Pinahiya nang husto ni Joel Collins si Nash sa sandaling ito. Hindi lamang niya hindi binigyan ng dangal si Nash at binalewala ang nararamdaman ni Nash sa sandaling ito, gusto niya pang bigyan silang dalawa ni Lily ni Nash ng kanyang basbas para sa kanilang pag-iisang dibdib.Maraming mga reclusive family rin ang nakaramdam na sumosobra na si Joel. Nakakahiya na nang sobra na kailangang dumalo ni Nash sa kasal, ngunit sinadya pa nila itong pinahiya para makita ng lahat. Pagkatapos niyang pag-isipan ang sasabihin niya, ngumiti si Nash at sinabi, “Kung ganoon hinihiling ko na maging masaya kayong dalawa. Mabuhay kayo nang isandaang taon at masagana! Magkaroon sana kayo kaagad ng anak!” Kaagad naalala ni Lily ang kanyang anak nang mabanggit ni Nash ang pagkakaroon ng anak. Kumirot nang maraming beses ang sulok ng kanyang bibig, at sumama rin nang bahagya ang mukha niya dito.“Haha! Ninth Madam, narinig mo ba ‘yun? Hinihiling ni Master Woods na magkaanak tayo kaagad. Kung ganoon, sa
Nabigla si Fane sa sinabi ni Nash habang nakatingin ito sa sacred lady mula sa malayo. Naglabas ito ng isang misteryoso at sagradong aura habang nakatayo ito sa gitna ng madla. Nakasuot ito ng isang puting bestida at isang puting belo na nakatakip sa kalahati ng kanyang mukha. Ang puting bestida niya ang nagbigay sa mga tao ng dalisay na pakiramdam.Kahit na ang malinaw at malaki na mata, ang noo, at mahaba at madilim na buhok lamang niya ang nakikita, hindi mahirap sabihin na may taglay siyang kakaibang kagandahan.Sa kasamaang-palad, walang pwedeng makakita ng kanyang tunay na anyo na ganito kaganda, at hindi siya kailanman ikakasal sa buong buhay niya.“Haha… Matagal nang ganito ang patakaran ng Pavilion of Divinity,” tumawa si Nash habang nagpapaliwanag kay Fane. “Oo nga pala, may alamat na nagsasabing higit isang daang taon nang nandito ang Pavilion of Divinity, at sinasabi rin sa alamat na ito na ang nagtaguyod ng ancient clan na ito ay isang babae, isang babaeng may bukod-t
Pagkatapos ng okasyon, ang ilang mga pamilya ay nagpaalam kay Joel bago umalis. Sinama rin ni Nash si Fane at Kenneth nang magpaalam siya kay Joel bago magsimulang umuwi ang tatlo habang lumilipad. Sumimangot si Daniella nang makita niyang umaalis ang Woods family. Paglingon niya kay Alejandro na nakatayo sa tabi niya, nagsabi siya, “Pa, nag-aalala talaga ako. Baka mapanganib sila Fane pauwi. Gustong-gustong patayin ng mga Lagorio ang Woods family, at nararamdaman ko sa pagpapakasal ni Lily kay Joel Collins na may nangyayaring hindi natin alam.”Tumango rin si Alejandro. “Totoo ‘yan. Nagulat rin ako nang matanggap ko ang imbitasyon. Sinong mag-aakalang pakakasalan ni Lily si Joel ngayon na, at sa ganito kahalagang sandali pa! Posibleng gusto niya itong gamitin upang burahin ang Woods family!” Lumala ang pag-aalala ni Daniella nang marinig niya ang sinabi ni Alejandro.Ngumiti nang nanlulumo si Alejandro nang makita niya kung paanong sumimangot ang anak niya. “Kailangan mong mag
Doon lang sinabi ni Nash ang mga inaalala niya nang nanlulumo, “Paanong hindi ko maiintindihan ‘yan? Syempre umaasa rin akong makakalagpas si Fane nang dahan-dahan, pero paano kung may naunang nakarating ng ultimate god level? Ayos lang kung mula sa alyansa natin ang taong ‘yun, pero magiging impyerno kapag kalaban natin ‘yun. Magbabago ang mga bagay, hindi na ito magiging tulad ng sa ngayon!” “‘Wag kang mag-alala, Pa. Noon pa man maayos na ang realm ko, at medyo matibay ang pundasyon ko! Kaya, hindi masyadong magkakaroon ng epekto kung susubukan kong magpunta ng peak stage ng true god level nang mas maaga!” siniguro ni Fane pagkatapos niyang pag-isipan ang sitwasyon. “Hindi ko pa kailangang magmadali dahil hindi pa naman tayo pupunta ng Seven Dangers. Tingin ko mas mabuti kung hahayaan ko munang manatiling ganito ang fighting prowess ko bago ko subukang lumagpas kaagad, kung may pagkakataon sa susunod. Susubukan kong mag-cultivate at maging isang second-grade intermediate alchemist.
