Share

Kabanata 1696

Author: Moneto
"Oo. Hindi ako sigurado kung anong ginagawa ng iba. Hay! Kung makasalubong nila ang mga tao mula sa Alliance Guard, mapapahamak sila!"

Kumunot ang noo ni Nash habang nagsalita siya nang may mabigat na puso. Lalo na't sinundan siya rito nina Yule at Lizzie, ang kanyang minamahal na anak at pangalawang asawa. Kung may nangyaring masama sa kanila, tiyak na masasaktan siya nang sobra.

"Hehe, wag muna kayong mag-alala tungkol dito. Malamang ligtas pa sila ngayon. Lalo na't hindi madalas pumunta rito ang mga tao ng Alliance Guard at konti lang sa kanila ang naglalakbay sa lugar na'to para maghanap ng kayamanan. Iyon ay dahil ang lugar na'to ay pagmamay-ari ng Nine Armies!"

Sa sandaling ito, ngumiti ang babaeng naka-lila at nagpakilala, "At ang Nine Armies ay kumikilos sa ilalim ng slogan na 'Anti-Alliance Guard', alam niyo naman siguro kung anong ibig sabihin nun, tama?"

“Anti-Alliance Guard?”

Nabigla sina Nash at ang iba pa sa mga salita niya, pagkatapos ay sumigla ulit sila.
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rob'z Lucero
wala na nmang update.. bakit po laging delay?
goodnovel comment avatar
rvhetong21
kapatid nya kaya si avril lavigne.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1697

    "Hmm… kung ganun…" Kumunot ang noo ni Ella. Pagkatapos ng maikling katahimikan, nagsabi na siya sa wakas, "Kaya kong magpanggap na hindi ko kayo nakita ngayong araw. Ang Nine Armies ay binubuo ng siyam na fortresses at walang kahit na anong espesyal tungkol sa'kin. Kahit na kasapi kami sa Anti-Alliance Guard, hindi kami nagkakaisa. May sariling laro ang lahat ng mga fortress at may sarili din silang kagustuhan. Kaya papayuhan ko kayo na wag pumasok sa kabit na alin sa mga fortress na yun hangga't maaari." Tinitigan ni Ella si Fane at ang mga token sa baywang nila. "Ang totoo, madaling malaman kung galing kayo sa labas na mundo, halimbawa na ang token sa baywang niyo. Dito, kahit sa Nine Armies o Alliance Guard, lahat kami ay may token na sumisimbolo sa mga clan namin sa sinturon namin. Gamit ng mga token na'to, malalaman namin kaagad kung saan sila nagmula!" Nanginig ang bibig ng lahat nang marinig ang mga salita ni Ella. Kung totoo ang sinabi niya, talagang malaking problema

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1698

    Habang nakatingin sa katawan ni Ella habang lumilipad ito palayo, kumunot ang noo ni Alejandro, at umapaw ang samut-saring emosyon sa kanyang puso. Isang matandang lalaki mula sa Cabello family ang lumapit at bumulong kay Fane, "Young Master Fane, talaga bang palalayain mo na lang siya? Nang ganoon na lang? Paano kung bumalik siya sa kanyang lugar at sabihin sa iba ang tungkol sa nangyari dito? Para sa kapakanan natin, tingin ko mas mabuting patayin na siya ngayon na! Sugatan na siya at wala siyang laban sa'yo!" Subalit, ang alok ng matanda ay hinarap ng malamig at mabagsik na titig ni Fane. "Kailan pa tayo tumalikod sa ating salita? Nangako tayong bubuhayin natin siya!" Tumigil si Fane sa pagsasalita at nagkaroon ng ngiti sa kanyang mukha. "Atsaka, napakaraming magandang impormasyon ang binigay niya sa atin! Mga impormasyong makakapagligtas ng buhay natin. Kung hindi niya sinabi sa atin ang lahat ng iyon, sumugod na sana tayo nang padalos-dalos at pumasok sa teritoryo ng Alli

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1699

    Pagkatapos itong pag-isipan ni Fane, sinabi niya sa lahat, "Higit sa lahat, kapag lahat tayo nakarating sa third-grade ultimate god realm, mas mapoprotektahan na natin ang ating sarili." "Haha. Edi hindi na ako magpipigil"Tumawa nang malakas si Alejandro. Bigla niyang naramdaman na tama ang kanyang desisyong makipagkasundo sa Woods family—isang napakagandang desisyon. Kung hindi, paano siya makakapasok nang madali sa lugar na ito at makakarating sa ultimate god realm nang ganito kaaga! Napuno ng paghanga ang puso ni Lancelot. Nitong nakaraan, nabigo siyang makarating sa first-grade ultimate god realm. Siguro kailangan niya pa ng ilang araw bago niya masubukan ulit. Higit pa rito, kahit na mukhang isang hakbang lang ang pagpunta sa first-grade ultimate realm, isa itong malaking talon. Ang isang hakbang na ito ay parang pagtawid sa isang bundok. Ang lakas ng nasa first-grade ultimate god realm at ng nasa peak ng true god realm ay ibang-iba. Kinabukasan, masayang naghanap ng spiri

