“Hahaha, pasalamat tayo kay Young Master Fane. Kung hindi dahil sa kanya, hindi natin makukuha ang mga third-grade elementary pill na ito. Malay natin kung gaano karaming spirited grass at oras ang kakailanganin natin kung dahan-dahan tayong magsasanay?!” masayang tumawa si Alejandro. Tumingin siya sa labas at sumimangot. “Sayang madilim na sa labas. Kung hindi, gusto ko sanang lumaban sa ilang mga halimaw para subukan ang aking lakas!” “Bukas na ‘yan!” Tumawa nang malungkot si Nash habang tinitikom ang kanyang kamao. Natuwa siya sa malaking itinaas ng lakas sa loob niya. “Brother Fane, Big Brother Fane, may mabuting balita ako para sa’yo. Nakalagpas na kami ni Ate!” masayang sinabi ni Yule habang sumusugod siya kay Fane. Napangiti si Fane nang marinig niya ito. “Talaga? Nasa middle stage ka na ng true god level? Ang husay mo ah. Magsumikap ka at abutin mo ang kaagad ang first-grade ultimate god realm. Sa gayon ay mas iigi ang kalagayan mo! Kapag nakarating ka sa ultimate god
“Masyado kang mahiyain. Si Fane ay isang makatarungang pinuno. Noong pinadala ko si Lily pabalik sa Lagorio family, wala man lang pakialam dito si Fane. Hindi niya ako kailanman pinag-initan dahil dito. Maniwala ka sa akin, pantay ang trato ni Fane sa lahat. Ang pagtalaga nila sa’yo bilang isang elder ang patunay nito!” Nanatiling nakangiti si Xavier. “Kung nahihiya kang humingi sa kanya, ako ang hihingi para sa’yo. Sasabihin ko lang na nakarating ka na ng peak stage ng true god level at gusto mong pagsilbihan pa nang mas maigi ang Woods family. Siguradong mauunawaan ni Young Master Fane ang aking intensyon!” “H-H-Hindi ‘yan magandang ideya!” Kahit na gusto ni Yolanda makakuha ng isang second-grade premium level pill dahil mapapadali nito ang pagpapalakas sa kanya, nahihiya siyang manghingi nito, lalo na isa siyang babae. “Ano namang masama dito? Tatanungin ko siya para sa’yo sa loob ng ilang araw!” walang-bahalang sinabi ni Xavier. “Sige. Kumusta na kaya sila Young Master F
“Oo, sisiguraduhin kong magsusumikap pa ako. Gagawin ko ang lahat para sa Woods family!” Malugod na tinanggap ni Yolanda ang gamot at maingat itong tinabi. “Tara na. Ang gubat na ito ay isang magandang lugar na maraming spirited grass. Basta wala dito ang pwersa ng Alliance Guard, pwede tayong magtagal dito at mapataas pa lalo ang ating fighting prowess,” sinabi ni Fane pagkatapos tumingin sa kagubatan sa harapan niya. “Hehehe, tara na. Kahit na may mga ultimate god level monster beast sa gubat na ito, parang kulang ang kanilang lakas. Nasa second-grade ultimate god level lamang ang pinakamalakas na monster beast na nakita natin. Sa ngayon wala pang palatandaan na mayroong third o fourth-grade ultimate god level monster beast dito. Kaya siguro naman ligtas dito!” Si Nash na kakarating lang ng third-grade ultimate god level ay nagsimulang tumawa. Punong-puno siya ng lakas at gusto niyang makipaglaban sa ilang mas malalakas na mga monster beast. “Hay, kumusta na kaya ang kapati
Sa sandaling iyon, maririnig ang labanan mula sa direksyon na pinupuntahan nila Fane. Si Master Yaeger at ang grupo nito mula sa Pavilion of Gods and Kings ay napapaligiran nila Elder Moseley at ng grupo nito mula sa Hall of Divine Royal. Mukhang masama ang ekspresyon ni Harry Yeager. Nitong nakaraang mga araw, nakahanap na siya ng isang martial art technique at nagawa niyang tulungan ang dalawang elder na nasa true god level na makarating sa first-grade ultimate god level. Nahiwalay ang iba sa kanyang grupo, ngunit nagawa niyang maisama ang halos walong daang tao. Ang ikinagulat nila, nakasalubong nila ang grupo ng mga galing sa Hall of Divine Royal at napaligiran sila. Kung hindi dahil sa mga ekspertong nasa true god level na nasa tabi niya, naubos na sila ng mga kalaban. Subalit, hindi mukhang maganda ang kalagayan nila. Hindi lamang sila kulang sa bilang, ngunit nakarating na rin si Elder Moseley ng Hall of Divine Royal sa second-grade ultimate god level. Higit pa rito, may
