Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1481 - Chapter 1490

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1481 - Chapter 1490

2505 Chapters

Kabanata 1481

Si Fane, na tahimik sa simula pa lang, ay sumingit na din, “Ang mga may kakayahan na lumaban na mas mababa sa semi-god level ay hindi kailangan na sundan tayo ngayon. Bukod dito, kailangan natin magtalaga ng ilang semi-god level at true-god level sa bahay para maagapan ang anumang aksidente na mangyari.” Mabilis na lumipas ang oras. Sina Fane at ang iba pa ay masyadong maingat, kaya dumaan ang kanilang araw ng walang anumang aksidente. Pagsapit ng alas nuwebe ng umaga, hindi na sila malayo mula sa Woods family. Habang palagay, tumawa si Kenneth. “Haha… Mukhang masyado lang tayong napapraning. Wala naman yatang balak ang mga taga Skies Pavilion na masama laban sa atin! Sa tingin ko ay naging masyadong abala ang pavilion master sa kanyang kasal kaya hindi niya ito napag-isipan masyado. Kung gusto niya tayong patayin, ginawa na niya dapat ito sa may delikadong lugar. Lalo na, iisipin ito ng iba na may nangyaring labanan para sa mahalagang kagamitan kapag kumilos sila dito ng lanta
Read more

Kabanata 1482

Sila Nash at First Elder Kenneth ay tinatagan ang kanilang mga tingin ng sinuri nila ang anim nilang kalaban.Ang mga nagpadala sa mgatong ito ay sinadyang magdala ng anim na tao, dahil alam nila na tatlo lang silang naglalakbay ng magkasama. Ang plano nila ay magtalaga ng dalawang tao na lalaban sa bawat isa sa kanila para hindi sila makaligtas sa pag-atake. Nilabas ni Kenneth ang kanyang sandata sa pagpilantik ng kanyang kamay at sinabi ng may mabigat na kalooban, “Master, anong gagawin natin? Mukhang ang magagawa lang natin ay sumugod papunta sa isang direksyon. Kapag nagawa nating makalagpas sa kanila, magagawa ni Young Master Fane na itakas tayo ng mabilis gamit ng lumilipad niyang espada.” “Kailangan gamitin ni Fane ang lumilipad na espada na ito, ngunit kapag silang anim ay sabay na umatake, hindi magiging madali para sa atin na makatakas!” Bahagyang lumipad palabas si Nash sa isang iglap. Alam niya na ang combat power ni Fane ay hihina kpag hindi niya gamit ang kanyang ult
Read more

Kabanata 1483

Natawa ng malakas ang matandang lalake. “Sung sino man ang makapatay sa batang ito ang makakakuha sa espada. Ano sa tingin mo?” Ngumiti ang hindi ganun katandang lalake sa hamon. “Sige ba,” sang-ayon niya, “Kung ganun ay halos na ang lahat!” Pagkatapos ay nilingon niya si Fane at inatake ito. “Ferocious Wind Strike!” Whoosh!Isang nakakatakot na pag-atake ang bumulusok papunta kay Fane na parang isang buhawi. “Ang mga kabataan nga naman ngayon ay hindi na talaga ginagalang ang mga prinsipyo ng martial arts!” Nagalit ang matandang lalake nang naunang umatake ang hindi ganun katanda na lalake; ang matandang lalake ay hindi pa nga handa. Kung ang atakeng ito ay napatay si Fane, lalo na kung mahina ito, ang espada ni Fane ay mapupunta sa hindi ganun katanda na lalake at hindi sa kanya! Dahil sa galit, kaagad niyang inayos ang daloy ng kanyang Chi at handa na siyang gamitin ang kanyang martial skill. “Burning Chop!” Si Fane, na kanina pa handa, ay hinampas ang kanyang espada ng
Read more

Kabanata 1484

Mpfh!Napuno ng takot ang mga mata ng hindi ganun katandang lalake ng tumalsik siya ng ilang metro sa himpapawid dahil sa malakas na pwersa. Sumuka siya ng maraming dugo ng habang binabalase niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtapak sa hangin. Ang matandang lalake na handa nang atakihin si Fane ay nagulat din. Panandalian niyang tinigil ang daloy ng kanyang Chi at gulat na tiningnan ang kalagayan ng hindi ganun katandang lalake habang sinabi niya, “Anong nangyayari? Isang power move ang pinakawalan mo, ngunit hindi mo pa din nagawang talunin ang atake niya?”Namula dahil sa hiya ang lalake. “Hindi ako nag-ingat; minaliit ko ang lalakeng ito. Hindi ko ginamit ang lahat ng lakas ko at ginamit ang halos pitumpung hanggang walumpung porsyento ng aking lakas, dahil naisip ko na subukan muna ang kanyang kakayahan. Sino naman ang mag-aakala na malakas pala ang taong to!” “Ganyang dapat. Tinakot mo ko dun!” Medyo gumaan ang pakiramdam ng matandang lalake sa munti nitong paliwa
Read more

Kabanata 1485

Parehong nagulantang ang medyo may edad na lalake at matandang lalake ng bumangga ang atake ni Fane sa malaking Chi palm ng matanda. Thoom!Hindi inaasahan, ang atake ni Fane ay binutas ang malaking Chi palm na parang isang matalas na patalim. Isang malaking butas ang naiwan sa sentro nito, at kahit na humina ang atake ni Fane ng konti at bahagya itong bumagal, ang natitirang lakas ng atake na ito ay patuloy pa din na tinungo ang matandang lalake. Ang malaking Chi palm ay lumipad ng ilang metro ang layo, kahit na nagkaroon ito ng malaking butas dahil sa atake ni Fane, bago tuluyan naglaho ang palad. ‘I—Imposible!’ Hindi makapaniwala ang matandang lalake. Binuhos naman niya ang lahat ng kanyang lakas ng pinakawalan niya ang kanyang atake, at kahit na isa lang itong first-grade premium martial skill, isa pa din itong malakas na martial skill. Pinaabot pa nga niya ang martial skill na ito sa pinakamalakas nitong potensyal. Natakot ang matandang lalake nang makita niya na ma
Read more

Kabanata 1486

"Young Master Fane, lumaban ka! Hindi na namin kaya. Nakadepende na ang lahat sa panig mo, tignan mo kung makakahanap ka ng butas para makaligtas. Kahit hindi tayong lahat makaalis nang buhay, ikaw, kaya mo!" Sa sandaling ito, lumingon si Kenneth at sumigaw kay Fane; basang-basa siya ng pawis. Mag-isang lumalaban si Fane sa dalawang elite fighters. Kakarating niya lang sa peak stage ng true god realm kamakailan, habang ang dalawa niyang kalaban na mga beterano mula sa Skies Pavilion ay nasa peak stage na ng true god realm. Hindi madali para kay Fane na tumagal nang ganito. "Fane, wag mo na kaming isipin! Kung makakagawa ka ng butas para makatakas, gawin mo! Gamitin mo ang flying sword para mabilis na makaalis! Masaya ako na ikaw ang anak ko. Ipaghiganti mo kami sa hinaharap kapag nakakuha ka ng pagkakataon!" Hindi makalaban si Nash. Bago pa nagsimula ang tunay na laban, inatake na siya ng kalaban para lang subukan ang lakas niya at halos hindi niya ito nasalag. Pero ngayon,
Read more

Kabanata 1487

Parehong malakas at nakakatakot ang dalawang malalaking tigre. Higit tatlong metro ang mga ito at nagtataglay ng matinding aura ng mga malalakas na nilalang—ang mga tigre. Roar! Sumigaw ang mababangis na tigre at sumagot diretso kay Fane. "Sugod!" Isang malaking halaga ng Chi energy ni Fane ang nilagay sa kanyang atake para makontrol niya ang flying sword, kung kaya't mas pambihira ang lakas ng atakeng ito. Boom! Boom! Boom! Lumipad ang mga bugso ng flying swords paharap at naghiwalay sa dalawang grupo; ang bawat isang bugso ay bumangga sa malalaking tigre. Narinig sa ere ang malakas at nakakatakot na ingay at walang tigil na yumanig ang lapag. Kumalat ang mga bugso ng Chi aura at lumipad sa lahat ng direksyon nang tumama ang blade waves sa mga tigre. Walang humpay na sinira ng malalaking tigre ang mga blade attack; nadurog ang flying sword Chi attack ni Fane. Gayunpman, napakarami ng mga flying sword ni Fane, at hindi nagtagal ay hindi na ito nakayanan ng mala
Read more

