Nang banggitin ni Fane ang mga salitang ito, tumama nang direkta ang atake ng babae sa bola ng apoy. Bang!Narinig ang isang malakas na pagsabog. Tumagos ang sword aura ng babae sa malaking bola ng apoy. Pagkatapos sumabog ng bola ng apoy, tuluyan itong nasira. Samantala, mayroon pa ring natira sa sword aura at sumugod ito paharap at tumama sa malaking pulang ahas na may dalawang ulo. Graaa! Sumigaw nang malakas ang malaking ahas, lalong naging mabangis. Samantala, nag-iwan ng sugat ang atake ng babae na mahigit dalawampung sentimetro ang haba sa katawan ng halimbawa, at tumutulo ang sariwang dugo mula dito. Hindi maliit ang sugat na ito ngunit wala lang ito para sa higanteng pulang ahas na may dalawang ulo. Sa halip, lalo lang itong nagalit dahil dito. Muling sumigaw nang malakas ang dalawang panga nito. Kasabay nito, bumuga ito ng malalaking bola ng apoy patungo sa babae mula sa magkabilang direksyon. Malinaw na ayaw magkamali ng babae sa pagharap sa atakeng tulad nito.
Gayunpaman, habang napatalsik sa tabi ang babaeng nakakulay lila, ibinuwelo niya rin ang espada niya ay isang malakas na sword aura ang lumipad at tumama sa katawan ng higanteng sawa. Isa na namang sugat ang naiukit sa katawan nito at ang dugo na tumulo mula rito ay mukhang nakakatakot. Roar!Sa pagkakataong ito, nagalit ang higanteng sawa sa babae kahit na kanina pa ito malubhang nasugatan. Pagkatapos ng isa pang galit na sigaw, sumugod ito sa babaeng naka-lilang kasuotan nang pabilis nang pabilis, binuka ang panga nito, at binalak na lamunin ng buo ang babae. "Mamatay ka na!" Bumagsak ang babae sa lapag at napasuka ulit ng dugo. Namutla kaagad ang mukha niya. Kakatayo pa lang niya at binalak na mabilis na ilipat ng direksyon ang Chi niya para umatake, pero napansin niya na malala ang sugat niya at mahirap para sa kanya na mag-ipon ng Chi. Kailangan niyang magpahinga sandali. Pero malinaw na buhay o kamatayan ang pagpipilian sa kasalukuyang sandaling ito. "Mamatay na ba a
Nabigla si Fane. Akala niya ay sinundan siya ng babae at nagawa lang na makahanap ng martial art techniques dahil sa swerte. Siguro ay nakakuha siya ng kayamanan para makarating sa second-grade ultimate god realm. Hirit pa roon, inisip niya na ang babaeng ito ay malaman na isang Elder mula sa Pavilion of Divinity. Hindi niya inasahan na magugulat siya pagkatapos niyang tumingin ng diretso sa kanya. Iyon ay dahil ang babae sa harapan niya ay mukhang nasa labing-pito o labing-walong taong gulang. Walang henyong manlalaban na ganito kabata na sumunod sa kanila papasok. "Dalaga, buti na lang at nailigtas ka dahil sakto ang dating ng anak ko. Hindi mo naman siguro siya sisisihin na kinuha niya ang spirited grass mo, tama?" Sa sandaling ito, lumipad din papalapit sina Nash at ang iba pa at nagsalita siya nang nakangiti. Gayunpaman, nang tinignan niya nang maigi ang mukha ng babae, nanigas ang ngiti niya. Iyon ay dahil pakiramdam niya ay mukhang masyado pang bata ang babae. Maliban
"Talaga? Hindi mo babawiin ang salita mo?" Tinignan ng dalaga si Fane at nagtanong nang may pagdududa sa mukha niya. "Wag kang mag-alala. Nangangako ako!" Malumanay na ngumiti si Fane, pagkatapos ay inikot ang palad niya at kumuha ng isang healing pill bago ito initsa sa dalaga. "Sugatan ka kaya inumin mo ang healing pill na'to. Ako mismo ang gumawa nito." "Humph, paano kung nagsisinungaling ka sa'kin at isa tong lason?" Malamig na suminghal ang babae at nagpakita ng pagdududa ang mga mata niya. "Heh? Ngayong malala ang mga sugat mo, kung gusto kitang patayin, kaya kong gawin yun ngayon din. Bakit ko sasayangin ang sinasabi mong lason ko? Hindi ba hindi yun kailangan?" Tumawa si Fane; hindi niya alam kung iiyak siya o tatawa sa pag-iisip ng babae. Kumunot ang noo ng dalaga at doon niya lang nilunok ang pill nang nag-aalinlangan. Sasabihin ko to sa inyo. Mula ako sa isa sa Nine Armies. Sa labas ng gubat na'to, may siyam na fortresses sa malapit, at sila ang Nin