"Pavilion master, a-ayaw long mamatay dito. Napakaraming spirited grass dito napakakapal ng Chi dito. Hindi ako mapapayapa kung mamamatay ako nang ganito ngayong nakita na natin ang pag-asa!" Isang elder ng Pavilion of Gods and Kings ang lumapit kay Harvey at mahinang nagsabi pagkatapos magngitngit ang ngipin niya. Tinignan ni Harry ang elder na nakatayo sa tabi niya at natakot na baka marinig sila ng iba. Nagsabi siya pagkatapos magngitngit ang ngipin niya, "Kalokohan, sa tingin mo gusto kong mamatay? Pero ilang daan lang tayo rito at hindi pa natin nahahanap ang ibang miyembro ng Pavilion of Gods and Kings. Mapapahiya tayo kung susuko lang tayo nang ganito. Maliban roon, paano tayo susuko ngayong nakarating na tayo sa first-grade ultimate god-level?"Nanahimik ang elder pagkatapos ay nagsabing, "Pero wala nang ibang paraan. Bakit di tayo magpanggap na sumuko at maghanap ng pagkakataong makatakas? Hindi natin alam kung nakarating na sa second-grade ultimate god-level ang mga elder
Nang susuko na si Harry, biglang nakita ng elder na pinakiusapan siyang sumuko ang isang grupo ng mga taong lumilipad papalapit mula sa malayo. "Oo, hindi lang natin alam kung sa aling grupo nagmula ang mga taong ito. Maraming tao mula sa mga pwersa sa karagatan at mataas ang posibilidad na isa sila sa kanila. Kahit na mula sa mainland ang mga taong to, baka hindi tayo tulungan ng mga miyembro ng ibang pavilion. Gusto tayong atakihin ng ibang mga grupo ngayong nanghihina tayo!" Kumunot ang noo ni Harry at hindi pa rin siya masyadong umaasa. "Haha… Mukhang mga miyembro sila ng Woods family at isa sa kanila ay si Nash Woods. May sama ng loob ang Woods family sa mga pwersa sa karagatan. Nang nagpunta sila sa Black Windy Island kasama ng iba pang pamilya, nakalaban nila ang mga miyembro ng mga pwersa sa karagatan! Sigurado akong tutulungan nila tayo!" Natuwa ang elder nang bigla niyang nakita ang pamilyar na anyo sa grupo ng mga tao sa harapan nila. "Talaga? Mukhang totoo nga. P*ta,
Tuluyang nagalit ang kalaban sa mga salita ni Fane. Matagal nang ginusto ni Angus na maging hall master ng Hall of Divine Royal pero wala siyang pagkakataon na magawa iyon. Ngayon na siya na ang hall master ng Hall of Divine Royal, sinabihan siya ng lalaking ito na tibagin ang hall. Sa sobrang galit ay naging kulay asul ang mukha niya bago ito namutla. Gayunpaman, nagngitngit ang ngipin niya pero hindi siya kaagad kumilos. Lalo na't hindi mahalaga kung lumakas si Fane. Kahit na hindi lumakas ang lalaking ito, may lakas siya na maikukumpara sa mga master na nasa first-grade ultimate god-level. Higit pa roon, ang pinagsamang bilang ng mga tao ni Fane at ng sa Pavilion of Gods and Kings ay mas malaki kumpara sa kanila. Mas kaunti rin ang bilang ng mga tao na nasa ultimate god-level sa panig nila kumpara sa panig ni Fane. Kung lumaban sila sa ilalim ganitong sitwasyon, maliit lang ang tyansa nilang manalo. Kahit na manalo sila, malaki ang mawawala sa kanila. "Hall master, tignan mo. Mu
Isa pang lalaki ang nagpahayag ng kalungkutan niya at mukhang naiiyak. "Hindi kailangang masyadong malungkot ng lahat dahil natutunan nating kumuha ng buhay at kamatayan nang ganoon kadali dahil mga trainer tayo. Kahit na medyo masaklap ang kamatayan ng hall master, ganito talaga ang buhay!" Malungkot din ang ekspresyon ni Angus bago siya seryosong nagpatuloy, "Gayunpaman, hindi niyo kailangang mag-alala. Pagkatapos kong maging hall master, tiyak na pamumunuan ko ang Hall of Divine Royal sa isang bagong kinabukasan." Huminto rito si Angus bago nagpatuloy na magsalita, "Pero, mah ilang isyu na kailangang ayusin at sana matulungan tayong lahat. Magtulungan tayo na tapusin muna ang mga kalaban natin dito bago tayo mag-usap tungkol sa ibang bagay!" Ngunit nagdilim ang ekspresyon ni Elder Lawrence at direktang nagsabi, "Elder Moseley, parang hindi naman tama na tawagin mo ang sarili mo na leader, di ba? Oo, maituturing kang isa sa top elders ng Hall of Divine Royal noon at gusto ka ng
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin