Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 1491 - Kabanata 1500

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 1491 - Kabanata 1500

2505 Kabanata

Kabanata 1491

Dalawang kalabog ang narinig; ang dalawang lalaki ay nangisay sa malayo, at ang bawat isa sa kanila ay sumuka ng dugo at nagtamo ng mga sugat. Roar! Subalit, ang green dragon ay hindi tumigil sa pag-atake. Binaluktot ni Fane ang katawan niya, at lumipad siya sa langit at nagbalak muli na sumugod. Pagkatapos ay lumipad siya pababa patungo sa direksyon ng isa pang lalaking umaatake sa kanya. Pagkatapos malaman na sugatan ang mga kalaban, umatake ang lalaking ito nang ilang beses ngunit wala itong naging epekto sa katawan ni Fane. Sumugod diretso sa kanya ang green dragon nang sobrang bilis, at namutla ang kanyang mukha habang nagmamadali siyang tumatakbo sa direksyon ng matanda at ng dalawa pang lalaki. “Kayong lahat, dali! Atakihin niyo ‘yan! Dali…” tumakbo siya habang nagsasalita. Roar! Ngunit bago pa siya matapos sa pagsasalita, isang malaking dragon claw ang bumaba mula sa langit at hinablot siya nang sobrang lakas at dinurog siya nang pinto. Isang malakas na elite fi
Magbasa pa

Kabanata 1492

“Young Master Fane, ayos ka lang ba? Kumusta na ang mga sugat mo? Malubha ba ito?” Nang makitang nasa ganitong kalagayan si Fane, medyo nabahala si Kenneth sa loob niya, sa takot na baka nagtamo ng malubhang pinsala si Fane. “Ayos lang ako. Magagawa lamang ang human-dragon transformation technique kapag nakarating ako ng true god realm, at hindi ko ito nagawa nang maayos. Ang mabuti na lang sa technique na ito ay ang kabuuang lakas ay tumataas nang husto, pero ang masama dito ay masyadong malaking Chi energy ang ginagamit nito!” Ngumiti nang nanlulumo si Fane bago magpaliwanag, “Kailangan ko nang ibalik ang Chi energy ko. Magpahinga muna tayo nang mga isa hanggang dalawang oras!” “Mabuti at ayos ka lang. Nagagalak ako!” Kaagad na nakahinga nang maluwag sila Nash at Kenneth pagkatapos marinig na ayos lang si Fane. Ang bigat ng kanilang kalooban ay naalis na. Pagkatapos magpahinga, gumaling na ang sugat nilang lahat, at unti-unti nang bumabalik ang mga Chi energy ni Fane
Magbasa pa

Kabanata 1493

Pagkatapos isipin ang bagay na ito, sinabi ni Nash nang nakangiti. “Tsk, siguro sa pagkakataong ito iiyak nang sobra ang Skies Pavilion. Anim sa mga fighter nila na nasa peak stage ng true god realm ang namatay nang sabay-sabay. Isa itong malaking kawalan para sa kanila! Noong una, masasabing ang four ancient clans ay magkatumbas sa lakas, pero ngayon ang Skies Pavilion ay maituturing na lang na ‘bunso’ sa harap ng ibang mga ancient clan!” Medyo nasabik si Kenneth nang maisip niya ang magiging reaksyon ng master ng Skies Pavilion na si Joel Collins kapag nalaman niyang namatay ang anim sa mga elite fighter niya. “Hindi ako interesado sa kung paanong kikibo si Joel, sa halip, mas gusto kong malaman kung paano ang magiging reaksyon ni Lily kapag nalaman niya ang tungkol dito!” Ngumiti rin si Nash. “Siguro hindi nila iisipin na tayo ang mga pumatay, at baka isipin pa nila na kagagawan ito ng mga tao mula sa ibang ancient clan!” “Tama. Siguradong hindi nila inaasahang mapapat
Magbasa pa

Kabanata 1494

“Ano? Napatay mo ang anim na elite fighter na nasa peak stage ng true god realm nang mag-isa?” Napasingap si Selena sa nalaman niyang balita, nagtataka kung nagkamali ba siya ng dinig. Ang asawa niyang si Fane, diba kailan lang siya nakarating sa late stage ng true god realm? Paano niya magagawang pumatay ng anim na elite fighter nang mag-isa? “‘Wag kang makinig sa First Elder, kalokohan ang sinasabi niya! Kung hindi dahil sa tulong nila ng tatay ko sa pagpigil sa apat, paano ko magagawang patayin ang anim nang mag-isa?” Sumagot si Fane nang naluluha at natatawa.Paano niya aakalaing papalalain ni First Elder ang sitwasyon nang ganito? “Ang lakas rin niyan!” Nanigas si Selena at nginitian si Fane. “Kung ganoon, magpahinga ka muna. Maligo ka muna at magpalit ka ng damit. Tingnan mo ang katawan mo, puro dugo!” “Sige pala, hindi na namin kayo aabalahin, umalis na tayo! Magpahinga ka nang maayos sa darating na mga araw at aalis tayo ulit sa susunod na sampung araw!” Ngu
Magbasa pa

Kabanata 1495

“Wow! Ang galing! Nakasakay na ako sa isang flying sword!” Si Kylie, na ngayong nakaupo na sa flying sword, ay nakatitig sa sampung libong liwanag sa ibaba; hindi niya mapigilang mapasigaw nang malakas habang ang tono niya ay puno ng kagalakan. Kinabukasan, naiinipna si Lily sa kanyang tahanan, nagtataka kung bakit hindi pa bumabalik ang anim na elder. “Honey, bakit hindi pa sila nakakauwi? Ayon sa plano, dapat nakauwi na sila ngayong umaga, diba? Pero tanghali na, at wala pa ring nakakauwi!” Lumapit si Lily kay Joel at nagduda habang nakakunot ang noo. “Heh, bakit ka nagmamadali? Hindi naman problema sa anim na ‘yun na patayin ang tatlong langaw na ‘yun! Siguro humanap sila ng lugar para uminom pagkatapos manalo sa laban. ‘Wag kang mag-alala! Siguradong uuwi na ‘yun mamayang hapon!” Umiling si Joel at ngumiti nang walang-bahala, hindi man lang nag-aalala sa kung anong mangyayari sa anim na elder na pinadala niya. Subalit, nitong hapon, medyo nag-alala si Joel nang hind
Magbasa pa

Kabanata 1496

“Master, hindi kami sigurado tungkol dito. Lalo na, hindi namin ito nasaksihan. Ang buong paligid ay napapalibutan ng kagubatan, at wala namang tao sa paligid, kung kaya bakit imposible na imbestigahan kung ano ang nangyari!” Nagpakita ng isang mapait na ngiti nag matanda, bakas sa kanyang ekspresyon na wala siyang magawa. “Nangangahulugan lang ito na ang lugar na pinili ng anim ay talaga ngang nababagay para tambangan at patayin si Nash Woods at ang iba pa. Pero ang dahilan kung bakit biglang may lumitaw na mga mababangis na mga halimaw at pinatay silang anim, wala kaming makitang palatandaan!” Dito, huminto sandali ang matanda bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Oh, tama. Hindi namin masabi mula sa natamo nilang pinsala sa pinangyarihan dahil karamihan ng laban ay nangyari sa himpapawid.”‘Anong klase ng halimaw naman ito, para magawang patayin silang anim? Kahit na ang mga halimaw na ito ay nasa rurok ng kanilang true god status, sigurado naman na mahihirapan silang patayin lahat
Magbasa pa

Kabanata 1497

"Higit sa lahat, kung nakita ng tatlong lalaki mula sa Woods family ang kanilang mga katawan, malamang na hulaan nila na nagpadala ako ng mga tao para tambangan sila. Kung ganoon ang kaso, tiyak na mag-iingat na sila mula ngayon!"Dagdag ng matandang lalake pagkatapos isipin ang tungkol dito. “Sige. marahil ay naging mahirap para sa inyong lahat ito. Magpahinga na muna kayo!”Ikinaway ni Joel ang kanyang kamay, senyales na bumaba na ang lahat. “Ah, malaki ang kawalan na ito. Dahil dito, hindi na natin magagawang tumingala sa harapan ng natitirang tatlo na mula sa Ancient Clans!” Napabuntong hininga lang si Joel nang wala na ang lahat ng mga tao. Tinignan niya si Lily, at nabahiran ng pagsisisi ang kanyang puso. Maganda siya, ngunit nakakapanghinayang lang na ang kanyang pavilion ay kailangan magdusa ng isang malaking kawalan ng dahil sa kanya. Sa bandang huli, umupo sa isang tabi si Joel. “Mabuti na lang at marami pa ang mga nasa advance stage ng true god realm sa ating pavi
Magbasa pa

Kabanata 1498

“Imposible. Nakalagpas na din ang Second Elder?” Ang lahat ay huminga ng malalim nang makilala nila ang taong lumabas. Anong nangyayari sa araw na ito? Dalawang Elder na nasa late stage ng true god status ay biglang nakarating sa tuktok ng sunod-sunod. Ngayon, dahil sa wala pa ding paraan para makarating sa ultimate god status, ang rurok ng true god status ay ang pinakamataas na cultivation level. “Magaling!”May ilang tao na nasa intermediate stage ng true god realm ang humahanga sa kanya. Ang mga nakarating na sa peak stage ng true god realm ay mala-diyos para sa kanila. “Nakalagpas kla na din?” Nakita ng Second Elder si Lancelot at nagulantang ng ilang sandali. Bigla siyang natauhan. “Haha. Nauna ako sayo ng isa o dalawang minuto. Lumabas ka pagkatapos kong lumabas!” Sabi ni Lancelot, tumatawa. “Maganda ito. Haha. Magaling! Hindi ko inaasahan na kayong dalawa ay makakalagpas. Kung ganun, bakit pa tayo matatakot sa kahit an sino? Hindi na natin kailangan na matakot sa
Magbasa pa

Kabanata 1499

“Haha. Hindi mo pa din alam kung ano ang ibig sabihin nito, bata? Ibig sabihin lang nito ay ikaw na ngayon ang top alchemist!”Natatawang sabi ni Titus. Nakita ng First Elder na mukhang hindi nauunawaan ni Fane ang sitwasyon at nagpaliwanag, “Noon, ang tanging mga tao lamang na may kakayahan sa alchemy ay sina Second Young Master Hunt at ang First Elder ng Cabello family. Matagal na namin silang hinahangaan, at ng marinig namin na nagsasanay ka din ng alchemy, lubos kaming nasiyahan. Pagkatapos mamatay ng Second Young Master Hunt, tanging ikaw at ang First elder ng Cabello family ang natitirang nagsasanay ng alchemy!” Dito, huminto sandali ang First Elder bnago nagpatuloy sa pagsasalita, “Ang First Elder ng Cabello family ay isang second-grade elementary alchemist. Kahanga-hanga na iyon, ngunit ikaw na ngayon ay isang second-grade intermediate alchemist. Sabihin mo sa akin, hindi ba’t ikaw na ang pinakamagaling na alchemist ngayon?” “Imposible. Akala ko ang First elder ng Cabell
Magbasa pa

Kabanata 1500

Sa katunayan, nag-aalala si Xavier. Lalo na, nang matanggal kay Lily ang kapangyarihan nito, nag-aalala siya na baka mapatay ito habang nasa daan, o kaya naman ay maaksidente ito. Iyon ang dahilan kung bakit niya ito hinatid. Habang nasa daan sila, sinubukan niya na kausapin ito para matauhan si Lily, sa pag-asang hindi siya magtatanim ng galit laban sa Woods family. Sinabi niya dito na mali ang ginawa niya, at umaasa siya na kalimutan na lang ng dalawang pamilya ang bagay na ito. Sublet, walang sinabi ni isang salita si Lily. Nagpakalunod siya sa kanyang kalungkutan, at hindi niya alam kung ang kanyang mga salita ay may epekto ba kay Lily. Ngayon nga lang, bukod sa hindi isinasapuso ni Lily ang kanyang mga payo, kinamumuhian niya ng husto ang Woods family na gusto niyang patayin silang lahat. Wala siyang magawa. Alam niya na si Nash ay isang mabuting tao, ngunit natatakot siya na baka hindi matuwa sa kanya ang mga miyembro ng Woods family. Lalo na, sinamahan niya si Lily p
Magbasa pa
PREV
1
...
148149150151152
...
251
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status