Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 1471 - Kabanata 1480

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 1471 - Kabanata 1480

2505 Kabanata

Kabanata 1471

"Tama ka. Kahit na baka naiinggit sila na meron ka nito, baka mas natatakot sila sa lakas mo. Maliban roon, napakalakas mo sa pakikipaglaban pagkatapos tumaas ng fighting prowess mo. Sa tingin ko hindi ka kayang labanan ng ibang mga master na nasa peak stage ng true-god level!" Tumango rin si Helena nang marinig niya ito. Personal nilang nasaksihan ang lakas ni Fane—mukhang posible nga na makapatay si Fane ng mga taong nasa ibang realm. Gayon na nga, napakabanayad ng kanilang biyahe. Sa sumunod na umaga, nakita nina Fane at ng iba pa ang tuktok ng bundok kung nasaan ang Skies Pavilion. "Diyos ko, Master Woods. Ang tagal na nating hindi nagkikita!" Sa hindi kalayuan, isa pang flying sword ang lumipad papunta sa kanila habang binati nila si Nash. Natuwa si Nash nang mapansin niyang iyon ang flying sword ng kanilang kaalyansang first-class aristocratic family, ang Lancaster family. Sinenyasan niya sila gamit ng mga kamay niya at sumagot, "Haha…! Oo nga, Master Shirley!" "Hindi ba
Magbasa pa

Kabanata 1472

Dahil wala siyang ginagawa, malalim ang iniisip ni Quentin sa mga nagdaang ilang araw. Kakaunti lang ang nasa kategorya na kayang pumatay sa mga anak niya, lalo na sa kanyang panganay na anak na si Cloud Hunt. Noong una ay naniniwala siya na magkasabwat sina Helena at Fane, pero alam niya na kahit kapareho ni Helena ng fighting prowess ang panganay niyang anak, hindi siya mas malakas kumpara sa panganay niya. Kasabay ng katotohanan na mababa ang fighting prowess ni Fane, hindi masyadong malaki ang posibilidad na matalo nila ang kanyang mga anak. Lumitaw ulit ang suspetsang iyon at lumaki lang ito pagkatapos niyang mapansin ang ultimate-grade spiritual tool ni Fane. Lalo na't walang ibang inaway na henyo mula sa ibang pamilya ang mga anak niya. Hindi sila magtatangkang patayin ang mga anak niya kahit na may mangyaring laban sa loob. Sa kabilang banda may sama ng loob sina Fane at Helena kay Tyrell bago magsimula ang paligsahan. Pagkatapos nilang pumasok sa lugar, malamang ay n
Magbasa pa

Kabanata 1473

Sa hindi inaasahan, naging magpakumbaba si Quentin. Isa nga itong pambihirang pangyayari. Tinignan niya si Nash at nagsabing, "Oh, anong ibig sabihin mo na mabuti at narinig mo to mula sa'kin? Kapareho namin at ng iba pang first-class aristocratic families ang Woods family; pareho tayo ng posisyon at walang masyadong pagkakaiba sa katayuan natin, mababa man o mataas. Mas malakas noon ang mga Hunt kumpara sa ibang first-class aristocratic families, pero baka nagbago na ito kamakailan lang. Masasabi ko na malaki ang inilakas ng Woods family!" Alam ni Nash na hindi totoo sa lalaking ito ang sinabi nito kaya kaagad siyang kumaway at nagsalita, "Hindi, hindi, hindi… Hindi madaling malampasan ang Hunt family ninyo. Hindi maikukumpara sa'min ang linya ninyo. Lalo na't napakatibay ng linya ng Hunt family!" Pagkatapos ay tumingin sa harap si Nash at nagsalita para ibahin ang usapan, "Nandito na tayo, nandito na tayo… Malaki ang teritoryo ng Skies Pavilion. Napakaraming plasa at kabundukan s
Magbasa pa

Kabanata 1474

Malinaw na naintindihan ng lahat sa mga puso nila na magkakaroon ng hingi maitatanggi at malaking pagbabago sa sitwasyon kung malalaman ng lahat kung paano makarating sa ultimate god level. Walang duda na ang unang taong makakarating sa ultimate god level ang pinakamaswerte sa lahat. Halimbawa, ang isang elder ng isang pamilya na nakarating sa ultimate god level ay madaling mapapatay ang kanilang family master at makukuha ang posisyon ng family master kung gusto nila. "Sige, tara na!" Ganoon rin si Quentin, hindi niya mahulaan ang kanilang hinaharap. Sa ganito, kinaway niya ang kanyang kamay at lumipad ang lahat papunta sa plasa sa gitna. Nakikita ng lahat mula sa malayo na ang plasa ay puno ng mga taong nakatayo; napakaraming tao rito. Kakaunti lang kagaya ng mga Lancaster at ng mga Hunt ang nagdala ng isa o dalawang dosenang tao para dumalo sa kasalan. Ilang pamilya ang nagdala ng ilang dosenang tao para ipagdiwang ang pavilion master ng Skies Pavilion. Pagkatapos ibigay
Magbasa pa

Kabanata 1475

Tumuro si Lily sa isang direksyon, at kahit na galit siya sa loob niya, nakangiti siyang nagsabi, "Honey, hindi ba sila yung nandun? Siguro nahihiya na ang lalaking yun!" Ngumiti si Joel bago lumingon sa mga miyembro ng Pavilion of Gods and Kings at nagsabing, "Kayong lahat, maupo kayo kahit saan niyo gusto. Magsisimula na ang hapunan maya-maya lang. Maraming kaganapan sa araw na ito at umaasa ako na mapatawad niyo kami kung hindi man namin kayo mapaglingkuran lahat!" "Haha… Gawin mo na ang gagawin mo, matandang bridegroom!" Tumawa si Harry bago pinapunta ang mga tao niya sa isang tabi. Doon lamang nagtungo sina Joel at ang mga kasama niya papunta kay Nash. Habang naglalakad papunta sa kanya, nagsimula si Joel habang nakangiti kay Nash, "Master Woods, mga pito o walong taon na tayong hindi nagkikita, ano?" "Oo nga, Pavilion Master Joel. Binabati ka namin!" Naiilang na ngumiti si Nash habang nagbigay respeto siya gamit ng kanyang mga kamay. Mabagal na lumingon sa kanila ang
Magbasa pa

Kabanata 1476

Pinahiya nang husto ni Joel Collins si Nash sa sandaling ito. Hindi lamang niya hindi binigyan ng dangal si Nash at binalewala ang nararamdaman ni Nash sa sandaling ito, gusto niya pang bigyan silang dalawa ni Lily ni Nash ng kanyang basbas para sa kanilang pag-iisang dibdib.Maraming mga reclusive family rin ang nakaramdam na sumosobra na si Joel. Nakakahiya na nang sobra na kailangang dumalo ni Nash sa kasal, ngunit sinadya pa nila itong pinahiya para makita ng lahat. Pagkatapos niyang pag-isipan ang sasabihin niya, ngumiti si Nash at sinabi, “Kung ganoon hinihiling ko na maging masaya kayong dalawa. Mabuhay kayo nang isandaang taon at masagana! Magkaroon sana kayo kaagad ng anak!” Kaagad naalala ni Lily ang kanyang anak nang mabanggit ni Nash ang pagkakaroon ng anak. Kumirot nang maraming beses ang sulok ng kanyang bibig, at sumama rin nang bahagya ang mukha niya dito.“Haha! Ninth Madam, narinig mo ba ‘yun? Hinihiling ni Master Woods na magkaanak tayo kaagad. Kung ganoon, sa
Magbasa pa

Kabanata 1477

Nabigla si Fane sa sinabi ni Nash habang nakatingin ito sa sacred lady mula sa malayo. Naglabas ito ng isang misteryoso at sagradong aura habang nakatayo ito sa gitna ng madla. Nakasuot ito ng isang puting bestida at isang puting belo na nakatakip sa kalahati ng kanyang mukha. Ang puting bestida niya ang nagbigay sa mga tao ng dalisay na pakiramdam.Kahit na ang malinaw at malaki na mata, ang noo, at mahaba at madilim na buhok lamang niya ang nakikita, hindi mahirap sabihin na may taglay siyang kakaibang kagandahan.Sa kasamaang-palad, walang pwedeng makakita ng kanyang tunay na anyo na ganito kaganda, at hindi siya kailanman ikakasal sa buong buhay niya.“Haha… Matagal nang ganito ang patakaran ng Pavilion of Divinity,” tumawa si Nash habang nagpapaliwanag kay Fane. “Oo nga pala, may alamat na nagsasabing higit isang daang taon nang nandito ang Pavilion of Divinity, at sinasabi rin sa alamat na ito na ang nagtaguyod ng ancient clan na ito ay isang babae, isang babaeng may bukod-t
Magbasa pa

Kabanata 1478

Pagkatapos ng okasyon, ang ilang mga pamilya ay nagpaalam kay Joel bago umalis. Sinama rin ni Nash si Fane at Kenneth nang magpaalam siya kay Joel bago magsimulang umuwi ang tatlo habang lumilipad. Sumimangot si Daniella nang makita niyang umaalis ang Woods family. Paglingon niya kay Alejandro na nakatayo sa tabi niya, nagsabi siya, “Pa, nag-aalala talaga ako. Baka mapanganib sila Fane pauwi. Gustong-gustong patayin ng mga Lagorio ang Woods family, at nararamdaman ko sa pagpapakasal ni Lily kay Joel Collins na may nangyayaring hindi natin alam.”Tumango rin si Alejandro. “Totoo ‘yan. Nagulat rin ako nang matanggap ko ang imbitasyon. Sinong mag-aakalang pakakasalan ni Lily si Joel ngayon na, at sa ganito kahalagang sandali pa! Posibleng gusto niya itong gamitin upang burahin ang Woods family!” Lumala ang pag-aalala ni Daniella nang marinig niya ang sinabi ni Alejandro.Ngumiti nang nanlulumo si Alejandro nang makita niya kung paanong sumimangot ang anak niya. “Kailangan mong mag
Magbasa pa

Kabanata 1479

Doon lang sinabi ni Nash ang mga inaalala niya nang nanlulumo, “Paanong hindi ko maiintindihan ‘yan? Syempre umaasa rin akong makakalagpas si Fane nang dahan-dahan, pero paano kung may naunang nakarating ng ultimate god level? Ayos lang kung mula sa alyansa natin ang taong ‘yun, pero magiging impyerno kapag kalaban natin ‘yun. Magbabago ang mga bagay, hindi na ito magiging tulad ng sa ngayon!” “‘Wag kang mag-alala, Pa. Noon pa man maayos na ang realm ko, at medyo matibay ang pundasyon ko! Kaya, hindi masyadong magkakaroon ng epekto kung susubukan kong magpunta ng peak stage ng true god level nang mas maaga!” siniguro ni Fane pagkatapos niyang pag-isipan ang sitwasyon. “Hindi ko pa kailangang magmadali dahil hindi pa naman tayo pupunta ng Seven Dangers. Tingin ko mas mabuti kung hahayaan ko munang manatiling ganito ang fighting prowess ko bago ko subukang lumagpas kaagad, kung may pagkakataon sa susunod. Susubukan kong mag-cultivate at maging isang second-grade intermediate alchemist.
Magbasa pa

Kabanata 1480

Nang isipin ito lalo, nagsalita ang nakasimangot na si Kenneth, “Young Master Fane, kahit na ganoon nga ang nangyari, mahihinuha lang natin na nagpunta si Lily ng Skies Pavilion nang umaasang kokontrahin siya nito. Sigurado akong ang pangunahing layunin niya ay makakuha sa kanila, pero nagkataong nahulog sa kanya ang pavilion master.” Huminto saglit si Kenneth bago magpatuloy, “Kahit na, hindi naman ibig-sabihin nito na nagpunta siya ng ibang ancient clan, diba?”“Naisip ko rin noong una. Pero, mas pinag-isipan ko lalo, at ang ruta mula sa Lagorio family papuntang Skies family ay nagsasabing dumaan muna siya ng Pavilion of Divinity at Pavilion of Gods and Kings. Nakakapagtaka kung hindi siya pupunta sa mga ancient clan na mas malapit. Siguro dumaan pa siya ng Pavilion of Divinity at Pavilion of Gods and Kings. “May naisip rin akong mahalagang bagay kanina. Ang pavilion master at ang mga elder ng Pavilion of Divinity at ng Pavilion og Soaring Eagles ay nandoon sa kainan, at ang mga
Magbasa pa
PREV
1
...
146147148149150
...
251
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status