Nang isipin ito lalo, nagsalita ang nakasimangot na si Kenneth, “Young Master Fane, kahit na ganoon nga ang nangyari, mahihinuha lang natin na nagpunta si Lily ng Skies Pavilion nang umaasang kokontrahin siya nito. Sigurado akong ang pangunahing layunin niya ay makakuha sa kanila, pero nagkataong nahulog sa kanya ang pavilion master.” Huminto saglit si Kenneth bago magpatuloy, “Kahit na, hindi naman ibig-sabihin nito na nagpunta siya ng ibang ancient clan, diba?”“Naisip ko rin noong una. Pero, mas pinag-isipan ko lalo, at ang ruta mula sa Lagorio family papuntang Skies family ay nagsasabing dumaan muna siya ng Pavilion of Divinity at Pavilion of Gods and Kings. Nakakapagtaka kung hindi siya pupunta sa mga ancient clan na mas malapit. Siguro dumaan pa siya ng Pavilion of Divinity at Pavilion of Gods and Kings. “May naisip rin akong mahalagang bagay kanina. Ang pavilion master at ang mga elder ng Pavilion of Divinity at ng Pavilion og Soaring Eagles ay nandoon sa kainan, at ang mga
Si Fane, na tahimik sa simula pa lang, ay sumingit na din, “Ang mga may kakayahan na lumaban na mas mababa sa semi-god level ay hindi kailangan na sundan tayo ngayon. Bukod dito, kailangan natin magtalaga ng ilang semi-god level at true-god level sa bahay para maagapan ang anumang aksidente na mangyari.” Mabilis na lumipas ang oras. Sina Fane at ang iba pa ay masyadong maingat, kaya dumaan ang kanilang araw ng walang anumang aksidente. Pagsapit ng alas nuwebe ng umaga, hindi na sila malayo mula sa Woods family. Habang palagay, tumawa si Kenneth. “Haha… Mukhang masyado lang tayong napapraning. Wala naman yatang balak ang mga taga Skies Pavilion na masama laban sa atin! Sa tingin ko ay naging masyadong abala ang pavilion master sa kanyang kasal kaya hindi niya ito napag-isipan masyado. Kung gusto niya tayong patayin, ginawa na niya dapat ito sa may delikadong lugar. Lalo na, iisipin ito ng iba na may nangyaring labanan para sa mahalagang kagamitan kapag kumilos sila dito ng lanta
Sila Nash at First Elder Kenneth ay tinatagan ang kanilang mga tingin ng sinuri nila ang anim nilang kalaban.Ang mga nagpadala sa mgatong ito ay sinadyang magdala ng anim na tao, dahil alam nila na tatlo lang silang naglalakbay ng magkasama. Ang plano nila ay magtalaga ng dalawang tao na lalaban sa bawat isa sa kanila para hindi sila makaligtas sa pag-atake. Nilabas ni Kenneth ang kanyang sandata sa pagpilantik ng kanyang kamay at sinabi ng may mabigat na kalooban, “Master, anong gagawin natin? Mukhang ang magagawa lang natin ay sumugod papunta sa isang direksyon. Kapag nagawa nating makalagpas sa kanila, magagawa ni Young Master Fane na itakas tayo ng mabilis gamit ng lumilipad niyang espada.” “Kailangan gamitin ni Fane ang lumilipad na espada na ito, ngunit kapag silang anim ay sabay na umatake, hindi magiging madali para sa atin na makatakas!” Bahagyang lumipad palabas si Nash sa isang iglap. Alam niya na ang combat power ni Fane ay hihina kpag hindi niya gamit ang kanyang ult
Natawa ng malakas ang matandang lalake. “Sung sino man ang makapatay sa batang ito ang makakakuha sa espada. Ano sa tingin mo?” Ngumiti ang hindi ganun katandang lalake sa hamon. “Sige ba,” sang-ayon niya, “Kung ganun ay halos na ang lahat!” Pagkatapos ay nilingon niya si Fane at inatake ito. “Ferocious Wind Strike!” Whoosh!Isang nakakatakot na pag-atake ang bumulusok papunta kay Fane na parang isang buhawi. “Ang mga kabataan nga naman ngayon ay hindi na talaga ginagalang ang mga prinsipyo ng martial arts!” Nagalit ang matandang lalake nang naunang umatake ang hindi ganun katanda na lalake; ang matandang lalake ay hindi pa nga handa. Kung ang atakeng ito ay napatay si Fane, lalo na kung mahina ito, ang espada ni Fane ay mapupunta sa hindi ganun katanda na lalake at hindi sa kanya! Dahil sa galit, kaagad niyang inayos ang daloy ng kanyang Chi at handa na siyang gamitin ang kanyang martial skill. “Burning Chop!” Si Fane, na kanina pa handa, ay hinampas ang kanyang espada ng
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin