtagal, nakarating na siya sa ultimate god realm! Naging arogante siya pagkatapos makarating ng ultimate god realm. Para makakuha ng mga spirited grass at mga kasangkapan, pumatay siya ng maraming tao mula sa Ximenes at Cabello family! Hay! Lalo na ang Ximenes family, napakaganda ng ugnayan nila ng Zachary family noon!" sagot ni Lancelot. Sumingit ang isang binata na parang natatakot, "Nakita
Read more

Kabanata 1657

Biglang kumislap ang mga mata ni Lancelot nang may dumaan sa kanyang isipan. Sa isang pitik ng kanyang palar, inilabas niya ang ilang third-grade spirited grass. "Salamat!" Pagkatapos suriin nang maigi ang mga spirited grass, dinampot ni Fane ang dalawa dito at itinabi ito sa kanyang martial ring. "isa akong second-grade advanced level alchemist, at magpapatuloy ako sa paggawa at pagpapalakas ng third-grade elementary level alchemy makalipas ang ilang araw." "Young Master Fane, nagawa mong mapatay ang dalawang fighter na nasa first-grade ultimate god level, kaya ibig-sabihin rin ba nito na hindi natin kailangang matakot sa Zachary family kapag nakasalubong natin sila?" Isang batang fighter ng Woods family ang nagtanong nang puno ng galak ang mga mata. "Hindi ko masabi. Lahat tayo ay naghahabol ng oras ngayon. Maaaring mas mahirap na makarating sa ultimate god realm, pero sa sandaling makarating ka rito, mas yayabong at mas lalakas ang iyong Chi energy, lalo na't maraming
Read more

Kabanata 1658

Tumawa si Lancelot habang inaasar si Fane. Pagkatapos ay umapak siya sa sahig at lumipad pataas sa ibabaw ng isang malaking puno. Nang makita niya nang maigi ang malaking halimaw na parang unggoy, hindi niya mapigilang mapalunok. Mula sa nakikita niya, ang aura ng monster beast na ito ay mukhang nasa first-grade ng ultimate god realm, naglalabas ng matinding aura. "Ano 'to! Ang monster beast na 'yan ay halos dalawampung metro ang taas, at ang lakas nito ay nakakatakot sobra!" Lumipad si Nash at tumabi kay Lancelot. Naging matamlay ang kanyang mukha pagkatapos makita ang sitwasyon. "Fane, malakas ang monster beast na 'yan! Tingin ko hindi mo 'yan matatalo!" lumingon si Nash kay Fane habang seryoso ang kanyang tono. Nagsalubong ang kilay ni Fane. "Kahit na hindi ko ito matalo, hindi naman siguro mahirap para sa akin na pigilan muna ito sandali. Habang inaabala ko ito, kunin niyo ang mga Cabello at tumakas na kayo. Nakikita niyo ba ang malaking bundok sa kanan? Magkita tayo do
Read more

Kabanata 1659

Sa sandaling ito, ang gwapong lalaking matagal na niyang gustong makita ay lumitaw sa kanyang isipan. Ang taong ito ay may hindi natitinag na aura. Kahit na lagi itong seryoso, lagi itong lumilitaw sa mahahalagang sandali para sagipin siya. Sa kasamaang-palad, hindi na niya ulit makikita ang nakakahumaling na taong ito bago siya mamatay. Nang palapit nang palapit ang kamao kay Daniella, ilang metro na lang ang layo sa kanya, nakita niya ang isang aninong lumitaw sa harapan niya at hinampas ang malaking kamao. 'Sino 'yan? Direkta mong inatake ang monster beast, gusto mo bang mamatay?' Sa sandaling lumitaw sa harapan niya ang anino, may naisip si Daniella. Sigurado siyang malayo sa kanya ang kanyang ama at mahuhuli ito na makalapit sa kanya. Kaya nagtaka siya kung sino ba ang aninong ito. Gayunpaman, kasunod nito, naramdaman ni Daniella na pamilyar ang anino sa harapan niya at hindi nagtagal ay napagtanto niya. Ang tao sa harapan niya ay any kaakit-akit na taong tumatakbo
Read more

Kabanata 1660

"Master Woods, bakit… bakit kayo nandito?" Pagkatapos makatakas sa malaking unggoy at makalipad sa loob ng ilang minuto, nakita na nila Alejandro sila Nash. Nagsalubong ang kilay ni Nash, tapos tinuro niya ang malaking bundok sa malayo at sinabi, "Magpunta tayo doon. May tiwala ako sa aking anak, siguradong mapipigilan niya ang unggoy na ito. At sinabihan niya kami na magpunta sa paanan ng bundok doon at maghintay sa kanya. Siguradong makakaligtas siya at makakahabol rin siya sa atin!" "Uncle Nash, si Fane… mag-isa niyang nilalabanan ang halimbawa kaya nag-aalala ako…" Kinagat ni Daniella ang kanyang labi ay nagsalubong ang kanyang kilay. "'Wag kang mag-alala. Wala rin naman tayo masyadong maitutulong kapag nagpaiwan tayo. Tara na!" Ngumiti nang maamo si Nash habang nagsasalita. "Sis Selena, ano 'yang itim na marka sa mukha mo?" Naglakbay sila patungo sa malaking bundok at makalipas ang ilang sandali doon lamang napansin ni Daniella ang itim na marka sa magandan
Read more
PREV
1
...
164165166167168
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status