Kabanata 1488

"Fane, dali! Umalis ka na!" Hindi pa patay sina Nash at Kenneth, pero pareho silang malubhang sugatan at wala nang natitirang lakas para lumaban. Gayunpaman, sumigaw ang dalawa kay Fane at nagmakaawa na umalis na siya. Nakapatay ng dalawang kalaban si Fane nang mag-isa, at ngayon ay may butas na sa direksyon niya; isa itong magandang pagkakataon para tumakas, mas maganda pa kung gamitin niya ang flying sword niya para makatakas. "Ama, di ko magagawang iwan kayo ni First Elder!" Gayunpaman, tumanggi si Fane nang may seryosong mukha. Tumalikod siya, at sa isang iglap, lumitaw siya sa harapan nina Nash at Kenneth na nagpahinto sa pag-atake ng apat sa kanila. "Malakas ang batang to. Napatay niya pareho sina Elder Shaw at Elder Lake!" Nang tumingin ang apat na lalaki sa dalawang bangkay sa lapag, kusang kumibot ang bibig nila. Hindi talaga nila inasahan ang ganitong wakas. "Nasa late stage pa lang ng true god realm ang batang to, kung makakarating siya sa peak stage ng true go
Read more

Kabanata 1489

Sa kabilang banda, isa pang matandang lalaki ang tumawa sa sitwasyon. "Hahaha! Katumbas ng pagkamatay ang ginagawa niya, di ba? Noong una, may pagkakataon siyang umalis, pero ngayon wala na siyang pagkakataon! Magtulungan tayo para patayin siya! Sa oras na mamatay siya, hindi na rin makakatakas sina Nash at Kenneth!" Sa malayo, kumuka ng healing pill sina Nash at Kenneth na nakatayo sa flying sword. Pagkatapos ay umupo sila sa espada at nagpahinga. Naging seryoso ang kanilang ekspresyon habang tumingin sila sa direksyon kung nasaan sina Fane at ang apat pang iba. "Master Nash, bakit to ginawa ni Young Master Fane? Hindi ba parang gusto niyang mamatay? Kung ganun, wala tayong kahit kaunting tyansa na manalo!" Sumama ang mukha ni Kenneth habang bumuntong-hininga siya ulit, "Young Master Fane, masyado siyang nagpapadalos-dalos!" Malungkot din ang mukha ni Nash. pagkatapos itong pag-isipan, pinahayag niya ang kanyang obserbasyon, "Kahit na hindi ko alam kung bakit gusto munang
Read more

Kabanata 1490

“Roar!” Gumamit si Fane—na ngayo'y naging isang berdeng dragon—ng mga moves ng technique sa pinakaunang pagkakataon. Pagkatapos ng transpormasyon, nararamdaman niya kaagad ang pagtaas ng kapangyarihan at lakas sa loob ng katawan niya; tumindi ang kapal at pagiging puro ng kabuuan ng kanyang lakas. Higit pa roon, mas malakas at mas matibay na ang katawan niya kaysa noon; naniniwala siya na tumaas din ang depensa niya sa mga atake. Kahit na ganoon, ang tanging inaalala lang niya, lumaki at lumakas nga ang katawan niya ngayon, pero maaapektuhan nito ang bilis at liksi niya—hindi na siya magiging kasing bilis ng noon. "Patayin siya!" Galit na sumigaw ang matandang babae, at siya, na naglagay na ng Chi energy sa espada niya, ay humapas at nagpapalipad ng dalawang magkasunod na atake papunta kay Fane. Roar! Sumigaw na naman nang nakakabingi ang berdeng dragon pagkatapos makita ang atake ng matandang babae at direktang sumugod sa kanya. "Patayin siya ngayon din!" Kaag
Read more
PREV
1
...
147148149150151
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status