Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1511 - Chapter 1520

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1511 - Chapter 1520

2505 Chapters

Kabanata 1511

May ilang tao ang napasinghap sa sitwasyon, nag-aalala para kay Fane. “Bakit hindi pinaalalahanan ng pinuno ng Woods family ang kanyang anak sa ugali nito? Hindi ba sila natatakot na baka magalit si Master Collins at patayin na lang ang kanyang anak sa harapan niya? Mas malala pa, baka tapusin pa ni Master Collins ang buong Woods family!” Isang family head ng isang third-class family ang nagulat dahil sa lakas ng loob ni Fane at sinabi ang iniisip ng karamihan. Kahit na ang lahat ay masama ang loob sa ginawa ni Lily—na sinumbong sila, wala naman silang lakas ng loob na sabihin ang mga ito kay Joel, ang pavilion master ng Skies Pavilion. Subalit, ang hindi alam ng mga tao ay alam ng kabilang partido kung ano ang balak nito nang si Fane at ang dalawa pa na dumalo sa kasal nila Lily at Joel sa may skies Pavilion. Kung hindi nilabas ni Fane ang kanyang alas, matagal na sanang napatay ng kabilang partido si Fane at ang dalawa pa. At kapag namatay silang tatlo, ang buhay ng Woods fa
Read more

Kabanata 1512

“Bata, huwag kang mag-akusa ng wala kang pruweba!” Isang matandang lalake na mula sa Skies Pavilion ang kaagad tumayo at malakas na dumepensa. “Nalaman namin na may isang nakakatakot na halimaw ang lumitaw sa may kagubatan, kaya nagpadala kami ng mga tao doon para patayin ito. Ito ay para pigilan ang halimaw na pumasok sa malapit na nayon at makasakit ng mga inosenteng mamamayan doon! Pero hindi namin inaasahan na ang halimaw ay ganun kalakas at may matalim na mga kuko! Napatay nito ang lahat ng anim na elders ng Skies Pavilion!” “Imposible! May ganun kalakas na halimaw sa may kagubatan?” “Diyos ko! Anim na elders! Ang mga elders ng skies Pavilion ay malamang nakarating na sa peak stage ng true god realm! Ng may ganung lakas at kakayahan sa pakikipaglaban, napatay sila ng halimaw?” Maraming tao ang napasinghap nang marinig nila ito. Nagulat sila sa balita. “Halimaw?” Nagpalitan ng tingin sila Nash at Fane at naging kakaiba ang kanilang mga ekspresyon. Hindi naniniwala ang s
Read more

Kabanata 1513

Hindi ba dapat si Fane ang tumalsik? Paano nangyari na ang mapagmataas at magaling na Master Collins ng Skies Pavilion? “Pfft!”Ang hindi inaasahan ng lahat ay ang pagtalsik ng Master ng Skies Pavilion ng isang daang talampakan ang layo bago niya nagawang i-balanse ang kanyang sarili sa lupa. Subalit, hindi niya nagawang indahin ang lakas at sumuka ng maraming dugo, at kaagad na namutla ang kanyang mukha. “Imposible to! Napuruhan siya!” Si Daniella at ang mga miyembro ng Cabello family ay nagulat at naguluhan. Bago pa nito, nang makita niya na pinagsalitaan ng masama ni Fane si Joel, nag-alala sila ng lubos para kay Fane. At nang sinugod ni Joel si Nash at sumugod si Fane para harangin ang atake nito, sa sobrang takot ni Daniella ay halos himatayin ito. Hindi niya maisip kung gaano siya nag-alala pars sa kanya. Sinubukan ni Fane na labanan ang atake ni Master Collins, gusto na ba niyang mamatay? Pero ngayon, ang eksenang nakikita niya ay kabaliktaran ng kanyang inaakala
Read more

Kabanata 1514

Nang sabihin ito ni Joel, ang kanyang tono ay mayabang at mapagmataas, ng walang bahid ng anumang kahinaan. Higit pa dun, karamihan sa mga tao ng Skies Pavilion ay naisip din na ang kanilang master pavilion ay hindi nag-ingat, minaliit si Fane, at hindi ginamit ang buo niyang lakas. Iyon ang dahilan kaya nasaktan siya ni Fane. Ang mga tao na mula sa Skies Pavilion ay malaki ang tiwala at kumpyansa sa kakayahan ni Master Collins sa pakikipaglaban. Hindi mga tanga ang mga tao na mula sa hidden families. Isang mapagmataas at makapangyarihan na tao katulad ni Master Collins na mula sa Skies Pavilion ay nasaktan ni Fane, higit pa dun, ayaw na niyang ipagpatuloy pa ito! Malinaw na takot si Joel sa lakas ni Fane. kung titignan ang mga kilos ni Joel, naunawaan ng mga tao na ang lakas ni Fane at kakayahan na makipaglaban ay sobrang lakas! “Master Hunt, ang sitwasyon na ito ang nagbigay sa atin ng higit pang impormasyon tungkol sa pagkamatay ng young master. Pinapatunayan lang nito na a
Read more

Kabanata 1515

“Ang Pavilion of Divinity ay tiyak na darating, pero hindi ako sigurado tungkol sa Pavilion of Gods and Kings.” Suminghal si Shelby ng naka-ngiti. “Ang Pavilion of Gods and Kings ay nagpadala na ng kanilang mga elite fighters sa Seven Dangers. Nalaman ko lang ang tungkol dito pagkalipas ng ilang araw!” Nasamid ang Master ng Pavilion of Soaring Eagles ng malaman niya ang balita; nanginig ang kanto ng kanyang labi. “Humph! Mga tuso talaga ang mga Pavilion of Gods and Kings! Pinaalam sa atin ni Lily ang araw at lugar kung saan gaganapin ang pagpupulong, at sinabing ang lahat ng mga pamilya ay magtitipon sa Cabello estate bago pasukin ang Seven Dangers. Paano nila nagawang mauna at gumawa ng sariling plano?” Nag-atubili sandali ang master ng Pavilion of Soaring Eagles, pero sa bandang huli, parehong ideya din ang naisip niya, dahil sa takot na baka magalit ang lahat. Kung alam lang niya na kumilos na ang Pavilion of Gods and Kings, hindi na sana siya nag-alangan at kaagad na nagpa
Read more

Kabanata 1516

"Ganun ba? Binabati kita sa pagkakaroon ng dalawang breakthrough papuntang peak stage ng true god-level sa panahong ito!" pagbati ni Aureole Hoffman mula sa Pavilion of Divinity habang isang maliit na ngisi ang lumitaw sa kanyang mukha. "Hay… Dati may labing-apat din ang clan namin na nasa peak stage ng true god-level. Kagaya ng clan mo, mayroon rin kaming isa na nakarating sa peak stage kamakailan lang, kaya labinlima na ang meron kami!"Halatang pinagyayabang ni Aureole ang katotohanan na para bang sinasabi niya sa kanila na ang kanilang Pavilion of Divinity ay mas lumakas habang ang Skies Pavilion ay humina imbes na lumakas kaya kailangan nilang umatras sa hinaharap. Hindi gustong magpatalo ni Griffen Langley at sumingit, inanunsyo niya ang lakas ng kanilang clan, "Haha… Nagkataon, dalawa rin sa clan namin ang nakarating sa peak stage ng true god-level, at mula roon ay nadagdagan ito mula labing-apat hanggang labing-anim. Mukhang mas maraming masters ang clan namin na nasa peak s
Read more

Kabanata 1517

Kaagad na tumango si Nash. "Malamang yan. Lalo na't wala silang ideya na alam nating nagpadala na sila ng mga miyembro nila roon." Hindi nagtagal, lumapag ang mga miyembro ng Pavilion of Gods and Kings sa harapan nila. Kumunot ang noo ni Aureole at siya ang unang nagtanong, "Master Harry, kayo ay…?" Tumingin si Harry sa mga tao bago nagsalita nang nakakunot ang noo, "Ang totoo, naghiwa-hiwalay na ang mga tao namin sa tatlo at nagpunta na sa tatlo sa mapapanganib na lugar para tignan ito, at nakabalik na rin sila." "Haha…! Akala namin hindi mo aaminin yun, Master Harry, pero nandito ka, inaamin mo ito nang diretso. Sinabi sa'kin ni Lily na ipinaalam niya sa inyo kung kailan magtitipon rito, at papasok tayo nang sama-sama sa Seven Dangers. Sinong mag-aakala na kikilos ka nang napakanilis? Nangako ka pa bago ito!" sabi ng tumatawang si Joel, kahit na kumukulo ang inis sa dibdib niya. Mapait na ngumiti ulit si Harry. "Nakabalik na ang mga tao namin mula sa tatlong mapapanganib na
Read more

