Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 1681 - Kabanata 1690

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 1681 - Kabanata 1690

2505 Kabanata

Kabanata 1681

"Ganun ba? Subukan natin!" Nakangisi si Alejandro habang hinigpitan ang kanyang kamao at sumugod kay Osca. "Haha… Ako nang bahala sa iba!" Ngumiti si Fane habang bumugso ang chi mula sa mga kamao niya. May bakas ng ginto ang enerhiyang nilabas niya, pero mas matingkad ang kulay nito kumpara ng kay Alejandro. "A—Ano? Nasa ultimate god-level na rin siya?" Halatang kinabahan ang mga disipulo ni Osca nang napansin nilang nakarating na rin sa ultimate god-level si Fane. "Young Master Fane, wag… wag mong gawin to sa'min. Pinilit lang kami ng Second Elder! Hindi namin gustong mag-alsa!" Nagmakaawa ang mga disipulo ni Osca habang kinaway nila ang mga kamay nila nang mapansin nilang isa ring master na nasa ultimate god-level si Fane. Alam niya na matatalo sila. "Haha! Iniisip niyo ba maloloko niyo ko?" Ngumiti si Fane at hindi na nagsayang ng oras sa pakikipag-usap. Sumugod siya na parang isang lobo na dumaan sa isang kulumpon ng tupa. Hindi nagtagal, ilang dosenang masters ng Cabello
Magbasa pa

Kabanata 1682

Napanganga si Venus sa mga salita ni Daniella na halos parang kasya ang isang itlog sa bibig niya. Pagkatapos ng ilang segundo, nasabik siya, "Oh, diyos ko… Kapag kasama sina Fane at Master Nash, may aaot na masters na nasa First-grade ultimate god-level ang pamilya nila? Napakalakas nila!" Tinignan ni Daniella si Fane nang may malambing na tingin sa mukha niya bago siya nagsalita. "Tama. Ang lahat ng to ay dahil kay Fane, nakakuha siya ng dalawang martial art techniques at sinabihan niya kami na gumawa ng kopya ng bawat isa sa mga ito. Kung hindi, paanong makakarating si Ama sa First-grade ultimate god-level nang ganun kabilis?" Sumigla ang mga mata ni Venus nang marinig niya ito. "Talaga? Ang galing! Kung ganun, makakapagsanay din ako ng martial art technique na'to sa hinaharap. Hindi ba makakarating din ako sa ultimate god-level?""Sister, di ba kakarating mo lang sa peak stage ng true god-level? Kakarating mo lang sa peak stage pagkatapos mong pumasok sa lugar na'to. Kahit n
Magbasa pa

Kabanata 1683

Malambing na tumingin si Daniella kay Fane bago ito lumapit sa kanya habang nakatago sa likod ang kanyang kamay.Boom!Tulad ng inaasahan ni Fane, nabigo si Osca na protektahan ang kanyang sarili at yumao sa kamay ni Alejandro. Bumagsak ang katawan niya mula sa langit, at mayroong isang malaki at madugong butas sa kanyang dibdib. “Ang galing! Halos kasinlakas ko lang si Osca, at nakakasabik na makalaban ang ganitong tao! Haha!” bumaba si Alejandro at kinuha ang martial ring ni Osca. Pagkatapos ay lumipad siya kung nasaan sila Fane nang may ngiti sa kanyang mukha. “Hoy, hindi lang ikaw. Gusto ko rin itong subukan. Kung hindi ito tungkol sa pamilya mo, sumugod na sana ako doon!” tumawa nang malakas si Kenneth. Napuno siya ng galak pagkatapos niyang lumakas, at ang ganitong sitwasyon kung saan magkasinlakas sila ng kalaban ay ang pinakamagandang pagkakataon na masubukan ang kanyang lakas. “Hay… hindi ko inasahang ganito ang mangyayari. Ang Second Elder ay isang matapat na tao at h
Magbasa pa