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1700

    "Haha. Alam kong gustong-gusto niyo nang lumaban. Sige lang kung gusto niyo. Manonood lang ako!" Hindi alam ni Fane kung tatawa ba siya o iiyak. Umiling na lang siya at sumagot sa mga ito. "Sugod!" Matagal nang gustong ipakita nila Kenneth at Titus ang kanilang galing. Pagkatapos pakinggan ang sinabi ni Fane, kaagad silang sumugod at pinaslang ang lahat ng nasa harapan nila. Natural, sila Weston, Alejandro at ang iba ay naging alerto rin. Lumipad sila kaagad, sa takot na baka mahuli sila. "Imposible. Ultimate god status?" "Diyos ko. Ang dami nila!" Tuluyan nang nawalan ng pag-asa ang mga tao ng Pavilion of Skies nang makita nila ito. "Diyos ko. Sobrang lakas nila!" "Ilanng araw pa lang ang nakalilipas pero mayroon na agad nakarating sa ultimate god realm?" Nagulat ang mga tao ng Pavilion of Soaring Eagles. Napahanga sila sa ginintuang ilaw ng Chi. Bang bang bang!Kaagad na narinig ang tunog ng labanan at mabilis rin itong natapos. Makalipas ang isang sandali, nag

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1701

    Sa puntong iyon, si Fane na ang pag-asa ng lahat. Ang magagawa lamang nila ay magpalakas nang mabilis upang maprotektahan nila ang kanilang sarili sa mga Alliance Guard. "Hahaha, kukuha na pala ako!" Nagsimulang mamili si Fane pagkatapos tumawa nang malakas. Nitong hapon, nagpatuloy sila sa paghahanap ng spirited grass. Siguro dahil sa paglagpas nila, naudlot ng ilang araw sila Fane at halos wala silang nakasalubong na tao. Medyo nabahala si Fane dahil dito. Nag-aalala siya na baka maraming tao na ang napatay ng Alliance Guard paglabas ng kagubatan. Syempre, wala siyang pakialam sa mga miyembro ng Skies Pavilion at ng Hall of Divine Royal dahil mga kalaban sila. Kapag nakasalubong niya ang mga ito, papatayin niya rin ang mga ito. Pagsapit ng gabi, nakahanap na sila Fane ng isang liblib na kuweba. Nag-iwan sila ng mga tao para magbantay sa lugar habang ang mga kailangang magsanay ay nagsasanay sa loob ng kuweba. Umupo sa loob ng kuweba ang grupo nila Fane at inilabas ang t

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1702

    “Hahaha, pasalamat tayo kay Young Master Fane. Kung hindi dahil sa kanya, hindi natin makukuha ang mga third-grade elementary pill na ito. Malay natin kung gaano karaming spirited grass at oras ang kakailanganin natin kung dahan-dahan tayong magsasanay?!” masayang tumawa si Alejandro. Tumingin siya sa labas at sumimangot. “Sayang madilim na sa labas. Kung hindi, gusto ko sanang lumaban sa ilang mga halimaw para subukan ang aking lakas!” “Bukas na ‘yan!” Tumawa nang malungkot si Nash habang tinitikom ang kanyang kamao. Natuwa siya sa malaking itinaas ng lakas sa loob niya. “Brother Fane, Big Brother Fane, may mabuting balita ako para sa’yo. Nakalagpas na kami ni Ate!” masayang sinabi ni Yule habang sumusugod siya kay Fane. Napangiti si Fane nang marinig niya ito. “Talaga? Nasa middle stage ka na ng true god level? Ang husay mo ah. Magsumikap ka at abutin mo ang kaagad ang first-grade ultimate god realm. Sa gayon ay mas iigi ang kalagayan mo! Kapag nakarating ka sa ultimate god

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1703

    “Masyado kang mahiyain. Si Fane ay isang makatarungang pinuno. Noong pinadala ko si Lily pabalik sa Lagorio family, wala man lang pakialam dito si Fane. Hindi niya ako kailanman pinag-initan dahil dito. Maniwala ka sa akin, pantay ang trato ni Fane sa lahat. Ang pagtalaga nila sa’yo bilang isang elder ang patunay nito!” Nanatiling nakangiti si Xavier. “Kung nahihiya kang humingi sa kanya, ako ang hihingi para sa’yo. Sasabihin ko lang na nakarating ka na ng peak stage ng true god level at gusto mong pagsilbihan pa nang mas maigi ang Woods family. Siguradong mauunawaan ni Young Master Fane ang aking intensyon!” “H-H-Hindi ‘yan magandang ideya!” Kahit na gusto ni Yolanda makakuha ng isang second-grade premium level pill dahil mapapadali nito ang pagpapalakas sa kanya, nahihiya siyang manghingi nito, lalo na isa siyang babae. “Ano namang masama dito? Tatanungin ko siya para sa’yo sa loob ng ilang araw!” walang-bahalang sinabi ni Xavier. “Sige. Kumusta na kaya sila Young Master F

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1704

    “Oo, sisiguraduhin kong magsusumikap pa ako. Gagawin ko ang lahat para sa Woods family!” Malugod na tinanggap ni Yolanda ang gamot at maingat itong tinabi. “Tara na. Ang gubat na ito ay isang magandang lugar na maraming spirited grass. Basta wala dito ang pwersa ng Alliance Guard, pwede tayong magtagal dito at mapataas pa lalo ang ating fighting prowess,” sinabi ni Fane pagkatapos tumingin sa kagubatan sa harapan niya. “Hehehe, tara na. Kahit na may mga ultimate god level monster beast sa gubat na ito, parang kulang ang kanilang lakas. Nasa second-grade ultimate god level lamang ang pinakamalakas na monster beast na nakita natin. Sa ngayon wala pang palatandaan na mayroong third o fourth-grade ultimate god level monster beast dito. Kaya siguro naman ligtas dito!” Si Nash na kakarating lang ng third-grade ultimate god level ay nagsimulang tumawa. Punong-puno siya ng lakas at gusto niyang makipaglaban sa ilang mas malalakas na mga monster beast. “Hay, kumusta na kaya ang kapati

Latest chapter

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status