Kabanata 1518

Bahagyang natulala si Joel, pagkatapos ay lumingon kay Harry habang nakangiting nagsabi, "Master Harry, maaari ko ba tong makita nang maayos? Ito ang unang beses kong makakita ng ganito!" Ngunit, malamig na ngumiti si Harry. "Mabuti na nga at nagpunta ako rito at nagpadala ng impormasyon tungkol sa ilang bagay, pero gusto niyo pang ipakita ko to sa'yo? Haha… Maraming tao ko ang nagsakripisyo para makuha ito. Paano kung hindi mo to ibalik pagkatapos mo itong suriin nang malapitan? Ngayong napakarami sa mga master mula sa clan namin ang namatay, gusto mo bang labanan kita kung hindi mo ibabalik sa'kin ito?" "Err… Hindi mo talaga kailangang mag-alala tungkol dito. Tinamaan ng malas ang clan namin nang makasalubong namin ang isang nakakatakot na monster beast na ikinamatay ng anim na masters sa peak stage ng true god-level." Nagulat si Joel kay Harry. Hindi na ito kailangang itago dahil alam naman ng iba ang tungkol dito. "Anim sa mga tao mo ang namatay?" Maingat na tinignan ni Harry
Read more

Kabanata 1519

Lumapit ang First Elder ng Pavilion of Gods and Kings sa sandaling iyon at nagsabing, "Sigurado ako na hindi niyo kami pinapaniwalaan, kaya pwede niyo itong subukan. Nagmabuting-loob na kaming ipaalam ito tungkol sa inyo, pero hindi naman kayo pipigilan kung hindi kayo maniniwala sa'min at gusto niyo pang mas maraming tao ang mamatay." "Naniniwala ako sa inyo, mga master!" Sumaludo ulit si Fane gamit ng mga kamay niya at nagtanong habang bahagya pa ring nakayuko, "Umaasa ako na sana'y sabihin sa'min nina Master Harry at ng mga kagalang-galang na masters kung sa aling tatlong mapanganib na lugar kayo nagpunta." "Ang binatang ito ay tunay ngang may mabuting asal." Tumango ang First Elder ng Pavilion of Gods and Kings. "Nagpunta kami sa tatlong mapapanganib na lugar na pinakamalapit sa Pavilion of Gods and Kings. Ang apat na lugar na hindi namin pinuntahan ay ang Night Forest, Dragon Head Black Mountain, Bright Snow Mountain, at Black Windy Island. Kayo na ang bahala sa mga ito." "S
Read more

Kabanata 1520

Sa sandaling ito, isa pang matandang babae mula sa Pavilion of Soaring Eagles ang lumapit at ngumisi, "Kayong mga reclusive families ay walang karapatan na mangondisyon sa'min. Pumayag na lang kayo. May pagkakataon pa kayong lahat, kahit na mas maliit ito, dahil bibigyan namin kayong lahat ng isa sa mga lugar na iyon. Kung isasantabi ang ibang bagay, alin sa mga pamilya niyo ang magtatangkang lumaban sa'min sa bilang ng mga master na nasa peak stage ng true god-level?" Malamig na ngumisi si Fane pagkatapos niya itong marinig. Humakbang siya at nagsabi sa matandang babae, "Kagalang-galang na elder, parang hindi naman tama ang sinasabi mo. Kung ipagkukumpara natin sa bawat isang pamilya, tiyak na hindi maikukumpara ang bilang ng masters namin na nasa peak stage ng true god-level sa tinatawag niyang ancient clans, pero paano kung ipagkukumpara natin to sa kabuuang bilang? Napakaraming pamilya ang nandito, at ilan sa mga second-class aristocratic families ay meron ring masters na nasa pe
Read more
PREV
1
...
150151152153154
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status