Kabanata 1684

Naghanda sila Fane na magpahinga nang unti-unting dumilim ang kalangitan.Pagkatapos mag-atas ng ilang tao na magpalitan sa pagbabantay, nagsimula sa pagsasanay sila Nash. Wala sa kanilang nagsusubok sa kagubatan dahil masyado itong mapanganib at maraming mga halimaw doon na nasa ultimate god-level. Bukod pa rito, mayroong makapal na Chi sa lugar na iyon, at ito ang unang pagkakataong naranasan ng lahat ang ganito kakapal na Chi. Kasama ng bagong martial art technique, gusto na ng lahat na makarating sa Second-grade o maging sa third-grade ultimate god-level hangga’t maaga.Si Fane, sa kabilang banda, ay napagpasyahang magpatuloy sa pag-aaral ng paggawa ng mga third-grade elementary pill. Natuklasan niya na ang martial art technique na inaaral niya ay isang nakakamanghang technique, at ito ay dahil sa umiikot na hangin sa kanyang katawan. Patuloy na humihigop ng Chi ang hangin na ito at ginagawa itong lakas kahit na kumakain siya, natutulog, o gumagawa ng ibang bagay. Syempre, an
Magbasa pa

Kabanata 1685

“Magaling! Nagtagumpay ka na sa wakas! Kahit na mababa pa ang tiyansa ko ngayon, siguradong makakagawa na ako ng second at third pill gamit ng karanasan ko dito. Kapag nagpatuloy ako sa paggawa ng ganitong uri ng pill, tataas nang husto ang tiyansa kong magtagumpay!” tinikom ni Fane ang kanyang kamao habang umaalab ang determinasyon sa kanyang mga mata.Bukod pa rito, ang paggawa ng mga third-grade pill ay mas mahirap kumpara sa paggawa ng mga second-grade pill. Ngunit nagbunga naman ang pagtitiyaga ni Fane at nagtagumpay siya sa paggawa ng isang third-grade elementary pill.. “Itabi muna natin ito sa ngayon. Kakarating lang ng lahat sa First-grade ultimate god-level nitong nakaraan, at hindi pa kayo sanay sa inyong realm. Wala pang makakagamit ng pill na ito sa ngayon.” ngumiti nang malungkot si Fane at maingat na itinabi ang pill na hawak niya.Sa halip na magpahinga, nagpatuloy si Fane sa paggawa, ngunit nabigo siya dito. Syempre, hindi sumuko si Fane pagkatapos mabigo nang dal
Magbasa pa

Kabanata 1686

Tumawa nang malakas si Kenneth sa puntong sumakit na ang tiyan niya nang makita niya ang mukha ng mga ito.Sinabi niya pagkatapos, “Kung hindi tayo nakarating sa ultimate god level, siguradong mapapatalon tayo sa galak kapag narinig namin ang magandang balita mong ito. Subalit, hindi niyo alam na marami sa mga tao namin ang nakarating na sa First-grade ultimate god level at nakakuha na kami ng isang martial art technique. ‘Yan ang dahilan kung bakit hindi kami nasabik nang sobra!” “Paano nangyari ‘yan?!” sa pagkakataong ito, napanganga sila Titus at Yolanda at sila ang nagulat. Natuwa si Kenneth sa gulat na mukha ng mga ito at nagsalita nang nakangiti. “Ako ang may nakakasabik na balita para sabihin sa’yo. Magagalak kayo nang sobra kapag nalaman niyo ang tungkol dito!” “Talaga? May mas nakakagulat pang balita kaysa sa maraming tao mula sa Woods family ang nakarating na sa ultimate god level?” nagtinginan si Yolanda at Titus habang akala nila nananaginip sila. “Si Young Master
Magbasa pa

Kabanata 1687

Tumango si Titus kasabay nito at sumang-ayon dito dahil natatakot siya na baka tanggihan siya ni Fane sa paggawa ng mga gamot dahil mabagal siya sa pagtupad ng kanyang pangako.Ngumiti si Fane nang makita niya kung paano kumilos ang dalawa. “‘Wag kayong mag-alala. Ibigay niyo lang sa akin ang mga sangkap na mahahanap niyo sa susunod. Tataas rin ang tiyansa kong magtagumpay. Hmmm… Kailangan lang akong bigyan ng mga miyembro ng Woods family ng tatlong pangkat ng mga materyales. Magsusumikap ako para makagawa ng pill para sa inyo. Para naman sa mga kaalyado natin, kung makakpagbigay sila ng sangkap, bigyan niyo ako ng limang pangkat ng mga sangkap at susubukan kong gumawa ng isang pill!” “Young Master Fane, sinasabi mo bang bibigyan mo kami ng isang pill na gawa sa mga sangkap na ito basta mabibigyan ka namin ng limang pangkat ng ganitong sangkap?” nainggit si Alejandro noong una sa Woods family. Nanlaki ang mata niya sa galak nang marinig niya ang sinabi ni Fane. Higit sa lahat, isa
Magbasa pa