"Hmm. Mukhang binalak talaga ng mga sinaunang magagaling na fighters maraming taon ang nakaraan na abandonahin tayo!" Pilit na ngumiti nang mapait si Nash, puno ng emosyon ang mukha niya. Kung hindi dahil sa katotohanang ang alamat ng ultimate god realm ay naipasa na at saka ang katotohanang naghahanap ang lahat ng paraan para makarating sa ultimate god realm, natatakot si Nash na sa paglipas ng oras, wala nang alamat tungkol sa ultimate god realm, wala nang makakarating sa lugar na ito, at wala na ring makakarating sa realm na iyon. "Hay! Napakarami niyong biglang pumasok sa lugar na'to nang sabay-sabay. Kung malaman tong Alliance Guard, malaking problema to! Napakarami niyong nagpunta rito!" Kumunot ang noo ng dalaga habang nakatingin sa daan-daang tao sa harapan niya. Sumama ang mukha niya. Gayunpaman, pagkatapos niyang pag-isipan ang tungkol dito, lumingon siya kay Fane at nagsabing, "Hindi, bahala na. Kung hindi kayo dumating para iligtas ang buhay ko kanina, hindi ako
"Tama ka. Wala taong dapat na problemahin! Napakaswerte niyo! Wala pang ibang nakakahanap sa lugar na'to kaya wala pang nakakapasok dito noon! Dati maraming taong nagbabantay sa lugar na'to, pero sa pagtagal, paunti nang paunti ang bilang nila. Dati May malalakas na fighters na nasa soul-penetrating realm na nagbabantay sa lagusan!" Tumawa ang dalaga bago nagpatuloy, "Pero paglipas ng mga taon, pagkatapos mapansin na walang makahanap sa lagusan, wala nang may pakialam na bantayan ito! Kaya ang mga taong pinapadala sa lagusan ay karaniwang nasa mas mababang cultivation levels. Maswerte kayo, kung hindi, mamamatay kayo sa loob lang ng isang araw ng pagpunta niyo rito! At saka dahil wala nang may pakialam, naluma na ang entrance formation kaya nang pumasok ka, hindi ka pumasok mula sa tuktok ng burol pero sa ilalim. Naiba ang lokasyon ng lagusan!" "Ganun pala. Hmm. Maswerte talaga kami sa araw na yun! Kung nangyari ito noony may mga entrance guardians na nasa soul-penetrating level,
"Oo. Hindi ako sigurado kung anong ginagawa ng iba. Hay! Kung makasalubong nila ang mga tao mula sa Alliance Guard, mapapahamak sila!" Kumunot ang noo ni Nash habang nagsalita siya nang may mabigat na puso. Lalo na't sinundan siya rito nina Yule at Lizzie, ang kanyang minamahal na anak at pangalawang asawa. Kung may nangyaring masama sa kanila, tiyak na masasaktan siya nang sobra. "Hehe, wag muna kayong mag-alala tungkol dito. Malamang ligtas pa sila ngayon. Lalo na't hindi madalas pumunta rito ang mga tao ng Alliance Guard at konti lang sa kanila ang naglalakbay sa lugar na'to para maghanap ng kayamanan. Iyon ay dahil ang lugar na'to ay pagmamay-ari ng Nine Armies!" Sa sandaling ito, ngumiti ang babaeng naka-lila at nagpakilala, "At ang Nine Armies ay kumikilos sa ilalim ng slogan na 'Anti-Alliance Guard', alam niyo naman siguro kung anong ibig sabihin nun, tama?" “Anti-Alliance Guard?” Nabigla sina Nash at ang iba pa sa mga salita niya, pagkatapos ay sumigla ulit sila.
"Hmm… kung ganun…" Kumunot ang noo ni Ella. Pagkatapos ng maikling katahimikan, nagsabi na siya sa wakas, "Kaya kong magpanggap na hindi ko kayo nakita ngayong araw. Ang Nine Armies ay binubuo ng siyam na fortresses at walang kahit na anong espesyal tungkol sa'kin. Kahit na kasapi kami sa Anti-Alliance Guard, hindi kami nagkakaisa. May sariling laro ang lahat ng mga fortress at may sarili din silang kagustuhan. Kaya papayuhan ko kayo na wag pumasok sa kabit na alin sa mga fortress na yun hangga't maaari." Tinitigan ni Ella si Fane at ang mga token sa baywang nila. "Ang totoo, madaling malaman kung galing kayo sa labas na mundo, halimbawa na ang token sa baywang niyo. Dito, kahit sa Nine Armies o Alliance Guard, lahat kami ay may token na sumisimbolo sa mga clan namin sa sinturon namin. Gamit ng mga token na'to, malalaman namin kaagad kung saan sila nagmula!" Nanginig ang bibig ng lahat nang marinig ang mga salita ni Ella. Kung totoo ang sinabi niya, talagang malaking problema
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin