Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1501 - Chapter 1510

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1501 - Chapter 1510

2505 Chapters

Kabanata 1501

Mapait na ngumiti si Xavier. Alam na alam niya ang hangganan ng talento niya at inisip niya na wala na siyang masyadong pag-asa sa kasalukuyan niyang buhay. At saka kahit na isang alchemist si Fane, hindi niya kayang sayangin ang pills na binigay niya. "Ang bawat isang tao ay dapat na mayroong layunin. Kung hindi, ano pang pinagkaiba natin sa daing? Hindi ba?" Tinignan ni Fane ang mga tao, nagsalita siya habang tumatawa. "Oo. Haha!" Tumawa ang lahat. Puno ng pag-asa ang lahat ng hinaharap nila. "Binigyan mo ng pills ang lahat. Ngayon, ano nang gagamitin mo para i-cultivate ang sarili mo? Hindi ba sinabi mo na aakyat ka muna sa peak ng true god status bago pumunta sa estate ng Cabello family?" Tinignan ni Nash si Fane at mapait na ngumiti. "Wag kang mag-alala, Ama. May oras pa naman ako, di ba? Gagawa ako ng mas maraming pills mamaya at bukas. Pagkatapos, susubukan kong lumakas. Nakapagpasya na ako na ayos lang kahit hindi ako magtagumpay ngayon. Pwede ko tong subukan ulit
Read more

Kabanata 1502

Dalawang araw bago sila umalis papunta sa estate ng Cabello family, kinakabahang naghihintay sina Nash at ang ilang elders sa gate. Gusto nilang lahat na malaman kung nagtagumpay si Fane, lalo na't kailangang niyang magsanay ng alchemy at subukang lumakas sa loob lang ng maikling panahon. Higit pa roon, kung hindi siya lalabas kaagad, hindi sila makakaabot sa tinakdang oras. Lalo na't medyo malayo-layo rin ang Cabello family estate mula sa Woods family estate. At sa wakas, habang puno ng kaba ang lahat, dahan-dahang bumukas ang gate. Lumabas si Fane. "Young Master Fane, nakalabas ka na rin sa wakas. Nagawa mo bang pataasin ang lebel mo?" Ang First Elder, si Titus, at ang iba pa ay tumingin kay Fane sa pananabik. Alam nilang lahat na may nakakatakot na fighting prowess si Fane. Kung makakarating si Fane sa peak ng true god status, wala na talaga silang dapat na katakutan. Habang nakatutok ang mga mata ng lahat sa kanya, bahagyang tumango si Fane. "Haha. Wag kayong mag-alala
Read more

Kabanata 1503

"Syempre. Haha. Lalo na ang Lagorio family. Burahin natin sila kapag nagtangka silang gumawa ng gulo para sa'tin. Tignan natin kung magtatangka pa silang lumaban sa'tin!" Natawa ang First Elder. Kinaaayawan ng lahat ang Lagorio family, lalo na si Lily Lagorio. Kahit pagkatapos niyang gumawa ng mga malalalang krimen, nagtangka pa rin siyang magsabi na maghihiganti siya. Higit pa roon, hindi lang siya hindi nagsisi, ginamit niya pa ang Skies Pavilion para patayin ang Woods family. Nitong nakaraan, kung hindi lang mayroong seryosong alas si Fane, malamang ay napatay na silang tatlo ng anim na fighters. Kung patay na silang tatlo, hindi magtitira ang Lagorio family ng kahit isang miyembro ng Woods family. "Pwedeng sumama ang lahat ng nasa true god status at semi-god status. Pero kailangan pa rin nating mag-iwan ng walong taon na nasa true god status, at higit sampung tao na nasa semi-god status. Babantayan nila ang Woods family estate!" Sabi ni Fane pagkatapos niya itong pag-isipan
Read more

Kabanata 1504

"Oh, kaya ka pala nagsisikap para sa lalaking yun. Masasabi ko lang na nakakamangha ang kapangyarihan ng pag-ibig!" Tinignan ni Helena si Daniella at hindi niya mapigilang asarin siya, "Oo nga pala. Malamang darating bukas ang lalaking gusto mo. Anong nararamdaman mo ngayon? Kinakabahan ka ba? Nasasabik?" Mas lalong nahiya si Daniella nang inasar siya ng ate niya. Binaba niya ang kanyang tingin at yumuko. "Syempre. Hindi ba ako pwedeng masabik at kabahan nang sabay? Matutuwa kaya siya na lumakas ako?!" "Heh. May relasyon ka na sa kanya. Wala pa lang kayong opisyal na anunsyo. Syempre, matutuwa siya na lumakas ka!" Ngumiti si Helena habang bumaha sa puso niya ang pagkamangha. Masaya siya para sa kapatid niya na nakahanap ng isang nakamamanghang lalaki. Gayumpaman, hindi niya alam kung bakit mayroon ring inggit sa puso niya. "Anong relasyon? Ikaw ang may relasyon sa kanya. Tinanggap ka na ng lahat! Sinong makakaalam kung kailan namin pwedeng sabihin ang relasyon namin?" Kinag
Read more

Kabanata 1505

Inirapan ni Helena si Daniella. "Sinabi ko kay Ama na nangako ka na magbibigay ng Bone Marrow Cleansing Water sa Woods family," sabi niya. "Hindi ko gusto ang ideya ng pagnanakaw, kahit na pag-aari to ng pamilya natin. Kaya sinabi ko to kay Ama. Hindi ko inakala na papayag siya nang ganoon kadali. Sinabi pa niya na hindi siya nakatanggap ng balita na napatay si Master Woods, ibig sabihin nito ay nagawang labanan ng Woods family ang pag-atake sa kanila. Hindi na natin pwedeng maliit ang Woods family at kailangan nating bumuo ng magandang ugnayan sa kanila!" "Si Ama pala ang nagbigay nito. Ang bait naman niya. Akala ko magagalit siya kapag nalaman niya. Hindi ko rin inakala na magbibigay siya ng napakaraming Bone Marrow Cleansing Water!" Mas lalong sumaya si Daniella. Nasasabik siya na para bang isang batang nakakuha ng candy. "Heh. Sinabi ni Ama na tinulungan tayo ni Fane na patayin si First Young Master Hunt at niligtas niya ang napakarami sa tao natin, kaya dapat nating panatili
Read more

Kabanata 1506

“Pero kailan lang namatay ang First at Second Young Master ng Hunt family. Siguradong hinahanap ng mga miyembro ng hunt family kung sinong pumatay sa kanila. Talagang hindi ito ang oras para ianunsyo ko ang paghihiwalay namin ni Fane!”Pinag-isipan ito ni Helena nang matagal bago sabihin ang nasa isip niya.Nang marinig niya ito, nagsalubong ang kilay ni Daniella. Nag-isip siya saglit bago sumagot, “Hindi na ‘yan mahalaga. Kahit anong mangyari, hindi ka naman na guguluhin ni Second Young Master Hunt. Heh. Kapag lumipas ang panahon, makakalimutan na rin ng mga tao ang tungkol dito. Kapag may nagtanong sa’yo, sabihin mo lang na naghiwalay kayo dahil sa pagkakaiba niyo na hindi niyo na maaayos!” “Hinihintay mo lang na matapos ang pekeng pagsasama namin para makasama mo si Fane, diba?” Inirapan ni Helena si Daniella, at palabirong sinabi, “Seryoso. Siguro dapat angkinin ko na lang siya. Ang ganda naman ng boyfriend mo eh!” “Ate, i-ikaw. Kapag ginawa mo ‘yan, magagalit talaga ako!”
Read more

Kabanata 1507

“Totoo, nakakapagtaka. Wala ring balita mula sa Skies Pavilion. Kung iisipin, siguro pinakasalan lang ni Lily Lagorio ang master nila para atakihin ang Woods family. Kahit tanga malalaman ‘yan!” Kumunot ang noo ni Alejandro. Kaagad na bumaba ng bundok ang dalawa. Hindi nagtagal, dumating na ang ibang mga first-class family. Nang mapansin ni Master Hunt sila Fane, nagdilim ang mukha niya. Nagkaroon siya ng kagustuhang balatan nang buhay si Fane. “Master Woods, hindi ko inakalang magiging ganito kalakas ang anak mo. Hindi naman ata sobra kung tawagin siyang isang henyo, diba?” Komento ni Old Master Hunt pagkatapos makita si Nash.“Heh. Hindi ko alam ang sinasabi mo, Old Master Hunt!” Natawa si Nash pagkatapos itong marinig. Noon, mag-aalala siya sa mga salita ng matandang ito. Pero ngayon, wala na siyang dahilan para matakot sa Hunt family. “Oh, wala lang. Nakarinig lang ako ng usap-usapan na pinatay daw ng anak mo ang mga apo ko!”Ngumiti nang seryoso si Old Master Hunt.
Read more

Kabanata 1508

“Mahalaga pa ba kung sinong pumatay sa kanila? Nash Woods, sila ang anak ni Master Hunt, dalawang henyong anak! Patay na sila ngayon! At tingin mo hindi ito malaking bagay?” Isang elder ng Hunt family ang lumapit at sininghalan si Nash; ang tono niya ay puno ng galit, at ang mukha niya ay pulang-pula na para bang nagbabaga na siya sa galit. Paanong nakakapagsalita ang matandang ito sa ganitong tono? Nakalimutan na ba niya ang katayuan ng Hunt family sa martial world? Isa pang elder ng Hunt family ang sumingit at ngumisi, “Nash Woods, mukhang hindi mo alam ang kapangyarihan ng Hunt family, ano? Sasabihin ko sa’yo, isa pang Elder ng Hunt family ang nakaabot na sa peak ng true god realm nitong nakaraan!” Taas-noo ang elder habang nagyayabang; ang kanyang mukha ay puno ng pagmamalaki na para bang nasakop na ng Hunt family ang buong mundo. Higit sa lahat, ang lakas ng isang pamilya ay nakadepende sa dami ng malalakas na fighter na mayroon ito. May nadagdag sa mga nasa peak ng true
Read more

Kabanata 1509

“Old Master Hunt, tingin ko wala namang problema sa sinabi ng anak ko. Nitong nakaraang kompetisyon, paulit-ulit ring sinasabi ng Hunt family ang patakaran tungkol sa buhay at kamatayan. Sumunod lang naman kami dito. Hmmm. ‘Wag mong sabihing gusto mong idiin ang lahat ng sisi sa anak ko at ipaghiganti ang mga apo mo, hmm?” Ngumiti nang maamo si Nash habang sinasagot si Old Master Hunt. Kapag nangyari ito noong hindi pa dumadating si Fane sa buhay niya, hindi siya magtatapang na magsalita nang ganito katapang sa harap ng Hunt family. “Heh, anong pinag-uusapan niyo dito?” Bago pa makapagsalita si Old Master Hunt, kaagad na sumingit si Alejandro at namagitan sa sitwasyon. “Matagal nang nangyari ang kompetisyon, at maraming mga anak ng pamilya ang namatay sa paligsahang ito; sila ay mga hiyas ng kanilang pamilya. Subalit, ang pangunahing paksa natin ngayon ay ang pag-usapan kung paano papasok sa Seven Dangers at kung paano tayo makakahanap ng paraan na makarating sa ultimate god re
Read more

Kabanata 1510

Alam na alam ni Trenton na hindi niya pwedeng aminin na sinabi ng anak niya sa four ancient clans ang tungkol sa Seven Dangers. Kapag nalaman ito ng mga reclusive family, sisisihin nila ang Lagorio family, at ito ay magiging isang malaking problema para sa Lagorio family. Napaisip nang malalim si Old Master Hunt nang mukhang seryoso. “Hindi na mahalaga kung sinong nagkalat ng balita. Nandito tayo ngayon upang pag-usapan kung paano tayo papasok sa Seven Dangers; ang bawat lugar sa Seven Dangers ay sobrang mapanganib, at walang isa sa atin ang nakapunta na doon, lalo na sa pinakamalalim na bahagi ng Seven Dangers. Hindi natin alam ang sitwasyon doon, at kahit magpadala pa ang bawat reclusive family ng isang elite na henyo at magtulungan, tingin ko mapanganib pa rin dito!” inilahad niya ang kanyang naiisip at opinyon tungkol sa plano.“Ano kayang ibig-sabihin ng pitong maliwanag na bahagi sa mapa… Hmmm… Higit pa rito, kung nagpadala na ang four ancient clans ng mga tao upang libutin an
Read more
PREV
1
...
149150151152153
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status