Kabanata 1688

Hindi pa nakakakita sila Fane ng pulang ahas na may dalawang ulo sa mundo nila, ngunit ang mga nilalang na ito ay nabanggit sa isang libro noon. Kapag natagpuan ang ganitong halimaw sa labas ng lugar na ito, maituturing itong isang alamat. Kahit anong mangyari, isa itong halimaw na nasa ultimate god realm. Natatakot ang lahat kahit naiisip pa lamang ito.Dito, ang pulang ahas na may dalawang ulo ay nagbabantay sa lugar kung saan may third-grade spirited grass. Ang buong katawan nito ay kulay pula, at nakakaagaw-pansin ang itsura nito. “Ang laki ng katawan nito. Ang mahinang bugso sa katawan nito ay nangangahulugang siguradong nasa second-grade ultimate god realm ito. Ang isang halimaw na tulad nito ay siguradong kasinlakas ng third-grade ultimate god level! Nakakatakot!” Sinuri ni Alejandro ang malaking pulang ahas mula sa malayo at sinabi kay Fane sa huli, “Young Master Fane, maraming spirited grass sa gubat, tingin ko dapat sukuan na lang natin ang lugar na ito. Sa iba na lang
Magbasa pa

Kabanata 1689

“Imposible. Young Master Fane, nararamdaman mo ‘yun sa ganoon kalayo? Napakalakas naman ng isip mo!” Hindi mapigilang mapasigaw ng isang binata mula sa Cabello family. “Syempre. Isa siyang third-grade alchemist, at napakatindi ng lakas ng kanyang isip. Kaya bang makaramdam nang ganito ang isang taong kapareho natin ng cultivation?” Isa pang binata ang tumingin kay Fane nang humahanga. “Second-grade ultimate god realm? Bahala na. Dahil masyadong mahalaga ang spirited grass, isa itong pagkakataon para sa atin. Nasa second-grade ultimate god realm pa lang sila. Posibleng hindi nila kayang tapatan ang halimaw. Humanap ka ng pagkakataon para nakawin yung spirited grass. Anuman ang mangyari, siguradong hindi miyembro ng Woods family o ng Cabello family ang taong ‘yun!Pagkatapos itong pag-isipan ni Alejandro, inalok niya si Fane sa isang tabi. Tumahimik sandali si Nash bago sabihin, "Siguro isa ito sa Pavilion of Divinity tama? Higit sa lahat, siyam sa sampung disipulo doon ay pu
Magbasa pa

Kabanata 1690

Nang banggitin ni Fane ang mga salitang ito, tumama nang direkta ang atake ng babae sa bola ng apoy. Bang!Narinig ang isang malakas na pagsabog. Tumagos ang sword aura ng babae sa malaking bola ng apoy. Pagkatapos sumabog ng bola ng apoy, tuluyan itong nasira. Samantala, mayroon pa ring natira sa sword aura at sumugod ito paharap at tumama sa malaking pulang ahas na may dalawang ulo. Graaa! Sumigaw nang malakas ang malaking ahas, lalong naging mabangis. Samantala, nag-iwan ng sugat ang atake ng babae na mahigit dalawampung sentimetro ang haba sa katawan ng halimbawa, at tumutulo ang sariwang dugo mula dito. Hindi maliit ang sugat na ito ngunit wala lang ito para sa higanteng pulang ahas na may dalawang ulo. Sa halip, lalo lang itong nagalit dahil dito. Muling sumigaw nang malakas ang dalawang panga nito. Kasabay nito, bumuga ito ng malalaking bola ng apoy patungo sa babae mula sa magkabilang direksyon. Malinaw na ayaw magkamali ng babae sa pagharap sa atakeng tulad nito.
Magbasa pa
PREV
1
...
167168169170171
...
251
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status